NO REASON TO LOSE WEIGHT

4009 Words
AFTER deciding their sleeping arrangement that night, Isaac excuses himself to use the C.R. He is in the middle of zipping his pants close when he nearly cursed upon seeing Avery's reflection in the mirror. "f**k---" At nilingon niya ito. "What are you doing here? It's a Men CR, can't you read?!" Sinara ni Avery ang pinto ng banyo. "We need to talk." "Well... not here!" He thoroughly zips up. Akmang lalabas na sana siya nang hinarang ni Avery ang katawan nito sa pintuan.  "Usap nga kasi muna tayo!" 'This woman is nuts.' Isaac inhaled sharply. "5 seconds." "Palit tayo ng stick ---" "No." At lumabas si Isaac. "Di pa nga 'yun 5 seconds!" Sinundan siya ni Avery palabas. HANGGANG Sa hallway, nakabuntot pa rin ang babae sa kaniya. "Isaac." Nilingon ito ni Isaac habang naglalakad papalayo rito. "No." "Pakinggan mo---" "No." "Teka--" "No." "Please--" "No." At tuloy-tuloy na naglakad palabas ng hotel si Isaac. Huminto si Avery at pinuno ang katawa ng hangin. 'Akala mo susuko na ako ng gano'n kadali lang?' "Isaac!" Malakas na malakas na sigaw niya na siyang yumanig sa tahimik na gabi. "Ang gwapo mo!!" Nilakasan pa niya.  Isaac stops and with wide-eyes turns to her.  "Napakagwapo mo, sobra!" Avery smiled sweetly. "At tsaka ----" "No and shut up." Nagtitimping tanggi ni Isaac kay Avery. "If you are planning on waking up the whole building, guess what? You are doing a good job." Tumakbo palapit si Avery rito at niyakap ang braso ni Isaac. "Please... please... I wanted to spend time with Liam. Suporta naman diyan, tsong." "Bitawan mo 'ko." Piglas ni Isaac pero mahigpit na nakapulupot ang braso ng babae sa braso niya. "Ako at si Liam. Tapos, ikaw at si Helga. Oh di'ba? Okay lang?" Tumingin pa si Ava sa kaniya na para bang 'di talaga siya naiinis sa oras na 'yon. "Alam mo bang bagay kayo ni Helga Maganda siya. Gwapo ka." "Helga is a woman, Avery. I don't even know the lady. And now you're suggesting we'll share a bed?" "Wow... tabihan agad? Di pwede sa sahig ka--" Pahablot na binawi ni Isaac ang braso niya sa yakap ng babae. "Hell! Paano ka pa pinanganak?!" Napakurap pa ito at ang sumunod na sinabi ni Avery ay siyang nakapaubos ng natitirang pagtitimpi ni Isaac. "Ganito... 'Push.. puuussssshhh..'" Natatawang sagot nito na para bang um-ireng buntis. Isaac faced was close to being annoyed. "Do I look like I'm joking?" "Bakit? Tatabi ka rin ba kay Liam?" Nameywang ito. "No. I'm planning on renting an extra bed." "Eh 'di 'yan gawin mo sa kwarto ninyo ni Hel----" Di na  natapos ni Avery ang sasabihin nang tinalikuran na niya ito nang tuluyan.    NAKASIMANGOT si Avery na nakaupo sa kama suot ang kaniyang dilaw na pajamas samantalang napaka-sexy naman ni Helga sa suot nitong itim na nightgown na lantad na lantad ang mga n*****s nito sa nipis ng tela. 'Hello, andito ako? Na-i-intimidate ako sa maliit mong dibdib?' Nagmumukha tuloy siyang balot na balot na saging. Tiningnan niya si Helga na nakaharap sa vanity mirror. May nilalagay itong mga kung anu-ano sa mukha nito: serum, moisturizer at eye-gel. Sensing her gaze, Helga smiled at her from the mirror's reflection. Agad naman niyang sinuklian ito ng ngiti. Mahirap mainis rito kasi wala naman 'tong ginawang masama sa kaniya. "Do you have any night regimen, Avery?" "Regimen?" "Hmm... night rituals? Like putting toner... moisturizer..." Helga whisked some fragrance on her neck. "Uh... wa-wala." Yumuko siya. 'I feel so ugly.' Nagulat na lang siya nang lumapit ito sa kaniya sa kama. "Really?" Tumango siya. "Now, that's nice. I really like your smooth face." Sikreto siyang nagbunyi.'Laking Johnsons&Johnsons Baby Powder kaya ako.' "Pulbo at lip balm sapat na." "Do you have any plans on slimming down?" Uminit ang tainga niya sa hiya. "H-Huh?" "Nasa tamang height ka. You're beautiful. I don't mean to be rude, but you have so much potential in you in order to be one of us. Just like Isaac." "Isaac?" 'Ano raw? Potential sa kaniya tulad kay Isaac? Bakit? Anong meron sa weirdong iyon?' "Yeah. Isaac was once an idol and a model. Before the fashion and entertainment industry had Liam, there's already an Isaac conquering front pages and commercials." Hindi talaga ma-imagine ni Avery na ang robot na 'yon na palaging naka-eyeglasses at naka-business suit ay naging... modelo pala? "Pero ba't... ba't siya naging--" "Because Isaac is already destined to be great before he was born -- to be greater than some striving models like us." Helga sits behind Avery and starts to play her hair to make a braid. "Gwapo si Isaac, oo. Pero di naman striking katulad ni Liam." Palaisipan niya. "Dear, you're only seeing the tip of the iceberg." Helga grins with some hidden message behind it. "He left the limelight for no definite reason. No explanation at all. He rejected interviews then all of the magazines, internet searches, media outlets that once featured him was pulled-out from the market. Like in just a snap, there's no traces of him left for people to remember him. Mas lalo siyang nakalimutan nang sumikat na si Liam." "Sa tingin mo... ano rason?" Lingon niya rito. Kahit papaano'y nalungkot si Avery sa kuwentong iyon. Kung kaya pala ni Isaac na makipagsabayan kay Liam, bakit naging hamak na manager lang ito ngayon sa tanyag na idolo? Nagkibit-balikat lang ang babae. "Gaya ng sabi ko, walang nakakaalam. There are only few of us in the modelling world knew he once co-existed with us."    KINABUKASAN na sana'y dapat humahanga siya sa huling araw ng photoshoot nila Liam, tahimik lang na pinagmasdan ni Avery si Isaac na noo'y nakayuko na naman sa cellphone nito. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng isang mahabang upuang gawa sa kahoy na nakaharap sa set ng photoshoot. "Nakapasa na ba ako sa standards mo?" Saad nito na nakatingin pa rin sa gadget na hawak. Natauhan si Avery. "H-Huh? Ano? Ha! K-Kapal mo ah." Namumulang nilayo niya ang tingin rito pero ilang segundo'y pasikreto niya itong tinitigan uli mula sa gilid ng kaniyang mga mata. She remembered Helga's words last night. '... Isaac was once an idol and a model. Bago nagka-Liam ang industriya namin, nauna na si Isaac.' Nahinto sa pagsusulat si Isaac at may inaamoy sa hangin. "Hmm..." He sniffs more to recognize the smell. "Ako'yan." Lumingon ang lalaki sa kaniya. "Helga gave me a perfume last night. Effective daw 'to sa pang-akit ng mga lalake." "...ng lamok, ibig mong sabihin?" He smirks. "That scent is designed to be worn at night. During love-making session. It's Madame X. Mahirap 'yang gamitin sa umaga kasi pag-nainitan, nakukuha ng amoy niyan ang atensiyon ng mga insekto." Isaac just disappointingly shaker his head. "Mabuti't hindi ka pa pinupuktati ng mga lamok o bubuyog ngayon." Unting-unting nanlaki ang mga mata at namula ang mukha niya. 'Tama ito! Madame X nga ang pangalang nakapaskil sa botelya!' Nahiya tuloy siya. Bakit 'di niya binasa nang mabuti ang kahon ng perfume. Para tuloy siyang mangmang. Palihim na tinakpan ni Isaac ang namumulang mukha at pilit binabalewala ang sensayon na pinukaw ng perfume na iyon sa kaniya. Aside from being designed to be effective at night, it is also has an aphrodisiac element; good for seducing men.  "Ibig sabihin nito, pag-na-amoy ako ni Liam... may posibilidad na madagdagan ang first kiss namin?" Tanong niya sa manager nito. "Huh?" One of his eyebrow archs upward. Umingos siya. "Ha! Dapat ko nga pala 'yon ipagpasalamat sa'yo, ano?" "Alin?" "Salamat at dinala mo ako hospital nung nahimatay ako. Nang dahil dun, nahalikan ako ni Liam." Proud niyang sabi. "Wait... you mean you shared your first kiss ---'First Kiss--- with him after I brought you to the hospital?" Sumimangot siya. "Bakit? Oo. 'di romantic na lugar pero memorable sa akin. Pake mo. Selos ka lang kasi 'di mo ako nahalikan." Isaac remembers the mouth-to-mouth resuscitation he made on her before bringing her to the ward. 'Isn't that a form of kiss as well?'    IT was around 3 in the afternoon that the shooting came into a wrap. Kahit maikli lang ang stay nila, naging maganda naman ito para kay Avery. She gets to spend more time with Liam and she gets to hug him and see his craft up close.  Sulit na sulit.  Ngayo'y nasa iisang kotse na naman silang dalawa ni Isaac at kahit anong pilit niyang ipasara ang bintana, nagmatigas talaga itong 'wag isara. "Nasisira buhok ko!!" Angal niya habang nakahawak sa lumulutang niyang buhok sa ere. "Mamaya na na'tin isasara kapag nasa siyudad na tayo. Maaliwalas pa naman hangin rito sa probinsiya." "Bakit ba ha? Ayaw mo ba sa amoy ng perfume ko?" Isaac clears his throat. "I-I just prefer fresh air." "Tch." Bigla may naalala si Avery. "Isaac... I need your help." Di ito sumagot habang nagmamaneho kaya nagpatuloy siya. "Birthday ni Liam ngayong paparating na Martes. Alam kong marami siyang sponsors at fans na magbibigay ng party o gifts sa kaniya, but I want to make something special for him." Di pa rin ito sumasagot. "Tulungan mo akong makapasok sa dressing room niya habang sinasagawa niya presscon niya. Mag-iiwan lang ako ng homemade cake ko atsaka letter. 'Yon lang. Bale VIP Pass backstage." "If I'll say yes, you'll stop talking?" "Oo." "Done." He sighs. "At tatahimik na ako." Ngumiti siya sabay sumandal sa upuan.    SA MGA sumunod na araw, kabi-kabila ang contract signing, endorsements, product launching at mga guestings na dinaluhan si Liam kaya't di na halos mahagilap ng mga fans ang idolo.  Isaac, as always, has Liam's back by ensuring everything is in order. Companies have been calling him non-stop asking for a meeting with the idol. Mga fans ng idolo'y unti-unti na rin naging problema kasi nagiging agresibo na ang mga ito para lang makita si Liam. "Liam..." Lumapit si Isaac rito na noo'y sinusukatan ng damit ng mga staff para sa isang commercial shooting. "Ow?" "I just got an e-mail from Cubic Studio." Natigilan si Liam na halatang natutuwa sa binalita niya. "A-Anong sabi?"    NASA pantry ng opisina nila si Avery at ang mga ka-trabaho niya para mananghalian habang nanonood ng TV. "Grabe... ang sikat na ni Liam 'no?" Sabi ng isang kasamahan nila. "Oo. Akalain mo, humanga ang international magazine sa mukha niya. Balak pa 'ata siyang kunin para sa susunod edition nito." "Gwapo, maganda katawan, mayaman. Kaya asawa ko nababaliw na rin sa kaniya 'eh." Umiiling nalang na saad ng isa. Nagtatawanan silang lahat sa pantry maliban nalang kay Avery. Nakatitig lang kasi siya sa TV kung saan pinapalabas ang commercial ni Liam na lumabas ito sa mamahaling kotse na naka-shades ng itim. 'My bebe boy...' Siniko siya ni Rose. "Oy... simula nung umuwi ka galing Batangas, panay na pag-de-daydream mo. Ano ba nangyari doon?" "Uminom kami ng buko... tapos niyakap niya ako... at nag-selfie pa kami. He also gave me a piggy-back ride." Namumula siya sa kilig sabay subo ng kanin. "Ganun? Aba himala't nakauwi pa siya na buo pa ang katawan—aray!" Napaigik ang bakla nang kurutin ni Avery ito sa tagiliran. Bumulong siya sa kaibigan. "Bakla, tulungan mo ako naman ako 'oh. Birthday ni Liam sa susunod na araw. I'll bake him a cake with a personalized letter. Samahan mo naman ako sa dressing room niya para i-set up 'yun." "Ay, gora!" The thought of interacting with Liam personally excites Rose. "s**t! Kahit selfie lang ulit! Alam mo ba pumalo sa 5,000 likes ang i********: post ko na selfie namin ni Liam?" Ngumiti si Avery. "Oo na. Basta 'wag kang maingay. Surprise ko kasi 'yon. Madali lang 'yang selfie request mo. Ako bahala." Tumatango-tango siya.    BINABA ni Liam ang nabasa na contract sa mesa. They are currently in the conference room with the agency executives. "Cubic Studio is the top agency in the Hollywood, Liam." Saad ng head ng Marketing Department ng Prima Nova na si Vladimir. "It will be a great exposure for you there." Since Liam is a premier talent of Prima Nova, Cubic Studio contacted the agency to have some kind of arrangement for him. May mga international brands kasi na nakapag-pirma na ng kontrata kay Cubic Studio para maging agency nito sa mga modelong gagamitin ng mga ito sa mga product endorsements. A lot of them demanded that for their new product launching, they want Liam in it. That is why Cubic Studio is willing to pay billions just to have a temporary management of the superstar for few months.  Tahimik lang na nag-o-obserba si Isaac. Helga also got the same contract from the said agency and by the look of her face, she is so excited to sign the papers. Isaac also saw the same glint on Liam's eyes. Tumikhim siya at kinuha ang papel sa harap ni nito. "Now that the conditions were laid, if you really wanted to expose Liam on the Hollywood market, what would happen to his contracts here in the Philippines? If we won't commit, they have all the right and means to file a Breach of Contract. The last thing I want to see is Liam's name in social media or newspapers stating that he's unprofessional. That would greatly affect his expanding popularity." Ngumisi si Vladimir sa kaniya. "Isaac, that will be no problem. Liam could finish those contracts in a month or two. Babayaran nalang natin ang mga kompanyang maapektuhan sa biglaang pagpapalit na'tin ng terms sa kontrata." Nilingon ni Isaac si Liam. "Your decision, Liam?" Ngumiti si Liam. "Hollywood."    NASA back seat ng heavily-tinted na van sina Liam at Isaac habang papunta sila bachelor's pad nito. Liam can't contain his excitement. "Isaac! I'm going big! Akalain mo, they are willing to have me under their umbrella. Did you know that they have the big brands in Hollywood!? This is it!" Nilingon siya ng manager niya. "Yeah. I read it from the reviews in the internet." Ayaw ni Isaac na sirain ang masayang araw nito pero... "Pinag-isipan mo ba ng maayos?" "No doubt!" Sumandal si Liam sa upuan at masayang tumango. "This has been always my dream, to explore Hollywood and it is serve to me in a silver platter! Can you believe it?" Tumango si Isaac. "And the terms and conditions? Section 9?" Natigilan si Liam. "Alam mo kung sino ang unang masasaktan, Liam." Babala ni Isaac. Tumingin sa labas ng bintana si Liam. "I'm sure Ava will understand." He said after some minutes.    "ANDRO! Nasaan 'yong pinabili kong ribbon?" Pasigaw na tanong ni Avery habang nakahawak naman sa box ng cake si Rose. Kasalukuyan silang naghahanda sa surprise nila ni Liam. Binigay ni Andro ang itim na silk na ribbon. "Ate Ava, pwede bang sumama?" "Hindi. Good for two lang ang pass na binigay sa akin ni Isaac. Sa susunod nalang." Dahan-dahan niyang pinulupot ang ribbon sa box. Bumangon mula sa pagkakahiga si Andrea sa sofa. "Alam niyo... ang sakit talaga ng ulo ko diyan kay Isaac. Sure talaga ako na nakita ko siya... di ko lang talaga maalala. "Baka sa magazine." Saad ni Avery. Matapos malaman niya ang tungkol rito mula kay Helga, positive siya na 'yon ang ibig sabihin ng ate niya. "Oo nga... pero bwesit na magazine na 'yon! Di ko makita-kita!" "Baka sa magazine kung saan na-feature si Fafa Liam, sis." Kikay na singit ni Rose. "Tapos nasali lang sa picture ang manager niya."  Di pa rin panatag si Andrea. 'No.... there's more to it! s**t! Magkaka-migraine talaga ako nito.'    ISAAC looked at his wristwatch while seeing to it that the security properly barricaded the area where Liam's presscon will be held. Sinabihan na rin niya ang mga ito na maging alerto at handa sa oras na lalabas si Liam sa van dahil punong-puno na ng mga fans ang lahat ng b****a ng convention hall. Kahit siya, nalula rin sa daming tao 'eh mamayang 10AM pa naman ang event. Teddy bears, roses, letters and cakes are flooding the vicinity near the stage kasi nasabay pa ang birthday nito sa presscon. Suddenly, a thunder strikes loudly at the sky. Napapikit siya at lumingon sa bintana. The weather is starting to get bad. Dark clouds hover the sky, threatening to pour rain anytime. Naglakad nalang siya papuntang dressing room nang may nahagilap siya sa may bakanteng studio. He saw Helga kissing Liam wildly.  Then Isaac remembered the Section 9 of the contract.    "KUYA? Wala bang ibang route?" Tanong ni Rose sa taxi driver. Naipit sila sa usad-pagong na traffic at parang matatagalan pa bago lumuwag. Tahimik lang na nakaupo si Avery sa tabi ni Rose. "Wala na." Tumingin ang driver sa rearview. "Kita mo na ngang naiipit na tayo sa traffic. Tapos matao pa ngayon ang pupuntahan niyong convention hall." Napalingon silang tatlo sa loob ng taxi sa labas ng bintana nang biglang bumuhos ang malakas ng ulan.  Mahigpit na hinawakan ni Avery ang box ng cake sa kandungan. 'Bakit malakas ang kabog ng dibdib ko?' "Kung kaya niyo, maglakad kayo." Sabi ng driver nang di ito tinantanan ng bakla sa pagtatanong. "Total, dalawang eskinita tapos mga sampung metrong lakaran nalang papunta doon sa convention.." "Adik ka? Umuulan nga." Inis na sagot ni Rose. "Kokotongan mo pa kami. Magpapabayad ka pa rin naman kahit bababa kami."    NAKASALANG na sa stage si Liam at katabi nito si Helga. Kasama rin sa iisang mesa ang ilang spokesperson at executives. Cameras are flashing and rolling while reporters are sitting on the chairs infront of the stage. May barikadang nakapalibot kung saang maraming fans ang naka-antabay roon. "How does it feels to be one of the sought-after man of this generation?" Tanong ng isang reporter. "Overwhelming and blessed. Di ito magiging posible kung wala 'tong mga taong andito sa katabi ko at sa mga fans ko." Sagot ni Liam. Naghiyawan ang fans. "LIIIIIAAMMM!!!! WE LOVE YOU LIAAMMMMM!!! HAPPY B-DAY LIIIAAAAMMM!!" Muling nagtanong ang reporter. "May mga petitions ang mga fans mo na ma-feature ka sa international renowned magazine na Vogue. Is there any talks or possibility na maging totoo ito?" Sumagot ang isang Prima Nova spokesperson. "Yes. There has been a discussion on it but no definite commitment as of date." Nakatayo lang si Isaac sa backstage at nakamasid lang sa stage nang may lumapit na guard sa kaniya. "Sir, excuse me." "Hmm?" "May naghahanap po sa inyo sa likod. Avery Lora Guinoo po raw." Tumango si Isaac. "Let them in. Tell them Liam's dressing room is on the fourth room, left wing." At binalik nalang uli niya ang tingin sa stage.    BASANG sisiw na naglalakad sa hallway sina Avery at Rose. Halos nabasa na rin ang box ng cake. "Nako,' day! Jogging tayo bukas ha? Di pa nga tayo nakasampung hakbang, hinihingal ka na." Dahil sa sobrang trapik, napagdesisyunan nilang lakarin nalang ang daan papunta sa convetion. 'A bad decision', isip ni Avery. Lakad-hinto-silong ang ginagawa nila kanina kasi bukod sa malayo ang hinintuan ng taxi, patuloy ring lumakas ang buhos ng ulan. "Shhh! Andito na nga tayo, 'di ba?" Lumilingon siya sa paligid.  "Ano nga uli ang sinabi ng guard?" "Fourth room. Left wing?" At binuksan ni Rose ang nasabing kwarto. Tumambad sa kanila ang maraming gifts. "Woah!" Napalingon ang apat na make-up artists sa kanila. Agad namang tinaas ni Rose ang backstage pass nilang dalawa. 'Ha! Akala niyo 'ah!' Umingos ang bakla. Nanlumo si Avery na tumingin sa basang cake box niya at ikinompara sa mga mamahaling cake at regalo na andun. Nalula pa siya nang makitang may Dior na box roon. [A/N: Dior - an expensive international brand of luxury goods] Binalik uli ng apat na make-up artists ang atensiyon sa TV kung saan nakapalabas ang presscon ni Liam. Nakipanood na rin si Rose sa telebisyon habang busy si Avery sa pagtatabi ng mga gamit sa mesa para i-puwesto ang cake niya. Reporter: " Right now, being surrounded by a lot of beautiful women, who among them stood out the most?" Napahinto si Avery sa pagaasikaso. Kumabog ang dibdib niya.      Lumingon si Liam sa katabi at walang pagdadalawang-isip na sumagot. "Her." Namula si Helga at nag-iwas ng tingin. Naghiyawan ang mga fans dahil sa kilig.      Dahan-dahan nilingon ni Avery ang TV Reporter: "So does that mean the tabloid circulating as of late are true? You and Helga are an item. A couple?" Avery saw Liam holds Helga's hands.  Helga replied, "Ganun na nga..."       Isaac looks up and exhales sharply while massaging his neck. 'Here we go...' Nagulat siya nang biglang may sumulpot sa tabi niya.  Si Avery na halatang wala sa huwisyong nakatitig sa stage.  "Avery?" Pagkilala niya rito.       "Bes..." Nakatingin si Rose sa monitor. "Sino yang bruhang yan----" Lumingon siya sa likuran. "Bes??" Wala na si Avery sa dressing room. "Bes?"       Lantarang hinawakan ni Liam ang kamay ni Helga sa ibabaw ng mesa at dinala iyon sa kaniyang mga labi para dampian ng halik. Lumapit ang isang reporter sa mic sa gitna ng convention. "Good morning, Liam. A photo circulated online after your trip to Batangas." Tinaas nito ang litrato sa isang bond paper. "One fan took a photo of you with a... hmm... a chubby woman." Nawala ang ngiti ni Liam at agad nanigas sa tanong ng reporter. Nilingon naman siya ni Helga nahalata ang panlalamig niya. Isaac, on the backstage, immediately went still and turns to the Avery. "Avery --- " "Sino po ang babaeng ito na nakasakay po sa likod niyo?" Narinig nilang tanong uli ng reporter. The whole place was dead silent as they wait for Liam's answer. Liam clears his throat and forcefully smiles. "I-- I just saw her, helpless in a nearby shore. So I decided to give her a lift." "HAHAHA! Nagpapaka-sirena para mapansin." Tawa ng isang fan at sunod-sunod nang nagsibulungan at tawanan ang mga fans. "Desperada!" "Ang bait ni Liam."  "Naasobraan sa pag-iimagine ang tabachoy kay Liam." Rinig lahat ni Avery ang mga sinabi ng mga fans na di alam na andoon pala siya, sinasalo ang mga kutya nito.       "OMG!!" Singhap ni Rose at agad lumabas sa dressing room para hanapin ang kaibigan.       "SO you don't know the woman?" Paglilinaw ng reporter. "Ay! Ayun siya, oh!" Sigaw ng isang fan at tinuro si Avery sa may backstage. Napalingon si Liam sa direksyon ng backstage na halatang nagulat na andoon ang kaibigan. 'Ava? What is she doing here?' "Sabi na nga ba... sinadyang magpapilayan para buhatin ni Liam." Komento ng isang fan.  Fans whisper and giggle and mock in expense of Avery. Avery keep her eyes locked on Liam, hopeful that he'll recognize her. Na kahit akuin nitong kaibigan siya nito. Kahit kaibigan lang. "Liam?" Agaw-pansin ng reporter sa atensiyon ni Liam. Liam clears his throat as Helga tightly hold his hands under the table. "Uhm... y-yes, she's a..." Nilingon ni Liam si Ava. "... a nobody." Malamig na dagdag nito. "There's no way I am associated with her."           A DAY AGO  | BATANGAS NASA dalampasigan sila Avery at Liam habang karga ng huli ang babae sa likod nito. "Liam?" Tawag ni Avery sa atensiyon ng lalake. Nakayakap siya sa leeg nito habang hawak ang tsinelas nilang dalawa. "Hmm?" "Walang magbabago sa'tin, 'di ba?" Huminto si Liam at nilingon si Avery. "Wala." Ngumiti si Avery at inaninag ang papalubog na araw. "Promise?" "Promise." He kisses her cheek.         PRESENT Parang lumunok ng buong bato si Avery. Her anxiety attack is starting to act up with all those judging stares from the people in the convention — including Liam himself. Bumibilis ang t***k ng kaniyang puso dahilan para mahirapan siyang huminga.  She's also starts to tremble. Taba... Pangit...  Salot...  Malakas kumain kaya maraming nagugutom kasi may gahaman sa pagkain... Diyeta ka na, pwerhisyo ka sa sakayan! When Liam was about to say something again; Isaac, who is standing behind Avery, immediately wraps his arm around her head and covers her eyes, hands covering her ears. "Bes!" Hinihingal na huminto si Rose sa tabi ni Avery. "Bes..." at yumakap sa kaibigang tahimik lang na naglalandas ang mga luha sa mga pisngi nito. If you truly and openly love someone, you're giving them the knife to freely stab you at your heart any minute.     A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD