Bron looked around for a way in. Ayun! There's an open window na hindi napapansin ng mga tao! He ran towards it and jumped in. Now his in.
Madali lang naman..
Kung maraming tao ang nagkakarandapang pumasok, ganon din karami dito sa loob. Nagkagulo na ang mga staff at nurses. They can't possibly control the panicked crowd. They're being outnumbered. Alam ni Bronn a nasa 3rd floor ang room ni Amelia, pero he can’t recall kung anong room number. Ilang linggo na kasi ang naka lipas mula nung huling dalaw niya. Masyadong maraming tao ang gumagamit ng elevators kaya tiniis niyang takbuhin ang hagdan hanggang 3rd floor. Marami din siyang mga nakasabay. Umiiyak at nag pa-panic.
Panting heavily, he thought about all the questions he has and how this might relate to Amelia. Nawawala siya sa focus dahil sa mga naririnig niyang iyakan at sigawan. The hospital is in chaos. Inisa isa ni Bron ang mga kwarto sa floor na iyon. May nakita siyang pamilyang umiiyak sa harap ng naka higang lalake. Hindi na ito gumagalaw.
Is he dead?
Teka bakit parang may mga bite marks siya?
Ano yan? Kagat ng tao?!
--
ROOM 342
" Nasaan ang kapatid ko? Alam kong ikaw ang doktor niya. " Tanong ni Bron sa matabang doktor na tila kanina pa siya hinihintay.
Tumingin ang doktor sa mga mata ni Bron bago ito sinuot ang kanyang salamin.
"Follow me."
Bron felt uncomfortable habang sinusundan niya ito. Sumakay sila sa private elevator for staffs & emergencies only. Huminto ito sa Ground2 Floor
"Ano to? Bakit tayo nandito?"
"You wanted to see your sister hindi ba? I'm taking you to her." -doctor
Parang may mali sa doktor na ito ngunit binalewala muna ito ni Bron to see kung ihahatid nga ba siya sa kapatid niya. Huminto sila sa harap ng isang malaking pintong bakal.
" This is my secret operating room. Office ko na din ito. " The doctor placed his palm on the scanner before it opened. Nang bumukas na ang mabigat na pinto, na gulat si Bron sa nakita niya.
May apat na lalakeng naka white overall suit. Nakatakip ang buong katawan at mukha. Anong klaseng experiment ba ang ginagawa nila? Inobserbahan ni Bron ang doktor na dahan-dahan na rin itong sinusuot ang white suit niya. May nakikita siyang hospital bed na may nakahigang tao. Tinakpan ito ng puting tela kaya hindi niya ma tukoy kung sino. Dito na nag simulang bumilis ang t***k ng puso ni Bron.
May nakikita rin siyang isa pang pinto na nasa loob ng kwartong kinaruruonan iyon. The rooms are separated with glass. Agad na lumapit si Bron sa kwartong ito at dumungaw hoping na makikita niyang safe si Amelia.
Pero hindi..
"Mom?" Nanginginig na boses ni Bron. Naguguluhan.
" Anong nangyayari dito?! Nasaan ang kapatid ko!?? " Galit na hinarap ni Bron ang mga tao sa silid.
" Shhhh... " Sabi ng doctor na lumapit na sa taong naka higa sa kama. Galit na nilapitan ni Bron ang maliit na matabang doctor at hinawakan ng mahigit ang mga braso nito. Nagulat siya sa sobrang kapal ng suot nito.
" Wala akong panahon para dito! Sagutin mo ‘ko ng maayos! NASAAN SI AMELIA??!! "
The doctor released a big sigh. " Kumalma ka muna. Bitawan mo ko. I'll explain everything. Lahat ng gusto at kailangan mong malaman. "
" Everything!" - Bron
Huminga ng malalim ang doktor bago ng simulang mag salita. " Ang kapatid mo.. Si Amelia, may dalang pangbihira o sabihin nating, imposibleng karamdaman. Isa itong virus. Inexamine rin namin ang mama mo because we think this might be the reason din kung bakit hindi siya gumagaling. Buti nalang Amelia's responding well sa mga test na ginagawa namin. Pero, hindi pa sapat to para malaman namin ang dahilan ng kanyang sakit. Importanteng malaman natin ang causes nito para maka gawa rin tayo ng cure. "
Huminto saglit ang doktor at inobserbahan ang reaksyon sa mukha ni Bron. " Naiintindihan mo ba, mr. Bron? " Kahit hindi ito masyadong naiintindihan ni Bron, tinanong niya muli ang doktor " Where is she then? " Lumapit ang apat na lalake sa kama na nasa gitna. Dahan dahang binuklas ang telang puti at..
" Amelia!! "
Nilapitan ni Bron ang kapatid. She's now very pale. Motionless; Like she's dead. Hindi lubos maintindihan ni Bron ang dapat na maramdaman. Sobrang ikli na ang buhok ni Amelia na tila may cancer itong malala. Itoy marahil sa dinamidaming test na isinagawa sa kanya.
" Ano to? Kailangan ba talaga siyang itali?? "
Her hands, feet, as well as her neck, nakatali ng mahigpit sa kama. Susuntukin na sana ni Bron ang doktor pero pinigilan siya ng mga lalake. Pinilit niyang kumawala ngunit masyadong malalaki at malalakas ang mga taong ito. Halos maluha na siya sa galit. He is completely confused.
" Makinig ka muna Bron, your sister needs to stay here. You don't have to worry, she's in professional care. Inaamin ko, kailangan namin siya, at alam kong kailangan mo rin siya. Pero, magagamot mo ba siya magisa? Trust me, Bron. Kami na ang bahala kay Amelia. "
" Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit siya naka tali? " -Bron
The doctor sighed and said " Kinagat niya ang isa sa mga nurse. Biglang ng iba ang behavior ng nurse na ito kaya naisipan naming dalhin si Amelia dito para suriin. Hindi namin aakalaing yung nurse na kinagat niya ang kakalat ng virus na ito. Sabi ng janitor na nakakita, malakas raw na hinila ni Amelia ang nurse at kinagat ito. Kahit yun lang ang panahong naging agresibo si Amelia, kailangan parin namin siyang itali dahil hindi tayo nakaka sigurado. I hope you understand now. "
" Ibig mo bang sabihin, maaring si Amelia ang puno't dulo ng virus na ito? Nangangagat na parang aso?? " Naguguluhang tanong ni Bron.
" According to the results, ang mga symptoms na nakita namin kay Amelia at sa nurse na kinagat niya ay gawa lamang ng ibang nilalang. Zombie." -Doctor
Nanlaki ang mga mata ni Bron. " Z-zombie???" Gulat na gulat si Bron. " Sa pag kakaalam ko dok, mabilis kumilos ang mga zombies. They're wreckless at hindi tulad nito. My sisters here and she looks harmless to me. Tska in the first place, are they even real??!”
" Listen Bron. There are two kinds of zombies. May zombies na tulad ng iniisp mo, hungry and wreckless. Kakainin ka hanggang sa mamatay ka. Pero meron ding isa pang klaseng zombie na ang tawag ay Carrier. Ibig sabihin hindi sila mabilis, hindi ka nila kakainin, kakagatin ka lang. Isa, dalawa o tatlong kagat lang para gawin kang tulad nila, zombie. Still, you have to be careful sa taong akala mo, patay na at nakain na ng zombies. Maaring carrier zombie pa rin ito. Pero kung eating zombie ang aatake sayo, siguradong ubos ang lamang loob mo." - doctor
Tila hindi kayang lunukin ni Bron lahat ng sinabi ng doktor. Nanindig lamang ang kanyang mga balahibo sa kilabot.
" I'm sorry Bron."
Tumayo si Bron at lumakad palabas ng pinto. Pawis na pawis at bakas sa mukha ang galit at takot. Huminga siya ng malalim at nag simulang akyatin ang hagdan. Inisip niya, siguro tama na rin 'yong naroon si Amelia para safe siya.
Malapit na niyang marating ang 1st floor nang napahinto siya at napatakip sa kanyang bibig at ilong.
The smell of blood flood.