REASON 3: #SwimsuitGoals

2509 Words
  14 YEARS AGO | AVERY'S AGE: 9 years old.   NAGLALAKAD sa campus ang Grade 2 Student na si Avery, dala-dala ang balde puno ng maruming tubig para itapon sa damuhan. "Hoy tabachoy!" Huminto siya at nilingon ang dalawang batang lalakI --- na tantiya niya ay parehong nasa Grade 4, kasama ang isang batang babae na nakilala niya na kaklase niyang si Blaire. "Ano?" Hinarap niya ang mga ito. "Anong 'ano?'" Lumapit ang isa sa kaniya. "Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Turo nito kay Blaire. 'Ah, kapatid niya pala ito.' "Huh? Kay Blaire? Wala. Di kami close tapos di naman kami nag-uusap---" Napatalon siya ng bigla nitong sinipa ang balde na dala niya dahilan para matapon ito palayo. "A-Ano ba---" Hinila nito ang pigtails niya. "A-Aray!! Bitiwan mo buhok ko!!" Piglas niya. "Bakit mo binangga kapatid ko?" "A-Anong binangga? A-ARAY!" Napahiyaw uli siya ng hilahin pa nito ng malakas ang braids niya. "Trey, baka siguro sa katabaan niyan 'di na niya namamalayang nakabangga na siya!" Tumatawang saad ng kasama nitong nakikinood lang. Umirap si Blaire. "Nag-uusap kami ni Lovely nang bigla niya akong binangga kaya tuloy natapon ang iniinom ko na Yakult sa uniform ko." Turo pa nito sa uniform na may mantsa. "See?" Hila ni Trey sa buhok niya. "D-Di ko sinasadya yun! Nag-sorry naman ako 'ah! T-Tsaka sabi ni teacher, 'di tambayan ang pintuan ng classroom, e-eh doon talaga nila piniling mag-usap—AHHHHHHH!!" Sigaw niya nang dalawang pigtails na niya ang hinila nito. "Waagg... masakit n-na..." "Ha! At rumarason ka pa, 'ha! Bon, nasa'n yung dala nating floorwax, dumihan rin natin uniform nito!" Tawag nito sa nakamasid na kasama. "Wag!" Pumiglas siya pero gugustuhin man niyang tumakbo, hawak nito ang buhok niya at masyado nang masakit ang kaniyang anit. Lumapit ang tinawag na si Bon dala ang nakabukas na floorwax at nang akma na sana nitong ipahid sa napakaputi niyang uniform, biglang may sumulpot sa likod nito na batang lalaki na sa tingin niya'y ka-edad rin ng mga ito at malakas sinuntok si Bon bagay na ikinatulog nito agad. "Anong --- " Sa gulat, nabitawan siya ni Trey na mabilis kinuha ang balde. Nakatalikod yung sumulpot na lalake at di namalayang inihambalos ni Trey ang balde sa gilid ng mukha nito. At di na alam ni Avery ang sumunod na nangyari. Basta't ang naalala niya'y hinihingal siyang tumatakbo at sumisigaw ng tulong. Three days after the incident, she saw the boy who saved her, exits the Principal's Office accompanied with a man in suit. May bakas na tahi ng sugat sa gilid ng kilay nito at nangigitim ang putok na labi. His brown-eyes stared at her with rebellion.          NAKANGANGA si Avery na nakatingin sa malaking bintana ng tindahan ng Victoria's Secret habang tinitingnan ang naka-window display na two-piece swimwear. Simpleng dandelion yellow lang ang color nito pero napaka-gandang tingnan. Di niya namalayang natutunaw na sa kamay niya ang kinakaing Cornetto na ice cream. "Avery! Hoy! Hoy, Ava!" Kalabit pa ng baklang kaibigan sa kaniya. Natauhan siya at sinara ang nakabukas na bibig. Nilingon niya ang kasamang si Rose. "Ang ganda ng swimsuit na'to, Rose!" Turo pa niya. Bored na tumingin si Rosauro sa naka-display. "Oh? Tapos? 2,900 pesos para sa isang swimwear? Ay wag na! Pupunta nalang ako sa Divisoria." "Sa tingin mo, bagay ba sakin yan?" "Hindi." Diretsong sagot nito. Sumimangot siya. "Pag-isipan mo naman kahit three seconds, uy." "Sa liit ng panty na yan, kita puki mo riyan." Tumalikod at iniwan siyang gulat sa sinabi nito. "Truth hurts, bes. Halika na. Male-late na tayo sa meeting. 'Tsaka, mananahi ate ko, ipagtatahi ka nalang niya." "Bastos ng bibig mo, bading!"            HABANG nakasakay sila sa elevator, nag-usisa si Rose kung kamusta ang nangyaring date nila ni Liam kagabi. "Ang ganda." She blushes. "We ate under the stars. Tapos no'ng nilamig ako.. binigay niya sa'kin coat niya kahit di kasya sa'kin." Kinikilig niyang kwento. "Nagsusubuan pa nga kami ng Leche Flan." "Wow.. Leche ka rin 'no?" Di makapaniwala at inis na turan ni Rose. "Nabighani mo talaga ang pinakasikat na idolo sa buong bansa ano? Hiya naman si Pia Wurtzbach sa'yo teng. Hinatid ka naman sa inyo?"  "Oo, syempre! Kahit magkahiwalay kaming bumaba sa elevator."  "Tapos? 'Yon lang?" "Anong 'yon lang'?" "Walang kiss?" Lalo siyang namula. "Uyyy... 'di naman siya gano'n!" "Ano ba estado n'yo, bes? Fling? MU?... o kaibigan?"  Nawala ang ngiti niya at tiningnan ang bakla. 'Oo nga 'no? Ano ba sila?'  "Kasi bes.. I do support you, alam mo yun. Pero di mo ba sinubukang itanong sa kaniya 'yon? I admire him for not dropping you given that he is a superstar. Pero kung may plano siya sa'yo, o kung gusto ka man niya talaga, ba't pa kayo nagtatago?" "M-Mahirap kasi..." Nag-iwas siya ng tingin. "Baka masira ang career niya dahil lang d'on." "Takot ka magtanong dahil baka masira career niya o takot ka sa magiging sagot niya?" "He told me he'll court me when I'm 24." "Sinabi ba talaga niya? Na.. 'Liligawan kita, Avery'.. gano'n?" "O..Oo?" "Oh, ba't ganyan tono sagot mo?"     5 YEARS AGO | AVERY'S AGE: 18 years old.     AGAD natanggap si Liam sa audition nito sa isang mens' perfume na commercial, kaya nag-ce-celebrate sila sa labas ng simbahan sa pamamgitan nang pagkain ng isaw. Kumuha ng limang stick si Avery at sabay inilublob sa suka habang kumakain naman si Liam sa tabi niya. "Ava." "Hmm?" Nilingon niya ito. "Kelan ka pwedeng ligawan?" Napaubo siya nang masamid sa lalamunan niya ang kinain. Agad siya sumenyas sa tindero para sa isang buko juice. "Oh.. tinanong lang kita nabilaokan ka na kaagad." Tumawa si Liam at pinahiran ang gilid ng labi niya. "P-Promise ko kasi k-kay Mama na... dapat may trabaho n-na ako bago ako magpaligaw." Nag-iwas siya ng tingin at nag-astang busy sa isaw na nilublob niya. "That's 23, 24?" "24." "Hmmm.." tumango ito. "24."    HINDI masyadong nakapag-concentrate si Avery sa meeting dahil umiikot sa isip niya ang sinabi ni Rose. "Ano ba estado niyo, bes? Fling? MU?... o kaibigan?" Now that she thinks about it, noong nag-dinner sila, panay tunog ang CP ni Liam. He either answers the text under the table or excuses himself to answer it away from her. He is not usually like that.  Noon pa nga, siya pa ang inuutusan nitong sumagot sa mga texts. Bigla siyang kinabahan. She heard him mention the name 'Helga' to the person he was speaking with on the other line.    LIAM stretches after posing infront of the camera for almost two hours. Bumaba siya sa set at nakipag-shake hands sa head photographer. "Thanks." Nilapitan niya ang manager na may kausap na isang staff. "Isaac." Binalingan siya  nito. "They'll send us the selected photos. Ikaw na daw ang pipili sa final photo na ilalagay nila sa cover ng magazine." Tumango siya. "Okay." Niyuko ni Isaac ang cellphone at may sinasagot na mga texts. "Isaac, salamat kagabi." "No problem." Nasa mobile pa rin atensiyon nito. "Masyadong busy ako this week, but I'm planning to bring Avery on our Batangas shoot." Tinaas ni Isaac ang tingin sa kaharap. "And?" "The usual. Can you arrange it?" Tumango lang si Isaac at sinundan ng tingin si Liam na lumapit sa dalawang fans na naghihintay sa labas ng studio.    NANONOOD ang buong pamilya ni Avery ng balita kinagabihan. Nakaugalian nila iyon para kahit papaano malaman nila ang kondisyon sa Dubai kung saan nagtatrabaho bilang engineer ang ama nila. :"Palaisipan pa rin sa buong industriya kung sino ang mamumuno sa malaking kompanya na ngayo'y hawak ng nakakatandang Elijah Miller. Nakaraang linggo lang nalaman ng insder natin na mag-iisang buwan na pala itong nakaratay sa hospital dahil sa sakit na lung cancer..." Umupo si Avery sa sofa katabi ng Ate Andrea niya. "Ano 'yan?" "Balita sa negosyo. Mahina na raw ang katawan nung napakayamang may-ari ng Smith&Miller Conglomerates," Sagot nito. "Smith&Miller--- may-ari sila ng Entertainment Agency na nagha-handle kay Liam 'ah," Komento niya. "May nag-iisang anak raw siya ate?" tanong ni Andro na pataob na nakahiga sa carpet at may hawak ng remote. "Ewan." :"Sa entertainment news, Liam Alejo-Torres nakita kasama ang magandang Fil-Am model ng Chanel na si Helga McDonaughey sa isang coffee shop sa Makati---" Agad iniba ni Andro ang channel. "Sino kaya panalo sa NBA Western Conference?" Awkward na tumayo naman ang Ate Andrea niya. "Kakain na ba tayo, Mama?" Palihim na nilingon ni Aling Aurora ang anak na si Avery. Nakita niya itong nagbaba ng  tingin. Avery immediately remembered her conversation with Rose earlier: "Ano ba estado niyo, bes? Fling? MU?... o kaibigan?" 'Helga... 'yon ang pangalan na aksidenteng nabanggit ni Liam.'    NAKAUPO sa kama niya si Avery at tiningnan ang mga posters, newspaper clippings at mga litrato nila ni Liam na nasa gilid ng salaman niya, sa pintuan ng closet at pati mismo sa dingding. She knew that being with someone who is in the spotlight all the time is really trying at times knowing that he has an image to protect. Ngumiti siya. Tama, nali-link lang ang modelo kay Liam dahil nakita lang nila ito sa isang coffee shop. Oo, ganoon naman talaga basta showbiz. OA ang mga balita.  Tama, 'yon nga.. Pero bakit sila lang dalawa? If may oras si Liam maglakwatsa, bakit hindi ito nag text sa kaniya? Ba't wala sa kuha ng camera ang manager nito na parang aso kung makabuntot? Bakit------ "AHHH!" Humiga siya sa kama. Umingit pa ang kama sa biglang bigat niya sa paghiga. "Tama na, Ava! Ano ka ba?! Ikaw lang gusto ni Liam. Walang duda!" Paupong tumayo uli siya nang may narinig na boses sa labas ng bintana niya. Boses ng mama niya na parang may kausap sa gate. Tumayo siya at sumilip sa bintana niya mula sa 2nd Floor. Ang manager ni Liam!! "Inihatid ko lang po ito. Naiwan po kasi ni Avery sa dress shop."  Rinig ni Avery na sabi ni Isaac sabay lahad ng isang paper bag sa ina niya. Alam niya ang laman n'on ay ang 'Bumblebee' outfit niya noong date nila ni Liam.    "HINDI ba't ikaw yung manager ni Liam, hijo?" tanong ni Aling Aurora matapos tinanggap ang supot. "Opo. Ako nga po." Tumango ito. "Ah... Pasok ka. Magkape ka muna." "Thank you po. Pero may gagawin pa po kasi ako---" "ISAAC!" sigaw ni Avery mula sa second floor. Para itong nakakulong dahil nakahawak ito sa window grills at pilit kinasya ang matabang mukha sa gitna ng mga ito. Napatingala ang dalawa na nasa gate. "Hintayin mo ako sa baba! W-Wag kang umalis diyan!!" Umalis sa bintana si Avery. Agad yumukod si Isaac sa ina ni Avery. "Alis na po ako, salamat." At dali-daling naglakad.    NASA kalagitnaan na ng kalye papunta sa nakaparadang kotse niya si Isaac nang sumigaw si Avery. "ISAAC! ISAAC!" Binilisan pa niya ang paglakad. "HINTAYIN MO AKO, ISAAC! HOY!" Paulit-ulit siya nitong tinawag at kada sambit nito ng pangalan niya'y lumalakas rin ang boses nito. Huminto siya at nilingon ang naghihingalong babae na noo'y tumatakbo palapit sa kaniya. "Seriously? Alas-diyes na ng gabi pero nagsisigaw ka pa rin!" "HA!" Huminto ang pawisang si Avery. "Sinabi k-kong 'w-wag ka-kang munang u-umalis! Natural na hahabulin kita... t-tsaka.. tsaka.. ha... ha... ha...." Humihingal ito na para bang isang oras ito nag-jogging. "Naglakad lang ako ng mabilis, di mo pa rin ako nahabol." Tinukod ni Avery ang mga kamay sa tuhod at malalim na huminga. "Ha... Ha... ha..." "You okay?" "I...I.. I can't b-breathe..." "Hoy..." Agad na tinaas ni Isaac ang mukha nito. "Namumutla ka.." "S-Si Liam... Sa-saan siya?" Nainis si Isaac. Kahit nahihirapan ito'y si Liam pa rin ang bukambibig nito. "Huh? Liam? Why ---- Ugh!" Mabilis niyang itong sinalo nang biglang nahimatay si Avery at naghihingalo. "Avery..." Niyugyog niya ito. "Avery! Ava, wake up! Avery!!"    AVERY wakes up on a pure white ceiling room, an oxygen mask is covering her mouth. Dahan-dahan siyang lumingon at nakitang nakayupyop sa tabi ng kama habang nakaupo ang noo'y tulog na si Liam. "L-Liam..." Umungol ito at bahangyang kumilos. "Liam..." Nagising ito at mabilis siyang tiningnan. "Ava!" "Hello..." "Avery, God!" Niyakap siya nito sa ulo at tiningnan sa mukha. "K-Kumusta pakiramdam mo?" Tinanggal niya ang mask at ngumiti. "Nakakahinga na nang mabuti..." "Pinag-alala mo ako nang husto!" Nasa boses at mukha nito ang matinding pag-alala. "What happened?"  Umiyak siya at pumikit.  "Ava... you know I hate seeing you cry. Tell me please." Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa bibig. "K-Kasi...sa balita...'y-yong... 'yong kasama m-mo ang model..." Humikbi siya. Pilit man niyang pigilan ang mga luha, umaagos pa rin ito ng parang ilog. Para bang sa pamamagitan dun ay maibsan ang bigat ng dinaramdam niya. "Helga? Helga is a friend. It's her first time here in the Philippines that is why I tour her around the city." "N-Nagseselos lang k-kasi ako... k-kasi mataba ako... s-sana----" Pinutol ni Liam ang sasabihin niya nang hinalikan siya nito sa labi. Mabilis siyang namula na lumayo rito at tinakpan ang sarili sa kumot. "L-Liam naman 'eh!" Liam chuckles at pulls down the sheet. "Oh, bakit?" "Hindi pa ako nag-toothbrush!" "So? Hmm? Hmm?" Inulan siya nito ng halik sa leeg. "L-Liam... nasa hospital tayo..." Nahihiya man siya pero ang sarap sa pakiramdam. Parang nawala lahat sa utak niya ang sinabi ni Rose at ang nakita sa balita. Liam holds her hands tightly. "Come with me to Batangas." "Huh? Makikita tayo na paparazzi----" "Then so be it. Mas importante ka kaysa kung sino man." 'Lord... Nasa harapan ko ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. And we just shared our first kiss plus he just told me to go with him to some place! Just me and him!  LORD!  SARAP MAGING MATABA!!!'    HINIHIMAS ni Isaac ang braso habang kausap ang nurse sa nurse station malapit sa kwarto kung saan naka-confine si Avery. "Sir, ask ko lang po kung anong first aid method ang ginawa niyo sa patient para po maisulat namin sa medical records niya." "Uhh... I did some mouth-to-mouth resuscitation with her. I kinda lifted her head... like those in the movies??" "Noted po. Yung mode of transportation n'yo po rito?" "I-I piggy-back ride her t-to my car for a few minutes..." Halos mabali braso ni Isaac na pumipigil kay Avery na dumausdos pababa mula sa pagkasampay nito sa likod niya kanina. He kinda regretted why he parked his car from a distance. Naputol ang pagiinterview ng nurse nang may dalawang tao ang sumingit sa gitna nila. "Nurse... saang room si Avery Lora Guinoo? " Tanong nang isang binatilyo. 'Must be Avery's siblings'. Hula ni Isaac. Bigla siyang yumuko nang maramdaman na nakatitig sa kaniya ang Ate ni Avery. Andrea was staring at the man standing beside Andro. 'Wait lang... Parang kilala ko siya 'ah. Saan ko ba siya nakita??' Yumuko ang lalaki na dahan-dahang tumalikod at naglakad palayo.    [REASON 4 PREVIEW:] "Be my girlfriend." Natigilan si Avery sa paghihimas sa buhok ni Liam na nakahiga sa paa niya. Nasa sofa sila sa condo unit nito at nanonood ng movie. "HA?!" Liam looked up to her and smiles --- the kind of smile you see on toothpaste commercials. "Be my girl." A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD