CHAPTER 22 CRYSTAL POV Hindi ko talaga in-expect. As in zero expectations. Akala ko paggising ko, si Manang Ading lang ang makikita ko, may dalang lugaw at sermon. Pero hindi. Pagmulat ng mata ko, ang una kong nakita ang mukha ni Sir Ezekiel. Gusot ang buhok, may eyebags, at nakakunot ang noo na parang ilang araw nang hindi natutulog. Grabe. Kung may camera lang, pang-wallpaper ‘yon. “Good morning po,” mahina kong sabi, paos pa ang boses ko. Sinadya ko talagang pa-baby. Aminado ako. Medyo okay na pakiramdam ko, pero syempre… konting pabebe won’t hurt, ‘di ba? Bigla siyang napatingin sa’kin, halatang nagulat na gising na ‘ko. Mabilis niyang inilapat ang kamay niya sa noo ko. “Hindi ka na masyadong mainit,” sabi niya, may halong ginhawa sa boses. “Salamat sa Diyos.” Ay. Bakit parang

