Chapter 1 Danger Awaits

576 Words
  Its been a while since Amelia got hospitalized - Kababatang kapatid ni Bron. Matagal na nilang hindi alam kung anong sakit ang dinadala ni Amelia. Bigla bigla nalang itong nagkasakit at hindi pa matukoy ng mga doktor ang dahilan. Sa ngayon, mag isa si Bron sa kanilang bahay doing his everyday routine Coffee, Waffles Here’s Bron walking alone to school. 17 years old at senior student at Haumterson Highschool. Height: 172 cm Hair color: Dark Black Personality: cold Hands in his pocket, tahimik lang si Bron habang nag lalakad. Ganito ka boring ang history class ni Professor Gru. And as always, nakatulog nanaman si Bron. But today is not an ordinary school day. Tahimik. Iba ang ihip ng hangin. Tila may kasamang di marinig na mga sigaw. -- Bron slowly opened his eyes. Teka.. They're all gone! Lahat ng gamit ng mga kaklase niya, wala na. Uwian na ba? Napatayo si Bron at napatingin sa paligid. Maaga pa naman pero bakit parang wala nang tao sa school? Lumabas si Bron sa classroom and wandered. Nasaan na kaya sila. May school event o activity kaya? Kahit sa ibang classrooms, wala siyang naririnig habang siyay nag lalakad sa hallway. At habang naglalakad, tumagos sa kanyang uniform ang malakas na ihip ng hangin. Something’s wrong. He then proceeded to the rooftop kung saan síya madalas tumatambay tuwing break. Siguro makikita niya mula doon ang kung ano mang nangyayari ngayon. Nang dumating siya sa rooftop, may napansin siyang isang babaeng nakatayo lang na parang naka tulala lang. Long red hair 167 cm ang height. Dalawang metro ang pagitan ng kinatatayoan ni Bron mula sa babae ngayon ngunit hindi niya ito pinansin. Ganyan si Bron sa school eh. Walang kaibigan. He'd rather be alone. Pinagmasdan niya ang paligid ng school. ngunit tanging malakas na hangin lang ang naririnig niya. Sa isang iglap ay nawala na ang mga tao. The whole campus is in complete silence. Kahit may mga sasakyan pang naiwan, wala namang mga tao. Tumingin na siya sa babae. Wala itong imik.. Nakatayo lang na para bang may malalim na iniisip. Sinimulan niyang makipag usap. "Miss, do you know what's happening?" Hindi sumagot ang babae kaya lumapit ng kaunti si Bron to see the girl’s face. Natatakpan kasi ng mahabang buhok ang kanyang mukha. The wind blew at tumingin ang babae sa kanya. Biglang huminto ang oras habang nagka tagpo ang kanilang mga mata. Ilang sigudo lang at natauhan si Bron. Naalala niya si Amelia sa ospital. Andun pa naman ang kanya ring ina na matagal ng may sakit. Tumakbo si Bron paalis ng rooftop at naiwan ang babae. ----- Nakatayo ngayon si Bron sa harap ng pinaka malaki at most expensive na private hospital in town. Naguluhan si Bron.. Madaming tao. Madaming nag papanic. Sobrang ingay. Madaming kotse ang naka park at mga nagsidatingan. Nandito pala lahat ng mga tao... Nag tutulakan ang mga tao na gustong makapasok. May nga malalaking tao na nakaharang sa pintuan trying to control the population na pumapasok sa ospital. Mayamaya ay may dumating naman na tour bus sakay ang mga taga ibang bansa. Tumakbo sila kasabay ng iba pang mga tao. Lalong nagka panic at nakakasakitan na. Natutumba at natatapakan na ang iba. Sigaw at iyak ang maririnig. Nagka stampede and as Bron hear the cracking of the bones, napapikit siya. Grabe. People are getting wreckless. What’s causing them to do this? Ano bang nangyayari???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD