NANGINGINIG ang mga kamay ni Avery na humawak sa braso ni Isaac na nakatakip sa mata niya at dahan-dahan iyong binaba. Humarap siya rito na nakayuko.
"Bes..." Malungkot na tawag ng baklang si Rosauro.
Lumingon si Avery rito at pilit ngumiti. "U-Uwi na tayo, Rose?"
Nang may biglang sumigaw na isang fan. "Umuwi ka na taba!"
Galit na pumasok mula sa backstage si Rose papunta sa mismong convention hall. "ANONG TABA HA!?"
"Umalis ka na bakla!" Dagdag ng isang fan.
"HA! MAS BAKLA PA TINGNAN MUKHA MO, ATENG! KE-TANDA-TANDA MO NA NAKIKIHAROT KA PA KASAMA ANG MGA BAGETS! PWEH!" Dura ni Rose sa sahig at nag-martsa pabalik sa backstage sabay hinila si Avery palabas. "Tara na, Avery! Ugali ng mga yun tulad ng idolo nila! BASURA!"
Sinundan nalang ng tingin ni Isaac ang dalawang pigurang lumabas sa building.
NAPAUBO nalang ni Andro ang iniinom na softdrinks sa nakitang kaguluhan sa TV "A-Ate Avery?! Rosauro?!"
Di makapaniwala si Aling Aurora na noo'y nasa kalagitnaan nang pagtutupi ng mga damit . Nilingon niya si Andrea. "Dayeng, tawagan mo si Ava! Ngayon din!"
Nagkukumahog na nag-dial si Andrea sa cellphone nito at tinawagan ang kapatid. 'Ang bilis ng pangyayari... parang kalian lang excited si Ava sa pagsosorpresa kay Liam... Bakit, Liam? Anong nangyari sa'yo?' Palaisipan ni Andrea.
NAGHUHUMERENTADO pa rin ang kalooban ni Rose habang hila-hila ang kaibigan sa labas ng building papunta sa gate. "KAPAL! BWESIT! SARAP PUMATAY NG TAO NGAYON!"
"Rose..."
"Humanda ka, Liam! Bakla man ako... malakas pa rin akong manuntok! P*ta ha!"
"Rose..."
"Akala mo sinong herodes! Para namang malaki titi nito para pagkakaguluhan ng sangka-babaihan! AAAHHH--" Titili na sana ito nang huminto si Avery sa paglalakad.
"Rose."
Napahinto rin ito at nasa mukha ang kalungkutan na lumingon sa kaniya.
Ngumiti si Avery. "U-Uh... c-can I have uh..." Tumingala si Avery para pilit pigilang tumulo uli ang mga luha niya. "Uh.."
"Oo bes. Gusto mo muna mapag-isa?" Pagtatapos ni Rose sa sasabihin nito. "Naiintindihan ko."
Iniwas ni Avery ang tingin sa kaibigan. Masakit tumingin sa mukha nitong naaawa sa kaniya. "S-Salamat."
Niyakap siya ni Rose. "Wag kang suicidal, 'ah!"
Hinampas ni Avery ang likod nito. "H-Hindi! Ano ka ba!"
"Bes naman 'eh!" Humawak ito sa kamay niya. "Ayaw kitang iwan..."
Huminga ng malalim si Avery. "I'll be fine. I just wanted to be alone... r-right now." Humugot uli siya ng hinga. "I-I'll be okay."
"Tatawagan kita 'ah! Sagutin mo 'ko!" Tumadyak pa ito.
"Oo nga." Pilit siyang tumawa. "P-Promise."
FEW DAYS AGO | BATANGAS
Liam smiled at her. "Promise."
AGAD tumalikod si Avery. "T-Text kita, Rose." At tumakbo papalayo kahit muling nabasa sa malakas na buhos ng ulan
Biglang tumulo ang luha ni Rose. "Avery..."
HELGA kisses Liam's cheeks. "See you later?"
Liam answers her gesture with a lifeless smile. "See you."
Nang pumasok si Helga sa dressing room nito, siya naman ang tumalikod para pumasok sa naka-assign na kwarto sa kaniya. Agad niyang hinanap ang manager niya sa loob. "Si Isaac?"
Kinain ng mga staff niya ang mga pagkain na andoon sa loob. Sumagot ang isa. "'Di mo dumaan dito."
"I-I see..." Niyuko niya ang cellphone para mag-text kay Isaac.
"Uy! May cake pa 'oh." Kinuha ng isang staff ang cake na nasa make-up table na medyo sira na ang box. "Bring home ko nalang 'to." Hindi nila namalayan ang letter na nahulog mula sa pagkakadikit nito sa box . Natatapakan na lamang ito.
HINDI alintana ni Avery ang ginaw at ang pagkabasa ng buong katawan niya habang nakaupo sa swing sa park. Patuloy pa ring umuulan na para bang sumasabay rin ito sa damdamin niya. She's swinging slowly while staring at her lap where a little pool of rainwater is forming from the drops in her hair.
'No...she's a nobody.'
'I am in no way associated with her.'
Napahawak siya ng mahigpit sa kadena ng swing.
'Di ko siya kilala.'
And before she'll be consumed by self-pity and depression, she felt the rain stops pouring on her. She looked up and saw a floral, pink umbrella hovering her head.
Isaac, also wet from rain, holding it near her head. He didn't mind the rain shower ruining his black suit.
"N-Nababasa ka na," sabi niya na nakatingala sa lalaki.
"Ikaw rin naman 'ah."
Tumayo siya. Now they're facing each other, sharing one umbrella.
"You okay?" Tanong nito.
"C-Can I be honest with you?" Nagsimulang bumiyak ang boses niya.
"Sure."
Huminga siya ng malalim. "A-Ang sakit, Isaac. Ang sakit rito." Tinuro niya ang dibdib niya. "Dito..." Tinuro niya ang noo niya.
"Bakit?"
"K-Kasi... kasi... a-akala ko... si Li-Liam..." Saying his name hurts like thorns in her throat. "S-Siya ang pinakuhuling taong i-itatanggi ako sa h-harap ng m-mga t-tao."
Isaac looks down on the woman who soul is writhing in pain every second. "Avery." Tiningala siya nito. "Why aren't you crying?"
"B-Because..." Kinagat ni Avery ang labi. "I promised him I'm not going to cry anymore. I promise him I won't let anybody see me crying..."
Laking gulat ni Avery nang binitawan ni Isaac ang payong. Rain starts pouring on them again. "There." He sighs. "I can't tell if it's tears or just rain, so basically no one here, including me, can tell that you are crying."
Pilit pa rin pinipigilan ni Avery ang luha niya.
"Avery, I'm not Liam." Then Isaac slowly pulls her and hugs her tightly. Holding her head close to his shoulder, he finally said the words she badly needed right now. "It's okay to cry. You can cry now, Avery."
At tulad ng ulan, nagpapaligsahang pumatak ang malalaking butil na mga luha ni Avery. "I-Isaac... ang sakit, Isaac. A-Ang sakit. Ang sakit talaga..."
TAHIMIK na nagmamaneho si Isaac habang nakatulog naman si Avery sa passenger's seat ng kotse. He didn't know how long they were standing under the rain. All he can remember is how hard Avery cried on his shoulder.
Tumunog ang IPhone niya na pinatong niya sa dashboard. Nabasa ni Isaac ang pangalan ni Liam sa screen. Tumatawag ito. Nilingon niya ang himbing na natutulog na si Avery sa tabi niya. Pinindot nalang niya ang 'Cancel' button.
Dumaan ang ilang minuto ay nagising si Avery. "Isaac..." Tawag nito sa kaniya habang nakatingin ito sa labas ng bintana.
"Hmm?"
"Wag mo muna ako iuwi..."
"Your family must be worried by now." Given that the presscon is broadcasted nationally and the power of social media, Avery's family must have been aware of the fiasco by now.
"Ayoko. Wala pa akong mukhang iharap sa kanila."
Lumingon si Isaac rito.
Mata nito'y nagsusumamo. "Please?"
He exhales. "I will. But you'll call them once we arrive at my place to let them know you're safe."
DAHIL sa haba ng biyahe, nakatulog uli si Avery. Di nito namalayan na nakarating na pala sa lugar ni Isaac.
Isaac removes his seat belt and softly pats Avery's cheek. "Avery. We're here."
Umungol siya.
"Andito na tayo." Lumabas si Isaac sa kotse.
Avery stretches her body clad with wet clothes and pushes the door on her side open. Di pa 'ata siya tuluyang nagising kasi parang nananaginip pa siya sa oras na iyon.
Tumambad kasi sa harapan niya ang isang napakalaking mansion na nakikita lang niya sa mga palabas. Kinusot niya ang mga mata at 'di magkamayaw na lumingon sa paligid.
Behind her is wide garden colored with different, blooming flowers. Not to mention the huge fountain with a marble statue of a mermaid holding a jar where the water flows out
'Asan ang gate? Ang gate!?' Hinanap niya ang gate. Di niya matanaw ang gate sa lawak ng lupaing ito?!
"What are you looking for?" Tanong ni Isaac na nakatayo sa b****a ng mansion.
Kinakabahan na humawak si Avery sa sidsid ng manggas ni Isaac habang lumilingon pa rin sa paligid. "I-Isaac...umalis na tayo rito. Baka drug lord may-ari nito, ma-OPLAN TOKHANG pa tayo!"
"It's my place."
"Huh?" Napatingin si Avery rito. "Anong 'my place'?"
At parang nasagot nito ang tanong niya na may lumapit na isang matandang mayordoma na yumakap sa binata. "Isaac, hijo."
"Yaya Meds." Humalik ang lalaki sa pisngi ng matanda. "This is Avery." Nguso nito sa direksyon niya. "She's my guest."
Pinaglilipat ng matanda ang tingin sa kanilang dalawa. "Bakit kayo basa? Naku, mga bata 'to. Naligo 'ata sa ulan! Pasok, pasok para makapagbihis kayo ng damit." Alok nito sa kanila papasok sa bahay.
"Pakihanda ng hot bath, 'ya." Mahinahong utos ni Isaac na naunang pumasok.
Naiwan paring tigagal si Avery. Lumingon uli siya sa paligid. 's**t! Nasa Hogwarts ba'ko?' Nang tuluyang nakapasok si Avery, mas lalo siyang namangha sa loob ng bahay. Huge chandeliers. A shiny grand piano. Life-size portraits and paintings. 'Maglakad ka ng dahan-dahan, Avery... baka mabasag mo ang sahig... shuta! Parang mamahalin rin kahit sahig---'
Napatalon siya ng biglang nagsalita si Isaac mula sa second floor. "Anong ginagawa mo dyan?"
"Shh... hinaan mo boses mo, ano ba?!" Lumingon si Avery sa paligid. "'Di magandang biro ito, Isaac!"
Isaac, annoyed, pointed a portrait. Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito.
It's Isaac in a school uniform.
'Shooottta! Bahay pala talaga niya 'to!'
NAKASUNOD si Avery kay Isaac sa 2nd Floor at parang timang pa rin na lumilingon sa paligid. Isaac stops and opens a room. "This will be your room. May hot and cold shower, may tub, may wi-fi, may telepono... if you want TV---" He stopped midway when he remembers the incident earlier. "...as for your clothes---"
"Isaac." Singit niya rito.
He turns to her.
"Salamat." Malungkot siyang ngumiti. "Maraming salamat."
Tumango ito. "Kung may kailangan ka, may mga katulong na puwede mong utusan."
Tumango rin siya at kiming ngumiti rito. Pinihit na niya pabukas ang pinto ng kwarto at pumasok sa loob.
Pagkasara niya'y para bang bumalik lahat ang bigat ng kaniyang nararamdaman. Muling niyang naramdaman ang sakit.
Napasandal nalang siya sa pinto at dumausdos pababa sabay humagulhol ng iyak.
Isaac, on the other side, leans on the door and listens to Avery's cries.
"PAPATAYIN KO YANG DEMONYONG YAN!" Hiyaw ni Rose nang makabalik sa bahay nila Avery. "AT ANG LAKAS PA NG LOOB NIYANG I-DENY SI AVERY SA NATIONAL TELEVISION! NATIONAL TELEVISION!" At sumipa siya ng throw pillow na nahulog mula sa sofa.
Tahimik lang si Andrea na nakatayo sa may pintuan habang si Andro nama'y pinupulot ang mga tinatapon at sinisipa ng bakla.
"May rason siguro si Liam kaya nagawa niya yun, Rose." Saad ni Aling Aurora.
"ANONG RASON, NAY AURORA?! DI MAKATARUNGAN ANG GINAWA NIYA!" Kinuha ulit niya ang throw pillow na kakalagay lang ni Andro sa sofa at tinapon uli. "Di ba niya alam gaano..." Sumipa na naman siya ng unan. "...kasakit yun kay Ava!"
Kinuha ulit ni Andro ang mga unan sa sahig.
Patuloy pa ring nagwawala si Rose. "Minahal siya ng sobra ni Ava! At alam ba niya kung gaano siya iniingatan ni Ava?! Tinatago ni Avery ang sariling damdamin para di siya masira tapos ganito lang?! DI NIYA KINONSIDERA ANG DAMDAMIN NI AVA! SI AVA PANAY ANG TAGO SA KATOTOHANANG MAGKAKILALA SILA PARA WALANG GULO!"
"Asan siya, Rose?" Tanong ni Andrea. "Di niya sinasagot tawag namin."
"Dayeng..." Himutok ni Rose. "Gusto muna niya mapag-isa. Pabayaan muna natin..."
NAPAHINTO si Helga sa paghalik sa leeg ni Liam at humiga sa tabi nito. After the presscon, she visited him at his pad to have some steamy s*x but it happened the other way around. She did all the 'work'. Tumingin siya sa katabi niya na nakatitig sa kisame. "What's wrong? You're so timid today."
Nakaunan ang braso ni Liam sa ulo nito at napa-buntong hininga. "Wala lang ako sa mood, Helga."
"Because of what happened? Come on, babe." Umupo si Helga sa kama, tapis ang kumot ng kama para takpan ang dibdib niya. "It is bound to happen. There is no other way than to deny it."
Pumikit si Liam. Naalala niya ang mukha ni Avery na parang nagsusumamo sa kaniya na wag sabihin ang katagang nabitawan niya: 'She's a nobody.' 'I am no way associated with her'.
Helga's hand slipped inside the blanket towards Liam's body. "Uubusin ba natin free time natin over guilt tripping?"
Liam looked at Helga then shakes his head. "Of course not."
"LIAM," sagot ni Isaac sa tawag nito kinagabihan. He's currently at the mansion's study room reading contracts and check the evening entertainment news where the commotion earlier is featured.
Liam: "Isaac, bud! Where are you? Andito na kami sa Hotel Ch'avlier! May small victory party tayo--"
"Pass." Isaac closes his laptop as he heard loud music and laughter on Liam's background. He gazes at the papers spreading messily on his table. "Marami kasi akong ginagawa."
Liam: "Come on! You'll miss the night---"
"I don't think this is the right time to celebrate, Liam." Hinting the incident, Liam went quiet on the other line. "Enjoy the party." at ini-off ang tawag.
May kumatok sa pinto ng library at sumilip sa kaniya sa loob. "Sir." Tawag pansin ni Jinkie, ang bago nilang maid.
"Yes?"
"S-Sir... a-ano po..." Tumingin pa ito sa labas bago binalik sa kaniya ang atensiyon nito. "Wala pong sumasagot sa kwarto ni Ms. Avery."
"What do you mean?"
"Bale po... kanina pa po ako kumakatok sa kwarto niya para ihatid ang hapunan niya kaso po di po siya sumasagot."
Agad tumayo si Isaac. "Go find the keys."
"AVERY!" Kumatok si Isaac sa pinto ng kwarto nito. "Ava! Are you there? Open up!" Pinihit niya ang naka-lock na doorknob. "Avery!" He knock louder. Nilingon niya ang nagkukumpulang mga maids. "The keys! 'Asan na?!"
Nang napagbuksan nila ang kwarto, Isaac immediately charged in and look around. Andun pa ang sapatos at bag nito. 'Where is she?!'
Nilapitan niya ang banyo at nang buksan iyon ay...
"HETO AKO~ BASANG-BASA SA ULAAAAANN! WALANG MASISILUNGAN~ WALANG MALALAPITAN~" Kanta ni Avery habang nakalublob sa bathtub. Kakanta sana ulit ito nang pinatay ni Isaac ang kanta na naka-full volume sa cellphone nito. Lumingon ito at napasinghap nang makita siya. "Hoy!" Tsaka lumubog pailalim sa tubig na puno ng mga bubbles. "Syet, memeng! Naliligo ako, Isaac!"
Isaac's face is pissed as f**k. He forgot sound proof pala ang kwarto at ang banyo nito kaya siguro 'di nito narinig ng mga katulong na kumakanta. "'Di maganda boses mo, paki-tigilan mo na ang pag kanta---" Napapikit siya nang tapunan siya ni Avery ng maraming bubbles sa mukha.
"Labas! Labas! Makikita mo katawan ko!" Namumulang taboy nito sa kaniya.
Mas lalo pang nainis si Isaac. "Ano bang makikita ko diyan sa katawan mo?!"
Ngumisi si Avery. "Curious ka?"
"You're crazy." Tumalikod si Isaac at pabalandrang sinara ang pinto ng banyo. Dali-dali siyang naglakad at lumabas sa kwarto nito
"Sir?" Sinalubong siya ni Jinkiepagkalabas niya. "Okay lang po ba siya?"
"J-Just leave the food at her nighttable." At umalis siyang namumula.
MATAPOS naligo, 'di halos maubos-ubos ni Avery ang pagkain na hintid ng isang maid. Wala talagang lasa ito sa bibig niya.
Lumapit siya sa sliding door palabas sa balkonahe at binuksan iyon. 'Masarap ang hangin sa gabi para sa heart-broken..' Alala niyang sabi ng ate niya noon nung nakipaghiwalay ito sa unang nobyo nito.
Huminga siya ng malalim at tinawagan ang ate niya. 'Di pa nga natapos ang unang rin, agad na nitong sinagot ang tawag niya.
Andrea: "Ava? Nasaan ka?!"
Andro: "Si ate?"
Rose: "BES!"
Biglang tumulo ang luha niya nang marinig ang mga boses nito sa linya. "A-A-Ate..."
NAGLAKAD si Andrea palabas ng bahay habang buntot-buntot naman niya sina Rose at Andro. "Ava, nakita namin lahat sa TV." Malungkot niyang imporma rito. "Nasaan ka ngayon?"
Avery: "A-Andito ako kay Isaac..."
Habag na habag si Andrea sa kalungkutan na naririnig niya sa boses ng kapatid. "Avery ---" Naputol ang sasabihin niya nang sumigaw ang baklang si Rose malapit sa tainga niya kung saan nakadikit ang cellphone.
"Anong Isaac?!" Napapadyak pa si Rose sa inis. "Hoy, Avery Lora! PAG IKAW NALAMAN KUNG GUMAPANG KA PABALIK SA HINAYUPAK NA YUN, MAKAKATIKIM KA TALAGA SA AKIN!"
Avery: "L-Liam's not here. Si Isaac ang tumulong sa akin matapos ang nangyari.
Lumapit kay Andrea ang ina nilang si Aurora na nilahad ang kamay para makipag-usap sa anak. Binigay naman iyon ni Andrea. "Hija... Umuwi ka na."
Narinig nalang nila na malakas na humagulhol sa kabilang linya si Avery na tinatawag ang mama nila.
Napasinghot ang ina nila hudyat nang pagpipigil nitong huwag umiyak. "Umuwi ka na para maalagaan kita, anak. U-Uwi ka na, Ava..."
HINDI magkamayaw sa pagpahid ng mga luha si Avery. "M-Mama... Ayaw ko po muna." Muling bumuhos ang mga luha niya. "Ayaw ko po munang umuwi..." Natatakot siyang umuwi sa lugar kung saan marami silang alaala ni Liam, lalo na sa kwarto niyang punong-puno ng mga litrato nila. "Ayaw ko po munang umuwi..."
TUMULO na ang mga luha ng ina nila. Awang-awa ito sa kalagayan ni Avery. "Ava, paano ka namin matutulungan sa nararamdaman mo ngayon kung 'di ka pa uuwi ha?"
Muling sumingit si Rose."SUSUNUGIN KO KWARTO MO, AVA! MASAKIT SA MATA ANG KWARTO MO! HALOS GINAWA MO NANG PINTURA ANG MUKHA NG DEMONYONG SA DINGDING MO!"
Kinuha ni Andrea ang cellphone mula sa ina nila. "Avery, ako na bahala kay Mama. Take your time there."
Umiiyak na nagpasalamat ang kapatid niya sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga si Andrea na tiningnan ang mga mukha ng mga kasama niya sa bahay. "The healing process is not easy, Avery." Dahil bukod sa mga kutya na personal na natanggap nito mula sa ibang tao, ang mas masakit doon ay ang itanggi ito ng lalakeng pinaka-iingatan sa puso nito noon pa. "Basta alalahanin mo lang na nandito kami para sa'yo. As much as possible, call us everyday. Huwag kang mahiyang umiyak sa amin kasi alam naming 'di biro ang pinagdaanan mo."
Andrea only knew Isaac as Liam's manager. Pero sa kuwento palang ng idolo kung gaano ka-bait at maalaga ni Isaac, kampante si Andrea na nasa mabuting kamay ang kapatid niya. "Mahal ka namin, Avery. Kaya huwag na huwag ka paghinaan ng loob."
THE NEXT days, Isaac has been busy to the point that he can't have a whole minute of silence for himself. After Liam's contract signing with Cubic Entertainment, his fame become gloal.
Walang oras na 'di tumutunog ang cellphone ni Isaac.
He left the mansion before the sun rises. He went home when the moon as its peak position around the wee hours of the morning.
Yet, his busy schedule didn't stop him on losing track on Avery's movement. He called the people in the mansion to check her. Iisa lang ang mga sinasabi nito: "Umiiyak po, Sir. Nasa kwarto pa rin, nagkukulong."
At dahil maagang natapos ang magazine interview ni Liam nang araw na iyon, nagpaalam siya kay Liam na umuwi muna para makapagpahinga. His excuse will also be beneficial to Liam. Kung wala ang manager, 'di makakagalaw at makakapagdesisyon ang idolo kaya wala itong magagawa kun'di magpahina rin.
When he entered the mansion, halos 'di magkamayaw ang mga maid sa pag-akyat-baba sa hagdan. "What's going on?" He asked as he took of his coat and handed it to the butler who approached him.
"Sir..." Hinihingal ni Jinkie na huminto sa paanan ng hagdan. "S-Si Miss Avery po..."
"Bakit?" Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaharap. Napa-angat ang tingin niya sa mayordomang bumaba sa hagdan na may dalang maraming plato. "Yaya Mona? What's with the plates?"
"H-Hijo---" Naputol ang sasabihin nito ng may nag-doorbell.
"NA NAMAN?!" Sabay-sabay na sigaw ng mga maid.
Naguguluhang binuksan ni Isaac ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.
Sumalubong sa kaniya ang servant boy ng mansion na may dalang maraming box ng pizza at half-bucket na ice cream. "S-Sir..."
SALUBONG ang kilay ni Isaac na pumasok sa kwarto ni Avery na noo'y nakaupo sa kama at nanonood ng Spongebob Squarepants. Tumatawa pa itong may hawak ng slice ng pizza.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang maraming kahon ng pizza sa sahig. Kinuha ni Isaac ang remote at pinatay ang tv. "What do you think you're doing?" Tumayo siya sa gitna ng babae at ng TV.
Inangat ni Avery ang tingin nito sa kaniya. "O, Isaac. Andiyan ka na pala."
"I hate repeating myself, Avery."
"Kumakain at nanonood ng Spongebob---"
"Are you trying to kill yourself?"
"Huh?" Niyuko nito ang hawak na pagkain at pabalik sa kaniya. "Kumakain lang ako ng pizza---"
"You're stress eating! Can't you see how many pizza you finished?" Inis na nilahad niya ang kamay sa makalat na sahig. "May paparating pa na ice cream. Kung gusto mong patayin sarili mo, mayroong mas madaling paraan."
Binaba ni Avery ang hawak na pizza slice. "Di ako ganun ka desperada, Isaac---"
"Well, you look like one to me now!"
"Wag mo akong pagtaasan ng boses---"
"Then how should I do it?! Baby talk you?!"
Sumimangot si Avery. "D-Di mo kasi alam ang nararamdaman ko."
Isaac curses looking up to the ceiling. "Anong 'di ko alam, Avery? Look around you! You're killing yourself!"
Parang bulkan na pumutok si Avery nang humiyaw ito. "DI MO KASI ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG IPAGKAIT KA NANG ISANG TAONG AKALA MONG MAHAL KA! NA AKALA MO TANGGAP KA!"
Natigilan si Isaac.
"A-All my life, Isaac..." Umiiyak ito na dinuro ang sarili. "All my life... I've been yearning for people to accept me as I am... A-at tanging si Liam lang ang gumawa no'n sa akin kahit ang taba-taba ko!" Her eyes tremble as pain consumed her. "'Di mo kailanman naramdaman 'yon... k-kasi 'di mo naranasang ang tawaging baboy! Salot!" Humihikbi ito nang malakas at umiyak sa mga palad nito. "'D-Di mo naranasang maghingi nang atensiyon at pagtanggap n-ng ibang tao..."
Isaac sighs as he looks down on the woman sobbing her life out. "Avery... tell me, what fears you the most?"
"Takot ako n-na... w-wala nang magmamahal sa akin sa h-hitsura kong ito. Bilang ako... bilang isang babae... bilang isang tao." Hilam ang mukha nito ng luha na tumingala sa kaniya.
Isaac stares at Avery for a while then in one knee, he kneels infront of her. He touches some strands of her hair near her shoulder. "You're pretty." He confesses.
"Hmm?" Napatigil si Avery sa pag-abot na sana ng dalawang slice ng pizza at napatitig sa kaharap.
"Do you want to change?"
"Sinong ayaw?"
"Well, do you want to be a model?"
Napaawang nalang ang bibig ni Avery. "Model sa pagkain ng mga baboy, ibig mong sabihin?" 'Sira ba glasses nito? Di ba nito nakikitang nag-uunahan na ang mga bilbil niya na lumabas sa damit niya?' Isip ng babae.
"Who knows. I know potential when I see one." Then Isaac smiles.
Biglang kumabog ang puso ni Avery. Napakurap pa ito sabay kusot sa mga mata. 'Mali.. ako pala may sira sa mata. Ba't biglang g-uma-wapo ito sa paningin ko ngayon? Nasobraan 'ata ako sa iyak.'
Or maybe because it is the first time Isaac smiled at her.
[NEXT CHAPTER PREVIEW:]
"I'm resigning as your manager, Liam." Imporma ni Isaac.
"Tungkol ba ito kay ---"
"No. I'm not the type to let my emotions affect my own decision."
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐