CHAPTER 18 THIRD PERSON POV Pagkatapos ng lahat ng kaguluhang nangyari sa loob ng mansyon ang mga biro, kilig, bangayan na parang aso’t pusa, at ang mga palihim na ngiti na pareho nilang itinatago dumating ang araw na tuluyang naglakas-loob si Ezekiel na ilabas si Crystal. Hindi iyon engrandeng paanyaya. Walang bulaklak. Walang candlelight dinner agad. Isang simpleng tanong lang na binitiwan niya habang nagkukunwaring busy sa tablet niya. “Crystal,” tawag niya, seryoso ang mukha. Napatigil si Crystal sa pag-aayos ng tray ng kape. “Yes po, Sir Ezek” bigla siyang huminto, ngumiti ng pilyo, “Ezekiel?” Umangat ang kilay ng lalaki. “Huwag kang magsimula.” “Hindi pa po ako nagsisimula,” sagot ni Crystal na may kasamang pabebe na ngiti. “So, ano po ’yon?” Tumikhim si Ezekiel. “I’m thinkin

