Bulong

1992 Words
CHAPTER 8 EZEKIEL POV Narinig ko muna ang malakas na tawa bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Napahinto ako sa hallway. Hindi normal ‘yon. Sa mansion na ’to, bihira ang tumawa lalo na si Mommy. Simula nang ma-paralyze siya dahil sa aksidente ilang taon na ang nakalipas, naging tahimik ang mundo niya. Madalas ay mahina ang boses, maingat ang bawat galaw, at limitado ang saya. Pero ngayon? Tawang-tawa siya. Yung tawang hindi pilit. Yung tawang parang bumalik ang dating lakas niya. Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya. At doon ko narinig ang boses ni Crystal. “Ma’am, promise po hindi ko po talaga sinasadya ’yon! Nadulas lang po ako! Tapos bigla po kayong. “Ay naku, Crystal!” putol ni Mommy, sabay hagikgik. “Kung nakita mo lang mukha mo no’n! Akala ko mahihimatay ka!” “Eh kasi naman po, Ma’am! Bigla po kayong napasigaw! Akala ko po may mali na akong nahilot!” Mas lumakas ang tawa ni Mommy. Napangiti ako. Hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa dingding, tahimik na nakikinig. Hindi ko alam kung ano mang katangahan ang ginagawa ng babaeng ’yon, pero malinaw may epekto siya kay Mommy. “At saan mo nga raw nakilala si Ezekiel?” tanong ni Mommy, may himig ng panunukso. Napangiti ako nang bahagya. Alam kong parating na ’to. “Ah.. ano po, Ma’am…” halatang nag-alinlangan si Crystal. “Sa ano po… sa work ko po dati.” “Massage therapist ka nga raw, sabi ng anak ko,” sabi ni Mommy. “Opo! Professional po!” mabilis na sagot ni Crystal. “Talaga?” may halakhak. “Eh bakit parang nanginginig ka?” “Ma’am naman po!” Hindi ko napigilang mapailing. Loko-loko talaga. Maya-maya, narinig ko ang paggalaw ng wheelchair. Palabas na si Crystal. Agad akong dumistansya sa pinto at tumayo nang tuwid sa hallway kunwaring kakalabas lang ng kwarto ko. Naka-shorts lang ako, walang pang-itaas. Hindi dahil gusto kong magpakitang-gilas kundi dahil iyon talaga ang suot ko. Pero alam kong may epekto ’yon. Bumukas ang pinto. Lumabas si Crystal, hawak ang maliit niyang bag, at isinara ang pinto sa likod niya. Paglingon niya natigilan siya. “Si-Sir Ezekiel…?” nauutal niyang sabi. “Kanina pa po kayo diyan?” Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Walang emosyon. Walang ngiti. Cold. “Kanina pa,” sagot ko, mababa at diretso ang boses. Kitang-kita ko kung paano lumaki ang mata niya. At kung paano unti-unting bumaba ang tingin niya. Hindi ko kailangan ng salamin para malaman kung saan siya nakatingin. Tahimik siya. Masyadong tahimik. Hanggang sa. “Shsss… s**t…” mahina niyang bulong. Kung hindi lang sanay ang tenga ko, baka hindi ko narinig. Pero narinig ko. At mas lalo pa. “Ang sarap kagatin ng” bigla siyang napahinto, sabay takip ng bibig. Napakunot ako ng noo. “Ano?” tanong ko, kunwaring walang narinig. “N-nothing po!” mabilis niyang sagot, sabay tuwid. “W-wala po ’yon!” Tumango ako, kunwari walang pakialam. “Good,” sagot ko. Tumahimik ulit. Akala ko tapos na. Naglakad na sana siya palagpas sa akin nang bigla siyang madulas. “W-whoa!” Mabilis kong inabot ang bewang niya. Isang iglap lang. Isang segundo lang. Pero sapat para maramdaman kong kumapit siya. At sapat para maramdaman kong dumampi ang kamay niya sa tiyan ko. Napahinto siya. Ako rin. Tahimik ang hallway. Ramdam ko ang biglang paninigas ng katawan niya. At naramdaman ko rin kung paano siya napalunok. Dahan-dahan siyang tumingala. At doon ko nakita Kinagat niya ang labi niya. Hindi sadya. Hindi pilit. Pero sapat para “s**t…” bulong niya ulit, halos hindi marinig. Napasinghap siya nang marealize niya ang ginagawa niya. “P—pasensya na po!” mabilis niyang sabi, pilit kumakawala. Pero hindi ko agad binitiwan. Hindi dahil gusto kong hawakan siya. Kundi dahil gusto kong makita kung gaano pa siya kakalat. “Careful,” malamig kong sabi. Napakagat siya lalo sa labi niya. “At baka kung saan ka pa mapahawak,” dagdag ko. Doon na siya tuluyang namula. “A-ay! Hindi ko po sinasadya! Nadulas lang po talaga ako!” sunod-sunod niyang sabi, sabay atras. Pero dahil sa nerbiyos nabangga niya ang maliit na table sa hallway. “T—teka lang po!” Muntik na naman siyang matumba. Muli ko siyang nasalo. Mas mahigpit ngayon. Mas malapit. At mas malinaw “Sir…” mahina niyang sabi. “Relax,” sagot ko. Cold pa rin ang boses ko. Pero sa loob tawang-tawa na ako kasi naririnig ko ang bulong niya. “s**t… focus, Crystal… focus…” bulong niya sa sarili. Hindi ko napigilang bahagyang yumuko. “May problema ka ba?” tanong ko. Mabilis siyang umiling. “W-wala po! Normal po ’to! Totally normal!” sabay tawa pilit. “H-humans fall all the time!” Napatingin ako sa kanya. “Talaga?” “Opo!” sagot niya agad. “Gravity po ’yan! Science!” Tumango ako. “Interesting,” sagot ko. Binitiwan ko na siya. Agad siyang umatras, halos tumama sa pader. “Mauna na po ako, Sir!” mabilis niyang sabi. “Baka po kailangan niyo nang mag magbihis!” Napatingin ako sa kanya. “May problema ka ba sa suot ko?” Napalunok siya. “W-wala po!” sagot niya agad. “Perfectly fine po! Very very… uh… breathable!” Napailing ako. Loko-loko. Naglakad na siya palayo. Akala ko tapos na nang marinig ko ang huling bulong niya. “Lord, bigyan niyo po ako ng lakas… at blindfold…” Tumigil ako. Napangiti. Bahagya. Hindi niya alam. Narinig ko lahat. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon magaan ang pakiramdam ko. Dahil sa isang babaeng walang preno ang bibig, sablay ang galaw, at kayang patawanin ang nanay kong matagal nang tahimik. “Crystal.” Tumigil siya sa paglalakad. Kita ko kung paano nanigas ang balikat niya, parang estudyanteng biglang tinawag ng terror prof. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, hawak pa rin ang maliit niyang bag ng massage tools na parang life support. “Y-yes po, Sir?” sagot niya, pilit na kalmado pero obvious ang kaba. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko minadali ang mga salita ko. Gusto kong maramdaman niya ang bigat ng bawat segundo. “Come to my room,” sabi ko, malamig ang tono. “Magpa-massage ako sa’yo.” Boom. Kung may sound effect ang hallway, siguradong record scratch. “A-ah?” sabay blink niya. “N-ngayon po?” Tumango ako. “Now.” Kitang-kita ko kung paano siya napalunok. Halos marinig ko ang pagtakbo ng utak niya. “Sir… uh… I-I mean, okay lang po sa’kin pero” napakamot siya sa batok, “sure po ba kayo? Kasi po baka sabihin ni Ma’am ” “I already told her,” putol ko. “She approved.” “Ha?” gulat niya. “Ang bilis naman po ng approval process ni Ma’am parang company niyo po.” Napakunot ako ng noo. “May reklamo ka?” “W-wala po!” mabilis niyang sagot, sabay tuwid. “Professional po ako. Very professional.” Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kwarto ko, sigurado na susunod siya. At tama nga. Naririnig ko ang mabilis niyang yabag sa likod ko. Pagpasok namin sa kwarto, agad kong isinara ang pinto. Hindi malakas. Hindi rin marahan. Sakto lang para maramdaman ang click ng lock. Napahinto siya sa gitna ng kwarto. “Sir…” mahinang sabi niya. “Bigla po akong kinabahan.” “Why?” tanong ko, diretso. “Hindi ko rin po alam,” sagot niya. “Baka po kasi… malamig yung aircon.” Hindi ko napigilang ngumiti ng bahagya pero agad ko ring tinago. Cold Ezekiel. Remember. “Set your things,” utos ko. “O-opo,” sagot niya, agad naglabas ng mga oil, towel, at kung anu-ano pa. Halatang sanay siya sa trabaho kahit sablay ang bibig, maayos ang kilos. Umupo ako sa gilid ng kama, nakatalikod sa kanya. At doon nagsimula ang problema. Tahimik ang kwarto. Masyadong tahimik. Nararamdaman ko ang init ng katawan ko na hindi tugma sa lamig ng aircon. Hindi ko kailangang tumingin para malaman kung bakit. Kanina pa kanina pa ako nagpipigil. Hindi dahil sa ginagawa niya ngayon. Kundi dahil sa kanina pa. Sa hallway. Sa pagdulas niya. Sa pagkapit niya. Sa bulong niya. Huminga ako nang malalim. “Sir,” sabi niya, medyo alanganin. “P-pwede na po ba kayong humiga?” Tumayo ako at dahan-dahang humiga sa kama, nakadapa. “Tell me if the pressure is okay,” sabi ko. “Opo,” sagot niya. Nararamdaman ko ang paglapit niya. Ang maingat na paglagay ng towel sa likod ko. Ang pag-init ng langis sa palad niya. At nang dumampi ang kamay niya sa balikat ko. Putangina. Pinikit ko ang mata ko hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa sobrang sensitibo ng pakiramdam ko. “Sir?” tanong niya agad. “Okay lang po ba? Bigla po kayong huminga nang malalim.” “Continue,” sagot ko, malamig pa rin ang boses. Sinunod niya. Maayos. Professional. Walang kung anong lampas. Pero katawan ko? Hindi nakikipag-cooperate. Ramdam ko ang pag-init. Ang tensyon. Ang pilit kong pagkontrol sa sarili. Sa loob-loob ko control, Ezekiel. Hindi ito board meeting. Tahimik siya habang nagma-massage, pero hindi ibig sabihin no’n ay wala siyang sinasabi kasi maya-maya. “Sir?” bulong niya. “What.” “Normal lang po ba na parang… mas mainit po kayo kaysa kanina?” Napapikit ako. “Body temperature,” sagot ko agad. “Normal.” “Ah,” sabi niya. “Kasi po akala ko” “Crystal.” “Opo!” “Focus.” “Ooopo, Sir. Focus.” Tatlong segundo ang lumipas. “Sir,” bulong ulit niya. Napabuntong-hininga ako. “What now.” “Yung muscle niyo po dito,” sabi niya habang tinuturo ang likod ko, “parang sobrang tense. As in parang-parang ikaw ang may dalang stress ng buong kumpanya.” Hindi ko napigilang mapangiti ng konti. “Occupational hazard.” “Totoo po ’yan,” sagot niya. “Kaya nga po kayo kailangan ng massage. Para po ma-relax.” Kung alam mo lang, Crystal. Kung alam mo lang kung ano ang hindi relaxed. Huminto siya saglit. “Sir,” sabi niya, mas mahina. “Okay lang po ba kayo?” “Why do you ask.” “Parang po kasi… ang tahimik niyo ngayon,” sagot niya. “Usually po kasi kahit tahimik ang clients, humihinga sila nang normal. Kayo po parang… nagme-meeting sa utak.” Napailing ako. “Just do your job,” sabi ko. “Opo,” sagot niya agad. “Sorry po.” Nagpatuloy siya. At doon ko naramdaman kung gaano kahirap magpigil. Hindi ako gumagalaw. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko hinahawakan ang kamay niya. Pero sa loob grabe ang laban. Sa wakas, huminto siya. “Sir,” sabi niya. “Tapos na po.” Dahan-dahan akong umupo. Tumayo siya agad, parang tinamaan ng kuryente. “Thank you,” sabi ko. Nagulat siya. “Ha? A-ah… welcome po.” Tumingin ako sa kanya. “Nervous ka ba?” Umiling siya agad. “Hindi po!” “Your hands are shaking.” Tumingin siya sa kamay niya totoo nga. “Ah… caffeine po,” sagot niya. “Mahilig po ako sa kape.” Tumango ako. “Get some rest,” sabi ko. “Tomorrow, we’ll start your real schedule.” “Tomorrow po?” tanong niya. “Yes.” Ngumiti siya. “O–okay po.” Paglabas niya ng kwarto, napaupo ulit ako sa kama. Tahimik. At doon ko lang pinakawalan ang hininga ko. Hindi ko alam kung gaano katagal pa ang kaya kong magpigil. Isang bagay lang ang sigurado delikado ang babaeng ’yon. Hindi dahil sa ginagawa niya. Kundi dahil sa kung ano ang nagagawa niya sa’kin kahit wala siyang ginagawa. At mas delikado pa mukhang hindi pa niya alam ’yon na tayong-tayo na ang p*********i ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD