Chapter 08

1691 Words
PABALIK-PABALIK sa paglalakad si Yshara at hindi mapakali sa kaniyang opisina sa isipin na baka sunduin nga siya ni Ribal tulad ng sinabi ng ina nito sa kaniya kanina lang. Wala siyang idea kung bakit personal siyang pinuntahan ng ina ni Ribal upang imbitahan na kumain ng dinner kasama ang mga ito. "I can't really see a reason to eat dinner with them, i just did my responsibilty as a doctor." pagkausap ni Yshara sa kaniyang sarili. "Should i tell him once dumating ang masungit na lalaking 'yun na hindi ako sasama for dinner? Pero baka inaasahan ako ng mother niya? Bakit parang namomroblema pa ako." ani ni Yshara ng mapalingon siya sa phone niya na nasa mesa, nang makita niyanv tumatawag doon si Lyndon. Kinuha ni Yshara ang phone niya at sinagot ang tawag ng kababata niya. "Alam mo ba kung anong oras na dito sa pinas?" bungad na sagot ni Yshara. "6pm at dito sa Paris break time ko so i have this chance to call my mon amour. Miss mo na ako diba?" "Ilang araw palang ang lumipas after mo kong bulabugin sa condo ko, tapos tatanungin mo ko kung miss kita? Bakit hindi mo nalang galingan ang career mo diyan para naman next time hindi na beer at ice cream ang maipapasalubong mo sa akin." ani ni Yshara na bahagyang ikinatawa ni Lyndon sa kabilang linya. "Don't worry, next time may dadalhin ako for you. So how's your day? Tapos na ba ang duty mo?" "Kakatapos lang ng duty ko, but in case may emergency na mangyari at kailangan ako kahit end of duty na ako still, i need to save lives." sagot ni Yshara ng maisipan niyang magtanong kay Lyndon about sa personal invitation na natanggap niya kanina "Lyndon i need your thoughts about this. I have this patient na may attitude, and somehow i succed ti make him stay sa hospital. Then, his mother came to me and invite me to have dinner with them, should i go ba?" "Why would you go? Besides, bakit kailangan kang i-invite sa dinner?" ani na tanong ni Lyndon. "Iniisip ko din 'yan, i mean, ginawa ko lang naman ang job ko as doctor so hindi naman necessary na imbitahan nila ako for dinner. Is it okay kaya na tanggihan ko?" "If your not comfortable then decline the invitation, hindi masamang tumanggi, Marie." pahayag ni Lyndon na ikinatango ni Yshara. "You're right, hindi naman siguro mamasamain ni Mrs. El Diente kung hindi ako makikipag dinner sa kanila." "It is not your obligation to eat dinner with them." "You have a point naman, besides napakasungit ng anak ni Mrs. El Diente. Nasungitan niya na ako at napagtaasan pa ng boses. He's so rud---" na-hang ang sasabihin ni Yshara nang paglingon niya sa may pintuan ay tumambad sa harapan niya si Ribal na plain siyang tinititigan. "Marie? What happened? Bakit biglang naputol ang sasabihin mo?" "I'll call you later, okay." ani ni Yshara na nagsasalita pa si Lyndon ng pagpatayan niya na ito ng tawag. "Ka-kanina ka pa ba diy--" "--yeah. Enough to hear you telling things about me." putol ni Ribal sa kaniya. "Hi-hindi kita sinisiraan okay, nagsasabi lang naman ako ng toto--teka? Hanggang saan ang narinig mo?" "I don't know why my mom ask you in a dinner, but you can decline that offer." seryosong ani ni Ribal kay Yshara. "S-So puwede akong tumanggi?" "It's up to you." "Then pakisabi nalang ng mother m--" "--though mom will feel dissapointment, but it's fine. She'll get over it." putol ni Ribal na bahagyang napasimangot si Yshara. Puwedeng tumanggi pero kukunsensyahin pa talaga ako. saad ni Yshara sa kaniyang isipan bago siya nagpambuntong hininga. "I'll go but after dinner babalik na ako dito sa ospital, my duty was done but in case may emergency i need to go back here." "Then let's go." ani ni Ribal na ikinaalis na nito. Nagpambuntong hininga si Yshara bago niya kinuha ang bag niya at lumabas na ng opisina niya. Nauunang naglalakad si Ribal sa kaniyang unahan. Nakapamulsa ito at ayaw man purihin ni Yshara si Ribal, hindi maitatanggi na malakas ang dating nito kahit nakatalikod lang. "Siguro noong nagsabog ng kaguwapuhan at charm ang Lord hindi natulog ang isang 'to." mahinang ani ni Yshara. Pagkalabas nina Yshara sa building ng HIH ay nilingon siya ni Ribal. "Just follow me." "Follow you?" "Yeah. If you have a car, just follow me." plain na ani ni Ribal. "Hindi ako sasakay sa kotse mo?" "No. The only woman i let to ride my car is my Aurora, so ride your own car and follow me." seryosong ani ni Ribal bago niya talikuran si Yshara na napasimangot. "Eh wala na nga ang Aurora mo, isaksak mo sa baga no ang kotse mo." inis na ani ni Yshara bago tinungo ang parking lot kung nasaan ang car niya. Hindi pa man siya nakakalapit sa kotse niya nang matigilan si Yshara sa dalawang lalaking biglang sumulpot sa harapan niya. "Hello doc." ngiting bati ng isa sa dalawa na ikinakunot ng noo ni Yshara. "Sino kayo?" "Doc kami 'yung minsan niyo ng ginamot, actually matagal na kaming kumukuha ng tiyempo upang makausap ka ng personal at makapagpasalamat. Kung free ka invite ka namin sa di--" "--that's a lie." putol ni Yshara sa lalaki. "Huh?" "Ang sabi ko nagsisinungaling kayo, i'm hundred for sure na hindi ko kayo naging pasyente. Paano ko nasabi? Unang-una, hindi ko kayo matandaan. Palatandain ako lalo na sa mga nagiging pasyente ko, pangalawa, i'm sure na hindi niyo afford ang bayarin sa ospital na 'to. So puwede bang tumabi kayo sa dadaanab ko." pahayag ni Yshara sa dalawa na akmang lalagpasan niya ang mga ito nang hawakan siya ng isa sa dalawa. "Bitawan mo nga ako!" "Sumama ka sa amin, at kung magmamatigas ka baka lagyan ka namin ng gripo sa tagiliran mo doc. Hindi ba at malapit ka kay Tadeus Han?" ani ng lalaki na ikinakunot ng noo ni Yshara. "So what kung kilala ko ang pangalan na binanggit niyo, anong kinalaman ko---" "--sumama ka sa amin. Pupuntahan ka ni Tadeus Han once malaman niya na hawak ka namin." "At bakit ako sasama sa inyo? Kung may utang si Director Han sa inyo which is for sure malabo dahil mayaman ang isang 'yun, bakit kailangan kong sumama sa inyo? Bitawan mo nga ako!" angil ni Yshara na sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak ng lalaki sa braso niya. "Sumama ka nalang sa am--" hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya nang sabay silang matigilan ni Yshara nang may kamay na hunawak sa braso ng lalaki na sabay din nilang ikinalingon dito. Bahagyang nagulat si Yshara nang makitang si Ribal ito at agad nitong inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ni Yshara at itago ito sa likuran nito. "Si-Sino ka!?" "Ribal El Diente, this woman is with me. My mother is waiting for her so stop bothering her." malamig na ani ni Ribal habang nakatitig si Yshara sa kaniya. "Wala akong pakielam! Kailangan kong maisama ang babaeng 'yan para puntahan kami ni Tadeus Han!"sigaw ng lalaki kay Ribal. "Even you don't use this woman as a bait to Han, just message him and i know he'll come to see you." malamig na pahayag ni Ribal na sandali nitong ikinalingon kay Yshara. "What's your relation to Han?" "Ha? Teka kung anong iniisip mo, mali 'yan! Me and Director Ha--ahhh!" impit na tili ni Yshara nang pabagsak siyang napaupo sa semento dahil sa biglaang pagtabig ng lalaki kay Ribal, dahilan upang masagi siya ni Ribal na ikinawalan niya ng balanse. "Huwag mo kaming pakiala--ughhh!" daing ng lalaki ng pahiga itong bumagsak sa semento nang makatanggap ito ng malakas na sipa mula kay Ribal. Dumadaing ito habang hawak-hawak ang sikmurang nasipa ni Ribal. Agad namang sumugod ang kasama ng lalaki kay Ribal, dinambahan siya nito ng suntok pero agad naiwasan ni Ribal. Hinawakan ni Ribal ang buhok nito bago malakas na tinuhod ang sikmura, bago sinuntok ng malakas sa mukha nito kaya dumugo ang gilid ng labi ng lalaki. Nagulat si Yshara sa rambulan na nangyayari, gusto niya sanang umawat pero hindi niya magawang makapagsalita habang nakikita niya kung paano bugbugin ni Ribal ang dalawang lalaki. Parehas nang nakahandusay ang dalawang lalaki sa semento, parehas may pasa at duguan ang labi, habang hawak-hawak ang parte ng katawan nilang pinuruhan ni Ribal. "If you're desperate to face Han, then you'll just facing your own grave." walang emosyon na ani ni Ribal na nilingon si Yshara na nakaupo parin sa semento. Naglakad si Ribal papalapit kay Yshara na hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Why are you still sitting there? Can't you stand up?" "Ka-kaya ko ofcourse, sandali lan--" hindi natapos ni Yshara ang sasabihin niya ng ilahad ni Ribal ang kamay nito sa kaniya. "Grab my hand. I'm helping you to stand up, so take it and be grateful, woman."ani ni Ribal na napaismid si Yshara bago tumayo ito ng sarili niya at hindi tinanggap ang alok ni Ribal. "Kaya kong tumayo mag-isa, and don't call me woman. Ipinanganak ako ng nanay ko at binigyan ng pangalan, so stop calling me woman." angil na reklamo ni Yshara. "Not grateful i see. Grab your car and follow me." plain na ani ni Ribal nang may mapansin ito kay Yshara kaya naglakad ito palapit sa harapan nito. "Bakit kailangan mo pang lapit--" hindi muling natapos ni Yshara ang sasabihin niya ng idampi ni Ribal ang hinlalaki nito sa pisngi niya. "There's dirt in your face, your a doctor. You should be clean all the time since you might pass bacteria on your patients." plain na ani ni Ribal bago nito iwan si Yshara na natuod sa kinatatayuan nito. Nagulat siya sa ginawa ni Ribal, napahawak pa siya sa dibdib niya dahil biglang kumabog ang dibdib niya. At sa hindi malamang dahilan ay ramdam ni Yshara ang pag-iinit ng mukha niya. "Wh-what the hell? Anong trip ng lalaking 'yun??" ani ni Yshara na nilingon si Ribal na kakasakay lang ng kotse nito at plain siyang tiningnan mula sa bintana nito. "There's no way my heart would skip a beat because of him. No way in hell!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD