SA HALLWAY ng Han International Hospital ay napapatingin ang mga babaeng nurses sa limang guwapong mga lalaki na modelo ang datingan. Kakatapos lang ng mga ito sa ibinigay na task ng isa sa founder ng underground society na si Cinco, nang mabalitaan nila mula sa kapatid ni Ribal ang nangyari dito.
Hindi nila ito nakasama sa mission nila dahil hinahayaan nila itong magluksa, yet, hindi nila inasahan na magpapasaksak ito basta-basta dahilan upang mapatambay pa ito sa ospital.
"Get's kong bumabaw ang IQ ni El Diente noong nahulog siya kay Aurora, pero hindi ko expected na bababa ang tanga niyang IQ para magpasaksak lang sa tagiliran just because he was mourning." naasar na angil ni Audimus na hinayaan na nga nilang umalis kahapon sa bound nila si Ribal, yet ito ang malalaman nila.
"Dapat hindi natin inalis pagkakatali niya sa bound, hindi pa man bumabalik si emp sa bound natin baka madatnan niyang wala na siyang Prince." ani naman ni Devin.
"Kung gusto pala niyang magpasaksak, sana sinabi nalang niya sa atin para ako pa ang gumawa. That asshole." angil pa ni Audimus habang tahimik lang na nakasunod ang tatlong nonchalant na sina Exxon, Leroi, at Mount.
Nang makarating sila sa kuwarto kung nasaan si Ribal ay nadatnan pa nila ang kapatid nito na nakasandal lang sa pader sa tapat ng kuwarto ni Ribal.
"Oi Kudos, anong ginagawa mo dito sa labas?" punang tanong ni Devin kay Kudos Liam El Diente na napalingon sa kanila.
"Mom and Dad are giving an earful to my stupid brother, lumabas ako dahil baka dagdagan ko pa ang sermon na binibigay ng mga magulang namin." plain na sagot nito.
"Kung ganun hindi rin pala muna kami puwedeng pumasok sa loob." ani ni Devin.
"Do you know how your stupid brother got stabbed?" tanong ni Leroi kay Kudos.
"Ang kuwento ng isang staff ng bar na pinuntahan ni Kuya, he's very drunk nang mapaaway siya sa mga grupo meron sa bar. He beated all of them though may isang nakakuha ng bote na basag at isinaksak iyon kay Kuya. Good thing, naisugod agad siya dito sa ospital."
"Ano?! Ganitong oras nagpakalasing si El Diente?" hindi makapaniwalanb bulaslas ni Audimus.
"Nawala na yata sa katinuan ang kapatid mo nang mamatay si Aurora." naiiling na kumento ni Devin.
"He's not that inlove with Ate Aurora, he just think that he was smitten since si Ate Aurora ang batang babaeng nagligtas sa kaniya noon sa sunog sa orphanage na pinuntahan namin noon. I am f*****g sure na utang na loob lang ang nararamdaman ni Kuya, and he taught it was love." pahayag ni Kudos habang nakatingin sa kaniya sina Audimus.
"Paano mo nasabi ang ganiyang bagay sa Kuya mo? You are saying that he ask Aurora in marriage just because of 'utang na loob' na inisip ni Ribal na pagmamahal?" kunot noong ani ni Devin.
"That's what i observed, well opinyon ko lang naman 'yun. But who knows, baka minahal nga ni Kuya si Ate Aurora."
"Ikaw na bata ka, kung saan umaabot ang obserbasyon mo." sita ni Devin kay Kudos nang mapalingon sila kay Yshara na bagong dating lang at may pagtataka sa mukha nito dahil sa kanilang nakatambay sa tapat ng kuwarto ni Ribal.
"Hindi kami nangugulo dito sa hallway doc. Actually bisita kami ng tangang pasyente sa kuwarto na 'to." ani ni Audimus na tinuro pa ang kuwarto ni Ribal.
"Ba-Bakit kayo nasa labas?"
"Tumatanggap kasi ng sermon ang kaibigan namin mula sa kaniyang mga magulang, so yeah." sagot ni Audimus na ikinalingon ni Yshara sa saradong kuwarto.
"K-kung ganun mamaya nalang din ako papasok sa loob."
"You're the doctor, you have the rights to enter. Just go inside since you'll talk about the the condition of that stupid patient in that room." ani ni Exxon kay Yshara.
"Pakisabi sa pasyente na muntik na siyang maging kuwento dahil sa katangahan niya." ani ni Devin.
"And tell him how messed up he is for drowning himself in beer." seryosong bilin na saad ni Leroi.
"Tell him he is bobo." ani naman ni Mount na bahagyang ikinaingos ni Kudos.
"Grabe ang words of encouragement niyo sa Kuya ko, well he deserves those words naman. Pakidagdag nalang doc, tell him na hindi pa katapusan ng mundo dahil lang namatay ang babaeng mahal niya. Huwag siyang maging tanga just because her woman died." pahabol na bilin ni Kudos na hindi malaman ni Yshara kung papaniwalaan niya ang sinasabi ng mga ito.
"Sige na doc. have your way." ngiting ani ni Devin na bahagyang ngiwing ngiting yumuko nalang si Yshara sa mga ito bago siya kumatok sa pintuan at pumasok na sa loob.
Pansin ni Yshara sa mga bisita ng pasyente niya ang pag-aalala ng mga ito, yet hindi niya expected ang mga habilin ng mga ito para lang ipasabi sa pasyente niya.
Nakatingin na sa kaniya ang dalawang middle age na babae at lalaki kung saan tingin ni Yshara ay mga magulang ito ng kaniyang pasyente. Nang ibaling niya ang tingin niya kay Ribal, wala emosyon itong nakatingin sa kaniya na binalewala nalang niya.
"Goo afternoon po, i'm Doctor Yshara Buena from trauma department. I was the one who operate your son, po." ngiting pagpapakilala ni Yshara sa mga magulang ni Ribal.
"Hello Doc. I'm Absalom El Diente, and this is my lovely wife Lilith. Are you here to discuss the condition of my stupid son?" ngiting ani ng ama ni Ribal.
"I'm f*****g fine dad, it's just a stabbed wou--"
"---huwag ka munang magsalita, Ribal. Let the doctor speak dahil siya ang nakakaalam." sitang putol ng ina ni Ribal na ikinaingos lang nito.
"Hindi naman siguro malala ang natamong sugat ng anak ko, right doc?" tanong ng ina ni Ribal na ikinangiti ni Yshara.
"Don't worry ma'am, your son's stabbed wound are not that serious. Good thing kahit malalim ang nakuha niyang sugat ay walang natamaan na vital parts sa katawan niya. He's in good condition naman po, but because he have serious wound, he still needs to stay here sa hospital for further checkings po." pahayag ni Yshara.
"I'm fine. I won't stay in this hospital just for a simple stabb--"
"--hindi siya simple stabbed wound, Mr. Yes, walang natamaan na vital parts but we still need to monitor you. Mayaman ka naman so for sure may pambayad ka sa bill ng expensive hospital na 'to." putol na ani ni Yshara kay Ribal kung saan napatitig sa kaniya ang mga magulang ni Ribal.
"You cannot tell me what i need to do, i'll leave this hospital right no--"
"--sinabi ng hindi puwede. You lost too much blood kanina, and we still need to transfer blood in your body. Katulad ng sinabi ng kaibigan mo na nasa labas, muntik ka ng maging kuwento at kung trip mo talagang maging kuwento nalang, i will prepare your discharge paper this instant." muling putol ni Yshara na seryosong tingin ang binigay ni Ribal sa kaniya.
"Stop cutting me off when i'm still talking."
"Well i'm the doctor who operated you, so i have the right to say what i want to say." pahayag ni Yshara na ikinalapit ng ina ni Ribal sa kaniyang anak.
"Makinig ka nalang sa kaniya, Ribal. Alam kong gusto mong makita ang labi ni Aurora, pero isipin mo din ang sarili mo. Sa tingin mo ba matutuwa si Aurora sa ginagawa mo sa sarili mo?" ani ng ina ni Ribal na ikinawalan ng imik ni Ribal.
"Do what the doctor said, Ribal." seryosong ani naman ng ama ni Ribal na ikinabuntong hininga nito.
"Thank you doc for giving another earful words for my son. Matigas ang ulo ng anak ko na 'yan, and kahit si Aurora noong nabubuhay pa ay sumusuko sa katigasan ng ulo niya."
"Well, hindi niyo naman po kailangang magpasalamat. As a doctor kailangan naming maging strikto sa aming pasyente, sanay na naman po akong maghandle ng mga may attitude na pasyente." ngiting ani ni Yshara na ikinalingon niya kay Ribal na umingos lang sa kaniya.
"Sige po, i'll be back nalang po for the round monitoring." ani ni Yshara na yumuko sa mga magulang ni Yshara bago naglakad na patungong pintuan, kung saan pagbukas niya ay bahagya siyang nagulat sa mga kaibigan ni Ribal na nakikinig sa kanila.
"Hello tito, hello tita, we're here po to see your stupid son po " ngiting ani ni Devin na ikinapasok na nito sa loob ng kuwarto, kasundo sina Audimus.
"Doc." sambit na tawag ni Kudos na ikinalingon ni Yshara sa kaniya.
"Yes?"
"Thank you for saving my brother."
"It's my job as a doctor, no need to thank me." ngiting ani ni Yshara bago pumasok sa loob si Kudos.
Isinara na ni Yshara ang pintuan at nakakailang hakbang hakbang palang siya paalis ay binalik niya ang tingin niya sa may kuwarto ni Ribal.
"Grabe namang magmahal ang lalaking 'yun, balak ba niyang sundan sa kabilang buhay ang fianceé niya?" kumentong ani ni Yshara kung saan napailing nalang siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng coat niya at tinawagan na ang kaniyang ina upang humingi ng tawad dito at mag explain sa mga nangyari.