MAAGANG bumaba si Avery kinaumagahan at agad pinuntahan ang kusina. Sumilip lang siya roon at naglakad uli sabay sumilip sa sala.
Pinuntahan din niya ang malawak na hardin.
Hinihingal siyang huminto sa gitna ng sala nang nakapasok na uli sa kabahayan. 'Kung iisa-isahin ko ang mga kwarto rito, aabutan ako ng umaga.'
Hinahanap niya kasi si Isaac. 'Nasaan kaya ang robot na iyon?'
Matapos silang nagtalo dahil sa ginagawa niyang stress eating, di na niya ito masyadong nakikita sa mansion.
O sadyang malaki lang talaga ang lugar na ito at 'di na halos sila nagsasalubong?
Pinuntahan niya ang sa servants' quarter sa likuran. Naabutan niyang nagsasampay ng mga bed sheets si Jinkie kasama ang dalawang maids. "Hi, Jinkie." Bati niya ang makalapit sa maid na naging kaibigan niya kasi ito 'yong nagdadala ng pagkain niya sa kwarto.
"Oy! Miss Avery!" Ngiti nito nang makita siya. Pinahid nito ang mga palad sa apron na suot at lumapit. "Po? May kailangan kayo? 6:30AM pa po, ah. Sarado pa ang Shakeys o Greenwhich sa mga oras na'to."
Namula sa hiya si Avery. "A-Ah... hindi 'yan sadya ko." Lumingon siya sa paligid. "Nakita mo ba si Isaac?"
"Si Sir? Baka nandoon po sa gym..."
Nalula siya sa sinabi nito. 'Anak ng--- may gym ang mansion na'to? Baka meron ding convenience store? O di kaya'y sinehan o amusement park?' "A-Asan 'yon?"
"Halika ka po... puntahan natin."
Tinahak nila ang stoned pathway. Dumaan sila sa hardin, sa pool at sa isang basketball court. 'Syet! Nasa kabilang bansa ba ang gym nito?!' Nagsimula na siyang hingalin. Medyo mahaba-haba na kasi ang nilakad nila.
Huminto si Jinkie sa gitna ng isang mini-forest na medyo may kalayuan nga sa mansion. Nagbukas ito maliit na gate.
Nilibot ni Avery ang tingin sa paligid. 'Seryoso? Pagbubungkal ba ang exercise niya? O pagsisibak ng kahoy?' Pumasok siya at sinundan si Jinkie.
"Ayon po siya---" Natigilan si Jinkie sa pagtaas ng kamay nito para ituro sana sa kaniya ang amo nito.
Pareho silang napako sa kinatatayuan at napatanga sa nakita.
Isaac, wearing only a basketball shorts , is doing curl-ups on a rubber mat. Hinihingal ito habang nagbibilang. "150... 151.... 1-152... 153...154..."
Sabay pa napalunok ng buo si Jinkie at Avery.
"I-Ilan abs niya?" Tanong ni Avery na ang mga mata'y nasa katawan ng lalake.
Paturong nag-bilang si Jinkie sa abs ng amo. "I-Isa, dalawa, tatlo... apat... apat! Ay 'di! Apat..." Patuloy nitong bilang. "Lima... anim... bibilangin ko po ba 'yong nasa gitna ng shorts niya, Ms. Avery."
"Oo." Lutang na lutang siyang tumango.
"Pito. Pito po lahat."
Nagkatinginan silang dalawang gulat. "P-Pito?" Sabay pa nilang singhap.
Biglang tumikhim si Isaac.
Mabilis pa sila sa kidlat na nagtago sa likod ng puno.
Isaac wipes his glasses with a towel and wears it again. Kahit nakakubli ang dalawang babae sa puno, kitang-kita naman ang nakasuling tiyan ni Avery. "Oy! At sa isang payat na pubo pa talaga kayo nagtago?"
Agad lumabas si Jinkie sa pinagtataguan. "S-Sir... balik na po ako sa trabaho!" At namumulang tumakbo ito papalayo.
Isaac picked-up his protein shake in a tumbler and towel and walked towards Avery.
"'W-Wag kang lumapit!" Sigaw ni Ava.
Napahinto si Isaac. "Huh?"
Lumabas sa puno si Avery at nakatakip ang mga kamay sa mga mata pero may maliit na butas sa pagitan ng mga daliri nito. "'Wag kang lumapit!"
Isaac smirks. "Tch!" And threw his wet towel towards her, covering Avery's head.
"Ewww! Ewww!" Diring-diri tinanggal ni Avery ang basang bimpo gamit ang dalawang daliri.
Naglakad naman palayo si Isaac at sinundan niya ito.
"H-Hintay!" Hinihingal na sumunod si Avery kay Isaac.
Huminto si Isaac at nilingon ang babae. Para na itong tumatakbo sa pawisang lagay ni nito. "Oh, hihimatayin ka na naman? Tapos hahalikan na naman uli kita?"
"Huh---" Nagtatakang tumingala si Avery sa kaniya.
"Wala." Uminom ng shake si Isaac sa tumbler na hawak. "You need something from me?"
Umayos ng tayo si Avery at huminga ng malalim. "I just wanted to say sorry."
Isaac glanced at her.
Namumula itong nag-iwas ng tingin. "I shouldn't have lashed out on you like that. Alam kong nasasaktan ako... at feel ko parang ayaw na ng buong mundo sa akin. Pero 'di iyon sapat na rason para sigawan kita matapos ng lahat ng ginawa mong pagtulong sa akin ---"
"'Di ako concern sa'yo." He said flatly.
Natauhan si Avery. "Huh? H-Hindi ba?"
"Concern ako sa tindahan na binilhan mo ng maraming pizza. Baka sumugod rito ang mga customers dahil wala na silang makain doon--- f**k!" Hiyaw ni Isaac sa gulat at sakit nang ihampas ni Avery ang twalya sa tiyan niya.
"Robot! Weirdo!" Inis na tawag nito sa kaniya. Tumakbo ito nang mabilis nang bigyan niya ito ng masamang tingin. "Ha! Kung mahahabol mo 'ko!"
Isaac can't help but chuckles and look upward. "At ako talaga hinamon mong habulin ka?" Mabilis siyang tumakbo para sundan ito.
"WAAHH!" Sigaw nalang ni Avery at binilisan pa ang pagtakbo.
HALOS maubusan ng hangin si Avery na yumakap sa balustre sa paanan ng hagdan.
Isaac, on the other hand, just simply wipes off his sweat in his abs with the towel.
'Natakbo ko yung ganun kalayo?!' Nilingon ni Avery ang pinanggalingan nila na 'di na niya matanaw.
Isaac wipes his black hair, wet from sweat. "Aalis ako ngayong 8AM..." Nilingon niya ang babaeng nakatingin sa labas ng pinto. "Do you want to eat breakfast with me---" Natigilan siya nang lumingon si Avery sa kaniya. Her face lights up, naturally pink. Her eyes sparkling with happiness.
"Ulitin natin 'yon, Isaac!" Kahit hinihingal ay nakangiti itong nagsalita.
Di agad nakahuma si Isaac na nakatitig lang sa kaharap na masayang pawisan.
"Isaac?" Pukaw nito sa kaniya.
He composes himself and then slowly teasingly smiles. "Ang alin? Ang habulin ka?"
"Ang pagtakbo. Ulol."
MATAPOS makaalis sa mansion, 'di muna dumiretso si Isaac sa Prima Nova kung saan naghihintay si Liam. Bagkus, pumunta siya sa isang ospital.
Nasa malalim siyang pag-iisip habang nakasakay sa elevator papuntang 5th floor ng hospital. He remembers the doctor's voice the other day.
'I think you should see the medical results, Isaac. It will be your decision to continue or not.'
Pumikit siya. The doctors gave him the responsibility of deciding about one's life. How f****d up is that?
Tumunog ang elevator hudyat ng pagdating niya sa Exclusive Intensive Care Unit kung saan naka-confine ang mga kilalang personalidad o'yong mga ma-perang tao.
He approached the nurse station.
"Sir Isaac..." Pagkilala ng isang nurse na agag siyang giniya papunta sa isang clinic.
NAKATINGIN si Avery sa gym equipment ni Isaac. Kasama niya si Jinkie ng hapong iyon. "Gusto ko pumayat, Jinkie!"
"Kaya mo 'yan, Miss Ava!" Cheer ni Jinkie.
Avery who is still wearing her pajamas, breathes deeply and pulls up a barbel. "Umph!"
"Go! Go! Go---"
"P-P*TA... ANG BIGAT--- J-JINKIE TULONG! TULONG!" Natatarantang niyang sigaw. "P-PAANO 'TO IBABABA?!"
"WAIT!" Tumili si Jinkie at sinubukang tulungan siya. "ANG BIGAT! MANG HENER! MANG HENER!" Tawag nito sa hardinero na nasa malapit lang na nagbubungkal ng lupa. "TULONG!"
NILINGON ni Liam ang manager na kanina pa tahimik na nakaupo sa tabi niya habang nag-re-touch ang mga make-up artists sa kaniya. Halatang may malalim itong iniisip. "Isaac?"
"Hmm?" His eyes is on a document.
"You okay, bud? What are you reading?"
Isaac folds the paper. "Yeah... I'm good." Kinuha nalang nito ang clipboard at tiningnan ang susunod na schedule. "May brunch meeting ka---" Nahinto si Isaac ng bahagyang dumilim ang paningin niya. He removed his eyeglasses and massages his nose bridge. "Damn."
"May brunch meeting ako after nito at ribbon cutting at 3PM. I get that." Liam memorizes his schedules. "Why don't you take a break? You don't look well."
'Must be from lack of decent sleep.' Isip ni Isaac. "It's nothing."
Dumaan ang ilang minuto bago nagsalita ulis si Liam. "Isaac... about Avery."
Nabitin ang pagsuot uli ng glasses ni Isaac.
"How is she?"
"I shouldn't be the one you're asking, Liam." Tuluyan na nitong sinuot ang eyeglasses.
"Someone told me you left together."
Isaac can't help but get annoyed how immature Liam sound right at the moment. "If you have the time to listen to that 'someone', then maybe you have ample time to call her."
"You know I can't do that."
"Because of what you've done? Or because you don't want people the find the truth you have a relationship with her in contrast to what you publicly said." He fires the facts on Liam's face.
Puminta sa mukha ni Liam ang pagkainis. "Sinunod ko lang ang Section 9 ng contract, Isaac!" Tumaas ang boses ng idolo. Tiningnan ni Liam ang mga make-up artists upang palabasin ang mga ito.
Hinintay ni Isaac na makalabas lahat bago nagsalita uli. "I've warned you days before the presscon, Liam. I told you that you will compromise Avery with that term."
"What do you want me to do,huh?" Hinarap ni Liam ang katabi. "The contract says that Helga and I must come in public as a pair."
"You could say no." Isaac throws him a sharp glance. "At dahil atat na atat silang makuha ka, alam kong handa silang baguhin ang mga kondisyong ayaw mo sa kontrata pero di ka umangal." Dahil siguro sa pagod na nararamdaman ni Isaac sa oras na iyon, di na nito mapigilang maging prangka sa alaga. "Denying her is the least you can do about it!"
"Puwes sabihin mo sa akin kung ano dapat kung gawin?!" Liam is not backing down either. "I was grilled on the spot about my relationship with her! Importante si Avery sa'kin, Ice. But she knows how my job works. I'm sure she can understand it. Masakit gawin 'yon pero---"
"Pero kailangan." Putol ni Isaac kay Liam. "Is that what you want to say? Guess what, Liam. It doesn't mean what should be done, must be done---"
"Do you like her?" Biglang tanong ni Liam sa kaniya.
Natigilan si Isaac.
Sakto namang pumasok si Helga sa dressing room. Clad in a stunning body-hugging white dress, she snakes her arm around Liam. "Hello boys." Then kisses Liam's cheek who is still fuming over their heated exchange. Aware of the heavy atmosphere, she looks at both me. "Did I come at a wrong time?"
"HINDI... ganito dapat." Turo ni Jinkie kay Avery paano mag-arrange ng bulaklak sa malaking vase sa sala. Instead of hiding in the room the whole day, Avery decided to spend her time with Jinkie.
"Pero 'di ba parang 'di balanse ang kulay?" Lumayo pa siya para titigan ang ginawang flower arrangement sa center vase.
Nakita niyang tumayo ng maayos si Jinkie at yumukod. "Good afternoon, Sir."
Nilingon ni Avery ang bagong pasok na si Isaac sa likod niya. "Oy! Hi!"
Tumango lang ito at hinubad ang coat. Mabilis itong kinuha ni Jinkie pati ang dalang bag nito.
"Okay ka lang?" Tanong ni Avery nang mahalatang tahimik ito. Tahimik naman talaga ito para ramdam lang niya iba ang aura nito. Namumutla rin ito at pawisan base sa basang kwelyo nito.
"Yeah." Niluwagan ni Isaac ang necktie at binuksan ang tatlong butones sa may leeg ng puting long-sleeve nito.
"Sure? Pawisan ka kasi. Hinabol ka ba ng demonyo?" Sinubukang asarin ito ni Avery pero nagtaka nalang siyang diretso lang itog umakyat sa hagdan papuntang kwarto. "Hmm?" Sinundan niya ito ng tingin Binalingan niya si Jinkie. "Ano nangyari 'don?"
Umiling si Jinkie. "Di ko po alam."
KINAGABIHAN, mag-isang kumain ng hapunan si Avery. Personal pa naman niyang ni-request sa mga kasambahay na maghanda ng all-veggies na mga pagkain para ipakita kay Isaac na ready na siya sa magbago --- magpapapayat. "Yaya Mona?" Tawag niya sa mayordoma.
"Oh?" Silip ng matanda mula sa kusina.
"'Y-Yong pagkain po ni Isaac?" Tumayo siya. "Dadalhin ko nalang po sa kwarto niya."
"Nakow, ayaw na ayaw 'non nang disturbo pero subukan mo lang, teka't ihahanda ko."
TANGAN ang isang tray ng pagkain at isang basong tubig, dahan-dahan umakyat sa hagdan si Avery. "Isaac?" Kumatok siya sa pinto ng kwarto nito. "Isaac, si Ava 'to. May dala akong pagkain..." Kumatok siya uli. "'Di ito pizza o ice cream. Ano 'to... hmm..." Niyuko niya ang hinanda ni Yaya Mona. "Steamed broccoli with cream of mushroom." Wala pa ring sumagot sa loob kaya napagdesisyunan niyang pumasok. "Isaac?" Madilim ang kwarto nito.
"Isaac, pumasok na ako." Sinara niya ang pinto at maingat na nilapag ang tray sa kalapit na mesa. Lumapit siya kama at kinapa ang switch ng lamp. Nang bahagyang nagkailaw, unang tumambad sa kaniya ang isang family photo na naka-frame sa mesa. 'Hmm?' Pamilyar kay Avery ang lalake sa litrato na nakatayo sa likod nang nakaupong batang Isaac.
Bigla siyang napatalon at napamura nang may umungol. "Tang-na!" Hinanap niya ang pinanggalingan niyon at dinukwang ang kama. "Isaac?" Nakita niya itong nakatalukbo ng kumot sa kama. Lumuhod siya sa tabi at sinalat ang noo nito. "Hala! Isaac! Nilalagnat ka! A-Ang init mo!"
Isaac, still wearing his white business shirt but damp from his body sweat, is in pain and suffering from high fever. Nanginginig na umungol ulo ito.
"T-Teka... Teka... s**t! Teka ha..." Pilit pinakalma ni Avery ang natatarantang isipan. "G-Gusto mo dalhin ka namin sa hospital? Sa punerarya— s**t! Sorry!" Agad niyang hingi na pasensiya. "H-Higa ka lang diyan. Tatawagin ko si Yaya Mona---" Akmang tatayo siya nang hawakan ng mainit na kamay ni Isaac ang kamay niya. Pinaglilipat niya ang tingin sa magkadaop nilang at kay Isaac.
"S-Stay..." Hinihingal itong pilit binuksan ang isang mata. "J-Just stay..."
Dahan-dahang bumalik sa pagkaupo si Avery sa carpet. "I-Isaac... dapat uminom ka ng gamot." Nakatitig lang siya sa naghihirap na si Isaac. "Kukuha lang naman ako---"
"Stay." Isaac shuts his eyes tightly when a surge of pain hits him again. "J-Just... stay... w-with me..." Namumutla na ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kaniya.
Nasasaktan si Avery na makita itong pinagpapawisan at umuungol sa sakit. "O-Oh, sige." Umayos siya sa pagkaupo niya. May naramdaman siyang may naupuan siyang papel. Niyuko niya iyon at kinuha.
Isang dokumento iyon na may pirma ni Isaac sa ibaba. "Do Not... Resuscitate... Agreement...?" Basa niya.
[A/N: Do Not Resuscitate (DNR) Agreement - a legal and medical order signed and given to the hospital authority to stop any attempt of reviving methods, such as CPR, in case the patient's heart were to stop beating or they were to stop breathing.]
NAGISING si Avery sa mumunting huni ng mga ibon. Yayakap sana siya sa unan nang maalala niya kung nasaan siya. Paupo siyang tumayo at nilibot ang paningin sa kwarto. Nakatulog pala siya at sa mismong kama pa ni Isaac. Niyuko niya ang sarili na nakapaloob sa kumot.
Mabilis siyang bumaba. "Isaac?" Tawag niya sa lalake. "Isaac?"
Lumabas siya sa kwarto at mabilis na bumaba sa hagdan nang may makasalubong siyang isang maid. "Good morning... nakita mo ba si Isaac---"
"Here." Sagot ng boses ng lalake.
Nilingon niya ang pinanggalingan nito. Tinakbo niya ang kusina at nakita itong nag-aagahan sa mesa. "Okay ka na?" Lumapit siya rito.
"Hindi." Sumubo ng strawberry si Isaac. "...kasi di ako nakatulog nang maayos sa lakas ng hilik ng kasama ko----" Natigilan si Isaac nang biglang dinikit ni Avery ang noo nito sa noo niya. "W-What are you doing?" Halos maduling siya sa lapit ng mukha ni Avery.
"Shhh... ganito ginagawa kasi ni mama para malaman kung normal na ba ang temperature namin pagkagaling lagnat. Medyo mainit ka pa... pero at least di tulad kagabi na--- O! Uminit ka na naman---"
Tinulak ng namumulang si Isaac ang babae. "L-Lumayo ka nga. Baho ng hininga mo."
Umingos si Avery. "Arte nito... parang di mo lang sinabi kagabi na... 'A-Avery... stay.. stay with me.' " K-in-opya pa ng babae ang hitsura ng mukha ni Isaac kagabi.
Mas lalong namula si Isaac. "Guard! Guard! May baliw rito!"
MASAYANG nakatayo si Avery sa likod ni Isaac samantalang inis naman si Isaac na nakatingin sa nagkalat na mga gym equipment niya sa gym. "Anong ginawa mo rito?"
"Nag-gym ako." Proud nitong sabi.
Nilingon niya ito. "Tapos?"
"Masarap sa pakiramdam pagkatapos, pero ang sakit lang sa binti..."
"I'm not referring to that."
"Huh?" Tingin nito sa kaniya.
"Like I said, I hate repeating myself."
"Ah! Sorry... 'di ko na-arrange nang mabuti ang mga gamit. Napagod kasi ako."
"Napagod ka?"
Parang batang tumango si Avery.
"Ayusin mo." Utos niya.
"Ang?"
"Ang kalat." Turo ni Isaac sa sahig. "Pulutin mo mga mini-dumbells. Aysuin mo base sa bigat. Isauli mo rin saan mo kinuha 'tong mga sticks --- "
Bilog na bilog ang mata ni Avery sa gulat na pinasadahan ang kalat. "Lahat?!"
"Lahat. Marunong ka dapat maglinis ng kalat mo. Now, move!"
At mabilis tumalima ang babae.
AVERY found Isaac's secret motive behind him physically trying her to move.
She wants to lose weight and Isaac acknowledges it without her telling him.
For starters, nag-te-treadmill siya. Tapos ewan ba't palaging may nakakalimutan si Isaac sa mansion at siya ang pinapakuha nito kaya pabalik-balik siya sa mansiyon na para bang mukhang malapit lang ang bahay.
Dini-disiplina na rin ni Avery sarili. Pinapalitan niya ang channel sa TV pag may patalastas ng mga pagkain. Maaga rin siyang bumabangon para tulungan ang matandang katiwala na si Mang Hener na magbungkal ng lupa para sa mga tinatanim nito.
Tumutulong din siya sa mga gawaing-bahay na di niya nagagawa noon: nagsasampay ng bed sheets, nag-mo-mop ng sahig sa mga kwarto, nakikipaghabulan sa mga inahing manok sa maliit na rancho sa likod ng mansion. Kaya pala halos preskong pagkain ang inihahanda kasi mismong sa bakuran lang pala ito tinatanim o binubuhay.
Siya rin ang nagdadala ng basket pag namimintas si Mang Hener ng mga kalamansi. Pag puno na'y binubuhat niya ito papasok sa bahay.
Sa hapon nama'y kausap niya ang pamilya sa telepono at nakikipag-kwentuhan sa mga maids.
Sa gabi'y tumutulong siya sa paghahanda ng pagkain at pagliligpit na rin.
It has been rewarding for the spiritually-broken Avery.
Sa totoo'y nagpipighati pa rin ang puso niya sa nangyari pero ayaw rin niyang makita ang mga tao sa paligid niya na nag-aalala sa kaniya kaya dapat niyang tulungan ibangon ang lugmok niyang puso.
Para sa sarili at para na rin sa mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya.
NAKITA ni Isaac mula sa second-floor na balkonahe veranda si Avery na pa-kembot-kembot na sumasayaw sa hardin kasama si Mang Hener. Nilabas ni Isaac ang phone niya at simple itong kinunan ng video. Ngingiti na sana siya nang nag-vibrate ang gadget, hudyat na may tumawag. Sinagot niya iyon. "Hello, this is---"
PAWISANG pumasok si Avery sa mansiyon. Nakita niyang padalawang-hakbang na binaba ni Isaac ang hagdan na nagmamadaling i-butones ang damit. Umiiyak naman sa 2nd Floor si Yaya Mona. Ang ibang maids ay malungkot na nakayuko rin.
"A-Ano meron?" Nilingon niya ang mga tao sa loob. Tiningnan niya si Isaac nang tuluyan na itong nakababa. "Isaac---" At nilagpasan lang siya nito at diretsong sumakay sa sasakyang nakaparada sa harap ng mansiyon.
Isaac immediately turns the car's ignition and reeves far from the mansion in a matter of minutes.
NAKAUPO si Isaac sa waiting area ng ospital. Clasping both hands below his chin, elbow planted on his knees, he turns to the emergency room when a doctor came out. Agad siyang tumayo at lumapit roon.
Umiling ang doctor na tinaggal ang mask sa bibig. "I'm sorry."
Tumalikod si Isaac at inihilamos nalang mukha sa mga palad.
NAKAUPO rin sa gilid ng pool kinagabihan si Avery habang nakalublob ang mga paa sa tubig. Alerto ang pandinig niya baka marinig ang pagdating ng kotse ni Isaac. 'Ano kaya ang nangyari?' Inalala niya ang mukha ni Isaac na lumagpas sa kaniya kanina.
Puno ito ng hinanakit.
Ayaw rin niyang magtanong sa mga maid baka sabihing chismosa siya o ano. 'Di pa naman siya taga-rito para makiusyoso sa nangyayari sa mansion.
Marahan siyang nagsisisipa sa ilalim ng tubig. 'Ang lungkot ng mga mata niya.'
KINABUKASAN, late na nagising si Avery dahil napuyat siya sa kahihintay ni Isaac kagabi. Pagkababa niya ay nahalata niyang nawala halos mga gamit sa sala. 'Asan ang mga vase? 'Yong grand piano?'
Nagtataka pa rin siya na pumasok siya sa kusina. " 'ya Mona?"
Namamaga ang mata ng matanda na lumingon sa kaniya mula sa pagpupunas ng mga plato. "H-Hija?"
"Uhhh... Si-Si Isaac po?" She's getting more curious every passing second.
"Maagang umalis. Umuwi nang madaling-araw kanina pero nagbihis lang."
"G-Ganun po ba..." 'Ba't ang lungkot ng atmosphere sa bahay ngayon?'
HINDI agad nakahuma si Liam nang mabasa ang inilihad na papel ni Isaac.
A resignation letter.
"What's this?" Taas niya sa papel. "Resignation?"
"I'm resigning as your manager, Liam." Matamlay na imporma ni Isaac.
Tiningnan ni Liam ang kaharap. He looked like a mess. Far from the prim manager he knew. "What happened? Isaac, kung tungkol ito---"
"No. Kung tungkol ito kay Avery, malamang wala na ako rito." Isaac sighs with exhaustion. "I'm not the type to let emotions affect my own decision, Liam. You know that."
"Then why?" Tatalikod na sana ang managers niya nang magsalita uli siya. "Is this the same reason why you left the modelling world five years ago, Isaac?"
Pumikit si Isaac at di sinagot ang tanong. "I'll find an efficient replacement as soon as possible, Liam. Don't worry... 'di masisira ang trabaho mo." 'Yon lang at umalis na ito.
Leaving Liam crumpling the letter.
BUMABA si Isaac mula sa kotse at pumasok sa isang building. He looked tired as f**k but everything happens so fast. He ignores the shout of the media on the entrance for an interview or short message from him.
Upon reaching the building's top floor, he is welcome with an open room-- with a lot of executives inside.
He inhaled sharply and stood primly infront of the door.
Huminga siya nang malalim at pumasok sa opisina kung saan nagsitayuan ang nasa loob nang makita siya.
The secretary closes the door after him with. The door has new gold-embossed name plate in the center.
Isaac Roe Smith-Miller.
CEO.
LUMABAS mula sa grocery store si Avery kasama si Jinkie. Kasalukuyan silang namamalengke ng mga maraming disposable plates, cups at utensils. Iniisip pa rin niya anong nangyari. 'Matanong nga si Jinkie mamaya sa kotse.' Nakasunod lang siya rito nang biglang tumunog ang cp niya. Tawag iyon mula sa ate niya. Sinagot niya iyon. "Oh ate----"
Andrea: "AVA!! ALAM KO NA KUNG SAAN KO NAKITA SI ISAAC!"
"Huh?" 'Isaac?' "Alam ko na rin, ate. Modelo siya noon tulad ni---" Nahalata niyang halos nakatingala ang mga tao sa labas sa malaking LCD TV na nakadikit sa isang building. Tumingala na rin siya para makita ang isang news flash report.
"HINDI, Avery!" Binasa ni Andrea ang hawak maalikabok na magazine na hawak. "He is Isaac Roe S. Miller. Kasali siya sa Forbes International 30 Under 30! Yung listahan ng thirty young successful people under the age of thirty?! Pangatlo siya! He is Elijah Miller's only son!" Patungkol niya sa matandang binalilta noong gabi nanood sila ng balita kung saan binalita rin na nakita si Liam kasama si Helga sa isang coffee shop . "Elijah Miller, ang may-ari ng Smith&Miller Conglomerates! May-ari ng maraming kompanya kasali ang pinagtatrabahuan mong call center agency pati na rin ang entertainment agency na ni Prima Nova na may hawak ni Liam!"
'Sabi ko na nga ba!' Tumingin si Andrea sa binalita TV. 'Isaac was not JUST a manager.'
WALA sa huwisyong pinatay ni Avery ang tawag at tumingala na rin sa malaking LCD TV.
Then she remembered the man she saw at Isaac's family photo in his room and the... DNR Agreement.
Pinigilan ni Avery ang pagsinghap nang mabasa ang headline ng balita: ELIJAH MILLER DIES AT 59. ONLY SON TO TAKE OVER HUGE S&MCg.
Bigla siyang kinabahan. 'I-Isaac?'
The monitor flashes Isaac who exits a building who was immediately swarmed with reporters and mediamen. She saw an emotionless man being guarded by a lot of bodyguards.
Na-realize ni Avery na malapit lang ang building na 'yon sa lokasyon niya. Nabitawan niya ang mga pinamili at tumakbo papalayo na pinagtataka nang bagong labas sa grocery store na si Jinkie. "Miss Ava?" Tawag nito sa kaniya.
HINIHINGAL na narating ni Avery ang nasabing lugar na punong –puno na ng mga tao. Tiningala niya ang steel-plated na pangalan ng building. Smith&Miller.
She tip-toed to get a chance to see Isaac. Sa tangkad nito, agad niya itong nakita. "Isaac! Isaac! ---" Napaatras siya ng maraming tao na ang lumapit sa lugar para masilip ang misteryosong anak ng isa sa mga pinaka-mayamang tao sa mundo. Sumingit pa siya lalo sa nagkukumpulang tao. "Isaac!" Malakas na tawag niya rito. "Isaac!" Tumalon pa siya. "Isaac---"
"Uy ano ka ba, taba!" Singhal ng isang lalake sa harapan niya. "Wag kang malikot!"
"Kung 'di ka aalis sa harap ko, dadaganan kita!" Banta ni Avery.
Isaac, surrounded by dark-suited men, cannot escape the reporters who tried to push their mics and phones near him.
"Sir, Sir... saan po ngayon nakalagak ang katawan ni Sir Elijah?"
"Mr. Miller, what are your plans now that the board decided you to be the CEO of the Smith&Miller?"
"Isaac, what would happen to Liam now that you're a CEO?"
Isaac kept his mouth shut and wishing this would stop. 'I'm tired....' Pumikit siya. 'I just want to mourn my father's death... Let me pass...'
"ISAAC! ISAAC!"
Napadilat si Isaac nang makarinig ng pamilyar na boses. 'Avery?' His eyes immediately finds the woman among the sea of crowds.
"ISAAC! DITO!"
Hinanap ni Isaac ang pinanggalingan ng boses nito. Then he saw her climbing a traffic light pole, waving at him. "ISAAC!" Ngumiti ito. "ISAA---" Biglang nahulog ito at nawala sa pole.
"AVERY!" Sigaw ni Isaac. Natahimik lahat ng mga tao. Isaac pushes forward, escaping the protection of the bodyguards. Na-i-hiwalay niya ang mga nagkukumpulang mga tao papunta sa direksyon ni Avery.
Malakas na napaupo si Avery sa kalsada nang nadulas ang pawisang kamay niya sa pole. Umuungol siyang hinimas ang pwetan. "Syet... nalaglag 'ata pati ang matres ko... Aray..." Natigilan siya nang may isang kamay ang inabot ang pisngi niya.
When she looks up, she saw Isaac kneels on one knee in front of her.
Ngumiti si Avery. "Isaac..."
Isaac smiled. "You really are unpredictable."
TAHIMIK na nakasakay sa backseat si Isaac at Avery sa kotse.
Isaac is looking outside, palm under his chin.
'K-Katabi ko ang a-anak ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo... at ang magmamana ng lahat ng iyon! Shet memeng....' Lingon ni Avery sa katabi. Kahit nakatingin si Isaac sa labas ng bintana'y halatang pagod ito at nagluluksa sa pagkamatay ng ama nito.
Napalitan ang paghanga niya ng pag-aalala. She then reaches his free hand on the car seat with her two hands.
Lumingon si Isaac sa kaniya. His eyes tired from everything.
"P-Pasensiya ka na at di-di ako magaling makiramdam ng mga bagay-bagay." Bumiyak ang tinig niya. "'D-Di ko agad nalaman na... na... nahihirapan ka n-na pala..." Tumulo ang luha ni Avery. "Sorry, Isaac." Dinala niya ang kamay nito sa dibdib niya at mahigpit na hinawakan.
In a strained voice, he speak. "My dad was in a coma for a long time now and just days ago, I was offered to sign a DNR Agreement due to his numerous health complications, Avery." Paglalabas ng hinanakit nito. "An agreement that once my father's heart stops beating, they won't issue and try any revival methods to revive Dad. Kasi pag ginawa nila ito, pahahabain lang nila ang dinadala nitong sakit. They already told me that his chance for recovery was getting slim on each passing day."
Humikbi si Avery sa sakit na naririnig niya sa boses ni Isaac.
"I-I somehow... indirectly, killed my o-own father by signing those papers, Avery." Masakit nitong sabi. "I-I just don't want him to suffer. I-I can't bear to witness another tube inserted in his body and quietly see his tears fall from his eyes."
"S-Sorry, Isaac... S-Sorry..."
And in one swift move, Isaac pulls Avery's hand and rubs his cheek on her warm hand then kisses the inside of her palms softly.
Lumapit si Avery rito.
This time, it's her turn to hug him as he silently mourns and cries for his father.
[NEXT CHAPTER PREVIEW:]
"Ba't ka ba hila ng hila pataas sa pajamas mo?" Inis na tanong ni Isaac nang makalapit ito sa kaniya.
"Ewan ko. Lumuwag 'eh." Inis rin na turan ni Avery. "Di naman sira ang garter." Sinilip pa nito garter ng pajamas. "Pati pants ko, nahuhulog rin pag sinusuot ko." Himutok nito.
"Nagtimbang ka na ba?"
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐