ERICK

1210 Words
Sumilip muna si Bron bago lumabas sa 1st floor mula sa hagdan. Takip pa rin niya ang kanyang ilong. May naririnig siyang tumatakbo na parang naka paa lang. Parang maputik ang dinadaanan. Naisip ni Bron na maaring bumabaha na ng dugo ang ospital. Unti unting papalapit na ang tunog ng yapak ng takbo. Bron has to see whats comming. Inantay niya itong dumating kahit hinakabahan siya. Alam niyang ang mga yapak na ito ay gawa ng tao, ngunit bakit naririnig niya ito na tila parang aso. Panting and growling; faster and louder. Nakikita na ni Bron ang shadow ng tumatakbo. lalakeng pasyente. Naka patient's gown. Na alala ni Bron ang mukha nito. Ito yung nakita niya sa 3rd floor. Yung lalakeng iniiyakan ng pamilya niya yung mga may kagat sa katawan. Hindi siya patay? He's even drooling and acting like a madcap hungry for flesh. Nanlaki ang mga mata ni Bron at bago pa mahuli ang lahat, nag tago siya sa isang malaking poste. Punong puno ng dugo ang mukha at katawan ng lalake. Blood coming out from its ugly mouth. Ito na yung sinasabi ng doktor. The eating zombie. Kaharap lang ni Bron ang hall way. Kung bigla siyang tatawid, siguradong mapapansin agad siya nito. Dead end naman kung sa kanan siya pupunta. Wala siyang choice kundi ang tumawid. Huminga ng malalim si Bron bago tumawid. Damn! Napansin nga talaga siya ng zombie. Binilisan ni Bron ang kanyang takbo. Naisipan niyang mag tago sa isang staff stock room. Agad nag tago si Bron sa ilalim ng mesang na sa pinaka gilid ng silid, na hindi agad mapapansin pag papasok. RrrrRRRRRh!! The zombie harshly opened the door. Palingon-lingon sa paligid. Para bang na s-sense niyang may tao talaga dito. Zombies can’t clearly see. Pero tulad ng mga hayop, nakaka sense din sila. Mabilis rin ang mga ito. (According to this novel only. Do not compare to other zombie stories/movies) Pumasok ang zombie sa kwarto at nag lakad lakad. Mahinahon na ang tinig nito ngunit patuloy paring tumutulo ang dugo mula sa bibig niya. Naka upo lamang si Bron habang naka takip ang kamay sa kanyang bibig. Nakikita niya ang mga binti nito. Nakakatayo pa ito kahit gutay gutay na ang laman at nakikita na ang mga buto. All Bron could hear is the growling of the zombie. Rinig na rinig niya rin ang bilis ng t***k ng puso niya. BANGGG! Bang! Was that gunshot? Dumating na ba ang mga pulis? Napa lingon ang zombie at tumakbo siya palabas. Dahan dahan ring lumabas si Bron sa kanyang kinatataguan. Nang maka sigurado na siyang wala na talaga ang zombie, he took a few steps palabas sana pero biglang… A hand from a bunch of boxes came out and grabbed Bron's foot. " Ahh! " Nabulagta si Bron. May lalake'ng lumabas sa mga naka pile na kahon. Nag tatago rin pala siya doon. " Hooh! Akala ko ako lang hinahabol non, ikaw din pala?" Sabi ng lalake na dalawang inch lang ang kababaan kay Bron. Dark gold hair: buhok na hanggang leeg. Magandang lalake; mestizo. Hindi agad nakapag salita si Bron. " Ah.. Pasensya. Medyo excited akong makitang may buhay pa pala. Lumabas na kasi yung kabarkada ko, nag kahiwalay kami. Hindi ko na alam kung makaka ligtas ba sila doon sa labas. Akala kasi namin safe zone dito sa hospital, yun kasi ang nabalitaan namin sa TV. Kaya dito kami ng punta. Yun pala, dito mag sisimula ang lahat. Pag minalas nga naman! " Sabi ng lalake. Lumakad na si Bron at buntot ng buntot naman sa kanya ang lalake. " Ayokong may kasama. Hindi kita kilala" ani ni Bron habang nag lalakad pa puntang exit. " Erick nga pala!" sigaw ng lalake, trying to keep up with Bron. " Ngayong kilala mo na ako, pwede na ba akong sumama sa iyo? Tsaka magka pareho pa tayo ng uniform, oh. Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung star player ng baseball team sa school, tama? So what’s your name?" Ilang sigundo pa bago sumagot si Bron. “Bron” " Ah, nice to meet you, Bron pare. Sabi nung isang kaibigan ko, nag panic daw lahat sa school simula nung emergency announcement ng principal tungkol sa kumakalat na virus. Mas mabuti raw umuwi at makasama ang pamilya. Buti nalang ng cut class ako nun at naabutan ko nalang ibang school mates nating nag sisiuwian. " Yun pala ang nangyari nung nakatulog ako. -Isip ni Bron. Nang narating na nila ang main hall ng hospital, puno ng dugo ang buong paligid. Dead bodies on the floor. Hindi mo na sila makikilala sa lagay nila. Malinaw na rin nilang naririnig ang ingay sa paligid. Buti na lang sa panahong iyon, walang zombies sa main hall tanging mga bangkay lang na naka handusay sa duguang tiles. " Nasaan ang mga pulis?? " Taka ni Bron. Kanina lang nang may narinig siyang mga putok ng baril. Merong duguang guard na lumabas mula sa front counter na ikinagulat ng dalawa. May hawak itong baril. Ito pala ang nagpaputok kanina. Inobserbahan nila ito at unforunately, may mga kagat siya. Agad lumisan sina Bron at Erick bago pa man sila habulin ng zombie guard. Nang nakalabas na sila, nakikita nila ang mga zombies na mahinang naglalakad sa labas na parang walang direksyon. Hindi sila pinansin ng mga zombies na ito nung dumaan sila. Ito na siguro ang carrier zombies. Hindi sila tumigil sa pag takbo. Looking for a safe place to hide and rest. May mga zombies pang humahabol sa kanila. Meron pang zonbie na bigla nalang bumulagta sa harap ni Erick. Isang babae naka office attire, ngunit halos hubot hubad na ito. Out of adrenaline rush, Erick pushed the zombie out of the way. May nakitang baril si Erick sa daan na agad niyang pinulot. Habang nauna na si Bron sa pag takbo. Na aabutan na si Erick ng mga eating zombies na halatang gutom na gutom na; naguunahan pang mahawakan at makagat siya. BANG! Erick pulled the trigger. Natamaan ang zombie na nauna. Blood splashed back at him. Napahinto ang zombie pero tila hindi tumalab ang bala at ito pay nag patuloy na lapitan si Erick. Hindi mapigilan ni Erick ang takot at baka ito na ang katapusan niya. Pumikit siyat sinubukan ulit. CLICK ! Wala nang bala! Nagka gulo na ang mga zombies na nag uunahan sa Erick na naka upo na sa daan desperately trying to retreat. " s**t s**t s**t s**t " Erick covered his face with his arms. SHHHUUUUKKKK !! Biglang natahimik. Erick slowly opened his eyes. Nakatayo ang zombie sa harap niya hindi gumagalaw. May Pocket knife na nakaturok sa forehead ng naunang zombie. Nanlaki mga mata ni Erick. Si Bron! Nilalabanan niya ang mga zombies gamit ang dos por dos. Siya rin ang nag tapon ng kutsilyo sa noo ng zombie. Malalim ang pagka turok nito. Erick felt comforted. Hindi pala siya iniwan ni Bron. Just as when Bron saw Erick back in his senses, agad niya itong pinuntahan. He held out his hand for Erick." Akala ko iniwan mo na ako. Salamat. Grabe." Sabay ngiti na sabi ni Erick. Tinanggap niya ang kamay ni Bron at tumayo. " Let's go. " anyaya ni Bron.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD