THE SWAN PRINCESS

3948 Words
A YEAR AFTER – TOKYO, JAPAN NAGPALAKPAKAN ang mga designer dahil sa success ng kakatapos lang na prestihiyosong Tokyo Fashion Week. Lumapit ang isang staff kay Liam na noo'y kumakaway sa kaniyang mga fans. Pinagbigay alam nito na may naghahanap sa kaniya at handa na raw The Oppenheimer Blue Diamond na engagement ring na binili niya.  "Ayiie~" Tukso ng isang staff. "Who's the lucky girl?" Liam answered the male staff with a smile. "It's me who is lucky." Tinapik niya ang balikat nito. Nang matapos ang kaniyang meet-and-great, agad siyang umuwi sa tinutuluyan niyang hotel. He declined to join the after-party and decided to spend time with Avery by calling her. He is now staring at the colorful night lights of the bustling city of Tokyo from his room while holding a small, blue velvet box on his hand and the phone on the other. "Yes, my flight will be 5AM tomorrow. Don't bother fetching me in the airport. Baka magtampo mga estudyante mo sa akin pag inagaw ko sa kanila ang favorite teacher nila." Ngumiti siya sa sagot ni Avery sa kabilang linya. "Okay. Ano gusto mog pasalubong? W-What? It's 1AM there already? I'm so sorry for keeping you up this late. Yeah... Goodnight, Ava. Dream of me." Tumawa siya. "Sleep tight." At ini-off ang tawag. Tiningnan uli niya ang hawak na box. A year ago, while riding the plane enroute to Italy, Liam read Avery's letter for him. The message is full of encouragement and positivity but despite he felt the opposite. Para bang ang dating ni Avery sa mensahe ay nagsusulat ng liham para sa isang kaibigan --- para sa isang KAIBIGAN. Unlike those previous letters, texts and call they had where he can feel Avery's feelings towards him which was more than friends. Was. Past-tense. And here he is, trying to make it up to her to make her his present and hopefully his future. Sinilid niya ang maliit na kahon sa bulsa nang may kumatok. "Come in." Sumilip ang isang Haponesang staff. "Liam-sama? Hiroki-sensei want to have a round of saké with you, if you're available." [Saké - Japanese rice wine] Napabuntong-hining nalang siya at napilitang tumango. "Hai (Yes)." Hiroki Onoda is the VP Operations of Versace - Japan and rest is not an option when it comes to talking to big shots in the world they live in.   ENGLAND, UNITED KINGDOM MAY kausap sa telepono si Chesca sa counter niya nang dumaan ang amo sa harapan ng pwesto niya. "Ah! Good morning, Mr. Miller!" Lapad na ngiting bati niya. Isaac, un-buttoning his coat, lends it to his secretary then nods. "My appointments this morning." Pumasok ito sa opisina. "Right away, sir." Binaba ni Chesca ang telepono at tiningnan ang schedule ng boss niya mamayang hapon. "Paano 'to? May ribbon-cutting siya sa 3PM. Tapos flight niya is 3:30PM." Tumunog ang intercom at tinawag siya ng boss niya na pumasok sa opisina nito. "R-Right away, Mr. Miller." Kinuha niya ang scheduler niya at ballpen, inayos ang damit at pumasok sa malaking opisina ni Isaac. Naabutan niya itong nakatalikod at nakatingin sa glass wall na kitang-kita halos buong siyudad ng London. She clears her throat to get his attention. "Mr. Miller, we have a... bit of situation with your schedule." Nilingon siya nito. 'Ehe... gwapo talaga nito! Syet!'  Isaac, personally requested for a Filipino secretary -- any gender as long as he/she is a Filipino. Siguro'y mas madali lang talaga magtrabaho pag-iisang lengguwahe ang ginagamit. Dating admin assistant si Chesca sa Prima Nova - Philippines at dahil willing siyang bumiyahe at tumira nang matagal sa ibang bansa, siya ang pinadala para maging sekretarya nito. Nung una niyang nakilala ang amo ay para itong bagong salta sa pagnenegosyo -- tahimik at nagmamasid lang at kung magsalita'y tipid. Pero dalawang buwan lang, halos gamay na nito ang trabaho.  He immediately established his presence in the corporate world, out from the shadows of his late father. Medyo iba na rin ang aura nito. He became so professional and dependent and sure of his every decisions on the way he handles himself on public gatherings. She has this harmless crush on him. 'Hehehe...' Ngisi niya. Who won't? Look at him! Ang karaniwang buhok nito sa noo na bagsak ay naka-taas. His black piercing on his left ear didn't lessen his professional image and his scar on his eyebrow accentuated his prominent features more like his jawline and tight lips. His tantalizing brown eyes behind those eyeglasses give off a vibe that no one should mess with him. In his almost 6'0 ft. height, with broad shoulder---- "Chesca." Basag ni Isaac sa pag-de-daydream niya. "Oh! S-Sorry po..." Pinilig niya ang ulo. "M-May ribbon-cutting kayo mamayang 3PM pero kailangan na Bristol airport ka po ng 2PM para sa 3:30PM na-flight niyo po pabalik sa Pilipinas. Dapat maaga sa airport, mahirap na maipit ka po sa traffic." "Cancel all my appointments in the afternoon." Simpleng utos lang nito at umupo sa high-back chair. "Noted po." She scratches the events at her scheduler with her pen. "E-ticket is already sent on your e-mail, Sir." Tumango ito at nagbasa na ng mga dokumento. "Sir?" "Hmm?" He's playing the pencil in his long fingers, attention is still on the paper he is holding. "Should I notify Ms. Avery?" Natigilan ito. "'Avery' who?" "'Yong palagi niyong pina-pa-search sa'kin sa f*******:?" "Bakit? May bago siyang posts? Sino kasama niya doon? Nag-change ba siya ng relationship status?" Sunod-sunod na tanong ni Isaac habang nasa kaniya na ang atensiyon na nito. Kung kanina para itong robot, ngayon para naman itong batang nagtatanong bakit asul ang langit. 'At kaya hanggang harmless crush lang talaga ako. May iba na itong gusto at sa isang mataba pa!'  "Wala naman po. Last post nito ay 8 months ago pa. Picture pa ng aso." Napaupo na ito ng maayos at parang nakahinga na nang maluwag. "G-Gano'n ba?" "So... should I notify her about your arrival?" "No." Masahe nito sa sentido. "Noted po, sir."    PHILIPPINES TUMANGO ang principal habang kausap ang isang magulang ng bata. "So... gusto niyong i-enroll ang anak niyo sa class ni Teacher Avery?" Ngumiti ang ina ng bata. "Ayaw niyang pumasok kung hindi si Avery ang teacher niya." Nag-isip ang principal. "Paano ba 'to ha... 1 teacher is to 25 students lang kasi ratio namin rito. Kaso daming nag-request na mapabilang sa klase ni Ava. Your daughter will be the 31st --- " Biglang umiyak ang batang babae. "TEACHER AVA! I WANT TEACHER AVA!" "Now, now..." Patahan ng principal sa bata. "We'll make a way for you--- Oh! Andito na pala si Teacher Avery!" Napalingon ang mag-ina sa babaeng pumasok sa opisina.   "LIAM! LIAM! NOTICE ME!" Sigaw ng maraming fans ni Liam nang pumasok siya sa arrival area sa airport ng Pilipinas.  Liam is wearing a white-half mask still groggy from the four-hour flight from Tokyo. He waves at them creating waves of screams. The cameras won't stop flashing as well to take a candid photo of him.  Nakaalalay naman sa kaniya ang mga bodyguards na pilit pinapalayo ang mga fans sa daanan palabas ng airport. When he finally manages to slid inside a heavy-tinted van, his phone rang. 'Avery.' He reads the caller's name. Sinagot niya 'to. "Hey, Ava. Yeah, just landed. Oo, uuwi muna ako tapos bibisitahin kita--- No, I'm fine. Jet lag pero nakatulog naman." Sinenyasan niya ang driver niyang si Boyet na mag-maneho na. "Opo, may sushi ka pong pasalubong. Yeah, I miss you, Ava. See you later."   NAPATINGIN  si Isaac sa TV sa harapan ng private plane na sinasakyan. Liam was featured on the news about his arrival on the Philippines. In span of one year, namayagpag ng husto ang pangalan ang idolo.  Liam's face and name are at huge billboards, commercials, fashion shows --- Even the magazine Isaac is holding right at his moment has Liam's as the cover.  After few months after Isaac's resignation, Prima Nova's management finally got a hold of a new and efficient manager for Liam. He heard it was female and he wished that the new manager won't fall for Liam's charm and should be strict with Liam given his attitude and mood. Due to his popularity, managing him is a tensed job. Though Isaac never met the new manager yet, they are constantly exchanging text messages, calls and e-mails to give him reports of Liam's activity. Ang Prima Nova ay isa sa mga kompanya sa ilalim ng Smith&Miller Cg. kaya may alam pa rin siya dapat kay Liam. Ang idolo ngayo'y ambassador ng sikat at tanyag nilang entertainment agency. Sumandal si Isaac sa upuan at tiniklop ang hawak na magazine. Now that he thinks bout it, a riddle remains why his father personally choose him to manage Liam. Sa pagkakaalala niya'y iilang beses lang nakita ng ama niya si Liam. His late father was not a fortune-teller to tell that Liam will go this big. Napalingon siya sa humihilik na secretary niya sa likurang bahagi ng eroplano na naka-nganga pa.   NAKIKIPAGBIRUAN si Andro sa mga kaklase niya. "Oo nga! Kilala ko si Liam at yung mayamang si Isaac Miller!" "Andito na naman 'tong mga pahangin ni Andro." Tawa ng isang kaibigan niya. "Patunayan mo nga!" "Paano ko papatunayan eh kita namang nasa overseas sila dalawa." Umingos siya. "Ano? Pustahan tayo? Pag totoo sinabi ko, buong taon niyo ako ililibre nang lunch!" "Oo ba!" Kagat ng isang kaibigan niya. "Kampante naman akong---" Biglang tumunog ang phone ni Andro. "Hello?" Sagot niya. Liam: "Andro, Kuya Liam mo ito." Gulat na lumingon si Andro sa mga kaibigan. Nilayo niya bahagya ang cellphone sa tainga at sa mahinang boses, i-nin-pormahan niya ang mga ito. "Si Kuya Liam 'to." Tumikhim siya at taas noong hinarap ang mga kaibigan sabay sagot sa kausap sa cellphone. "K-Kuya Liam? Ano maipaglilingkod ko?" Nagulat lahat ng mga kaibigan ni Andro.   THAT afternoon, Liam went to the kindergarten playschool Avery's been teaching for five months now. He is in a light disguise by wearing a nerdy glasses, baggy clothes and wore a black contacts to conceal his blue eyes.  Nang papalapit na siya sa playground, one kid saw him. "Teacher Avery! Teacher Avery! Your boyfriend is back!" Sigaw ng batang lalake habang huminto sa paglalaro ng rubber ball. Lumapit na rin ang ibang bata sa bakod at tumingala sa matangkad na lalake. Lumapit ang isang teacher aide sa mga bata at pinatahimik ito. "Shhh... 'di yan boyfriend ni Teacher Ava." "But why did he deliver flowers to Teacher Ava earlier?" Tanong ng isang batang babae. Dumaan kasi siya kaninang umaga rito para mag-iwan lang ng isang boquet ng mga bulaklak sa guard na sakto namang recess ng mga bata kaya nakita at narinig siya nang mga ito.  Ngumiti si Liam at niyuko ang bata. "Because she is a special person to me." A young boy pouts. "Papa used to say that to Mama... so a-are you a couple?" "Maybe?" Napatawa si Liam nang umani ng samut-saring reaction -- lalo na sa mga batang lalake ang sinabi niya. "NO!" Pasigaw na sabi ng isang batang lalake na may hawak na laruang sasakyan. "I told Mommy I'll marry Teacher Avery!" Sunod-sunod nang umangal ang mga maliliit na Adan. "No!"  "Ako!"  "Me!"  "Nauna ako!" Ang mga batang babae nama'y nakatingala pa rin kay Liam na halatang naga-gwapuhan sa lalake.   NAPANGITI si Isaac sa huling pinadala ni Avery na selfie sa kaniya. Naka-duck face ito habang nasa gym. The photo was taken 6 months ago. After that, he somewhat lost connection due to his numerous travels. 'Trying to figure out these time zones making me crazy.' Nung nag-uusap pa sila, he greeted good morning when he thought it was morning in Philippines. Gabi na kay Isaac nang nag-reply noon si Avery na kakagising lang daw nito at bumati raw siya ng magandang umaga 'eh kaka-alas dose lang ng gabi sa Pinas. Lalagyan pa nito ng umiiyak na emoji. He even installed two clocks on his phone. One is on Philippine Time Zone while the other is based on the time on the country he is currently at. But work is getting on his way.  Ala-una ng umaga sa Pilipinas, alas-dos ng hapon naman sa Netherlands. Alas-nuwebe ng gabi sa Pilipinas, alas-nuwebe naman sa Italy.  Gising si Avery, may meeting naman si Isaac. When meeting is over, Avery is already sound asleep.  It is driving Isaac mad. Mas lalong nainis siya nang sabay-sabay nagkaproblema ang distillery sa Spain at Africa kaya na-extend halos mahigit isang taon ang pamamalagi niya sa ibang bansa. "Mr. Miller..." Basag ni Chesca sa pagmumuni niya. "Hmm?" Nilingon niya ito. "We just arrived at the Philippines." Finally, they are now sharing the same time zones. Malamig ang simoy ng hangin pagbaba nila Isaac mula sa private plane. Gabi na nang lumapag sila sa Pilipinas. They are welcomed by the S&MCg – Philippines' Operations Manager and two staffs. Nakipag-kamay sila rito at naglakad papuntang VIP lounge. Habang nag-uusap ang mga boss, niyuko ni Chesca ang cellphone nito at may pinadalhan ng mensahe.   NAUDLOT ang pagtikim ni Andrea ng nilulutong hapunan at nilingon ang cellphone ni Avery sa bookshelf. "Andro? Katukin mo nga ate mo sa kwarto niya. Kanina pa maingay phone niya." Pumasok sa kusina ang bunso nila. "Naliligo pa 'ata, ate. May lakad raw siya." "Saan? Tanong ni Aling Aurora na naghihimay ng malunggay sa mesa. "'Di ko alam. May date siguro sila ni Kuya Liam o may lakad sila ni Rose." Kibit-balikat na sagot ni Andro.   TINANGGAL ni Isaac ang suot ng eyeglasses at nakasandal na tumingala. Sakay sila ni Chesca sa isang  heavily-tinted na sasakyan. Nasa backseat siya habang nasa tabi naman ng driver ang sekretarya niya na abala sa kakapindot sa cellphone nito. "Chesca." Nakatingala pa rin siya. "Po?" Lingon nito sa kaniya sa likuran. "Sino ba 'yang kausap mo? Kanina ka pa abala sa phone mo. The light is distracting me."  "A-Ah... 'yong tita ko po, Sir. Nagbigay alam lang po ako na kakarating ko lang." At pasimpleng sinilid ni Chesca ang phone sa bag at doon nag-te-text. "Sir, daan po muna tayo sa opisina 'ah. May pinakukuhang contract ang contact natin sa France 'eh." "Okay." At pumikit na ang lalake. Isaac didn't know how long has he been closing his eyes when he suddenly heard loud popping sounds that woke him up. "What the----" Nasa basement parking lot sila ng S&MCg Philippines kung saan andoon halos lahat ng mga empleyado ng kompanya na naka formal-attire — gowns and suits at may dala-dalang confetti na siyang narinig niya kanina na pinaputok. Gulat pa rin siya na bumaba sa sasakyan.  Nagsipalakpakan ang mga ito ng makita siya. "WELCOME BACK, SIR ISAAC!" Sabay na bati ng mga ito. He then realizes, it's a welcome and a victory party for him.   "OH? Nahatid mo na Ate Avery mo?" Tanong ni Aurora sa bunsong anak na kakapasok lang ng bahay. "Oo." Hinubad nito ang tsinelas sa may pintuan. "Saan ba talaga lakad ni Ate Avery?" Umupo ito sa sofa at kinuha ang cellphone. "Parang 'di si Kuya Liam ang ka-date niya kasi pag si Kuya, sinusundo si Ate rito sa'tin." "Magkikita siguro sila ni Liam sa isang pribadong restaurant. Alam niyo na, para maiwasan mangyari ulit yung dati." Depensa ni Andrea.  After the incident, Liam went to their house months ago, to their amazement, and personally asked for understanding and forgiveness from their family. Ayaw sana ng ama nilang si Ben na paboritong-paboritong anak si Avery pero kinausap ito ng mama nila at ipinaliwanag ang buong nangyari. Kung napatawad daw ni Avery si Liam, sila pa kaya? Then after that reconciliation, Liam never fails to shower them gifts from different countries he visited. Kung makauwi ito sa Pilipinas, si Avery ang palaging hinahanap nito. They can see his sincerity on his intent on making it up to her. And just a yesterday,  Liam came and asked their mom for a permission to court Avery.   A DAY AGO Di agad nakapagsalita si Aurora at Andrea sa sinabi ni Liam habang nakaupo silang tatlo sa sala. "Ipagpaumanhin mo, hijo." Tumikhim si Aling Aurora. "P-Pero alam mo bang napakasikat mong tao? Ayaw kong maulit---" "I promise you, Tita Aurora. I won't hurt her again." Sinserong saad ni Liam. Hindi nagsalita si Andrea na nakatayo sa likuran ng ina niya. Napatunayan naman nito na karapat-dapat ito kay Avery pero... "Liam, ayokong masaktan uli ang anak ko." Dagdag ni Aling Aurora. "At hindi ibig sabihin no'n ay ikaw ang gagawa. Pero paano ang mga fans mo? Pribado kaming pamilya at alam mong ayaw kong may isa sa'min ang walang-awang babastusin lang ng mga taong 'di kami personal na kilala." Sumingit si Andrea. "Si Avery lang ang makakasagot sa tanong mo, Liam. We are just here to guide her. But if she's willing to take the risk knowing your status... sino ba kaming pipigilan ang kaligayahan niya." Ngayon palang, parang alam na ni Andrea ang sagot ni Avery. 'Di sa pinangungunuhan niya ang kapatid pero nag-iba na kasi ang pagtingin ni Avery sa kababata nila at dahil iyon kay...    AFTER shaking hands and exchanging smiles with the employees, Isaac exhaustively picked a glass half-full of Bourbon drink being served by the waiter at a bar and sat on one of the high-chairs.  He was supposed to be at the mansion, in a hot bath preparing to have a good night's sleep yet he's here in a rented nightclub on the middle of hyper, energetic people. He secretly yawns. 'Is there anyway I could escape?' Lingon niya sa paligid. Napatingin siya sa secretary niyang si Chesca na nag-e-enjoy sa party. Katrabaho kasi dati nito ang iba sa mga dumalo kaya 'di ito nahirapang makipagsabayan. Napaisip si Isaac. Saan kaya 'to humuhugot ng lakas? Parehong flight naman sinakyan nila. Kaya pala busy ito sa phone kanina kasi ini-inform pala nito ang mga empleyado kung saan na sila. He plays the smokey drink on his glass and is about to drink it when a woman, clad in off-shoulder, body-hugging blue dress, enters the place. Halos natahimik ang mga tao at napalingon sa magandang babaeng naglakad palapit kay Isaac. Isaac drank the whiskey in one gulp upon seeing the woman. 'Remind me to talk to Chesca after.'  Inis niyang isip at binigay sa bartender ang hawak na glass. Zoey smiled seductively as she stops infront of Isaac. "Hi, fiancee." "Zoey." He acknowledges her. "I'll be glad if you won't use that word in public. You know, I didn't agreed to it." Um-order uli siya ng ibang inumin. "Do you have a preferred drink?" Pero 'di siya nito pinansin. "But both our fathers did." She stands behind him and snaked her arms around his chest from the behind. "You're missing the party. It's for you but you're here separating yourself from the crowd." She is gorgeous, Isaac admits.  Halos kita na ang dibdib nito sa semi-see-through na damit nito. She smells great, and a face that could launched a thousand ships as what a quote says. A daughter of one of his late father's trusted associate. Graduated with flying-colors in Oxford University and now handling her father's famous automobile industry. She can entice any men she wants, including him... But she's not HER. Inis na tinapunan niya ng tingin ang secretary na agad tumago sa likod ng kausap nito nang maramdaman ang titig niya. "Come on!" Hinila siya ni Zoey patayo. "Let's party!" Para siyang papel na nagpahila at tiim-bagang nakatingin pa rin kay Chesca na umikot pa sa pinagtataguan nang mapadaan sila sa harapan ng mga ito.    PASADO alas-diyes na nang napagdesisyunan ni Isaac na umalis sa party. Parang wala pang plano ang mga dumalo na umuwi dahil patuloy pa rin ang mga ito sa kasiyahan. Hinatid rin niya si Zoey sa hotel nito kaya halos mag-a-alas-onse na siyang nakauwi sa mansion. Bumaba siya sa kotse at sinabihan ang driver na balikan si Chesca sa bar. "Ihatid mo siya sa kanila. Huwag kang aalis hangga't 'di mo yun naihatid." "Opo, sir." Sagot nito at agad ring umalis. He pulls out a key from the pocket of his coat and opens the huge door of the mansion. The inside was quiet and dark as the night. He deeply inhaled the familiar scent of the place. He removed his eyeglass then loosen his necktie. He laid his coat on a nearby closed grand piano. Isaac was stretching his arms as he was about to climb the stairs when he saw a light coming from the kitchen. "Yaya Mona?" Tawag niya at naglakad papuntang kusina. 'Bakit gising pa ito?' "Yaya---" Bahagya siyang napapikit dahil sa liwanang ng kusina. Sinuot nalang niya uli ang eyeglasses para maaninag ito. "Why are you ---" Natigilan siya nang makita ang nakatalikod na babae na alam niyang hindi ang mayordoma ng mansion. Nakaharap ito sa malaking oven. 'Di niya namalayang dahan-dahan na pala siyang dinala ng mga paa niya palapit rito. The woman, dressed in a simple yellow dress and an apron, was humming a sound while looking at the oven. Her curvy hips swaying slowly.. That familiar auburn hair in a messy bun...  That pinkish skin of her exposed shoulder. Hindi siya nagkakamali. Trembling, afraid that this was just a hallucination, Isaac reaches a hand to touch a stray hair near her delicate neck. He can still remember the soft feeling of her hair, a year ago at the airport before he left Philippines. Then the woman, aware of his presence, turns to look at him. Nabitin ang kamay ni Isaac sa ere nang lumingon ito. He is now facing the woman he have been yearning all those past months. Gulat ring nakatingin sa kaniya si Avery. He stared at her heart-shaped face framed perfectly by the few strands of her aurburn hair, strayed from her messy hair-bun. Her pink full-bloomed lips and round charcoal-black eyes are mesmerizing him. Nakakawala huwisyo. Slowly, his eyes dropped to look at her body. He touches both sides of her small hips. Ngumiti si Avery. "Gulat na gulat ka 'ah. Sorry, 'di ako nakapunta sa welcoming party mo. T-in-ext nga ako ni Chesca. Kakauwi ko lang kasi kanina galing Batangas. Wala kasi sa internet ang tamang recipe nung favourite cookie mo." She turns to look at the cookies inside the oven. "Kaya na-late ako nang luto." Her yellow dress complimented her curvy frame. "You..." The first word he said after seeing her. He is still near speechless with everything he saw. She smiled widely. "Nakakapag-suot na ako ng 28" waist na pants ---" Naputol ang sasabihin ni Avery nang biglang hinapit ni Isaac ito at mahigpit na mahigpit niyakap. Natanggal asa pagkapusod ang buhok nito sa ulo at malayang bumagsak ang mataas nitong buhok sa likod. "I-Isaac?" Isaac inhaled the scent he misses the most. He closes his eyes and buried his face on the nest of her hair on her shoulder. "Avery... I'm home." Ngumiti si Avery na tinanggal ang oven gloves at hinulog ang mga iyon sa sahig. She then wraps her arms tightly around Isaac's neck, on the expanse of his broad shoulders, pulling the man towards her. "Welcome home." Sumilip bahagya mula sa b****a ng kusina si Jinkie na may hawak na confetti. "Itutuloy pa ba natin ang sorpresa,'ya Mona?" Ang ibang maids at butlers rin ay may kaniya-kaniyang banner. Plano rin sana nilang isopresa ito. Umiling na ngumiti si Yaya Mona na nakatayo sa likod ni Jinkie. "Matulog na tayo." Sabay ngumiti na sumilip sa dalawa nagyayakapan sa kusina. "Bukas na natin salubungin si Isaac."      [NEXT CHAPTER PREVIEW:]  "Lalaki pa rin ako, Avery." Isaac intently stares at Avery. "...still a hot-blooded Alpha Male. s*x is still part of my needs."   A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD