bc

UNDERBOSS SERIES RIBAL EL DIENTE: FIXING HIS AFFLICTED HEART

book_age16+
66
FOLLOW
1K
READ
HE
friends to lovers
boss
gangster
bxg
bold
office/work place
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Napapagod din ang puso Ribal, mahal kita pero pagod na akong magmahal nang ako lang. Falling for you is my worst decision." - Yshara Marie Buena

Once a heart is broken and closed for love, it will hard to open again. But for Yshara, kahit masakit mahalin ang isang Ribal El Diente ay patuloy si Yshara na nagtitiyaga upang makapasok siya sa puso ni Ribal.

Ilang beses ng nanganib ang buhay niya, at kahit ilang beses din siyang hindi niligtas ni Ribal ay patuloy na tumitibok ang puso niya. Pero hanggang saan magtitiis si Yshara? Hanggang saan makakaya ng puso niya na mahalin si Ribal.

Hanggang kailan ilalaban ni Yshara ang pagmamahal niya kay Ribal na nanlamig ang puso dahil din sa pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Paging Doctor Buena, paging doctor Buena, you are needed to the ICU. Please response immediately. AGAD ISINUOT ni Yshara ang kaniyang coat habang may subo-subo na lollipop, at lumabas na sa clinic niya habang nag-iipit. Si Yshara ang isa sa General Surgeon ng Han International Hospital, masipag at magaling na doktor. Ilan sa mga kapwa niya doktor sa HIH ay naiinis sa kaniya lalo pa at malapit siya sa Director nila. Yshara doesn't care about her co-workers who hates her, ang mahalaga kay Yshara ay makapagtrabaho siya at matulungan niya ang mga pasyenteng kailangan ng treatment. Nang makarating si Yshara sa tapat ng ICU ay siyang pagbukas ng pintuan kung saan nakasalubong ni Yshara ang isang nurse galing sa loob ng ICU. "Oh? Doc Yshara...." "Anong nangyari sa pasyente?"tanong ni Yshara sa nurse. "May Inflamed appendix ang pasyente. Pero doc. kung papasok na kayo sa loob..." ani ng nurse na tinuro ang lollipop na subo-subi ni Yshara. "Oh? Nakalimutan ko." ani ni Yshara na kinuha ang lollipop na subo niya at binigay sa nurse bago pumasok sa loob. Naglinis muna siya ng kamay, at nagsuot ng kaniyang PPE bago pumasok sa loob ng ICU. "Anong lagay ng pasyente?" agad natanong ni Yshara habang nagsusuot siya ng gloves papalapit sa aiding nurse na katulong niya sa operasyon. "Kailangan niya na ng appendectomy surgery doc." sagot ng nurse na ikinatango ni Yshara. "Then prepare for her surgery." Masaya si Yshara sa propesyon na kaniyang pinili, being a doctor is one of Yshara's dream. Hindi siya galing sa mayamang pamilya, pero nagawa ng mga magulang niya na maipagtapos siya ng kaniyang pag-aaral. At ang mabalik lahat sa kaniyang mga magulang ang sakripisyo na ginawa ng mga ito para sa kaniya, ang kaniyang inuuna. Matapos ang Isa at kalahating oras na operasyon ni Yshara, ay matagumpay niyang nailigtas ang buhay ng kaniyang pasyente. Simula ng magtrabaho si Yshara sa HIH ay wala pa siyang failed operation, isa pa sa dahilan bakit nayayabangan sa kaniya ang mga katrabaho niya. "Iiwan ko na sa inyo ang stitching." bilin ni Yshara bago siya naglakad palabas ng ICU. "Kailangan ko ng mainit na kape after ko makatapos ng isang surge----" hindi natapos ni Yshara ang sasabihin niya ng dumaan sa kaniya ang mga nurse at doctor na mabilis na tinatakbo ang stretcher papunta sa ikalawang ICU, kung saan nakasunod ang mga umiiyak na magulang ng pasyente. "Aurora lumaban ka!" iyak ng ina habang inaalalayan ito ng asawa niti. "Ano ka yang nangyari sa pasyente na 'yun?" tanong ni Yshara habang nakatanaw siya sa mga ito, hanggang maipasok na sa ICU ang pasyente. Nagkibit balikat nalang si Yshara since hindi niya hawak ang operation na 'yun. Naglakad na si Yshara pabalik sa clinic niya upang mag-ayos, nang may makabangga siya dahilan upang paupo siyang bumagsak sa sahig. Pero imbis na tulungan siya ng nakabunggo sa kaniya ay dali-dali itong tumakbo na parang walang nagawa. "Wala man lang bang sorry!" angil na reklamo ni Yshara na sinundan ang tingin ang lalaking nakabungguan niya na hindi man lang siya tinulungan. "Wala ba siyang mata? Ang sakit ng pagkakabungo niya sa akin tapos hindi man lang ako tinulungan." reklamo pa ni Yshara ng makarinig siya ng tumatawa di kalayuan, sa paglingon niya ay ang kanilang Director na nakasandal sa may pader ay pinagtatawanan siya na bahagya niyang ikinasimangot. Hindi itinuturing ni Yshara ang Director nila na matured na lalaki, dahil para sa kaniya isip bata ito at malayo sa pagiging matured. "Kung ang tinatawa mo kaya diyan ay tinutulungan mo akong tumayo." sermon ni Yshara na ikinalakad nito palapit sa kaniya. "Hindi ba ang tunay na kaibigan, tatawanan muna ang nangyari bago tumulong. Sobrang pagod ka na ba at diyan mo napiling umupo ha?" pang-aasar nito bago hawakan si Yshara at itayo ito. "May isang gagong lalaki kasi na bumunggo sa akin, hindi man lang ako tinulungang tumayo."pagrereklamo ni Yshara na ikinabuntong hininga ng kanilang direktor. "Pagpasensyahan mo na ang isang 'yun, nawala na sa sarili dahil fianceé niya ang sinugod dito." "Pero hindi 'yun reason para mambungg---wait Director Han, kilala mo 'yung lalaking 'yun?" ani na tanong ni Yshara na ikinatango nito. "Let say na kakilala ko nga ang isang 'yun, puwedeng kaibigan pero hindi katulad ng kina Amadues. Ako na ang humihingi ng despensa kay El Diente, akala ko seryoso lang ang isang 'yun pero nagmamahal pala. Gusto mo magkape?" ani nito na walang nagawa si Yshara kundi ang magpambuntong hininga nalang. Tinapik ng director nila ang balikat niya at niyaya na sa canteen na ikinahampas niya sa balikat nito. "Pabalikin mo muna ako sa clinic ko bago mo ako ilibre ng kape!" "Wait? I didn't say that I will treat yo---" "Yes you will, kaibigan mo ang nakabunggo sa akin so ikaw ang magcompensate. May bagong deliver na pastries sa canteen, pipili ako ng mahal."putol ni Yshara na naglakad at ngiting ikinasunod ng director nila. "Pineperahan mo na ako ngayon, Ysha." "Well, pera is everything." ani ni Yshara na natatawang ikinasunod ng direktor nila sa kaniya. "Aurora?!" Napahinto si Yshara sa malakas na sigaw na pumuno sa pasilyo at ikinalingon niya pero pinigilan siya ng director nila at hinila na siya palayo. HINAGPIS AT SAKIT ang napupunong iyak sa loob ng ICU matapos ideclared ng doctor ang time of death ng nag iisang anak ng mag-asawang negosyante. Yakap-yakap nila ang katawan ng kanilang anak na namatay dahil sa car accident na kinasangkutan nito. "Aurora...." sambit na tawag ni Ribal sa pangalan ng kaniyang minamahal na wala ng buhay. Agad na tumayo at lumapit kay Ribal ang ama ng nobya niya at galit na galit na kinuwelyuhan si Ribal. "It's your fault! Ikaw ang dahilan bakit namatay ang anak namin, kung sumipot ka lang sa usapan niyo hindi mangyayari ang pangbaboy at pagpatay sa kaniya! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko pero wala na siya ng dahil sayo! Pinatay mo ang anak ko!" galit na iyak ng ama ng kaniyang nobya na walang imik lang na tinanggap ni Ribal ang paninisi nito sa kaniya. "Kung inuna mo lang ang anak ko, kung pinuntahan mo lang siya agad hindi siya aalis ng bahay para puntahan ka! Hindi sana siya naaksidente, kasama pa sana namin ang anak ko! Umalis ka dito!" "Let me see my Auro---" "No! Stay away from our princess, you killed our daughter! Paano mo naiisip na lapitan ang anak namin matapos ng nangyari sa kaniya na ikaw ang dahilan! Mas mahalaga ba ang ginagawa mo kaysa sa aming anak?! Kaya wala kang karapatan na lapitan o makita pa kahit bangkay ng aming anak?!" iyak na sigaw ng ina ni Aurora bago hinila ng asawa nito si Ribal palabas ng ICU. Nagulat ang mga taong napapadaan sa ICU ng malakas na sigaw ang pumuno sa hallway, at malakas na sinuntok ni Ribal ang pader na ikinadugo ng kamao niya. "Aurora?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
115.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
317.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
49.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook