DISORIENTED na pumasok si Isaac sa conference room kinaumagahan. He forgot he had a marketing strategy meeting with the said department the next day. Napasarap ang tulog niya kagabi. "G-Good morning." Nagsibatian rin ang mga naroon. Umupo siya sa kabisera. "I... got stuck in a traffic." Tapos nilingon ang presentation sa whiteboard. "Proceed."
Vladimir drags his chair towards Isaac and simply whispers. "Traffic? Really? You got more better excuse than that?"
"I really did get stuck in a traffic." Giit niya sa kakilalang VP ng Marketing. Nasa presentation ang attention niya.
"But you left with Zoey last night."
"Hinatid ko siya sa hotel niya. That's just it." He un-buttons his coat and returns his focus on the board.
"What?!" Bahagyang napalakas ni Vlad ang boses kaya may iilang staff ang napalingon sa kanila. Tumikhim ito at lumapit pa kay Isaac. "Hinatid mo lang?"
"Yeah?" He shrugs.
"Isaac... Do you know your fiancee is every man's dream?"
"Don't count me in." Kumuha siya ng papel at lapis sa mesa. "Plus stop saying fiancee, okay? My father is dead, so it makes that stupid agreement of theirs void and nuisance. Kung gusto mo kayo nalang."
"Bakla ka ba?"
Inis niya itong nilingon. "You'd retort to that?"
"'Di naman siya mahirap magustuhan, ah ---"
Napalingon sila sa pinto kung saan pumasok ang pinag-uusapan nilang babae. Zoey, in her cream business suit, look elegant as always.
"Whew..." Pasipol na umayos ng upo si Vladmir.
Zoey sat on the chair on Isaac's right side and crossed her long legs. "I apologize I'm late." Lumingon ito kay Isaac. "I get stuck in a traffic."
Tusong ngumiti si Vladmir kay Isaac na halatang nainis. "That is 'some' traffic, Isaac."
"So..." Rinig nilang sabi ng nagpe-present na staff. "We need a new model for our lingerie line. Our female top model, Ms. Helga, is unavailable for the next 5 weeks due to her tight schedule for Milan and Paris fashion shows. May mga nakalinya ring projects ang ibang female models natin."
Zoey looked at the printed report on the table. "How would you do it? The process of finding a new model?"
"We have a list of those walk-ins who had potential. May mga nahanap din ang mga marketing personnel ko sa Instagram." Singit ni Vladmir. "We just don't hire models because we simply need one. We want someone na tatatak sa masa. Like when we introduce Liam... just in a week he became a household name."
"You're saying?" Bored na tanong ni Isaac.
"We need a face that will be loved by all age bracket. Mapa-bata o matanda." Sagot ni Vladimir.
"I thought we're looking someone for our lingerie line? And that's not for kids." Tanong uli niya.
"Ibig kong sabihin, we need a female Liam version. An all-rounder." Vladimir grins menacingly.
GUMAGAWA ng report si Avery sa classroom niya habang nasa playground naman ang mga bata at naglalaro kasama ang dalawang teacher aide. Umilaw ang phone niya hudyat na may tumatawag. "Hello, Rosauro?" Sagot niya. Nayayamot itong bumungad sa kaniya.
Rose:"I hate you."
Tumawa siya. "Joke lang." Ayaw na ayaw kasi nitong tawagin sa totoong pangalan. "Yes, 'ROSE'?"
Rose: "Saan ka mamaya?"
"Hmm? After 'kong mag-release ng cards,uuwi ako. Birthday ni Mama kasi."
Rose:"Samahan mo muna ako, bili tayo ng panty at bra."
"Huh?" Naudlot siya sa pagsusulat. "Hoy Rose... may titi ka kung nakakalimutan mo." Lumingon siya sa paligid baka may makarinig.
Rose: "Loka! Gift ko kay 'nay Aurora."
"Ewww... pwede bang ibang gift nalang?" Inipit niya sa balikat at tainga ang cellphone at pinagpatuloy ang ginawang report.
Pumasok si Olivia, isa sa mga kindergarten teacher rin. Sumenyas na may naghahanap raw sa kaniya. "May gagawin ako, bakla. Sige, sige. Sasamahan kita. Bye na." Pinutol niya ang tawag tsaka lumabas sa classroom.
INIS na nakatingin sa bakod ang mga batang lalake. "PROTECT PRINCESS AVERY!" Sabay na sigaw pa nito.
Yumuko si Liam at naglahad ng mga candies. "Now, can I see your princess?"
Nag-uunahan ang mga itong kumuha ng sari-saring kendi sa palad niya. Sumagot ang isang bata na puno na ang bibig. "You may."
Napailing nalang si Avery na lumapit sa kababata. "You're really good on dealing with kids."
"Well, if I were them, I'd also protect the princess from the big bad wolf." Sabay lahad ng isang bouquet ng flowers. Naka-disguise uli ito pero ngayo'y di na nito pinagkaabalahang itago ang mga asul na mata.
"Ano ako patay? Araw-araw mong bigyan ng bulaklak?" Tawa niyang tanggap.
"Patay naman puso ko sa'yo."
Napatigil sa pag-singhot si Avery sa bulaklak. "Huh?"
Nawala ang ngiti nito sa mga labi. "Can we talk?"
Nilingon ni Avery si Olive para senyasan ito na aalis muna. Tinanguan niya si Liam. "Sure."
Hindi nila namalayan na may nakatutok pala sa kanilang camera sa may di-kalayuan.
NAKAUPO sa damuhan sina Avery at Liam habang nakaharap sa soccer field ng elementary school nila noon.
"Last kung punta rito, mataba pa ako." Tawang alala ni Avery.
"This was also the place where we became friends again."
"We never stopped being friends." Tinapunan pa niya ito ng damo sa mukha.
"Avery, the reason I brought you here is... to tell you that I want us to stop being friends."
Nagulat si Avery at 'di agad nakahuma. "B-Bakit? May nagawa ba akong kasalanan?"
"Wala." Inabot ni Liam ang kamay niya at huminga ng malalim. "Gusto kitang ligawan, Avery." May nilagay itong maliit na box sa palad niya.
Parang kunehong nagtatalon ang puso ni Avery na nakayuko sa kahita na sa tingin palang ay may mamahalin na. 'Humaygad! Singsing... singsing talaga ang laman nito!' "L-Liam..." Tiningnan niya ito na sinserong nakatitig sa kaniya. "Y-You're just asking to court m-me. Not to marry me."
Liam closes her fingers on the box. "I really like you Avery. I've been thinking this a million times and I am a jerk for waiting too long to ask you that question..."
Napalunok si Avery at niyuko ang magkadaop na palad nila. "P-Pero..."
"I am asking you as Liam, your friend. Not the Liam, you see on TV and magazines---"
"Why now?" Pinilig niya ang ulo. Maling tanong. "I mean... bakit ngayon mo palang ako tinanong? Dahil ba mataba ako noon?"
Mariin itnong umiling. "No. Please don't think your weight matters. The moment I turned my back on you, I realize how important you are to me." Liam holds her hands near his chest. "...I don't want to lose you, Avery. Not now. Not ever."
"S-Si Helga? Paano siya? Hindi ba't kayo?"
"There's no love between us, Ava. It boils down to business and conditions on contracts." He kisses her knuckles.
At katulad kanina, may nakasunod na namang tao sa kanila at pasikretong kumukuha ng litrato.
NAPAHINTO sa pagpili ng bra at panty si Rose at halos lumuwa ang mga matang nilingon si Avery sa tabi nito. "T-Teka nga... ulitin mo nga 'yon?" Tinaas ng bakla ang isang kamay. "Wait... kukuha muna ako ng matigas na bra at ihahampas ko sa mukha mo."
Namulang lumilingon sa paligid si Avery. "Shhh! Pwede ba? Baka may makarinig?"
"Pake ko, babae?!" Nilakasan pa talaga ng bakla ang boses nito.
"Sige, sigaw ka pa... kukuha rin ako ng panty at saksak ko diyan sa bibig mo." Kumuha siya ng isang panty at dinuldol sa labi nito.
Nameywang ito. "At ano naman ang sinago mo sa kaniya, Avery Lora? For your information, 'di ko pa siya tuluyang napatawad sa ginawa niya sa'yo noon 'ah. National TV ka niya pinahiya kaya National TV ka niyang ligawan dapat!"
"Grabe naman standards mo. Nagbago na nga 'yong tao ---"
"Dahil sexy ka na ngayon, liligawan ka na? No! AYOKO!"
Sa halip na mainis rito'y 'di niyang maiwasang mapangiti. "Uyy..." Kiniliti niya ito sa tagiliran. "Inamin mo rin na sexy ako..."
Kumuha ng isang bra ang bakla at hinampas sa kaniya.
NAKANGANGANG nakatulog si Avery sa umaandar na jeep habang nakasandal kay Rose. Inis na sinara ng bakla ang bibig nito. 'Plano ba nitong higupin ang lahat ng pasahero sa laki ng bunganga nito?'Di na nga mataba, humihilik pa rin na parang baboy.' Yuyuko na sana siya sa hawak na cellphone nang namalayan niya na may iilang pasahero ang tumitingin sa gawi nila. 'Huh? Anong meron?'
Nakarinig siya ng mga bulung-bulungan.
"Di'ba siya 'yong nasa picture?"
"Oo nga..."
"Siya ba talaga?"
"Oo... pareho nga damit."
Ang iba'y kinuhanan ng litrato ang natutulog na si Avery ng picture. Tinakpan ni Rose ang mukha ng kaibigan at binalingan ang katabi. "Oy, bata." Siko niya sa katabing estudyante. "Ano 'yang tinitingnan mo sa cellphone myo?"
"K-Kuya, siya ba---"
Akmang ipapakita na sana nito ang cp sa kaniya nang tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Anong 'Kuya'?"
"Ay, sorry, Ate. Ate pala..." Tinaas nito ang cellphone. "Siya po ba 'tong nasa picture na viral ngayon sa social media?"
Tumingin si Rose sa litrato at binasa ang headline ng article.
WHO IS LIAM'S MYSTERY GIRL?
May litrato nga nila Liam at Avery na nag-uusap sa labas ng kindergarten na pinagtatrabahuan ng babae at sa isang plaza kung saan nakahawak si Liam sa kamay ni Avery.
'Hala!' Nanlaki ang mga mata niya."M-Manong! Manong!" Malakas na hampas ni Rose sa kisame ng jeep."Dito nalang po kami!"
Naalimputangan si Avery sa ingay. "R-Rose?"
"Baba! Baba!" Malakas na hinila ni Rose ang kaibigan pababa sa jeep.
"Huh? B-Bakit?" Halos madapa si Avery sa lakas ng hila nito.
NAKASUNOD si Chesca sa amo habang sila'y nakasuot ng hard-hat at safety jacket na nag-tour sa factory. Humikab siya at kinuha sa bulsa ang cellphone. "Hmm? May trending sa Twitter?#NationsIdolMysteryGirl?" Pinindot niya ang link at nagsilabasan ang maraming litrato at mga artikulo. "OMG!" Sigaw niya.
Napalingon sina Zoey, Vladmir, Isaac at ibang staff sa kaniya.
"s**t!" Dagdag pa niya sabay mabilis na binasa ang mga nakasulat na mga impormasyon sa social media.
Humalukipkip si Zoey na nakataas ang isang kilay. "Excuse me? We're on a tour inside a factory. Using phone is prohibited. Non-reader ka ba?" Turo pa ng babae sa isang warning sign na katabi pa talaga ni Chesca.
Namula si Chesca at sinilid ang gadget niya sa bulsa. "S-Sorry po! Sorry!"
Isaac threw a glance at Chesca's pocket then resumes the tour.
"A-AKO 'TO AH!" Hiyaw ni Avery nang makita ang litrato niya at ni Liam sa cellphone ng Ate Andrea niya.
Nameywang si Rose. "Yan na nga sabi ko! Sige, sagutin mo si Liam, 'di lang yan ang aabutin mo!"
Sabay na lumingon sa bakla si Andrea at si Aling Aurora. "Ha? Sagutin? Sino?'"
"Ano magugulatan nalang ba tayo rito?" Inis na turan ni Rose. "Hoy, Avery Lora Guinoo. Anong sinagot mo sa hinging permiso ni Liam na ligawan ka niya?"
Gulat pa ring nakahawak si Avery sa cellphone.
Umupo si Rose sa paanan ng nakahigang si Andro sa sofa. "Alam natin kung gaano kasikat si Liam. Kahit gusto pa niya ng pribadong buhay, di na niya makakamtan iyon, okay? 'Yan.. yan ang isang example. Pribadong pag-uusap 'yan ninyong dalawa pero nakabuntot pa rin ang paparazzi sa kaniya. Naku, Ava! Pag nalaman ng mga tao na ikaw rin yung nasa presscon dati, ewan ko kung anong aabutin mo!" Puno ng pag-aalala at konsumisyon ang boses ni Rose.
"Kaya nga..." Singit ni Andro na naglalaro sa cellphone. "...mas boto ako kay Kuya Isaac."
"Isa ka pa..." Hampas ni Rose sa paa nito. "CEO rin 'yon!"
"Avery." Tawag ni Aling Aurora sa anak na tulala. "Ano sagot mo kay Liam?"
Lumingon si Avery sa ina at sumimangot. "Mama... tingnan niyo..." Pinakita ng babae ang screen ng cellphone sa kanila. "ANG PANGIT KO RITO!" Turan nito sa litratong kuha kanina sa jeep kung saan nakangangang natutulog siya. "ANG BAD NILA..." She pouts.
PUMASOK si Chesca sa opisina ni Isaac at nilapag ang kape at dalawang paboritong cookies nito. "Sir, merienda po."
Sinara ni Isaac ang MacBook. "Chesca, what you did back there in the factory was inexcusable."
"S-Sorry po." Umupo ito sa visitor's chair sa harap ng mesa ni Isaac. "Nagulat lang po ako sa nabasa ko."
"Still, using phones are not allowed there. Unsafe ang ginawa mo." Pinagsabihan niya ito.
Tumango ang secretary. "Opo."
"Good thing napatahan ko si Zoey. She wanted you to be reported to the HR."
"Ay, agad-agad? Ayaw ko talaga diyan sa bruha mong fiancee, Sir---"
"Again---"
"Hindi mo po siya fiancee." Nakangiting tumayo si Chesca. "Salamat po sa pagtatanggol sa akin. Nagulat lang talaga ako kasi may non-showbiz na nililigawan si Baby Liam ko. Lahat ng mga babae siguro sa buong mundo ngayon nagluluksa. Pwera nalang sa maswerteng babaeng 'yon."
'Di natuloy ni Isaac ang pagbukas niya ulit sa laptop. "Come again?"
"Si Liam po kasi. Nakunang may kasamang babae." Nagmamaktol sa sumbong ni Chesca.
"Who?"
"Mystery girl daw.' Di kasi masyadong kita sa kuha pero isa lang po ang masasabi ko. Ang sexy!" Kuha nito sa CP, may pinindot at pinakita sa amo. "See?"
It's Avery and Liam in a park. They were laughing while Liam was holding's Avery hand.
Napatalon si Chesca nang biglang malakas na nasara ni Isaac ang laptop. "Sir?"
NAKAPULUPOT ang tuwalya sa katawan ng bagong ligong si Avery na pumasok sa kwarto at umupo sa harap ng vanity mirror niya. Kukuha na sana siya ng lotion nang mahagip ng tingin niya ang mga litrato nila ni Liam sa gilid ng salamin.
Binuksan niya ang drawer at kinuha ang maliit na velvet box.
HOURS AGO
Malakas ang kabog ng dibdib na nakatingin sa box si Avery na nasa palad niya. "Liam..."
"No pressure, Avery."
Tiningnan niya si Liam. "M-Mahal ito."
"Maiintindihan ko if wala ka pang sagot ngayon."
Binuksan niya ito at napalula sa laki ng asul na brilyante. "M-Magkano 'to---"
"Avery. Seryoso ako."
Tumitig uli siya sa gwapong mukha nito. This time Liam is staring intently on her. "L-Liam---"
"If you have an answer, wear that ring so I would know."
PRESENT
Sinara uli ni Avery ang drawer. 'Back then, kung tinanong ako noon ni Liam, 'di ako magdadalawang-isip na sagutin siya ng oo. Pero bakit....' Tiningnan niya ang repliksyon sa salamin. 'Bakit ako nag-a-atubiling sagutin siya ngayon?'
Tumayo siya mula sa kinauupuan at pabalandrang humiga sa kama kahit kagagaling pa lang maligo. 'Ano bang nangyayari sa'kin? Epekto ba ito sa pag-d-diet? Ang mawalan ng kilig?'
Nilingon niya ang repleksiyon niya sa salamin kung saan kita niya ang sariling nakahiga sa kama. " ...Who is that girl I see..." Nagda-drama niyang kanta sa kantang 'Reflection' sa pelikulang Mulan. "Staring straight.... Back at me....." Feel na feel niya kahit wala sa tono.
Narinig niyang mag nag-doorbell.
Agad siya napaupo. "Patay! Bilis makarinig ng mga tanod sa boses ko. Oo na, ako na pangit ang boses!" Tumayo siya at sumilip sa bintana para tingnan kung sino ang nag-doorbell.
Kasalukuyang siya lang ang nasa bahay nang gabing iyon kasi nilibre ni Rose ang pamilya niya sa isang dinner. 'Di na siya sumama dahil tatapusin pa niya ang report na 'di niya natapos kanina nung bumisita si Liam sa playschool. Mga report card kasi ng mga bata ang ginagawa niya at kailangan ng ipamigay bukas.
Pilit niyang inaninag ang kotse sa labas. "Hmm? Itim na Audi? Familiar. Saan ko ba --- kay Isaac!" At mabilis siyang bumaba, sinuot ang tsinelas na nasa lapag ng hagdan.
Binuksan niya ang bolt ng pinto tsaka binuksan ang gate. Hinihingal siyang sinalubong ito. "Ikaw nga... I-Isaac..." At lumabas siya gate.
Gulat na nakatingin si Isaac sa hitsura ni Avery na nakatapis lang ng tuwalya. Idagdag mo pa ang mamasang buhok na nakapulupot sa ulo gamit ang isang t-shirt. "B-Ba't ganiyan hitsura mo?" Tanong ni Isaac.
"Huh?" Niyuko ni Avery ang katawan. "Ah, naligo---"
Nilingon ni Isaac ang mga nag-iinuman sa di-kalayuan. "Get inside." Tinulak niya papasok si Avery.
"B-Bakit?"
NI-LOCK ni Isaac ang pinto, sinara ang mga bintana pagkatapos ay ang mga kurtina. Nilingon pa niya ang kabuuan ng pintuan. "Dapat maraming lock bolts o di kaya'y CCTV sa labas para sigurado."
"Ano?" Nakatayo si Avery sa likuran ni Isaac. "May sinasabi ka?"
Nilingon niya ang babae. "Avery, you should be more aware of your surroundings--" Napaurong siya ng tinanggal ni Avery ang damit na nakapulupot sa buhok nito. Making her long, damp hair falls on her delicate shoulders. Agad nag-iwas ng tingin si Isaac. 'H-Have a grip, Isaac.'
"Isaac?"
Tumalikod si Isaac at nag-a-astang nag-survey sa pintuan at bintana. "I said, you should add more security to this place. D-Dapat tinted ang bintana niyo, may CCTV sa labas tsaka---"
"24 years na akong naninirahan rito. 'Di man 'to mayamang subdivision, wala namang nakawan nangyari."
"I'm not referring to robbery, Avery."
"Patayan?"
Nilingon uli niya ito. 'Is she this dense?!' "Next time, don't go out looking like that."
"Looking what?"
'She is dense.' "Wearing that." Binaba ni Isaac ang tingin sa katawan nito.
Niyuko ni Avery ang sarili. "A-Ano meron?"
Lumapit si Isaac at inayos ang pagkabuhol ng tuwalya sa katawan ni Avery na halos matanggal na dahil sa pagtakbo nito pababa kanina. "Looking like this." He clears her face with wet stands of hair. "May nag-iinuman sa labas. I take it that you're alone given your house is quiet. What if those drunkards saw you?"
"Mga ka-tropa ko ang mga iyon, Isaac. 'Di yun ---"
"Iba noon at ngayon Avery." Seryosong titig ni Isaac sa kaharap. "Y-You're more..." Napatingin siya sa cleavage nito at humingang malalim na nag-iwas uli ng tingin. 'Isaac, for God's sake! Ano ka? Virgin?!'
"I'm more what?" Seryosong tanong rin ni Avery.
Laking gulat na niyuko ni Isaac ang kaharap na nakatingala na sa kaniya.
"Tapusin mo sinabi mo, Isaac." She dared.
Napalunok siya. "D-Don't do this, Avery. You're making it hard for me."
"I'm just asking."
"Lalaki pa rin ako, Avery." Isaac intently stares at Avery. "...still a hot-blooded Alpha Male. s*x is still part of my needs and those guys outside are no exception, especially they have alcohols on their system."
Tinaas ni Avery ang mukha. 'You're asking for this Avery.' "And?"
Bago mawalan ng control si Isaac, umatras na siya at nilahad ang isang paper bag. "Pasalubong ko." Pag-iiba niya ng paksa. "'Yong size kasi na binili ko sa Milan ay malaki kaya nagpa-rush order kayo. Pasensiya at na-late ang pasalubong ko."
'Ba't para akong nabitin?' Tanong ni Avery sa sarili at kinuha ang paper bag mula kay Isaac at sinilip. "Ano 'to?"
"It's a dress. I assumed you like yellow?"
Ngumiti si Avery. "Yellow is my favorite color." Kinuha niya ang damit sa loob. "W-Wow!" Dinama nito ang tela. "M-Magkano 'to?" Agad nawala ang ngiti niya ng maalala ang mamahaling singsing na binigay ni Liam.
"Why don't you try it on." Namulsa si Isaac. "See if it fits you. Chanel gave me three days free replacement if it's in a wrong size again---"
"C-Chanel?!!"
"Bihis na." Mahinang tulak ni Isaac rito. Tumalikod si Avery at naglakad papuntang banyo.
Iniwas ni Isaac ang tingin sa mataas at mapuputi nitong binti. 'This place definitely needs an aircon.' His blood seems to be boiling. Pinilig nalang niya ang ulo at piniling tumingin nalang sa mga litrato sa isang shelf para may pagkaabalahan ang isip at katawan niya.
He bends down to look at the picture frames.
There's a family picture of the family. A chubby Avery in the middle, smiling widely while looking like Jollibee in her red and white stripe dress.
There's another frame of Andrea winning a beauty pageant. Then little Andro naked climbing a tree. A picture of Avery at Andrea twinning a blue dress in a wedding.'Mataba nga talaga ito noon pa.' Ngiti ni Isaac.
A frame of Andrea, Avery and Andro in a bed showering themselves with baby powder. 'Must be nice growing up with siblings.'
Nang mamatay ang nag-iisang kapatid ni Isaac na si Elaine sa airplane crash, he literally grew up alone.
Napako ang tingin niya sa isang frame kung saan magkatabi ang chubby na batang si Avery at si Liam sa iisang duyan. 'That pigtails... I think I saw that somewhere.' Pilit niyang alala. 'Pigtails ---'
"Okay ba?" Saad ng isang boses sa likuran niya.
'Di agad nakahuma si Isaac nang lingunin niya si Avery. The soft satin cloth of the dress framed her body in every curves. Though the skirt covered almost half her legs' lenght, Isaac still thinks it is too short. The off-shoulder dress also highlighted her sexy shoulders. The color complimented her skin perfectly.
She looks at him, blushing. "Hindi ko masyadong masara ang zipper sa likod." Pilit nitong inabot ang zipper sa likod.
He clears his throat. "D-Did I get the size right?"
Ngumiti si Avery. "Okay na okay." Tumalikod ito. "Paki-sara."
"H-Huh?"
"The zipper? Ba't para kang lutang ngayon?" Avery laughs as she pulls her hair sideways, baring her neck, back and shoulders to Isaac.
Pumikit sa Isaac. 'Okay... Isaac. Control yourself.' Hinawakan niya ang zipper at dahan-dahang tinaas iyong tinaas. 'On second thought...' Hininto ni Isaac ang pagsara at tiningnan ang likod ni Avery.
Avery, aware of Isaac's warm breath on her neck, closes her eyes when she felt Isaac's fingertips brushing her bare back. She bites her lower lip.
Isaac slowly touches her shoulders with his knuckles, feeling its softness and leaving trails of fires on Avery's skin as he saw her skin turns pink, blushing all over. Tempted to taste her, he bends over to plants a soft kiss when ---
The sound of the doorbell vibrates inside the silent house.
"Ava!" Tawag ni Andrea mula sa gate.
Para silang binuhusan ng malamig na tubig na napalingon sa direksyon ng doorknob na dahan-dahang umikot pabukas.
[NEXT CHAPTER PREVIEW:]
Gulat na nakatingin si Liam sa litrato na binigay sa kaniya ni Vladimir. "What's this, Vlad?"
"I need that girl for our new lingerie line."
Protective instincts arises from Liam. "No."
"What?
"Don't make me repeat myself, Vladimir." Delikado ang tono ni Liam na tiningnan ang kausap.
And in that instant, Vladimir saw a bit of Isaac on Liam's voice and face.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐