FEELINGS

3615 Words
HINILOT ni Chesca ang sentido niya sa labas-masok na ginagawa ng amo niya sa opisina nito. "Sir? Ako po nahihilo sa ginagawa mo. Ano po ba ang hinahanap niyo?" Nagbuga ng hangin si Isaac at namulsa. "I forgot. But I think I know I needed something from you." "Alin po --- " Nagulat si Chesca nang pabigla itong nagsalita. "Ah! The documents on the La Guarja Estate?" Napakamot siya sa noo. "Sir, kakasabi ko lang sa inyo po kanina na nasa mesa niyo na po. Nakapatong sa laptop niyo para makita mo kaaagd." "Oo nga pala..." Pumasok ito sa opisina. Napailing nalang si Chesca at nag-type uli.  Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas uli ang amo sa opisina nito. "Chesca." "Oh?" Tiningala niya rito mula sa counter niya. "The report about --- ?" Pumikit nalang siya para di maipakita ang inis. "Sir, kaka-email ko lang kanina." "Okay." Tumalikod ito pero humarap uli. "May meeting--" "Yes." Inis na talaga siya. "May binigay akong sticky note sa'yo kanina pagpasok mo, Sir." "Oo nga." Tatalikod uli ito pero lumingon uli. "The---" "Sir, ako nahihilo sa inyo 'eh. Itawag mo nalang kaya sa intercom para di kana labas-masok. Nasa mesa niyo na rin po ang result ng research sa Geochmen Department." Tumango nalang si Isaac at sa wakas ay pumasok na sa opisina. "Ano bang nangyayari sa kaniya?" Palaisipan ni Chesca na nilingon ang pintuan ng opsina baka lalabas uli. At lumabas nga uli! "By the way, Chesca, yung building permit---" 'Nababaliw na ang amo ko.' Pilit ngiting bigay niya kay Isaac.    HABANG lunch break ng mga bata, nakaupo sa maliit na bench sa ilalim ng puno si Avery at binabasa ang instructions sa mock photoshoot niya mamayang hapon. "Hmm... so it will be lingerie." Binaba niya ang hawak na papel at inalala ang mga photoshoot ni Liam noon kung saan may kasama itong mga female models. "So, I need to be seductive?" Tiningnan niya ang mga legs niya. "Should I lift one leg or not?" "Ava." Tawag sa kaniya ni Olive mula sa gate. "He's here." Tumayo siya at ngumiti sa kasama. "I'll be back 30 minutes." At madaling tumakbo. Kahapon, napag-usapan nilan ni Liam na bago sumalan sa photoshoot ay mag-uusap muna sila. Kaya heto sila, nasa lumang parke uli ng dating elementary school nila. "Nakausap ko ang designer kanina. Good thing, night gowns lang ang isusuot mo sa photoshoot na'to." Nilahad ni Liam ang mga litrato ng mga susuotin niya. "Conservative enough." Masayang sang-ayon ni Avery. "I chose these dresses. First time mo kaya mahirap if undergarments agad suotin mo." "Undergarments?" "Those see-through lacy bra and undies." Namulang tumikhim si Liam. "Those are big no-no for me." "Ikaw nalang kaya manager ko?" Sabay sundot ni Avery sa tagiliran nito. He pinches her nose. "Kung pwede lang. But that will be Conflict of Interest since I'm a model as well." Niyuko uli ni Avery ang mga litrato ng mga damit. "You sure about this?" Liam clipped Avery's stray hairs behind her ear. Tumango si Avery. "Never been sure in my life."    TAHIMIK na nilapag ni Chesca ang kape at isang platito ng paboritong cookies ng amo sa mesa nito. "Sir, break muna kayo." Hinubad ni Isaac ang eyeglasses na suot at sumandal sa leather na upuan nito. "Thanks." Umupo si Chesca sa single sofa na nasa harapan ng mesa nito. "Sir, mawalang-galang na po. Alam niyo po na pinakapaborito ko po kayong amo, di'ba?" Kumagat si Isaac ng isang cookie. "Hmm?" "Matanong ko lang... love sick po ba kayo?" "Ugh!" Malapit na-i-ubo ni Isaac ang kinain. "Ugh! Ugh!" Mabilis na kinuha nito ang kape at uminom. "K-Kasi, Sir... nitong mga nakaraang araw, para wala po kayo sa sarili 'eh." Puna ni Chesca. "Nakakalimutan mo mga dapat mong gawin. Dapat ko pang sumigaw para makuha ang atensiyon mo, at literal ko pang sabihin sa'yo ang schedule mo 'eh nasa scheduler na sa e-mail lahat mga appointments mo. Mukha rin kayong kulang sa tulog." Tahimik na tinapos ni Isaac ang kinaing cookie. "Or stress lang kayo sa work?" "What's Love Sick?" Ngumiti si Chesca. 'Tama ako!' "Yung parang nababaliw kayo pag 'di niyo makita yung minamahal niyo." Napatitig si Isaac sa secretary. "And?" "Sintomas ay yung makakalimutin, nahihirapang matulog, palaging bad mood..." While Chesca keeps on talking, Isaac's mind drifted away. He then remembers Avery's smooth neck and the feeling of her body against his. Na para bang ramdam pa rin niya sa kamay niya ang katawan nito. "Nababaliw na yata ako..." Pumikit si Isaac at tumingala. "Mabuti't alam mo, Sir." Sang-ayon ng babae.  These past few days has been hell for Isaac. His mind is debating whether to talk to Avery about what happened or just forget about the whole thing. The night after their halted tryst, Isaac never gotten an amount of decent sleep. Para kasing naka-record lahat ng pangyayari sa isipan niya at pauli-ulit na ni-re-replay ng utak niya sa pamamagitan ng panaginip -- leaving him frustrated and 'hard' in the morning. "May meeting ba ako ngayong hapon?" Tanong nalang niya. "Opo. You have a courtesy meeting on the afternoon with the directors." "I thought that's tomorrow..." "Ni-re-sched ko nalang yung pagbisita mo sa factory natin si Zambales next week." "Why?" Nagtaka siya. "Why the change of schedules?" "Atty. Buencamino called earlier. He wants to see you ASAP therefore you'll be meeting him tomorrow." "Buencamino? He is Dad's lawyer."    NATIGILAN si Avery sa pagkain ng isaw na nilalako malapit sa kindergarten. "2PM? dapat nasa set na ako?" Kausap niya sa cellphone ang bakla. Rose : "Oo. Nagtext kasi si Loren sa'kin na may pre-shoot ka raw na solo bago i-pares ka sa isang lalakeng modelo." "Ha?! May male model? Agad-agad?" Kumagat siya sa streetfood na hawak. Rose : "Ah yes? Since it's a lingerie?" Si Rose kasi ang kinuha niyang manager kasi magaling ito sa pakikipagtalakan tsaka kahit bakla ito, malaking tao ito kaya manager-s***h-bodyguard na rin niya. Para maka-save ng pera."Bes, paano ba mag-pose? Mabuti at wala si Rose sa tabi niya kundi makikita nito ang pamumula niya.  Rose : "Bakit?" "Eh alam mo naman wala akong experience sa ganoon." Rose : "Okay lang 'yan, bes. May pre-shoot pa naman. May oras pa akong chikahin ang director ng photoshoot kung anong prefer nitong pose mo para mapaghandaan natin." "Naks! Epektib na epektib manager ko, oh!" Rose : "Mahal talent fee ko. 'Wag kang ano diyan."      MATAPOS mag-late lunch sa isang kalapit na restaurant kasama ang Head ng Human Resource Department, namulsa si Isaac na pumasok sa kompanya. Dahil may oras pa siya bago ang meeting niya kasama ang mga directors, naglagi muna siya sa lobby. Mangilang-ngilan lang ang tao roon dahil nasa kani-kanilang departamento na ang mga ito at nagta-trabaho. Walking around the wide expanse of the granite floor-ed lobby, he studies the interior of the place that welcomes everybody working on his company every morning. Isaac stopped in-front of a large portrait of his late father pinned on the wall. 'Is he proud of what I've achieved today?' Isip niya. He read the brass name plate below the frame: ELIJAH CRAWFORD-MILLER. He then looks up again at the stern face of his father. Isaac never inherited his father's blue eyes nor his dark, blonde hair. Instead, he got his mother's raven black hair and deep brown eyes.  He felt a sad pang on his chest remembering his beloved parents. Umiling siya at naglakad papuntang elevator. He presses the up button when the near-close elevator opens again. Natigilan si Isaac sa pagsakay nang makilala niya ang babae sa loob suot ang napakapamilyar na dilaw na bestida. Namilog rin sa gulat na nakatingin si Avery sa kaniya. Isaac composes himself and enters the elevator. Palihim na napakamot sa batok si Avery. 's**t! Ang awkward!'  Pinindot naman ni Isaac ang 32nd Floor Button. He stands beside her as the elevator closes. 'Bad move.' Inis na pinagalitan ni Isaac ang sarili. Kahit anong iwas pa niyang tingnan ito, the elevator's steel door is showing a clear reflection of the woman. He saw Avery donning the yellow dress he gave her majestically. She only has a simple thin gold necklace and a wristwatch as an accessories. Her auburn hair in long waves at her back. She's also wearing a black high-heels enough to give push on her height. Avery saw Isaac wearing a white v-neck shirt then a brown coat and a trouser with the same color. Mukhang mamahalin rin ang puting sneakers na suot nito. Iniwas ng babae ang tingin sa napakalinaw na imahe ni Isaac sa pinto ng bagon. "S-So you accepted the offer." Basag ni Isaac sa nakakabinging katahimkan sa pagitan nila. Tumango si Avery. "Y-Yeah. M-May pre-shoot ako today." Sabay ngiti. They are both staring at their reflections in the door.  "It won't be easy." He warned her. "I know. Liam gave me some tips." "Liam, huh?" Tumango si Avery. "Yup." Dumaan na naman ang ilang minuto ng katahimikan. "I-Isaac..." "Yes?" "About what happened... " Yumuko si Avery. She needs to put it to rest once and for all. 'Di siya pinapatulog ng memoryang iyon na pati sa panaginip ay sinusundan siya. Aaminin niyang nabitin siya kaya isasara niya ang pangyayaring iyon para makatulog ng mabuti at para na rin walang ilagan sa kanila ni Isaac. She can see the awkward atmosphere around them is thickening each passing day. "I think it's best if we should forget about it--" Biglang napahawak sila sa dingding ng elevator nang huminto iyon at malakas na umalog. Patay-sindi rin ang ilaw sa loob. Napalingon sa paligid si Isaac. "What happened?" Agad namang dumikit si Avery rito. "I-Isaac..." Kinuha ni Isaac ang emergency telephone sa loob ng elevator panel. "Hello? Is someone there?" "Isaac..." Dumikit pa lalo si Avery na nakatingin sa kumukurap na ilaw sa loob. "Mamatay ba tayo rito?" Nagpipi-pindot si Isaac ng mga numero baka sakaling may sumagot. "Hello? Damn!" Sinauli ng lalake ang telepono sa cradle at kinuha ang cellphone sa bulsa. Walang signal. "Isaac!" Mangiyak-ngiyak na hila ni Avery sa braso nito. "Ayaw ko pang mamatay!" "Pwede ba, 'di tayo mamamatay rito." Isaac checks the panel for any emergency buttons. "K-Kasi sa mga pelikula, t-tumitirik 'yong mga elevator tapos biglang aalog... tapos mapuputol yung wire... tapos..." Inis na nilingon ito ni Isaac. "Nasobraan ka lang sa kakapanood---" "Ahhhh!" Tumili si Avery nang bigla namang umalog ang elevator. Kinapalan na niya ang mukhang yumakap kay Isaac. "Isaac, gusto ko pang ikasal... magkaanak... tumanda... at makaranas paano mamatay ng tahimik!" "A-Avery, quiet ---" "ISAAC! GUSTO KO PA MAGKA-BOYFRIEND! ISAAC!" Hinawakan ni Isaac ang mga balikat ni Avery at niyugyog. "Avery! Avery! Calm down!" Hinihingal na kumalma si Avery. "P-Pero.." "Stop being paranoid." Seryosong sabi ni Isaac. "Magkaka-boyfriend ka, okay?" "Sino?" "Ako." Walang nagsalita sa kanila at nanatili lang na nagkakatitigan. "Naalog rin ba utak mo?" Tanong ni Avery. "Ang ingay mo kasi." Namumulang binitawan ni Isaac ang babae. "Natahimik ka rin, 'di ba?" "Mamamatay ba---" "Hindi nga!" Biglang umalog uli pero dahil iyon sa pag-andar na ng makina ng elevator. Huminga ng malalim si Avery. "Buhay tayo." "You need to stay calm on emergency situations. Geez." Tumunog ang elevator hudyat na narating na nila ang 29th Floor kung saan gagawin ang photoshoot ni Avery.  Inayos ni Avery ang sarili at humakbang palabas. Doon palang niya naalala na may sasabihin pa pala siya sa lalake. "Ah!" Umikot siya para harapin ito. "Isaac, tungkol sa ---" He cut her off. "I don't intend to forget what nearly happened between us that night, Avery."  At nagsara na ang elevator nang tuluyan. Sa hindi alam na kadahilana'y nakaramdam si Avery ng saya sa sinabing iyon ni Isaac. Namula siyan.      NAKANGITING lumabas sa elevator si Isaac. Sinalubong naman siya ni Chesca. "Sir, kanina pa po kayo hinihintay sa conference --- Uyyy..." Tukso nito sa kaniya. "Gumaling na po love sick niyo?" "Maybe." At nilingon niya ito. "Nakita ko na kasi yung nami-miss ko." Tapos pumasok sa conference room. Naiwan namang nanghuhula si Chesca. "Sino? OMG! Ako ba?"      NASA isang mamahaling store si Liam at abala sa pamimili ng mga sapatos. His bodyguards are on stand-by outside while two of them are with him inside the store. He's wearing a black hoodie jacket and a nerdy eyeglasses. Kanina pa nag-va-vibrate ang phone niya pero 'di niya ito pinapansin. Pag hindi nakaregister sa contacts niya, di niya kasi sinasagot. Kumuha siya ng isang blue na sapatos at tiningnan ang porma nang nag-vibrate uli ang phone niya. 'Sino ba 'to?' Inis na sinagot ni Liam ang kanina pang tumatawag. "Hello." Attorney: "Hi, Mr. Torres. This is Atty. Buencamino. Mr. Elijah Miller's lawyer." Nabitin ang pagsauli niya ng sapatos sa shelf. "This is Liam." Attorney:  "Thank you for picking up my call. Can you pay me a visit tomorrow at my office?" Naguluhan siya. "Why?" Attorney: "I'll explain tomorrow. See you then." Tiningnan ni Liam ang phone niya nang pinutol nito ang tawag. May naramdam siyang kakaiba. 'What would a dead man's lawyer wants from me?'      MATAPOS ang meeting, pinilit ni Chesca ang amo na bumaba sa 29th Floor para raw makita nila ang bagong modelo na usap-usapan sa kompanya buong araw. Nang marating nila ang set, maraming nagkukumpulang empleyado sa glass wall at tumitingin sa photoshoot sa loob ng studio. "Whoa!" Nalula si Chesca sa dami ng tao. "Ang ganda siguro ng bagong model natin, Sir Isaac 'no? Di pa nga siya na-la-launch officially, sikat na agad siya." May ilang empleyado ang nakakita kay Isaac kaya tumabi ang mga ito para makadaan siya papasok sa set. Nagsiyukuan rin bilang paggalang ang iba. Issac initially decided not to visit Avery's pre-shoot because he might not stop himself to take her home directly knowing predating eyes... Tiningnan niya ang halos kalalakihang nakaabang sa babae. ... are on her.  Inside, cameras and lights are surrounding the place. Staffs are running around to do the errand of changing the lighting position and the huge electricfan's speed, etc. Unang nakapuwesto si Chesca at tumingin sa modelo. Tumatalon pa ito para makasilip sa model. Napasinghap siya at nilingon ang amo. "S-Sir! D-Dali! Ang ganda niya!" Yumukod si Isaac para di matamaan sa wire na nakabitin at tumayo sa tabi ni Chesca para tingnan ang kanina pang pinagkakaguluhan ---- And it is indeed a sight! Avery sitting sideways on a beach bed, wearing a flaming red two-piece suit while pulling her hair up sexily -- revealing the smooth and fair skin on her back, shoulder and neck. "Okay, Ava." Boses ng head photographer. "I want you to smile teasingly at the camera. On three!" Bahagyang nag-isip si Avery. She then flutters her eyes then smiled alluringly. Isaac heart skipped a beat. "WOAH!" Sabay sigaw at singhap ng mga kalalakihang empleyado sa labas ng studio. May iba pang nagpapalakpakan. "Ang ganda po talaga niya, Sir Isaac! 'Yong ganda na 'di nakakasawa!" Namamangha rin si Chesca sabay hila sa damit ng boss niya sa tuwa. 'Yeah.. she is. She truly is.' Isaac admits on himself. It's like Avery is destined to be on the limelight since then. "That's is so good, Avery." Sabi ng photographer at binaba ang camera. "Let's proceed to the lingerie photoshoot. Nasaan na 'yong male model?" Tanong nito sa isang staff. Bumaba naman sa beachbed si Avery na agad na sinalubong ng bathrobe ni Rose. "Bes! Shuta! Nakaka-inggit ka kung mag-pose! Alam mo paano dalhin ang camera!" Uminom ng tubig mula sa baso si Avery. "Para saan ba ang pag-pa-pa-fangirl ko noon kay Liam." "Sabi mo 'di mo alam." Siko sa kaniya ni Rose. "Hi, Ava!" Tawag ng isang lalake sa may bintana. Nang lingunin ito ni Avery, di na magkamayaw na nag-uunahang nagsi-batian sa kaniya ang mga lalakeng nanonood.  "Ava!" "Hi, Ava!"  Isang malakas na tikhim ang nagpatahimik sa kanila. Napalingon si Avery at ang mga lalaki sa pinanggalingan niyon.  It was Isaac, staring at the guys with a warning. "Hi, Sir." Bati ng isang lalakeng clerk. "Nanood lang po kami sa photoshoot ni Ms. Ava. Total 5:00 PM na. Hehe." Avery feels happy seeing Isaac. 'He came.' Lalapit na sana siya rito nang hilahin siya ng designer. "Miss Ava, bihis na po tayo." Nagpahila nalang si Avery habang sinundan naman ng tingin ni Isaac ang dalaga. "Sir... ang ganda mo ni Ms. Ava, 'no?" Kinikilig na mahinang hampas ni Chesca sa amo. "I'm starting to question my s****l orientation." "She's Avery, Chesca." Tumango ang secretary niya. "Ahh... Avery pala ang tunay niyang pangalan--- Avery?" Nangunot ang noo nito. "Avery... saan ko ba narinig--- OMG!" Literal na namilog ang bibig nito dala ng pagkasorpresa sa nalaman. Agad siya nitong nilingon. "Avery? Di po ba siya yung mataba na palagi niyong pinapa-search sa'kin sa sss nung nasa London tayo?! SIYA?!" Isaac proudly smiled. "She is." "O-M-G! Oh My God!" Di pa rin makapaniwala si Chesca. Napalingon nalang silang dalawang nang bumulyaw ang head photographer.  "Nasaan na ang male model?!" "Sir, naipit po raw sa traffic. Male-late po raw---" Sagot ng isang staff. "Anong klaseng rason 'yan! Ke-aga-aga natin siyang tinawagan kanina para pumunta rito, ngayon pa niya napag-isipan na umalis sa bahay niya?! Find me someone who can replace him!" Inis na utos ng photographer. "I need to submit these photos tomorrow for evaluation! ASAP!" 'I need to talk to the Marketing Department regarding this kind of tardiness issue  of our talents.'  Isaac take note of the scenario. Nilingon niya si Chesca. "Balik na tayo sa office, Chesca." 'Kulang nalang isara ko ang mga kurtina dito sa studio para walang makasilip kay Avery.'  Alam niyang trabaho lang ito but he can't help but feel annoyed on the stares those guys giving to Avery. Jealous, perhaps. But before he can exit the set, he felt heavy stares on him. Nilingon niya si Chesca na nakatingin din sa kaniya. Nilingon niya ang mga staffs, ang mga empleyado na tahimik din na nakatingin sa kaniya. "Oh no..." Umiling si Isaac. Alam na alam na niya kung anong mangyayari. "I know what you're all thinking... No."        LUMABAS sa dressing room si Avery suot ang isang itim na nightgown. It's above knee-length, showing too much skin on her legs and the satin cloth did justice by complimenting her curvy figure. Mabuti nalang talaga 'di ito see-through. The spectators are star-struck leaving them speechless upon seeing the woman. Pinigilan ni Rose at ni Chesca na 'wag mapasinghap sa hitsura ni Avery.  She literally looks like an angel—in black nighties. The set has a bed on the middle, surrounded by feathers and pillows. Aakyat na sana si Avery sa kama nang makitang naglakad papalapit si Isaac sa kama. He's wearing a white shirt and bare-footed. Isaac is unbuttoning all the buttons of his clothes, displaying those hard-rock abs that has been in Avery's dream almost every night. "A-Anong ginagawa mo rito?" Kakadautal na tanong ni Avery nang sumampa si Isaac sa kama. "Ask them." Inis na turan ni Isaac na pinilig ang ulo papunta sa mga staff na nagkukumpulan sa likuran nila. "It seems your partner failed to make it on time." Namula si Avery. "Bakit ikaw?" Lumuhod si Isaac sa kama at hinapit ang beywang ni Avery. Pulling her closer, tightly to him. "I'm the only model here ready to take you on." Avery inhales sharply as their face are centimeters away from each other. "I-Isaac. Isaac brushes Avery's lips with his thumb. "This lips... do you know how your lips keep me up all night, Ava?" His voice deep yet he said it the way that only both them can hear. The shuttering sounds the cameras made is the only sound that can be heard on the studio full of wonderstruck spectators. "That's nice..." Nag-iba uli ng position ang photographer para sa bagong anggulo. "Ang g-gwapo ni Sir Isaac." Rinig ni Rose mula sa isang babaeng empleyado.  "Oo nga, parang natural na sa kaniya ang mag-pose sa harap ng camera." Dagdag komento ng isa. "Ang ganda nilang tingnan , ano?" "Diyos ko! Ang sakit sa mata! Ang perpekto nilang tingnan sa isa't isa." Paimpit na tumili si Chesca. "OMG! OMG talaga!" Feeling close na hinila nito ang braso ng bakla at yumakap roon. "Tingnan mo! Kinikilig ako sa kanila!" 'Tama nga si Avery nung sinabi nitong magaling na modelo si Isaac noon.' Nakatitig pa rin si Rose sa dalawa na nasa set. 'Isaac is a natural. Avery is a talent.' "New pose, darlings." The photographer directs. "I want a skin ship between you two." Natauhan si Avery sa nakakahipnotismong titig ng lalake. "A-Ano 'yong skinship?" Sa mababang boses na tanong niya kay Isaac. "It means skin contact. You touching me, me touching you." Isaac softly pulls back Avery's hair making her look up to him. "Touch me, Avery." He commanded while looking down on her. "Just like what you did to me on that night." Lumunok si Avery. 'You got this, Avery.' She boldly removes Isaac's glasses that caught him off guard then raises both her arms, hands nesting on his thick jet-black hair. "Kiss me, Isaac." She commanded him while staring at his hazelnut eyes. "Don't hold back." Isaac, dazed by her voice and eyes, reaches her cheeks. Feeling the warmth they both shared. All people on the set are speechless on the magnificent sight they just witnessed. "I like you, Avery." He said out of the blue. "Damn much." Then Isaac lowers his head to kiss Avery's lips softly. Just like a bee tasting the first honey on a new flower. The whole room went dead silent as the cameras' shutters filled the air.        [NEXT CHAPTER PREVIEW:] Galit na nilingon ni Isaac ang malaking portrait ni Elijah sa sala ng mansion. "YOU CUNNING, DEAD BASTARD!"   A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD