CHAPTER 21 EZEKIEL POV Pagkababa ko ng hagdan, diretso agad ako sa kusina. Tahimik ang buong mansion ’yong klase ng katahimikan na parang may kulang. Karaniwan, may maririnig akong boses na walang preno, may kantang sintunado, o may biglang hirit na ikakagulat ng lahat. Pero ngayon? Wala. Napakunot ang noo ko habang nauupo sa mesa. Nakahain na ang almusal, maayos, mainit—pero wala si Crystal. “Manang Ading,” tawag ko, pilit casual ang tono kahit may kung anong kumikirot sa dibdib ko. “Nasaan si Crystal?” Huminto si Manang sa pag-aayos ng plato. “Ay, Sir… hindi po bumaba. Nilagnat po kasi kanina pang madaling-araw.” Parang may biglang humila pababa sa sikmura ko. “Nilagnat?” ulit ko, mas mababa ang boses. “Gaano kataas?” “Hindi ko pa po nasusukat kanina, Sir,” sagot niya. “Pero nan

