Wild Attack

1603 Words
Fresh blood dripping from the sword. Hindi makagalaw si Erick habang minamasdan ito. Sobrang bilis na ng kabog ng kanyang puso at pinagpapawisan kahit malamig naman ang paligid. Dahan dahang lumapit ang zombie sa kanya, dragging the sword. Teka.. Ito yung lalakeng nakita ko sa tv. The most wanted in town. - Tumindig balahibo ni Erick habang naalala ang mga ginawang karumaldumal na krimen ng taong ito. Mag tatatlong buwan na mula nong inireport na nagtatago siya. Dito pala nag tatago ang kriminal na 'to. Mataas at malaki ang lalakeng ito. Lagpas 6 foot, parang higante. Mas malala pa ngayon ito dahil isa na itong zombie. Ano nga ba ang krimen nito? Isa lang naman siyang Seriel Killer na pumapatay ng mga studyante while filming every murder. Mula grade school hanggang college basta estudyanteng umuuwi late at night at mag-isa. Nasa 18 ka tao na ang napaslang nito. Bakit hindi siya agrisibo? Pagtaka ni Erick kausap ang sarili sa isipan. Siguro pag hindi ako gumalaw, hindi niya rin ako mapapansin.. - Panay ang tulo ng mga malamig na pawis ni Erick. Erick took a strong grip sa dala niyang baril, pilit pinapahinahon ang sarili. He wanted to pull out the gun and just shoot, dahil alam naman niya ang weak spot nito. Kaya lang gusto niya lang talagang ma subukan ang naisip niya. Mapapansin kaya siya ng zombie kapag hindi siya gumalaw..? Huminto ang zombie tatlong metros mula sa kanya. Palingon-lingon ito na tila pinapakiramdaman ang paligid. HrRr- Handang handa na si Erick. Nakapag disisyon na siyang barilin ito. Babarilin niya ito ng maraming beses para sigurado. Pero may biglang mabilis na gumalaw sa damuhan sa gilid at nakuha nito ang pansin ng zombie. Sh*t don't tell me, isa nanaman itong zombie. Naisip niyang ito na ang pagkakataong tumakbo nalang. With that plan, he will save the bullets para iligtas si Bron if ever may nangyari sa kanya. As soon as he turned his back... "Oh Sh*t !" Napamura nalang siya dahil may four wild zombie boars. May mga sungay ito, drooling, noisy zombie animals. Sila yata ang gumawa ng ingay sa may damuhan.  Sorry Bron. Gagamit muna ako ng isang bala, o kaya dalawa o tatlo.. Bastaaaaa! Tinutukan na niya ang apat na baboy na tumatakbo papunta sa kanya. At sa kabila naman ang zombie na mabilis ang lakad papunta sa kanya. Nanginginig si Erick. CLICK CLICK CLICK Huh???walang bala!! Sa sobrang preoccupied ni Erick, hindi niya pala na load ang baril. Naalala niyang kinukha niya lang ito mula sa jacket niya. Ginamit na pala niya ito doon sa school. Mabilis na nagisip si Erick, nakatingin sa paligid kung san ba dapat siya tatakbo. Habang papalapit ng papalapit naman ang mga zombies sa kanya. Lumakas ang pag bagsak ng ulan. At doon niya rin napansin ang isang maaring magigiging escape route niya. Kahit madilim ito at maraming halaman at d**o, walang siyang ibang choice. Tatakbo siya pag sobrang lapit na nila para silay magkatagpo at sila lang din ang magkasakitan.  And... GO! Malalaking hakbang ang ginawa ni Erick. Hindi na siya lumingon pa kahit narinig niyang nagkagulo ang mga kalaban niya sa likod. It was not long for the zombies to realize na nakatakbo na pala ang kanilang snack. Agad naman nilang natuntun ang tumatakbong si Erick. Talon, takbo.. Walang hintoan. Halos lumalabas na ang baga ni Erick. Hindi niya akalaing ganito pala siya ka bilis tumakbo. Pailan-ilan pa siya sa  mga punong nakakatagpo niya. Ganun paman, mabilis pa rin ang takbo ng mga kalaban. Lalo na ang mga baboy ramo. "BRON !!!!!" Napasigaw ng malakas si Erick habang naka pikit ang mga mata, hoping na sa sigaw niyang 'yon, maririnig ito ni Bron. At sana itoy buhay pa. Halos nauubos na ang hangin ni Erick sa kakatakbo. Kahit paligoy ligoy siyang tumatakbo, hindi parin siya nakakalayo mula sa mga zombies. Siguradong marami akong maaakit na zombie sa ginagawa kong to. Nakuha ko pa talagang sumigaw ha? Tapos ako pa talaga nag sabing ililigtas ko si Bron pero ako naman tong humihingi ng tulong sa kanya. AHHHhh!! Nangangalay nako. Sobra! Gusto kong tumigil. *pant*pant*pant* PUG ! Agad natumba si Erick dulot ng pagka bangga niya sa hindi napansing puno. His sight slowly went blur. Pero naririnig pa niya ang mabilis na yapak ng mga zombies na humahabol sa kanya. Sa ngayon, siguradong madami na sila. Katapusan ko na yata ito. -Naisip ni Erick na unti unti ng nawawalan ng malay. " H-hindi..." He groaned while eyes closed. Nanginginig pa ang nangangalay niyang mga paa. He tried standing up. Nagka sprain na pala ang kanang paa niya. One grab nalang ng zombie.... RGHHHRHRHgghhhRHH !! May dalawang kamay na naramdaman niyang humawak at humila sa kanya. Hindi na siya maka lingon. Wala na siyang lakas pang kumawala. Patawarin mo 'nyo ko, Hannah.. I failed. -Huling inisip ni Erick ang maamong mukha ni Hannah at tuluyan na itong nawalan ng malay. ------------------------------------------- " Aray " Erick slowly opened his eyes. Dama niya ang tulo ng tubig galing sa nakikita niyang mga dahon sa puno. Wala na ang ulan. Kinalat niya ang paningin sa buong kapaligiran. Nasa field na siya ngayon. Dahan dahang umupo and tried to stretch his right foot; still sprained. May nakita siyang isang lalake'ng naka upo at nakatalikod sa kanya. May sugat ito sa kanang balikat. Sa malapit namay may isang tahimik na lawa. "Ahhgh" Erick groaned in pain. May lumabas na kaunting dugo mula sa kanyang noo. Dahil siguro ito dun sa pagkaka bangga niya sa puno. Teka.. "Bron!?"  Gulat at hindi maka paniwala si Erick. Sinagip nanaman siya ni Bron. Lumingon si Bron. “Nagtatago ako nun nung tinawag mo ko. I was about to give up when I heard you shout. Hindi ko alam pero it gave me strength para magpatuloy. " Kalmadong sabi ni Bron kahit halatang masakit ang natamong sugat nito sa braso. Malala ito. Pinunit ni Erick ang isang bahagi ng kanyang sweater at hinagis kay Bron. " Gamitin mo yan para takpan ang sugat mo. Baka iyan pang magiging dahilan para maubusan ka ng dugo.." Sambit ni Erick. Tinanggap naman ito ni Bron. He wrapped the piece of cloth around his wound. “Nasaan ba tayo ngayon? Sa pagkaka alala ko kanina maraming zombies ang humahabol sakin tapos akala ko nga katapusan ko na.. pero ngayon sobrang tahimik na." Pagtataka ni Erick. Napatawa ng konte si Bron. Erick was always truthfuly funny. "Ang ganda ano? Na aalala ko dati dito ako dinala ng uncle ko, 8 years old pako nun. Magkaedad lang kay Amelia ngayon. Madalas niya kong kinikwentohan dito tungkol sa kapatid niya, si papa. Sabi niya carbon copy daw ako ng papa. " May halong lungkot ang boses ni Bron. Walang masabi si Erick. Naalala niya lang yung mga litratong nakita niya sa kwarto. " Si Amelia't Hannah nga pala?"  Tanong ni Bron. " Iniwan ko sila. Pero sa tingin ko naman safe sila doon, hindi ba?" Pangrarason ni Erick dahil dama niyang magagalit si Bron sa kanya. " Erick.. Nagiisip ka ba? " Pilit huminaon si Bron. " Mga babae sila. Si Hannah, pinagtatangol mo pa nga diba? Tapos si Amelia... Si Amelia, Erick mahina yun. May sakit yon. Bakit ka umaalis ng hindi nakasisiguradong ligtas sila?? " Bron's voice was soft but firm. Galit na nga siya. Napayuko si Erick. "Masyado silang nag alala sa'yo. Naisip ko, kasalan kong umalis ka. Kaya I took the responsibility para hanapin ka.." Biglang napahinto si Bron. Napaisip. Nanlaki ang mga mata at biglang napatayo. " Huwag naman sana..."  Sabi pa niya na may takot. " Bakit? Ano??" Pagtataka ni Erick. "Ang bahay ni uncle lang ang malapit na bahay sa gubat. Maaring doon pumaroon ang mga zombies na umatake sayo kanina." " Sh*t. Tara na! Puntahan natin sila! " agad tumayo si Erick at agad rin namang kumuryente sa buong katawan niya ang sakit ng kanyang paa. Ngunit nilunok niya lang ang sakit na ito at nag lakad. Sumunod si Bron sa kanya at inakbayan ito. Inalalayan niya si Erick. Both are hoping na walang masamang nangyari kay Amelia’t Hannah. Erick kept groaning every step. " Bron, tumakbo kana.. Unahan mo ang mga zombies na 'yan. Nasa likod mo lang ako. Bilisan mo na. " Sambit ni Erick na muling binasa ng pawis. Binitawan ni Bron si Erick at tumakbo. Pilit namang humabol ni Erick. Every step was painful pero pinilit niya. Tumakbo siya. Lumabas ang mga luha niya pero pinilit niya paring tumakbo. " Agghhhhhhh.... " At tuluyan na nga siyang naka takbo. Nasa unahan niya lang si Bron. Wala na silang nakakasalubong at nakikitang mga zombies sa dinadaanan nila. Hindi kaya nasa bahay na sila? ----------------------------- The gate isn't open pero sira na ito. Walang lights ang buong bahay at basag na ang mga bintana. Sobrang kinakabahan na sina Bron at Erick. Sobrang tahimik kaya lalo nilang nararamdaman ang kabog ng kanilang mga puso. Halos lumalabas na ito sa kanilang tenga. Wala pa silang sandatang maaring gamitin. May mga baril pero nasa loob iyon ng bahay. Pagkarating nila sa balkonahe, nagulat sila sa nakita nilang naka handusay na mga zombies. Hindi na gumagalaw. Wasak ang mga dibdib. Sinong pumatay sa kanila? Inikot ni Erick at Bron ang balkonahe. " Baka nasa loob lang sila.." Pabulong na sabi ni Erick. Lumapit si Bron sa main door at dahan dahang binuksan ito. " Hyah!! " Nasipa ni Hannah sa hita si Bron, na agad natumba. He landed on his wounded arm. Lahat ay nagulat at nagka tinginan. Si Hannah nasa harap katabi si Amelia na may hawak na machine gun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD