“Kuya, Ilan!” Pinutok ni Amelia ang machine gun.
Napa dapa si Erick at Bron sa gulat at bilis ng pangyayari. Ngunit wala naman silang naramdamang natamaan sila. Narinig naman nilang may mga natumba sa likoran at itoy mga zombies pala. Ito ang target ni Amelia. Lahat ng zonmbies tinamaan sa chest. Saktong sakto. Hindi makaka ligtas ang mga ito.
Namangha si Erick sa bata dahil magaling ang aim nito. Kahit nasa harap niya sina Bron at Erick, she still managed to target right kahit machine gun ang gamit niya. Hindi sila makapaniwala. Di rin nila aakalaing may karate skills din pala si Hannah. Ang lakas ng sipa niya, napatumba niya si Bron.
" Bron!! Naku!" Sigaw ni Hannah na agad inalalayang tumayo si Bron. " Sorry... Sorry... Madilim kasi. Hindi namin aakalaing kayo pala ang mag bubukas ng pinto. Kanina pa kasi kami inaatake."
Kahit tumutulo na ang dugo sa sugatang braso ni Bron, napangiti siya ng konte. Hindi niya mapigilang maging proud sa kanilang dalawa. Si Erick naman parang hindi na makagalaw sa sahig, naka dapa parin. Tinignan lang siya ni Amelia at tumungo si Amelia sa kuya niya't mahigipit na hinagkan ito Napatawa nalang si Erick sa sarili. Kay Bron sila lahat naka akap. Pero okay lang. Masaya na rin siya. Proud din siya.
Naiyak na si Hannah habang inaalalayan si Bron sa pag lakad papasok ng bahay. Agad namang umakyat si Amelia upang kumuha ng first aid kit sa taas. Tinulungan ni Erick si Hannah sa pag dala kay Bron sa upuan at pinahiga nila ito.
------------
Ilang minuto ang nakalipas after aiding Bron, parang naging sobrang tahimik na ang paligid. Everyone is exhausted.
" Amelia... Hali ka nga rito..Sabihin mo sakin.. Paano mo natunan ang pag gamit ng baril?” Tinawag ni Brn ang kapatid at lumapit ito.
Habang si Erick naman ay nasa labas tinatabi ang mga katawan ng zombies. Pinuntahan ito ni Hannah.
" Erick.."
Nagulat si Erick sa malamig na boses ni Hannah.
" O? Hannah. " Sinalubong niya ng ngiti si Hannah.
" May sugat ka sa noo.."
Pansin ni Erick ang dala niyang first aid kit.
" S-salamat.." -Erick
Habang ginagamot ni Hannah ang noo ni Erick..
" Ang layo layo ko kay Bron. " Simula ni Erick.
" Hmm? " -Hannah
" I can't reach his level. If this is a competition, I'd lose. I've already been defeated " Nakayukong sabi ni Erick.
Napatingin si Hannah sa mga mata ni Erick. “Ano nanaman ba tong pinagsasasabi mo Erick? Naku, baka dahil ito sa sugat mo sa ulo ha.."
" Hindi ko nailigtas si Bron. Siya ang nag ligtas sa akin doon." Nakayuko parin si Erick, ashamed that he couldn't look at the eyes of the woman she adored the most.
Hinawakan ni Hannah ang kamay ni Erick. " Erick, para sa akin ang importante ligtas kayong dalawa. Kung isa lang sa inyo ang umuwi, masasaktan pa rin ako. Dahil kayong dalawa ang gusto kong makasama hanggang matapos ang lahat ng ito. Erick, ilang beses ka nang niligtas ni Bron, oo. Pero hinding hindi ko makakalimutang ilang beses mo din akong niligtas, itinago sa likod mo, at nilabanan ang mga zombies mag-isa. Kinaya mo yon lahat. Hindi mo dapat kinukumpara ang sarili mo kay Bron. Magkaiba kayo.." Hinigpitan ni Hannah ang hawak niya kay Erick.
Gustong-gustong sabihin ni Erick ang tunay nyang nararamdaman para kay Hannah. Pero alam niyang hindi ito ang tamang panahon. Napalunok nalang siya at tinitigan ang mga kamay ni Hannah.
Her hands are warm. Sa ngayon.. Hindi na importante ang nararamdaman ko. I want to keep Hannah's hands warm. I wan't to keep her alive. That's my priority.
"O siya, huwag kanang malungkot okay? Alam kong makaka survive tayo. Magkasama tayo eh. " Hannah pulled Ericks face para humarap sa kanya. She placed the bandage sa sugat and she winked.
" Ngumiti ka na, please. Hindi ako sanay na ganito ka. Please..."
Habang naka titig sa mga mata ni Hannah, napangiti si Erick. He felt warm all over his body. For a moment nakalimutan niyang masakit pala ang buong katawan niya. Pati na rin ang sprain niya sa paa na hindi pa niya sinasabi.
Pumasok na sina Erick at Hannah.
" Hindi ko inaasahang black belter ka pala, Hannah.." Sinimulan ni Bron.
“I started learning karate nung bata pako, kaya lang I stopped. I didn't know na kaya ko pa. I never practiced. But hey... Hindi lang ako ang may tinatagong skill dito.. Iyang kapatid mo nga, ang badass! " -Hannah.
Tumayo si Amelia at tumakbo kay Hannah para mag apir. " I used to secretly play kuya's video games twing nasa school siya. Nahilig ako. Lalo na dun sa larong Call of Duty."
“Nagmadali pa naman kami dahil buong akala namin mahihina ang mga babaeng iniwan namin dito. Yun pala, kayo pa ang tutumba samin. Lalo na kay Bron! " Pabirong sabi ni Erick at lahat ay natawa.
Masayang pagmasdan ang magkakaibigan na muling nagkaroon ng liwanang sa kani-kanilang mga mukha.
Nag halughog si Hannah buong bahay upang maka hanap ng maari nilang kainin. Hindi sila pwedeng bumalik sa daan ng walang laman ang tiyan, lalo na si Amelia. Kawawang Amelia, itinulog nalang ang gutom.
Umupo si Erick sa single couch sa sala, Nandoon din si Bron sa mahabang sofa, naka higa pa rin.
" Bron, pare, nandito pala sword mo.." Erick started.
" Ah.. Oo. Nakuha ni Hannah. Isa sa mga napatay nilang zombie ay yung isang may hawak ng espada ko. " -Bron
" Hah!"
Nagulat si Bron sa lakas ng boses ni Erick na tila natatawa.
" Hindi ko nga malabanan yun, tapos sina Hannah lang pala ang makakatapos sa halimaw na 'yon. Haha! Ibang klase. Grabe. " Tawang tawa si Erick sa sarili.
" Ah... Siya nga pala. Nais kong humingi ng tawad sa lahat ng sinabi ko sayo kagabi." -Erick
" Na ano? Na wala akong silbi? " Sabi ni Bron na parang pinaparinggan si Erick.
" Aba! Those are not the exact words, alam mo yan.." -Erick
Bron smirked and waved his hand for Erick na nasa kabila. " Alam ko, Erick.. Alam ko."
" Huh?? Anong alam mo? Pinagsasabi mo dyan.. E kwento mo nga napano yang braso mo."
" May hinabol akong kambing. Iyon na sana ang pang hapunan natin. Nung tinapon ko ang espada, I did hit the goat kaya tinakbuhan ko ito para kolektahin ngunit may biglang lumabas na zombie, hinatak ang kambing at kinain ito ng buhay. Hawak niya ang espada ko at naka tingin sa direksyon ko. Tumalikod ako.. Tumakbo ako at hinabol niya ko reaching his arms out, ramdam kong nasa likod ko na siya. The zombie was waving the sword at naabutan ng espada ang balikat ko." -Bron
"Bron, gusto mo rin ba si Hannah?" Biglaang tanong ni Erick. Na kinagulat ni Bron.
It took seconds before Bron could reply "Bakit?"
"Ah.. Ano kasi. Gusto ko lang makasigurado. Kahit na obvious naman. Hehe" Erick awkwardly replied.
" Eto, totohanan, Erick ha. I envy you. I envy how close you are with Hannah. Siguro nga mas madami ka pang alam tungkol sa kanya. I've never spent longer time with Hannah that you did. Alam kong di malayong magkakagusto ka sa kanya, pero pare pasensya ka na. Dahil ako rin." Bron
Natigilan si Erick and the moment was filled with dead silence. Alam naman na ni Erick na parehos silang may nararamdaman para kay Hannah at alam din niyang, si Bron ang pipiliin ni Hannah.
"Kain na tayo! kahit almost 4 am na.." Nabulagta ang seryosong usapan ng dalawa ng sumigaw si Hannah para yayain silang kumain. Napatingin muli si Erick sa mukha ni Hannah at napangiti. Tinulungan ni Erick tumayo si Bron at muling may sinabi ito ng pabulong kay Erick.
" Tandaan mo, Erick. This is not a competition. She's not a prize. "
Erick smiled at napasabi sa sarili. Sa ngayon, ang importante magkasama kaming lahat. Tama si Hannah kanina sa mga sinabi niya. Tama rin si Bron, I was there for Hannah. At sa tingin ko the love I showed for her was enough. Magaan ang loob ni Erick at masaya siyang inalalayan ang kaibigan sa hapagkainan.
-----------------------
Tanghali nanaman nang nagising si Hannah. Tagos ang init ng araw sa mga basag na bintana. Maganda ang feeling niya ngayong araw na toh. Kahit walang nang naririnig na mga ibon na madalas nating naririnig twing pag gising sa umaga. Hindi na din presko ang hangin.
Tumayo si Hannah at tinupi ang hinigaan sa sahig. Hindi na niya tinali ang buhok. Agad namang nilingon ni Hannah si Bron sa sofa, ngunit wala na ito doon. Kinabahan siya at napa lingon-lingon sa paligid.
" Bron??" tawag niya
Wala sagot..
" Bron!" ulit pa niya.
"Gising ka na pala." Boses galing sa likuran ni Hannah.
Nagulat si Hannah at napalingon. Agad namang nawala ang kanyang kaba nang makita ang maaliwalas na mukha ni Bron.
" Nag aalala ka ba sakin?" -Bron
Napa blush si Hannah.. " Ah. Eh. Syempre. I was supposed to look after you. Kamusta ang sugat mo?"
“I’m okay..” Sabi pa ni Bron at ngumiti.
This is the first time Hannah saw Bron with a full smile on his face. Her heart feels warm.
" Nga pala... Nagising ako ng maaga dahil napansin kong may mga uninfected rabbit na pumupunta rito sa bahay. I caught one for brunch. " -Bron
" Wow. Naka huli ka pa sa lagay mo na yan ha... Galing! " Hannah hyped.
Bron handed all the box of serum kay Hannah. " Ah. Pwede bang ikaw na muna mag inject kay Amelia ngayon? Ako na bahala mag luto. Tinuruan ako ni uncle nito dati. Gusto ko ulit gawin."
Napangiti si Hannah sa Bron na nakikita niya. " Sure!" Sabi niya at punatungo na sa kwartong tinutulugan ni Amelia.
---------------------
" Amelia? Si Hannah to." Hannah tried to wake Amelia. Pero hindi ito gumigising. Nilagay nalang ni Hannah ang mga tube sa katabing table sa kama ni Amelia, kumuha ng isa at akmang ituturok na sana sa braso ni Amelia.
Biglang nagising si Amelia, eyes widen. Nanginginig na parang takot na takot kay Hannah.
" No... No... AHHHHHhhhhhhHhhh !!!" Amelia screamed.
Naguluhan si Hannah. "Amelia, ako to. What's wrong..What's wrong?? Kailangan mo tong serum ngayon.. Inject ko muna."
Hahawakan na sana ni Hannah si Amelia, but Amelia refused.. "NOO!!" Pinikit ang mga mata at nag wala. She accidentally hit the table kung saan naka lagay ang iba pang mga serum at nalalag ito.
Nanlaki ang mga mata ni Hannah. May mga tube na malapit ng mahulog na agad naman niyang pinigilan
While Amelia just kept screaming and screaming.