Napahinto si Aling Aurora sa pagpasok ng mga labahin sa bahay nang may mga alikabok na umuulan mula sa ikalawang palapag ng bahay. "Andrea?" Tawag niya sa panganay niya.
"Ma?" sagot ni Andrea mula sa attic.
"Anong ginagawa mo r'yan sa taas? Lumilipad alikabok rito pababa!"
Sa attic, nakaluhod si Andrea sa sahig habang naghahalungkat sa mga kahon roon. "Saglit lang, Ma! Ako po bahala maglinis!" 'Dito ko lang niligpit yung mga lumang magazine 'ah. Nasaan ba kasi iyon?' Pinasadahan niya ang mga laman ng mga nabubuksan niyang kahon.
Naghila uli siya ng panibagong box at nabuhayan ng loob ng makitang puro magazine ang laman niyon. 'Hindi talaga mapapanatag isip ko hangga't 'di ko malalaman saan ko nakita ang Isaac na 'yon.'
Kinagat ni Andrea ang kuko ng hintuturo niya. 'Sa magazine ko ba siya nakita o sa TV? Malakas kutob ko sa isang magazine 'yon, eh.' Halukay niya ulit sa box.
KINAHAPUNAN, inis na kumakain ng salad si Avery habang nakatingin kay Liam at Helga na sinasagawa ang pictorial sa may hardin.
Helga is wearing a lacy, white night gown. Kita ang pink na bra at panty na suot nito sa ilalim habang nasa likod at nakayakap rito. Liam is donning a white shirt with all buttons open. Dikit na dikit ang abs nito sa likod ni Helga. 'Syet! Ang sakit sa mata nilang tingnan dalawa!'
Nasa terrace kasi siya kaya dungaw na dungaw niya ang photoshoot ng dalawa. Maraming mga gamit ang nakapalibot sa dala. Kahit saang anggulo nakapwesto ang mga camera. May naka-antabay ring mga make-up artist para mabilis ang pag-re-retouch. May dalawa ring nag-da-direct sa dapat na posisyon ng mga ito.
Sa hidi kalayuan naman, may mga fans na pilit dumungaw sa lagpas-tao na bakod. 'At inakyat pa talaga nila ang bakod para makita sila 'ah.'
Nakita niya si Isaac sa may minivan -- kung saan ang makeshift na dressing room -- na nakayuko na naman sa cellphone nito. 'Weirdo.'
Binalingan uli niya ang dalawa. Nakaharap na si Helga kay Liam. Her long fingers are now spanning across Liam's bare chest. 'Wag mo 'yang hawakan! Akin 'yan, bruha!'
Wala ba itong kinakain? Halos kasi liparin na ito ng hangin sa payat nito.
"Liam!" Sigaw ng director na nakaupo sa mataas na upuan. "Hold Helga's neck, tilt her head up and I need you to bite her lower lip."
Nag-alburuto agad ang loob niya. "HOY----"
"Kyaaahhh!!!" Narinig nalang ni Avery na nagsitilian ang mga babaeng staff ng tinitirhan nilang hotel na noo'y katabi lang pala niyang nakadungaw sa terrace.
Naghiyawan rin ang mga fans sa bakod.
Sumimangot siya. Natural lang ito sa propersyon ni Liam pero ba't ang sakit? Mas lalo pang dumoble ang ang bigat ng damdamin niya nang ginawa ni Liam ang inutos ng director.
He semi-kissed Helga by biting her lower-lip.
Nawalan siya ng gana sa kinaing salad.
'Liam, andito ako. Nakikita ko... ang sakit...'
MATAPOS ang shooting, may konting salo-salong ginawa ang mga staff. Nakalinya sila sa isang buffet table para pumili ng mga pagkain. Nasa unahan si Helga, kasunod si Liam, Avery at sa likuran niya ay si Isaac.
Lumingon patalikod si Liam sa kaniya. "Gusto mo ng sauteed shrimp?"
Ngumiti siya. "Oo. Tsaka 'yong ribs at 'yong..." Nguso niya sa baked chicken with stuffed potatoes. Kinuha naman ni Liam ang mga ito at nilagay sa plato niya.
Nakita niya na may baked strawberry cookies with raisins na malapit sa kaniya. 'Liam loves strawberries.' Kumuha siya ng isa at ilalagay na sana sa plato ni Liam nang nagkasalubong ang cookie niya at blueberry muffin na ilalagay rin sana ni Helga.
"Ow...bawal sa kaniya ang raisins, Avery." Imporma ni Helga.
"Ah?" tiningnan niya si Liam. "Kailan pa?"
Nahihiyang ngumisi si Liam pero ang sumagot ay si Helga. "We had a fashion show sa Korea last month. He ate a lot of raisin cookies dahilan para sumama tiyan niya. Kaya from then on, binabantayan ko na talaga pagkain nito. No raisins."
'Oo nga.' Naalala niya. Tumawag sa kaniya si Liam nang araw na iyon na na-ospital daw ito dahil akala ng team na nakaranas ito ng food poisoning.
It was because of the raisins!
's**t, Avery! Bakit mo nakalimutan! Malapit mo nang ma-sabotahe trabaho nito!' Palihim niyang pinagsabihan ang sarili. 'Pero...'
Tiningnan niya si Liam na binibiro si Helga sa alimangong s-in-erve. Sumimangot siya at nilingon ang nakasunod na si Isaac na noo'y namimili rin ng pagkain. Inis na nilagay niya ang cookie sa plato nito.
Puzzled, Isaac look at her. "What's this?"
"Tae ng kambing na maharot na puro buto nalang ang katawan."
KAHIT pinilit ni Liam na sa iisang lamesa sila kumain, inunahan ng hiya si Avery baka anong masabi ng ibang tao kaya minabuti niyang umupo sa isa sa mga plastic chairs sa gilid ng dingding habang masayang kumakain sina Helga, Liam, Isaac at ibang staff sa iisang center table. Ngumunguya siya pero ba't parang walang lasa ang kinakain niya.
"Eww... who are you?" Napatingala si Avery sa isang modelo na nakatayo sa harapan niya at naninigarilyo. "Just by looking at you makes me sick. Kumakain ka pa sa katawan na 'yan? Gutom much?"
Tuluyang nawala na ang gana niyang kumain. Binaba niya sa plato niya ang hawak na manok.
"Girl, stop eating." At sa walang dahilan ginawang nitong ash tray ang pagkain niya kasi sa kanin niya dinuldol ang sigarilyo nito. "That should do it... para mawala gana---"
"BASTOS KA 'AH!" Galit na hiyaw niya.
Natahimik at napalingon halos lahat ng tao sa hall sa direksyon nila.
Parang nahiya ang modelo. "W-What? Ha! Alam mo ba lahat ng andito ay mga health conscious? Kaya ikaw rin sana dapat! You should be grateful I shortly stopped your monstrous appetite!"
"Hindi appetite ko ang monstrous! Mukha mo ang monster!"
Sa galit at hiya ng babae, malakas nitong tinabig papuntang mukha niya ang plato niya dahilan para matapon ang pagkain sa dibdib at kandungan niya. "Now who's the monster?"
Nangangaliti siya sa inis sa oras na iyon. Sasagot sana siya nang mahagilap ng paningin niya si Liam. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Naikuyom nalang niya ang mga palad para kontrolin ang sasabog na niyang emosyon.
'K-Kaya nga ayaw kung magpakita kasama si Liam. Nasisira ko lang reputasyon niya. L-Liam... please, huwag ka lumapit. Ayaw kong malaman nila na magkakilala tayo---' Pumikit siya.
"I believe you've done enough mess, miss."
Napadilat siya at nilingon nilang dalawa si Liam na nakatayo na sa tabi ng babae. His 6ft. height is towering the woman making the suspect feel small and uncomfortable. Lumapit rin si Helga sa kaniya sabay nilabas ang panyo nito para pahiran ang damit niya at itayo siya sa kinauupuan. "Avery, hon', you okay?"
Liam came to rescue her again --- to rescue a fat, disgusting woman.
Nilingon niya ang paligid. May palihim na tumatawa, may nagbubulungan habang tinatapunan siya ng tingin. She's making herself look like an i***t in front of everybody, infront of Liam.
Minabuti niyang tumakbo palabas para di makita nila ang mga luha niyang nagbabadyang tumulo anumang oras.
Naglalakad sa dalampasigan si Avery, malayo sa hotel. Salamat at natuyo sa hangin-dagat ang luhang tutulo na sana. Huminga siya ng malalim. 'Hindi ikaw 'to Avery. Palaban ka 'di ba? Sana sinuntok mo yun, Pacquaio-style! '
'Pero baka maturn-off sa akin si Liam..'
"Avery!"
Nilingon niya ang may-ari ng boses at nagulat siya nang makilala niya ito. "Liam?"
Liam is running towards her, his khaki pants rolled up his ankle. Nanatiling nakalantad ang mga namumutok nitong abs sa suot nito.
'Diyos ko, Liam! Parang commercial ka lang ng Tanduay! Ikaw ang inumin, ako ang iinom' Nabigla siya nang hinablot siya nito at mahigpit siyang niyakap. "L-Liam?"
"Nandito ka pala. I'm sorry I failed to stop the commotion --- "
"O-Okay lang... ayoko ring masali ka sa gulo." Nilublob niya ang mukha niya sa dibdib nito. "Di ako umiyak. As I promised."
"I'm sorry if I dragged you into my mess, Ava." He hugs her tightly, healing Avery to a hundred percent. "Hindi mo dapat narinig iyong mga salitang 'yon."
"Tama naman siya kaya di dapat ako masaktan." Humigpit pa lalo ang yakap niya rito. "Ang ayoko lang ay 'yong nagmumukha akong tanga sa harap mo."
Hinawakan ni Liam ang mukha niya. "You're not. Bukod kay mama, ikaw ang pangalawang babaeng matapang na kilala ko." He pokes her nose.
Ngumiti siya. "Nambobola ka na naman."
"Ganito, may alam akong daanan rito papunta sa isang coconut farm. Gusto mo kumain ng buko?"
Tumango siya. Lalakad na sana siya nang bigla itong yumukod. "Huh?" Tumawa siya. "Anong ginagawa mo?"
"Sakay na sa likod ko."
"Baliw ka ba? Mabigat ako! Ayokong mabalian ka pa ng ---"
"Sige na." He even pats his shoulder.
"Sure ka, ah?" Lumapit siya sa likod nito.
"Oo nga."
Dahan-dahan siyang umakyat sa likod nito. "Umph!" Buong-lakas siyang pinuwesto ni Liam. "All set, Madame?"
"Aye, aye, Captain!" At masaya siyang yumakap sa leeg nito.
Bago ito maglakad, kinuha nito sa bulsa ang Iphone nito. "Selfie muna tayo."
"Ayoko!"
"Bakit?"
"Di kasya dalawang mukha natin sa laki ng mukha ko---"
"Ngumiti ka nalang." Tinaas ni Liam ang cellphone at sabay lumapad ang kanilang mga ngiti. Tumingin sila kuha. "Oh, cute natin dito, 'di ba?" Sinilid nito ang phone sa bulsa nito at nagsimulang nang maglakad.
"Wala bang filter phone 'yang phone mo?"
"Bakit?"
"Edit mo pisngi ko, lumagpas sa frame."
"Adik."
SA IISANG buko nakasipsip si Liam at Avery para uminom ng buko juice. Nakaupo sila sa buhanginan, ilalim ng isang sirang bahay kubo. "Next week na pala birthday mo, ano?" turan ni Avery.
"Uh-huh." Kinuha ni Liam ang bukong dumikit sa buhok niya. "Pero may press conference ako sa araw na 'yon, eh."
"Sayang... plano sana namin nila ni mama na bisitahin kayo sa bahay n'yo."
"Malaking tsansa na wala ako niyan sa bahay. Sa gabi nalang kayo pumunta, ako bahala sa pagkain natin. I know a good chef who can cook for us. Kaya lang baka matagalan nga ang presscon. Ganito---"
"Shhh!" Nilagay ni Avery ang daliri sa labi nito. "Naintindihan ko. Maintindihan nila mama at mama mo."
Pinisil ni Liam ang pisngi. "Sarap mong gawing girlfriend."
'Syota-in mo na ako, juiceko! ' Sigaw ng isipan ni Avery. "Liam, mag-2-24 na pala ako sa susunod na buwan." Mahina niyang paalala sa 'panliligaw' promise.
"Ow?" Nilingon siya ni Liam. "Kita mo nga naman... you look like 18 to me."
'Tanga! Di yan ibig kong sabihin!' "Hmm... wala ka bang...ano... p-plano magkagirlfriend?" She gives a faint hint.
"For now? Wala pa. Dami ko pa kasing pangarap---"
Parang nabasag ang pandinig ni Avery. "W-Wala pa?!"
"Bakit?" Inosenteng tanong ni Liam hudyat na 'di talaga nito naalala yung eksena sa labas ng simbahan.
"Wa-Wala." Lumingon sa ibang direksyon si Avery. 'Syet! Bwesit ka, Rose! Mukhang MU lang talaga kami nito.' Uminom nalang siya ng buko juice uli.
Tumayo si Liam. "Tara? Baka hinahanap na tayo."
"Baka hinahanap KA, kako. Sino bang maghahanap sa akin." Tumayo siya at pinagpag ang damit.
"Si Isaac."
"Huh?" Napalingon siya rito. "Anong pake nung weirdo mong manager sa akin?"
He raises his phone. "He just text-ed me if I already found you."
"T-Talaga ba?" Pero nawala sa isipan niya si Isaac nang yumukod uli si Liam. "Kinareer mo talaga pagbuhat sa akin 'ah."
"Don't be shy." Liam winked at her. "I am used to this remember? Pag pagod ka na umakyat do'n sa pataas na kalsada papuntang university natin?"
"Oo at malapit rin ako bigyan ng death threats ng mga babaeng fans mo." At sumampa siya sa likod nito.
NASA dalampasigan na sila nangg nagtanong si Avery. "Liam?" Nakayakap siya sa leeg nito habang hawak ang tsinelas nilang dalawa.
"Hmm?"
"Walang magbabago sa'tin, 'di ba?"
Huminto si Liam at nilingon si Avery. "Wala."
Ngumiti si Avery at inaninag ang papalubog na araw. "Promise?"
"Promise." He kisses her cheek.
Matapos magpahinga at maligo, bumaba sa second floor si Avery para bisitahin si Liam. Nakita niya sa lobby si Isaac na nakaupo sa sofa at may binabasa na naman sa tablet nito. "Good evening, Isaac."
Na-we-weirdohan tumingin si Isaac sa kaniya. "Huh?"
Ngumiti siya. "Sabi ko 'Good evening'."
"Good mood ka 'ata."
"Bawal ba?"
"Nauntog ka ba?"
'Bwesit talaga ang isang 'to eh.' "Bawal maging nega. Maaliwalas kaya rito sa Batangas kaya dapat tayo rin. Para 'ebribadi hapi!'" Nag-thumbs-up pa siya. Pasalampak siyang umupo sa tabi nito. "Ano ginagawa mo?"
Umisog palayo si Isaac. "I'm working."
"Huh? Kanina pa tapos pictorial nila Liam, ah?"
"Do you mind?"
Pero ngumisi pa nang malapad na parang baboy na nasarapan sa kain si Avery.
Umiling nalang si Isaac kasi parang walang balak ang babae na tantanan siya. "God, you're annoying... and weird."
"Usap tayo. Ikaw lang naman close ko rito." Siko ni Avery sa manager ni Liam.
"We're not close. Now scoot over... o do'n ka kaya kay Liam mambulabog."
Umingos ito. "Talo pa babae sa'yo na may menstruation!"
Nainis si Isaac. "May ginagawa nga ako---"
"'Di ba puwedeng makipag-usap sa 'yo? Bakit, gaano ka importante ba 'yang ginawa mo? Patingin." Sisilip na sana si Avery sa hawak ni Isaac na tablet nang iniwas iyon nag lalake palayo.
"Hindi---"
"OMG!" Nag-astang nagulat si Avery. May pasinghap-singhap pa siyang ginawa. You're watching p**n, ano?!"
"Huh?"
"Ikaw, Isaac, ah! Palihim ka palang ---"
"I like real s*x better, Avery." He bluntly stopped her.
Natigilan si Avery. His chocolote-dark eyes look serious. She can feel that he means it. "Lalaki ka pala?" Mahinang saad niya sabay namulang sumipol at nag-iwas ng tingin rito.
"May sinabi ka?"
NASA hallway sina Liam at Helga na nakatingin kay Avery at Isaac na nagbabangyan sa sofa. Helga smiles. "They seem close." From wrapping her arm around Liam's strong arm, she turns to him. "Why don't we have some bonfire and a BBQ party? Just thw four of us? Sayang ang gabi kung di natin lubusin ang stay rito."
Di sumagot si Liam at tahimik lang na nakamasid sa dalawa.
DAHIL iilan lang sila sa rest house at pagod ang iba sa magdamagang preperasyon sa kinabukasang photoshoot, apat silang ngayong nakaharap sa ginawa nilang bonfire sa may dalampasigan.
Nayayamot na nakatingin si Avery kay Helga na halos nakaluwa na ang kaluluwa nito sa napakaikling short at cropped top na off-shoulder. 'Putsa? Di ba ito giniginaw sa suot?' Kinuskos niya ang dalawang palad at dinikit iyon sa mga pisngi niya. 'Laking Amerika kasi kaya sanay sa lamig.'
Sa pagmamadali kanina, nakalimutan niyang magdala ng jacket. Tumingin siya sa dalawang lalaking abala sa pag-uusap. Naka-jacket ang mga ito. Sumunod na kinuskos niya ang mga braso. Di tumatalab ang init ng bonfire.
"So, Avery, what do you do for living?" Tanong ni Helga.
"Ah..." Tiningnan niya ang kaharap na babae. Tanging ang apoy ng bonfire lang ang nakapagitna sa kanila. "Call center agent ako."
"Ow, but you graduated from college?"
"Oo. Education. Elementary Education."
"Why didn't you pursue it then?"
"Masama raw akong ihemplo sa mga estudyante." Masakit pero totoong sinabi 'yon ng isang nag-interview sa kaniya. "Baka isipin raw ng mga estudyante na okay lang maging mataba."
That was her first and last attempt applying for a job.
"That's rude." Uminom ng wine si Helga.
Nagkibit-balikat si Avery. "Truth hurts." Niyakap niya uli ang sarili. 'Ang ginaw na talaga.'
"Why are you both taking off your jackets?" Biglang sabi ni Helga.
"Huh?" Napalingon nalang si Avery sa tinuran ni Helga --- nakatingin ito kina Isaac at Liam.
Isaac is halfway pulling up his jacket while Liam is midway unzipping his.
Nagkatinginan ang dalawang lalake.
Pinaglilipat naman ni Avery ang tingin sa dalawa. 'Di maginaw mga, sir? At sabay pa kayong naghubad?' Pero di rin masama ang ideyang iyon. Gusto niyang bumungisngis sa ngiti. Baka painitin ng mga katawan nito ang katawang-lupa niya.
Isaac pulled back down his. Tuluyan namang hinubad ni Liam ang jacket nito at binigay kay Avery. "Here."
"Sa akin?" Turo niya sa sarili. "S-Salamat. Ikaw?" Tinanggap niya ito.'Ang bango ng jacket ni Liam ko!' Dahil malaki ang katawan niya'y binalbal nalang niya iyon sa mga balikat niya.
"I'm good." Ngumiti si Liam.
Habang umiinom ng wine, pinaglilipat ni Helga ang tingin kay Liam at Avery.
Naputol uli ang moment ni Avery nang may tumawag sa phone ni Liam. He pulled it out from his pocket. "Liam here."
Boyet: "Sir Liam, si Boyet 'to."
"Oh, Boyet?" Pagkilala nito sa katiwala.
Boyet: "Sir, nasira po ang tubo ng tubig sa second floor. Binaha po halos lahat ng kwarto doon. Nadale rin kwarto ninyo ni Sir Isaac."
"Ganoon ba? Tapos?"
Boyet: "Transfer daw muna kayo sa third floor kaso po naunahan tayo ng ibang guests 'eh. Andito ako ngayon sa lobby dala mga gamit ninyo ni Sir."
"I see. Thanks, Boyet. We'll figure this out. Steady ka muna diyan." At pinutol nito ang tawag. "May nasira daw na tubo sa second floor kaya di pwedeng gamitin ang mga kwarto andun." Imporma ni Liam kay Isaac.
"Mine is in third floor." Helga offered.
"A-Akin rin." Imporma ni Avery.
"Well, I'm okay sleeping on Avery's room... but..." tumingin si Liam kay Isaac. Kumuha ng dalawang BBQ stick ito ang pinagbabali ito . "Dahil dalawa lang ang bakanteng kwarto, we'll draw sticks. The two who'll get the same size of sticks will share and stay on one room."
"Leave it," saad ni Isaac. "I'll drive to town and find a hotel---"
"Nonsense, Isaac." Singit ni Helga. "Manager ka ni Liam so you should stay here. Let's do it!"
Tahimik lang na kumakain si Avery ng BBQ. 'Why do we need to draw sticks? 'Di ba pwedeng kami ni Liam nalang sa iisang room? O kami ni Helga sa iisang room?' suhestiyon ng isip niya.
Sabay silang humawak sa dulo ng mga sticks na nakausli mula sa nakasarang palad ni Liam at sabay rin silang naghila.
Isaac - Short.
Helga - Long.
Lumingon ang dalawa sa kasamahan.
Liam - Short.
Avery - Long.
[REASON 6 PREVIEW:]
If you truly and openly love someone, you're giving them the knife to freely stab you at your heart any minute.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐