Deal

1357 Words
CHAPTER 3 THIRD PERSON POV Tahimik na nakahiga si Crystal sa kanyang maliit na kama, nakatitig sa kisame. Hindi pa rin niya matanggap ang lahat ng nangyari sa kanya sa spa. Ang sakit ng panghuhusga, ang kahihiyan, at ang pakiramdam ng kawalan ng kakampi ay bumibigat sa kanyang dibdib. Isinubsob niya ang mukha sa unan, pinipilit pigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Wala siyang balak sagutin ito, ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, agad siyang napabalikwas ng bangon. "Ate!" Nang marinig ang boses ng kanyang nakababatang kapatid na si Miguel, ramdam niya agad ang kaba sa tono nito. "Miguel? Anong nangyari?" Nagsimula nang manginig ang kanyang kamay habang mahigpit na hawak ang cellphone. "Si Mama, Ate…" Naputol ang salita nito sa pagitan ng paghikbi. "Inatake siya sa puso kanina. Isinugod namin siya sa ospital." Parang binagsakan si Crystal ng langit at lupa. "Ano?! Anong sabi ng doktor? Ayos lang ba siya?" "Naagapan siya, Ate, pero…" Ramdam niya ang pag-aalinlangan sa boses ng kapatid niya. "Kailangan natin ng malaking pera para sa operasyon niya. Kung hindi, baka… baka hindi na siya magising." Nalaglag ang cellphone mula sa kamay ni Crystal. Nanlabo ang kanyang paningin habang pilit niyang sinasalo ang bigat ng balita. Hindi, hindi pwedeng mangyari ‘to. Hindi niya pwedeng mawala si Mama. Agad niyang pinulot ang cellphone at isinandal ang noo sa tuhod. "Magkano? Magkano ang kailangan, Miguel?" "Malaki, Ate. Kulang-kulang 250,000. At kailangan natin agad… baka hindi na kayanin ni Mama kung maghintay pa tayo." Ramdam ni Crystal ang pagkaputol ng kanyang hininga. 250,000 pesos? Saan siya kukuha ng ganitong kalaking halaga sa loob ng isang araw? Wala siyang trabaho. Wala siyang ipon. Ni hindi niya alam kung paano siya babangon mula sa pagkakabagsak niya mula sa spa, tapos ngayon, eto pa… Huminga siya nang malalim at pinilit tibayan ang boses. "Huwag kang mag-alala, Miguel. Hahanap ako ng paraan. Hindi natin pababayaan si Mama." Pagkababa ng tawag, mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kanyang apartment. Isa lang ang nasa isip niya: Kailangan niyang makahanap ng pera. Una niyang nilapitan ang mga kamag-anak nila. Isa-isa niyang tinawagan ang kanyang mga tiyahin, tiyuhin, at kahit mga pinsan na alam niyang may kaya sa buhay. Pero imbes na tulong, panunumbat at pang-aalipusta ang natanggap niya. "Crystal? Ikaw na naman? Lagi ka na lang may problema! Hindi ako bangko, okay?" "Pasensya na, pero hindi ko pwedeng itaya ang pera ko sa pamilya niyo. Baka hindi niyo naman mabayaran!" "Alam mo, Crystal, kung hindi ka kasi patanga-tanga sa buhay mo, hindi ka siguro ganyan ngayon." Isa-isang pumatak ang mga luha ni Crystal habang pinapakinggan ang masasakit na salita ng mga taong dapat sana’y tutulungan siya. Sa halip na awa, tila mas ginusto nilang makita siyang naghihirap. Ang mga huling tawag niya ay nauwi sa mga katagang: "Sorry, wala akong maitutulong." "Pasensya ka na, Crystal, pero hindi kita matutulungan." "Wala akong pera para sa'yo." Tulala siyang nakaupo sa gilid ng daan, habang pinipigil ang panginginig ng kanyang katawan. Alam niyang hindi siya dapat sumuko, pero saan siya pupunta ngayon? Kanino siya lalapit? Hindi siya pwedeng bumalik ng ospital nang walang dalang pera. Naglakad siya sa kalsada, nagbabakasakaling may ibang pwedeng tumulong sa kanya. Nilapitan niya maging ang mga dati niyang kakilala mga dating kaibigan, dating katrabaho pero pare-parehong sagot ang nakuha niya. Wala silang maitutulong. Mabigat ang mga hakbang niya nang mapadpad siya sa isang lumang parke. Naupo siya sa isang bench, niyakap ang sarili, at doon niya tuluyang binitiwan ang kanyang mga luha. "Ano pa bang gagawin ko, Mama?" bulong niya sa hangin. "Ayoko kang mawala… pero wala akong magawa…" Nanginginig siyang napahawak sa kanyang dibdib. Napakabigat ng pakiramdam na wala siyang matakbuhan. Wala siyang kakampi. Tumingala siya sa madilim na langit, hinayaang tumulo ang luha niya sa kanyang pisngi. Wala siyang ibang hiling kundi ang mailigtas ang kanyang ina… pero paano? Paano kung wala na siyang ibang plano tumunog ang cellphone ni Crystal. Mabilis niyang dinukot ito mula sa kanyang bag at tiningnan ang Caller ID ang nakababata niyang kapatid. Napalunok siya bago sinagot ang tawag. "Ate, may pera ka na ba?" Nanginginig ang boses ng kapatid niya sa kabilang linya. "Kailangan na natin ng pambayad sa operation ni Mama... hindi na tayo pwedeng maghintay pa!" Muling nakaramdam ng matinding bigat sa kanyang dibdib si Crystal. Pinipigil niya ang sariling mapahikbi habang pilit na nagpapakatatag. "Wala pa... pero gagawa ako ng paraan." Naputol ang tawag. Napabuntong-hininga si Crystal at ipapasok na sana ang cellphone sa bag nang may mahulog na calling card. Napatingin siya rito ang calling card ni Ezekiel Falkner. Napakurap siya, at biglang bumalik sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila ni Ezekiel. Ang bawat haplos, ang init ng kanyang katawan, ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Napamura siya sa sarili. "Tangina naman, Crystal!" mahina niyang bulong habang mahigpit na hinawakan ang calling card. Nagdadalawang-isip siya. Tatawagan ba niya ito? Hihingi ba siya ng tulong mula sa isang lalaking tulad ni Ezekiel? Alam niyang may kapalit ito. Alam niyang hindi siya basta-basta tutulungan ng isang kagaya ni Ezekiel Falkner nang walang hinihinging kapalit. Pero wala na siyang ibang pagpipilian. Dahan-dahan niyang pinindot ang numero sa calling card. Sa bawat ring ng cellphone, parang lalo siyang kinakabahan. Hanggang sa sa wakas, may sumagot. "This is Ezekiel Falkner," malamig at mababa ang boses sa kabilang linya. Napasinghap si Crystal bago naglakas-loob na magsalita. "Sir Ezekiel... si Crystal ‘to." May ilang segundong katahimikan bago ito sumagot. "I was expecting you’d call, Crystal. What do you need?" Napalunok siya hindi niya alam kung paano sisimulan. "Kailangan ko ng pera," diretsong sabi niya, nanginginig ang boses. "Please... ililigtas mo ba ang mama ko?" Isang mabagal at mapanuksong tawa ang narinig niya mula kay Ezekiel. "And what will I get in return, hmm? Alam mong hindi ako charity, Crystal." Napapikit siya, pinipigilan ang luhang gustong pumatak. Alam niya na ito na ang hinihintay nitong sagot mula sa kanya. "Gagawin ko ang lahat... kahit ano," bulong niya. "Basta tulungan mo lang ako." "Really?" Pabulong ngunit puno ng panunukso ang boses nito. "Kahit ano?" "Oo... kahit ano!" Napalakas ang boses niya sa desperasyon. Hindi agad sumagot si Ezekiel. Halatang ini-enjoy ang sitwasyon. Hanggang sa bigla itong nagsalita, mababa ang tono at halos parang isang bulong sa kanyang tenga. "Pumunta ka sa opisina ko ngayon. Pag-usapan natin ang deal natin." Wala nang pag-aalinlangan si Crystal. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, pero wala na siyang ibang pagpipilian. Agad siyang nagbihis at lumabas ng apartment. Sa loob ng ilang minuto, nasa harap na siya ng Falkner Enterprises. Nanginginig ang kamay niyang itinulak ang pintuan at dumiretso sa receptionist. "May appointment ako kay Mr. Falkner." Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng receptionist bago tumango. "He's expecting you. You may go inside." Mabilis ang t***k ng puso ni Crystal habang naglalakad papunta sa opisina ni Ezekiel. At nang bumukas ang pinto, naroon ito nakaupo sa kanyang malawak na itim na upuan, nakasandal, at mukhang relaks na relaks. Nang magtama ang mga mata nila, ngumisi ito. "Crystal... I'm glad you came." Napalunok siya. "Sir Ezekiel... tulungan mo ako, please." Tumayo si Ezekiel mula sa kanyang upuan at mabagal na lumapit kay Crystal. Nang makalapit ito, inilagay nito ang kamay sa kanyang baba at pinilit siyang tumingin sa mga mata nito. "Sabi mo, gagawin mo ang lahat." Tumango siya. "Oo... kahit ano." Lumalim ang ngiti ni Ezekiel at bahagyang yumuko, inilapit ang labi sa kanyang tenga. "Even if my condition is... I get to finger you anytime I want?" Pabulong ngunit puno ng kapangyarihan ang tinig nito, isang boses na nagpapadala ng init sa kanyang katawan. Napasinghap si Crystal at napapikit, ramdam ang mainit na hininga ni Ezekiel sa kanyang balat. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Pero naalala niya ang kanyang ina hindi siya maaaring umatras. Dahan-dahang tumango siya. "Sige... basta tulungan mo ako..." Ngumisi si Ezekiel at humigpit ang hawak sa kanyang baba. "Good girl. Deal?" Napalunok siya at sumagot, "Deal..." Sa sagot niyang iyon, biglang dumampi ang dila ni Ezekiel sa kanyang tenga, isang mapangahas at mapanuksong kilos na nagpawala ng kanyang hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD