f*******: Page to read #10RTLW for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•
and in f*******: Group: MARPLE DAME Stories.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐
Enjoy!
15 YEARS AGO | AVERY'S AGE: 9 years old.
"NAKU, mare. Napabayaan mo 'ata ng husto si Ava sa kusina."
Napahinto ang siyam na taong si Avery mula sa paglalaro ng snake-and-ladder kasama ang ate niya sa terrace. Nilingon niya ang kausap ng mama niya.
Si Aling Fausta, suki sa maliit na karinderya nila.
Tinawanan lang ito ng mama niya. "Sadyang malakas lang kumain si Avery." Depensa nito sa kaniya.
"Sayang. Ang ganda-ganda pa naman ni Avery. Kapag 'yan pumayat pag tuntong ng highschool, sabihan mo ako 'ah! Paliligawan ko siya sa Ruel ko. Top 2 'ata 'yon sa klase."
"At ako Top 1!" Pasigaw na singit ni Avery dahilan para lumingon sa kanila ang dalawang babae. "Ayoko sa mga lalakeng di ako kayang tapatan! Saka bading ho ang anak ninyo kaya salamat nalang po!"
"Ava!" Nandidilat ang mata ng ina niya. "Tumahimik ka!"
KINABUKASAN sa eskwelahan, dinala sa Guidance Counselor si Avery at si Ruel dahil nagsabunutan ang dalawa sa hallway.
Sinong nanalo? AVERY.
Dahil sa laki at taba niya, di na nakatayo si Ruel para depensahan ang sarili nung sinakyan niya ito.
"ANO susunod ko na schedule?" tanong ni Liam nang pumasok sa dressing room. Kakatapos lang ng fan-meeting niya.
Tiningnan ni Isaac ang scheduler na hawak. "After this, you have a contract signing then---"
"Cancel mo lahat ng engagements ko tonight." Umupo ito sa sofa.
Isaac scratches out the dinners and meetings written on the paper. "I already made a reservation for you and Avery at your preferred Italian restaurant. We rented the whole rooftop so you could have the place on your own."
Liam turned to his manager. "Maasahan talaga kita, Ice." Hinubad nito ang suot na lapel microphone sa kwelyo. "By the way... anong oras mong susunduin si Avery?
"8:00PM." He answered while writing the new schedule of Liam's appointments. "I'll give her time to change clothes. Speaking of clothes, may dress code ang resto. Remind her to wear..." Naalala ni Isaac ang floral printed na paldang suot kanina ni Avery nung nagkita silang tatlo sa elevator. "...something formal." Napailing nalang siya sa sense of fashion ng babae.
"I will---" Naputol ang pag-uusap nila nang pumasok sa dressing room ang isang staff.
"Liam, boss needs to talk to you," saad ng bagong pasok na babae.
Pagod na tumayo si Liam at tinapik ang balikat ni Isaac. ""I'll leave Avery in your capable hands." Saka lumabas.
Nag-undertime sa trabaho si Avery para umuwi at maghanap ng damit na isusuot mamayang gabi sa dinner nila Liam. "Ate! Ate!" tawag niya sa Ate Andrea pagkapasok sa gate palang.
Napahinto si Andro sa pinapanood nitong NBA Playoffs sa TV at nilingon ang kapatid. "Yuck, ate! Parang kang lechon na bagong ihaw sa pawis mo."
"Tigilan mo ako, Andro." Duro niya rito habang hinihingal at hinihubad ang sapatos. "Isusumbong kita kay mama na may tinatago kang condom sa pitaka mo!!"
"Grabe siya... walang ganyanan!"
Tinakbo ni Ava ang hagdan at pabalandrang pumasok sa kwarto ng ate niya. "Ate!"
"May sunog ba? Lakas ng boses mo." Napahinto ang ate niyang si Andrea sa pagtutupi ng mga damit sa kama.
"Ate. M-May d-dinner date kami ni Liam m-mamayang gabi. Pahiram ng damit 'oh!" Habol-hininga niyang imporma rito.
Natigilan si Andrea at tumitig sa kapatid. "Okay ka lang? Oo nga, 'no? Kasya ka sa mga damit ko," sarkastiko nitong sabi.
Former beauty queen ang ate niya bago ito nag-asawa. Since seaman ang asawa, pansamantalang nakikitira muna ito sa kanila kaysa mag-isa roon sa bagong tayong bahay nito. Hindi rin lingid sa kaalaman ng buong pamilya ni Avery na close sila ni Liam dahil noon na hamak na uhuging bata palang sila, palaging present si Liam sa bahay nila bilang kalaro.
"W-Wala kasi akong damit!" Namumulang maktol niya sabay umupo sa kama.
Humawak si Andrea sa nighttable para hindi lumubog kasama ni Avery sa kama. "Saan ba kayo kakain? Surely hindi public tulad ng sa Jollibee o McDo dahil tiyak pagkakaguluhan kayo no'n."
"Kaya nga... biglaan kasi ang invitation niya."
"Nakauwi na pala siya?"
"Oo."
"Knowing his popularity, it will be unwise to see him outside. Hula ko, somewhere private. Kung private, I bet sa condo unit lang niya kayo mag-di-dinner."
Biglang kumabog ang dibdib niya. Napahawak pa siya roon. "O-OMG, Ate! Is this for real? Really, really, really real?"
"Na alin?"
"Siya at ako sa kwarto niya--"
Nasira ang mukha ni Andrea at inihilamos sa mukha ni Avery ang tinutuping damit. "Ava, uminom ka nga ng tubig. Para kang naligo sa dami ng pawis mo. Dehydrated ka kaya kung anong kakatakutang imahinasyon ang naiisip mo. By the way, why are you wearing mama's skirt?" Yuko nito sa suot niyang palda. "Maternity skirt niya yan 'ah!" [
A/N: Maternity Skirt - A skirt designed to accommodate pregnant mothers on their 7th-9th month-old swelling belly.]
"Long story." Sumimangot siya.
"Anyway.." May kinuha si Andrea sa drawer. "Liam is a nice guy. So, he won't mind if you're wearing something comfortable around him." Nilahad nito ang isang damit. "Suotin mo rin ito kasi tiyak malamig."
6 YEARS AGO | AVERY'S AGE: 17 years old.
Naglalakad papuntang classroom si Avery mula sa canteen habang umiinom ng Coke at may dalang dalawang hamburger nang mapansin niyang nagkakagulo sa basketball court. "Anong meron?" tanong niya sa kaibigang si Holly.
"I-a-announce na ng mga campus models kung sino ang partner nila sa prom." Sagot na kaibigan na di mapakali sa kakatingin sa direskyon ng court.
Panay tilian ng mga kababaihan ang naririnig nila.
"Jim! Ako nalang!"
At pati sigawan ng mga kalalakihan.
"Bridgette! Tayo nalang sa prom... at hanggang matapos ang prom!"
'Campus models?' Isip ni Avery. 'Ah oo, kinabibilangan ito ng mga magagandang mukha sa university nila galing sa iba't-ibang department.'
Liam, from Arts and Theater Dept., is one of them.
"LIAM! PICK ME!" Nagkakagulo na ang mga babae para mapansin nito.
Nilingon ni Avery ang katabi. "Prom na pala next week, ano? May partner ka na ba? Pwede naman sigurong babae-babae. Tayo nalang."
"Meron na. 'Yong working student sa library, si Sam." Kumagat ito sa hawak na burger. "Sana sinabi mo kahapon, di ko na sana siya sinagot."
Halos mailuwa niya ang nginunguyang pagkain. "K-Kayo na?!!"
"Hindi! Tanga.. wala rin siyang ka-partner kaya nagdesisyon kami na magkasaman kaming dadalo."
Now that she thought about it, siya lang 'ata walang ka-partner sa prom. Kumagat uli siya tangan na burger at sumipsip sa straw para uminom ng Coke.
'Oh well...' Sino ba may gustong makipag-partner sa kaniya?
"Ah, bes!" Biglang hila ni Holly sa braso niya. "Bes... Bes!!"
Bahagyang natapon ang softdrinks niyang hawak. "Ano?" Inis na nilingon niya ito.
"Ba't sila nakatingin sa atin?" Turo nito sa isang direksyon.
"Huh?" Sinundan niya ang tinuro nito. Doon niya napagtanto na natahamik pala ang paligid at nakatingin halos ang mga tao sa court sa kanila --- sa kaniya. "B-Bakit... sila..."
At para bang naka-slow mo ang paligid niya nang makita si Liam na naglakad papunta sa kanila.
Halos mabingi si Avery sa malakas na t***k ng puso niyo. 'Puso ko, wag kang maharot...'
Liam smiled upon reaching her. "Ava."
"L-Liam." Nagsimula siyang mahirapang huminga. The attention, the judging stares... She can't stand them. Then... her anxiety attacks.
At kung gaano kabilis siyang nag-panic ganoon din kabilis ito nawala nang hawakan ni Liam ang magkabilang malalaking pisngi niya. "Look at me, Ava. Only me. Hear only me."
Tumango siya nang dahan-dahan. Di niya namalayang nabitawan na niya ang dalang burgers.
"I want you to be my prom partner."
Hindi agad siya nakasagot. Bagkos, napanganga nalang siya sa gulat.
"Is your silence means yes?" His blue-eyes curve upwards because of her funny reaction.
"H-Ha? Ha-- HAAA!!!!" Matagal nag-register sa kaniya ang sinabi ni Liam. "A-Ano?"
"Be my prom date."
She said yes.
Unfortunately, they didn't get the chance to attend the party since Avery got a high fever that day. Kahit gaano niyang pilit itong itaboy para um-attend, Liam fell asleep hugging her in her bed with Avery's wrist adorned with floral corsage given by him.
Ngumiti si Avery na bumaba sa hagdan sabay nag-pose sa harap ng dalawang kapatid niya. "How's this?"
Nag thumbs-up si Andrea.
Pilit namang huwag tumawa ni Andro. "Pfft! A-Ate... saan cosplay HAHAHA!" At tuluyan na itong tumawa.
"MAMA!! SI ANDRO MAY CONDOM SA PITAKA!" Inis na sigaw niya.
Agad natahimik si Andro at napalingon sa kusina para tingnan baka lumabas ang ina nila. "Ate Avery naman, 'oh!
Nilingon ni Andrea ang bunso. "Hoy, ikaw Andro, ah!"
At lumabas nga sa kusina ang ina nila na busy sa pagluluto ng mga pagkaing ititinda sa carinderia nila. "Anong kaguluhan 'to?"
Andro was forced to pour all his wallet's content on the floor.
And then there were two.
HABANG nagmamaneho, nagtataka pa rin si Isaac bakit nag-text si Liam na naghihintay raw si Avery sa condo unit nito. 'I was supposed to pick-her up at her workplace.'
Isaac and Avery don't have the smoothest relationship when it comes to Liam. He can feel she doesn't like him following Liam around.
Not that he cares anyway.
Matapos nag-checkpoint sa guardhouse ng apartment building, pinarada ni Isaac ang kotse sa basement ng gusali at naghintay na bumaba mula sa 9th floor si Avery. He leans back on the driver's seat and massages his nape. 'I think I need to hit the gym again.' Dahil sa sobrang busy ni Liam, di na siya masyadong nagkakaroon ng sariling---
THE f**k?!
Napanganga nalang si Isaac nang silipin niya mula sa bintana ng kotse niya ang bagong labas sa elevator na si Avery. "What the hell... is she... wearing..."
Avery, all smiles, is walking towards the car. She is wearing a yellow and black stripes legging and a black jacket.
She looked like a f*****g bee!
Did she got the memo from Liam that dress code should be formal?
'Okay, calm down, Isaac.' Pagpapakalma niya sa sarili.
Nagbukas ito ng pintuan at umupo sa passenger seat. Todo-effort pa itong nag-seatbelt kahit halos maubos ang belt sa laki ng katawan nito. "Saan si Liam?"
'Calm down.. ' "Did Liam text-ed you anything? Earlier?"
"Hmm.. 'See you' lang. Bakit?"
Napapikit si Isaac at napasandal uli sa upuan. "Damn.."
"Bakit nga?"
"Tch! Thought I could go home early today." Kinuha nito ang phone at may d-in-ial.
"Oy... may n-nangyari ba kay Liam--" Naputol ang sasabihin niya nang nilapat ni Isaac ang hintuturo nito sa labi niya para tumahimik.
"Hello, Via. Still up?" Kausap nito sa katawag sa kabilang linya. "Yeah. Uhh.. can I gatecrash your store for tonight? Oo ngayon lang. I'll pay you tomorrow. Oo. I owe you a lot. Thanks." Ini-off nito ang cp.
"Sagutin mo 'ko, Isaac."
Nilingon ni Isaac ang katabi. "You're a mess! You'll be dining in a fine Italian restaurant and you planned to show up cosplaying Bumblebee!?"
"Anong Italian?? A-Akala ko sa condo lang niya k-kami.." Niyuko niya ang damit. "P-Pwede naman siguro ito."
Napailing si Isaac at mabilis na pinaharurot ang kotse palabas sa parking lot.
TAHIMIK lang si Avery habang mabilis na tinatahak ng kotse ang highway. Sikreto niyang tiningnan si Isaac sa peripheral vision niya. Doon pa lang niya nakita ang 'annoyed' na mukha nito. 'So may emosyon pala 'tong kumag nato.'
He has this... pointed nose na halos sa mga banyaga palang niya nakikita. His brown-eyes behind his eyeglasses are in slit-form.
Nakatiim-bagang rin itong nagmamaneho.
Malapit na siyang mahambalos sa dashboard nang bigla itong nag-break. "A-Ano ba?!" Nilingon niya ito na bumaba sa kotse at umikot sa side niya. "Papatayin mo ba ako sa nerbiyos? Ha?!"
Isaac opened her door. "Out." Tumalikod ito at pumasok sa isang dress shop.
"A-Anong gagawin ko rito?" Tanong niya nang tuluyang makapasok sa isang sosyal na dress shop.
When she got inside, she saw Isaac searching swiftly on some evening gowns in a closet then throwing them on the floor. "No. No. Not this. No. Nope.."
Inikot ni Avery ang tingin sa naka-display na mga damit. 'Ang gaganda ng mga gowns.'
"This." Lumapit si Isaac sa kaniya na may dalang dark-green velvet na gown. "Strip."
"Ha!" niyakap ni Avery ang sarili. "Nababaliw ka na ba?!"
"Don't make me repeat myself."
"Ayoko. Kay Liam l-lang 'to.."
"Strip or I'll rip that clothes of yours!"
"O-Oo na!" Ewan ba niya't bakit napasunod siya nito. "T-Tulungan mo 'ko."
"Huh?"
"Mahirap hubarin 't-tong jacket. Masikip kasi sa may kilikili."
"God, woman!"
Tinaas ni Avery ang kamay habang si Isaac naman ang humihila sa damit sa taas.
At yun ang nadatnang eksena ni Via -- owner ng dress shop. "Do you need any help---"
"Ahh!!" Nagulat si Avery na agad binaba ang braso para pilit takpan ang sarili dahilan para mawala sa balanse si Isaac.
"Steady--- AVERY!"
At tuluyan na silang dalawang natumba.
Via smiled. "..or not."
Napasubsob si Isaac sa dibdib ni Avery habang umuungol naman ang babae sa sakit ng balakang dahil sa panglawa niyang pagkatumba sa sahig.
LIAM immediately welcomes Isaac upon seeing him in the entrance at the resto. "Isaac. I've been calling you non-stop--- bakit namumula ang pisngi mo?" Puna nito sa namamaga niyang pisngi.
"I'm here to inform you I'm going home after I drop your date here." At nilingon nila ang papasok na babae.
Avery, in an evening gown with her thick wavy hair kept in a bun, looks very beautiful, despite her weight. Via did her make-up, accessories and all.
Liam's lips slowly formed into a smile upon seeing her. "Hey."
Namula si Avery. "Hi."
Umingos si Isaac habang hinihimas ang pisnging namamaga mula sa sampal nito --- na ang lakas ay parang suntok ng isang boksingero.
Then he saw Liam holds Avery's hand.
MINUTES AGO
Habang hinihintay nilang mag-settle in ang make-up ni Avery dahil sa masyadong oily ang mukha nito, Via poked Isaac's forehead who is currently pressing an ice bag on his cheeks. "Isaac, who is she?"
"A friend's friend."
"Hmm.."
"Bakit?" He turns to look at Via's curious face.
"She's really beautiful." Tumingin siya sa matabang babaeng na nakaupo at nakaharap sa salamin. "I mean, yes she maybe... chubby.. but you can't deny the fact that she has a nice complexion. And I'll surely die for that pore-less face. Ang kinis ng mukha niya. Natural na rin ang blush sa mga pisngi."
Isaac already knew that way back when he met Avery for the first time, it was when Liam brought her on his victory party, Isaac can she has a potential. Her weight might be one factor but the more disturbing thing about her is her terrible sense of fashion.
She wore a neon orange jacket and a jogging pants on that said formal party.
After he saw the couple settled down on the table he reserved for them, Isaac turns around to leave.
[REASON 3 PREVIEW:]
Napapansin ni Avery na halos patagong sinasagot ni Liam ang mga texts sa cellphone nito at kung may tawag man ay lumalayo ito.
He is not usually like that.
Noon pa nga, siya pa ang inuutusan nitong sumagot sa mga texts nito.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐