REASON 4: Di Mapagkamalang Buntis

2917 Words
Pansamantalang na-confine muna si Avery sa hospita dahil kailangan pa raw i-check ng mga doctor ang kalagayan niya. Dahil sa limited ang physical movements niya sa pagiging mataba, nabigla raw ang baga (lungs) niya sa pagtakbo niya noong nakaraang gabi. Liam also insisted to let her stay longer. Habang nakaupo sa hospital bed at kumakain ng apples, busy naman sa pagbabalat niyon si Liam. "Liam?" "Hmm?" Lumingon sa kaniya ang kababata. "Wala ka bang schedule ngayon?" "The staffs will understand. At tsaka, madalang lang ako absent." Sinubo nito ang isang hiwa ng mansanas sa kaniya. Kinain niya ang mansanas. "Shuuur?" (Sure) "Yes." "Liam?" "Hmm?" Sinubuan uli siya nito. "Why me?" "Na ano?" "I mean... ang d-daming babaeng seksi na nakasasama mo sa shows mo.. sa pictorial mo---" "Nandito na naman ba uli tayo, Ava?" Huli nilang away ay yung nakita niya ito sa cover ng isang sexy magazine kung saan halos nakahalik na si Liam sa kasamang babae. Di niya sinagot ang mga texts nito sa loob ng isang linggo. "You are special to me. Just the way you are." "Kasi baka maapektuhan trabaho mo pag nakunan tayo ng litratong magkasaman..." Dahil limang bahay lang ang pagitan ng mga bahay nila at suki ang ina nito sa carenderia nila, agad silang nag-click dahil sila lang sa kalye nila ang magka-edad. Liam immediately befriended her siblings and from there on, he became her constant buddy. Ito ang nakikipag-away pag kinukutya siya at ito rin lang ang may alam kung saan siya palaging tumatago kapag umiiyak. Simula bata pa lang, maraming kapit-bahay at kahit teachers ang nakakakita sa potential nito sa showbiz. Kinukuha itong escort sa mga sagala at pinapasali sa mga maliliit na patimpalak sa eskwelahan. Noong tumuntong na sila sa highschool, may pumupunta na sa eskwelahan nila at sinusubukang i-recruit ito sa kani-kanilang entertainment agency. Naglagay pa nga ng Temporary Restraining Order ang principal nila nung malapit itong ma-kidnap. At noong college na sila, Avery saw how he worked hard to make his name big. Sumali ito sa workshops at theatre acts. Mas lalong umingay ang pangalan nito noong nagsimulang mag-gym si Liam. Girls in every department wanted to get a glimpse of his abs. Kumuha pa ang may-ari ng gym nang maraming guard pantaboy sa umaaligid na mga kababaihang crush na crush ito at gustong makakuha ng kahit candid na litrato ng lalaki. Yet, here she is. A touch away from the man everybody desires. Liam has this fair complexion and a fit, athletic body -- well-maintained by regular exercise and strict diet. Natural na mapupula ang labi nito at idagdag mo pa ang mapupungay na mga mata na pinaganda pa lalo ng makapal nitong pilik-mata.  It has been once the talk of the town whether Liam is fathered by a foreigner. He has light-blonde hair and very mesmerizing pair of blue-eyes.  Tinanong na niya ito noon pero sinabi lang na daw ng mama nito na sundalo ang ama na namatay daw sa giyera. Avery thinks that those information gives her an edge over those beautiful women linked to his name.  She knows his favorites -- he loves to wear sports watch. He loves adobo. He is a straight-A student from elementary to college. He can play piano which no one knows except her and his mother. She knows his pet peeves -- he is scared of needles. He is terrible in kitchen. He snores loud. He hates vegetables. She knows gestures she think she only notices --- he can easily be shy and when he does,  he blushes, covers his face or bites his lips. Liam snapped his fingers infront of her face. "Hoy. Natahimik ka." "H-Ha?" Napakurap siya. "Wala. Napaisip lang ako gaano ako ka-swerte." "At ako rin." He crosses their distance and plants a soft kiss on her cheek. "Thank you for supporting me in everything I do." "Di mo pa ako sinasagot. Bakit ako?" "Dahil kahit sikat na ako at noong hindi pa, 'di pa rin nagbabago turing mo sa akin." His ocean-deep blue eyes bore into her soul. "You still slapped me in the butt if I won't eat vegetables." He kisses her hand. "Stay the same, Avery. Be the remaining real person in my life in full of masks and dolls." Avery smiles. Liam feels her cheek. "I'm sorry if I failed to see you more often." Malakas na namang tumibok ang puso niya.'Dios ko~ wag sana akong mahimatay! Ang ganda ng moment namin!' "Ehem." May tumikhim mula sa pintuan. The flying pink-hearts and birds and sparkles were gone in a snap from Ava's imagination. Nayayamot siyang binalingan ang pintuan. Isaac lifted a bag of fruits. "Isaac, nandiyan ka na pala." Tumayo si Liam at kinuha ang binili ng manager nito. He peeks inside the bag. "Great! There's some oranges and grapes. Huhugasan ko muna ito." At pumasok ito sa banyo. "Ganda timing mo rin ano?" Inis na tingin niya sa lalaking naka puting t-shirt at knee-length short na itim. Bigla siyang napatitig ng husto kay Isaac. First time na hindi niya ito nakitang naka-business suit. Though still wearing his eyeglasses, he still manages to look fresh and... young. Pinaresan pa nito ang suot ng mamahaling Air Jordan na sapatos. "A little thank you can do." Napabalik ang tingin niya sa mukha nito. Umingos siya. "At bakit? Kasalanan mo rin naman 'ah bakit ako naospital 'ah? Kung di mo sana ako pinatakbo di ako maco-confine." 'Sorry ka, ma-pride ako.' "I didn't asked you to follow me ---" "Pero sinabihan kitang hintayin ako sa baba." Angli niya rito. "Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Liam na may dala ng basket ng mga bagong hugas na mga prutas. Isaac made up an excuse. "I'll request a tissue roll at the nurse station." Nang tuluyang mawala ito sa paningin nila, inis niyang nilingon si Liam. "Ayaw ko talaga diyan sa manager mo! Ang weirdo!!" "Isaac? Don't be too hard on him. Maalaga kaya 'yon." Umupo uli ito sa katabing upuan. "Bakla 'yon 'no? May gusto sa'yo dahil buntot nang buntot." "Believe it or not, he has fair share of fans as well. May times nga akala ako yung kinakawayan, si Isaac pala." "Honestly, gwapo naman talaga siya. Lalo na ngayon... nagmumukha siyang tao sa suot niya---" "Ah... so gwapo siya kaysa sa'kin?" Ngumisi si Avery. "Top 1 kita syempre!" DAHIL SA busy na schedules ni Liam, hands-on parati si Isaac sa pag-aasikaso sa oras nito -- minuto hanggang sa segundo. Nasa labas ngayon ang photoshoot kaya minabuti niyang sumilong sa puno. Isaac is currently sitting on a bench under a tree, staring at his tablet. "Hmm... A workshop on Friday to Sunday,  I should re-sched the meeting with the execs then." While Liam is doing a Safari-themed pictorial in a make-shift stage a distance from his position, he's just silently observing the whole activity.  "Ikaw na lumapit..." Rinig niyang boses sa hindi kalayuan. "Ano ka ba? Hindi naman siya nangangain ng tao." Nilingon niya ang pinanggalingan ng mga boses. May dalawang babae sa likuran niya. "H-Hi!" Nahihiyang lumapit ang isang babae. Kung di siya nagkakamali, ito yung kasama kanina ni Liam sa photoshoot kung saan nakasakay ito sa isang kabayo. "I-I'm Daffodil." Pakilala nito. "Hi," Tanging sabi niya at niyuko nalang uli ang tablet. "May niluto akong adobo. I-I mean, my sister cooked this for me kaso I'm on a diet kaya..." Nasa tablet pa rin ang pansin niya. "I'm sorry. I'm more into chubby women." May binulong ang kasama ni Daffodil. "Dali, kumain ka ng marami!! Gusto niyang may laman raw." Instead feeling offended by Isaac's cold demeanor, it motivates Daffodil more. "R-Really? I see." Ngumiti ito. "Oh, sige. Uhh.. see you later." At nagtitilian sa kilig na umalis ang dalawa. MATAPOS ang photoshoot ni Liam, nakita niya ang dalawang babaeng kumain ng marami sa makeshift na kusina sa isang van. "May binasted ka na naman?" Tanong niya  sa manager nang nakalapit siya rito. Isaac lends him a cold bottle of water. "No. They just offered me their food." "And you rejected them?" He twists the cap open and quenches his thirst. Umiling si Isaac. "Talaga lang 'ah. Saan ang binigay nilang pagkain kung tinanggap mo naman." Umupo siya sa tabi nito. "Come on, Ice! When a woman offered you her food, It's a subtle sign of saying she has her eyes on you. Truth be told, if you'll accept the scouts asking you to be their talent, you'll definitely be my rival." "I like my privacy. Thanks." Ibibigay na sana ni Isaac ang tablet niya kay Liam para pasadahan nito ng tingin ang nakalinyang appointments nito sa buong linggo nang tumunog ang cellphone nito. Tumayo ito at nag-excuse muna para sagutin ang tawag. Pero bago ito tuluyang makalayo, nabasa ni Isaac ang pangalan sa screen ng phone nito. Helga. "BE my girlfriend." Natigilan si Avery sa paghihimas sa buhok ni Liam na nakahiga sa kandungan niya. Nasa sofa sila sa condo unit nito at nanonood ng movie. "H-Ha?!" Nauutal niyang reaksyion. Liam looks up to her, his blue-eyes gleaming with playfulness as he smile --- the kind of smile you see on toothpaste commercials. "Be my girl." TUMAWA ang nananaginip na si Avery habang yakap-yakap ang unan. "Ehehe... hehe... Oo naman... Oo, Liam!" "TABA!!" Tumalon si Andro at lumanding diresto sa tiyan nang natutulog na si Avery. "AHHH!" Napasigaw nalang si Avery dahil sa gulat at sakit na nararamdaman sa minutong iyon. "Andro! Dyasking bata 'to!" Pinagpapalo ng tsinelas ni Aling Aurora ang bunso. "Kakagaling lang ng ate mo sa hospital!" "Hehe!" Natatawang tumayo si Andro at tumabi sa ina. Napaupo si Avery sa kama, may bakas pa ng laway sa mukha niya at sabog ang buhok. "P*ta ka!" "Eww, ate! Nag-we-wet dreams kay Kuya Liam! Yuck! Yuck!" Tinaas ni Avery ang middle finger at sabay tapon sa alarm clock sa kapatid na walang kahirap-hirap lang nitong sinalo. "Hayop ka,  p*ta! Sakit ng tiyan ko, ma..." Ungol niya sabay humiga uli. "Andro naman, 'eh!" Lumapit ang ina nila kay Avery at hinimas ang tiyan niya. Ngumisi si Andro. "Nagbabasakali lang ako na baka sa ganoong paraan liliit tiyan niya." Binalik nito ang alarm clock niya sa lamesa. "Ang ingay mo rin kaya... 'Oo Liam... Oo... Oo.' Pfft!" "Tigilan mo na ate mo, bata ka." Pinandilatan ni Aling Aurora si Andro pagkatapos ay nilingon si Avery. "Ava, may naghahanap sa'yo sa baba. 'Yong manager ni Liam? Pupunta raw kayo ng Batangas?" Mabilis pa sa kabayong tumayo si Avery at hinablot ang puno ng alikabok na maleta sa ilalim ng kama at walang ka-abog-abog na kinuha lahat ng damit sa closet at basta nalang pinasok sa bag. "s**t! Nakalimutan ko!" "Kaya nga kita pinuntahan rito sa kwarto mo ate para gisingin ka pero talo pa baboy sa'yo kung humilik. Hinihimas mo pa tiyan mo!" "Umalis ka sa harapan ko, demonyo!" Singhal niya rito.    NAPAHINTO si Isaac sa pag-inom ng tsaa nang makarinig ng sigawan mula sa itaas ng bahay ng mga Guinoo. "I'm so sorry. Ganoon lang talaga mag-lambing ang dalawa." Hinging paumnahin ni Andrea. Kasalukuyang magkaharap silang nakaupo sa sala. Timid na tumango si Isaac. Tumikhim si Andrea. "Umm... I know this may sound weird but.. you look familiar," saad nito habang nakatitig kay Isaac. "I get that a lot." He avoids an eye-contact with her. Napatawa nalang si Andrea. "I mean it. I think I saw you somewhere. I just can't remember when or where---" Napahinto sa pagsasalita si Andrea at parang nagulat sa nakita sa likuran ni Isaac.  Sinundan ng tingin ni Isaac ang tiningnan nito. Avery walked down the stairs in a polka-dot dress and a pair of sandal made of wood. Halos umiiyak naman na si Andro sa kakatawa na nakasunod kay Avery. "Ava!? Ano 'yang get-up mo?" Gulat na tanong ni Andrea at mabilis na nilapitan ang kapatid. Nag-pose ito. "Para feel ko ang Batangas. 'Di ba, mahangin doon? Perfect 'to! OOTD!" "OOTD-hin mo 'yang mukha mo! Para kang nag-time travel galing 1980's! Balik sa taas!" Nahihiyang tulak ni Andrea sa kapatid nito pataas ng hagdan.    TAHIMIK na tinahak nila Avery at Isaac ang highway papuntang Batangas. Dahil parang robot itong manager ni Liam na siyang nagmamaneho ng kotse, sumsagot lang sa mga tanong niya ng: oo, hindi at siguro; tatlong beses nang nakatulog si Avery. Kada gising niya ay nagbibiyahe pa rin sila. "Isaac..." Ungol niya. "Gutom na 'ko." "We're in a highway. You can't expect a resto here." He coldly brush her off. "Kahit man lang sandwhich wala kang dala?" "I ate a full breakfast so there's no need to pack one." "Biscuits? Ice cream?" Lumingon pa siya sa likuran para tingnan baka may tinago itong pagkain. "Behave, Avery..." Dahil sa posisyon ni Avery, kita ni Isaac ang cleavage nito sa suot na jacket. This time, she is wearing her 'Bumblebee' ensemble. This time, it fits the purpose since they are travelling. Iniwas ni Isaac ang tingin rito at binalik sa daan. "I'm driving." "Pero gutom na ako..." Di siya pinansin ni Isaac. "Isaac..." Tawag niya uli rito. "Isaac ---" "Itulog mo nalang ulit 'yan. ---" "ISAAC, GUTOM AKO!" Nagdadabog niyang sabi. "Oo na!" At inis na niliko ni Isaac ang kotse sa isang maliit na barrio. Damn! This woman is crazy when hungry!    Namimili ng kakanin si Avery sa isang tindahan habang si Isaac nama'y tinitingnan ang mga tindang prutas sa kalapit na stall. "Hijo, masarap 'yang melon. Bagong pitas lang," Saad ng matandang may-ari ng stall na nilapitan niya. "Magkano po?" Tanong ni Isaac sabay kumuha ng isa para tantiyahin ang bigat ng prutas. "200 lang isa. 250 sana pero sige, discount ko na lang ang 50pesos kasi napakagwapo mong bata at buntis pa naman asawa mo. Pagpalain kayo ng Diyos sa anak niyo, hijo." Natigilan sa pagbuhat ng melon si Isaac. "Buntis po?" At nilingon si Avery na puno na ang bibig sa kakanin kahit may hawak pang pagkain. "I... uh... salamat po." Naglahad na lang siya ng 200. Sinilid naman iyon ng matanda sa plastic. Kinuha niya ang binili at mabilis na naglakad papunta ka Avery. "Enough." Hinila niya ito palapit sasakyan. "If we won't leave now, we'll arrive there at night time---" "Hijo! Luciano ang ipangalan mo r'yan sa anak n'yo, ah!" Pahabol na sigaw ng matandang tindera. Napahinto nalang si Isaac at yumuko para ikubli ang namumulang mukha. "Huh?" Lumingon si Avery sa direksyon ng matanda. "Ikaw ba kausap ng matanda--- Ay! Ano ba!" Di a nito natapos ang sasabihin nang tinulak na siya ni Isaac papunta sa kotse.    "WOW!" Hanga ni Avery  sa lugar pagkababa niya sa kotse. Para bang nakalimutan niyang gutom (ulit) siya. "Ang ganda rito!" Tanaw niya ang malawak na asul na karagatan sa unahan. Malamig rin ang simoy ng hangin na humahaplos sa katawan nila kahit tirik na tirik ang araw. "Nakaka-inlove!" "He's at the pool." Imporma ni Isaac sabay tinuro ang pathway papunta sa likod ng hotel habang sinenyasan ang isang staff ng hotel na ilabas ang mga maleta nila at dalhin sa kani-kanilang kwarto. Ngumisi si Avery. 'Makikita ko abs ni Liam ko!' Agad niya binagtas ang daanan sa likurang bahagi. Napako siya sa kinatatayuan niya nang may narinig na halakhak ng isang babae. Dahan-dahan siyang naglakad at lumiko sa eskinita. Unang nakita niya ay ang babaeng naka-red one-piece swimsuit at lantad na lantad ang napakahaba nitong biyas. Malakas ang kutob niyang ito sa Helga-- sa mala-kape palang nitong buhok na nakikita niya sa mga balita at pahayagan.  Doon pala siya nakita ni Liam na nahinto sa pakikipagtawanan kay Helga. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. "Avery!" He's wearing a Aloha-printed shirt with all buttons open at front, baring his lean torso. Gustong kiligin ni Avery pero mas ramdam niya ang pagseselos sa oras na iyon. Hindi siya tuminag kahit niyakap na siya ng kababata. "This must be Avery." Matamis na ngiti ni Helga. Tumango siya. Ang ganda nito sa malapitan. Para bang kumikinang ang makinis at maputi nitong balat pag natatamaan sa sinag ng araw.  'Ang liit ng mukha niya. Siguro, kung i-times two ang laki ng mukha ni Helga, gano'n kalaki mukha ko.' Pagkukumpara niya sa sarili rito. Wala man lang ito ka-peklat-peklat. Maganda rin ang hubog ng katawan nito. Tanging lamang lang niya ay ang --- napatingin si Avery sa halos walang umbok na dibdib ni Helga --- dibdib lang. "Liam talks a lot about you." Tumayo ito at nag-beso sa kaniya. "It's nice to finally meet you." Gusto mang umirap o i-snab-in ito ni Avery, di niya magawa. Genuine ang mga ngiti nito at may friendly vibe. Ang bango pa ng gaga kahit nabilad na sa araw. "A-Ako rin," Sagot niya. "Liam was right. You're really pretty in person. You're so cute." She laughs seductively as she turns to Liam. Avery silently observed Liam. Nakatingin ito kay Helga na para bang isa itong babasagin na gamit na dapat alagaan.    [REASON 5 PREVIEW:] May hawak na apat na BBQ sticks si Liam. "Dahil dalawa lang ang bakanteng kwarto, we'll draw sticks. The two who'll get the same size of sticks will share and stay on one room." Tahimik lang na kumakain si Avery ng BBQ. 'Why do we need to draw sticks? Di ba pwedeng kami ni Liam nalang sa iisang room? O kami ni Helga sa iisang room'  Sabi ng isip niya. "Leave it," saad ni Isaac. "I'll drive to town and find a hotel---" "Nonsense, Isaac." Singit ni Helga. "Manager ka ni Liam so you should stay here. Let's do it!" A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD