'I like you, Avery. Damn much.'
Agad napasugod si Aling Aurora na noo'y nag-va-vacuum sa sala, sa kwarto ni Avery nang makarinig ng malakas pagkabagsak sa ikalawang palapag. "AVERY?!"
Lumabas mula sa kuwarto nito ang kakasuot lang ng uniporme nitong si Andro. "Galing kay Taba ang ingay na 'yon, ano?" Kasama ang ina nila'y pinasok nila ang kuwarto ni Avery.
Nadatnan nillang gumugulong sa sahig si Avery na halatang nahulog mula sa kama. Sumisigaw ito. "Bwesit! Umalis ka sa utak ko, utang na loob!"
"Pabayaan mo 'yan, 'ma. May sira lang 'yan sa utak." Komento ni Andro na umiiling at bumaba na sa hagdan para mag-agahan.
"Avery? Anak?" Lumapit si Aling Aurora sa anak. "Okay ka lang--- ANAK NI SAN PEDRO!" Napahiyaw ang butihin ina nang biglang bumangong paupo si Avery. "Oy? Nakatulog ka ba ng mabuti kagabi?"
Sumimangot na umiling ni Avery na sabog ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata. "'Di po, Mama. HINDI PO!!" At nag-aastang umiyak na walang luha. "Mamaa~" Sabay nagsisipa sa ere na parang bata.
"Ano 'bang nangyayari sa'yo?"
IBA naman ang epekto niyon kay Isaac.
"Good morning, Sir." Bati ni Chesca nang iniluwa sa elevator ang amo.
Isaac, all smile, stops at Chesca's counter. "Good morning. You look great today. Green looks good on you." Puna nito sa skirt niya tapos ay pumasok sa opisina.
Niyuko ni Chesca ang palda. "Huh? Halos araw-araw ko na nga itong sinusuot." Kinuha niya ang scheduler at sumunod sa amo sa opsina nito. "Sir, heto po 'yung schedule niyo today." Binaba ni Chesca ang isang papel sa mesa nito.
Kinuha ito ni Isaac at binasa. Tumatango ito. "Brunch with Callegos, meeting with the new clients from Brazil, Skype Conference..." Napadako ang tingin niya sa pangalan sa ibaba. "A visit to Atty. Buencamino... is this what you mean yesterday, Chesca?"
"Opo. He said he needs to talk to you urgently. Mabuti't naisingit ko kasi nga di'ba, abogado siya ng papa mo. Baka kasi importante talaga na 'di madadaaan sa telepono o e-mail."
He frowns. "What could this be about?"
KAKARATING lang ni Liam mula sa dinaluhang presscon sa ini-endorso niyang international brand ng whiskey. Pumasok siya sa conference room kung saan inimbitahan siya ng marketing department para pag-usapan ang nangyaring mock photoshoot ni Avery. Here to discuss whether if she's marketable or not. He sits on one of the chairs and scans the people on the room. He saw Vladimir looking at the photos laid in the glass table. Ngumiti sa ibang mga dumalo sa meeting.
"Liam." Lumapit sa kaniya ang bagong manager niyang si Hailey at bumulong. "I'm just gonna make a few calls. I'll be back." Tapik nito sa balikat niya at tsaka lumabas.
Liam is presence is needed in order to hear the photographers and staffs' comment about her and gauge whether she can be a good partner for upcoming shoots. 'It's Avery so I have no problem with her. Though, I'd like to know how the photoshoot went yesterday.'
The head photographer led the meeting. "I have no qualms about Ms. Ava. Every angle... impeccably gorgeous! Maybe she needs to work hard on giving the pose on time since there's this time consumed everytime she thinks what pose looks great but I think that's completely understandable given that she is a newbie. She also listens well and every shots are magazine-worthy."
Napatango si Liam. 'That's Avery for sure.'
Nagsalita na rin ang fashion designer na may gawa sa sinuot ni Avery sa shoot. "And her body measurements are good. It seems like all my dresses are made for her. Bust [Breast] size is perfect as well. Her torso and legs are in good propotion. Her skin is flawless... that heart-shaped face is to die for. She's just... magnificent! Wala na akong masasabi. I'll definitely tell my associates abroad to scout her for the upcoming international fashion shows."
Tumango ang ibang staff.
Nilahad ni Vladimir ang envelope na naglalaman ng mga litrato kay Liam. "See for yourself, Liam. Tell us if she deserves the coveted spot beside you." Ngiting tagumpay nitong sabi.
Kinuha niya ang envelope at pa-isa-isang tiningnan ito. The two-piece photos came out professionally. Ngingiti na sana siya nang kinuha ang buong attention niya sa huling dalawang litrato.
Nahalata siguro ng head photographer ang pananahimik niya. "Oh! Those two pictures are my favorite! I mean, there's definitely a chemistry between Isaac and Avery. Ang ganda nilang tingnan."
Ngiting tumango si Vlad. "Isaac still had his charms in modelling."
Napatiim-bagang sinilid ni Liam pabalik sa envelope ang mga litrato. "Why is Isaac on set?"
"Ah!" Singit ng isang staff. "The male model failed to arrive on time."
"We want to use the last two photos in launching the new batch of lingerie." Singit naman ng isa pang staff. "But we need Mr. Miller's consent since he is the CEO and has an image to uphold."
At para bang pareho ang sentimyento niya at sa bagong pasok na si Zoey na pulang-pula ang mukha sa galit.
"WHAT ARE THESE!?" Tapon ni Zoey sa mga litratong hawak sa mesa. Nagtataka ang mga ibang tao sa loob ng conference room sa inasal nito. "ANO?! WALANG MAG-E-EXPLAIN SA AKIN?!"
"M-Ms. Zoey, di po kasi on time na--"
"AND USED ISAAC INSTEAD!" Hiyaw nito. Napapikit pa ang iba sa lakas ng boses nito. "ALL PEOPLE HERE KNEW HE IS MY FIANCEE AT ANG LAKAS PA NG LOOB NINYONG ISALUBONG SA MESA KO ANG LITRATONG YAN!"
"Ms. Zoey." Singit ng head photographer. "It's all professional. I mean Sir Isaac agreed to it---"
"OH SHUT UP!" Pabulyaw nitong putol. "YOU ALL NEED TO BE PROFESSIONAL! JUST BECAUSE ONE MODEL FAILED TO SHOW UP, KAHIT SINO NALANG ANG KINUHA NIYO!"
Tumayo si Liam at lumabas sa conference room. 'Why Isaac of all people?' Naghuhurementadong ang isip niya at nanginginig sa galit na hinanap ang manager niya.
NAKATINGIN sa kawalan si Avery habang nakaupo sa bench. Kasalukuyang binabantayan niya ang mga bata sa snackecess ng mga ito.
"Teacher Olive." Lapit ng isang batang babae kay Olive na noo'y nakatayo sa may puno. "What's wrong with Teacher Ava today? She's looks weird."
Nilingon ni Olive ang kasamahan na parang baliw at nakanganga pang nakatigin sa malayo. "Ahhh... she's just thinking if we'll do clay molding or coloring later, Carrie." At pinalakad ang bata pabalik sa mga kalaro nito. Lumapit naman siya sa kaibigan. "Uy, Ava." Di ito natinag. "Ava!" Winagayway pa niya ang palad sa harap ng mukha nito. "HOY!" At tinulak ito.
"O-Oh? Olive?" Natauhan ito at lumingon sa kaniya. "May sinabi ka?"
"Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ka ba?"
"W-Wala."
"So how's your pre-shoot yesterday?" Nagulat siya sa biglang pagpula ng mukha ni Avery. "O-Oh? Nagtatanong lang naman ako."
"O-Okay naman..." Nag-iwas ng tingin si Avery. Naalala kasi nito ang halik na pinagsaluhan nila ni Isaac. "....masarap."
"Masarap?" Napakurap si Olive. "Akala ko ba lingerie? Advertisement ba ng pagkain?"
"Ah! Mali! Mali!" Iling nito. "Este... M-Maganda naman. Mabuti..."
"Tapos?"
Kulang nalang umusok ni Avery sa pag-init ng kaniyang mukha.
"Wala na... may sira sa ulo 'to." Sambit ni Olive nang biglang nakatingin na naman sa kawalan ang kaibigan.
LAST NIGHT | AT THE SET
"I-I think we-we got the best photo." Imporma ng namumulang photographer at nilingon ang head nila na natameme rin sa nasaksihan.
Isaac pulled away from the kiss and stared at Avery's shocked reaction.
Mabilis na lumapit ang mga designer kay Avery para bihisan ang babae para sa susunod na solo shots.
Bumaba naman si Isaac na sinalubong ni Chesca at pinasuot sa kaniya ang coat na suot kanina.
Habang naglalakad papasok sa dressing room, pilit pa rin nilingon ni Avery si Isaac habang unti-unting nawala ito sa paningin niya. Natauhan siya ng hinawakan siya ni Rose sa mukha. "BRUHA! HINALIKAN KA NI ISAAC!"
Tumango siya na marahan. "O-Oo." Di pa rin siya nakaka-recover sa buong pangyayari.
"Alam kong trabaho lang pero syet! Pag ako nasa posisyon mo bes... kakagatin ko talaga dila niya! Tengene~!"
"R-Rose..." Tingin niya sa kaibigan niya.
"Oh?"
"W-Wala ka bang narinig?"
"Huh? Na ano?"
"N-Na sinabi ni Isaac?"
"Wala. Bakit?" OA na suminghap ito. "Sinabi ba niyang: 'Mamaya. Sa kwarto ko. Gagawin nating gabi ang umaga...' Tama?!"
Is it just her imagination?
Pero ba't ramdam niyang totoo ang bawat salitang sinabi ni Isaac.
'I like you, Avery. Damn much.'
KASALUKUYANG nasa canteen ng eskwelahan nila si Andro kasama ang mga kaibigan. Niyuko ni Andro ang cellphone habang nag-so-scroll sa f*******: niya. Nasa likuran naman niya ang mga kaibigan na nagtatawanan at nagtutulukan.
Biglang napahinto si Andro sa pagkuha ng tray sa nakitang litrato sa cellphone. "ATE!?"
"Huh? Anong ate?" Sumilip ang kaibigan niyang si Cash sa phone niya. "Alin? 'tong naka-two-piece--- WHAW! ANG GANDA!"
Nakisilip na rin ang ibang mga kaklase niya.
LIAM is in a foul mood while sitting in the backseat of the car. Nasa front seat naman sa kotse ang babaeng manager niya na binabasa ang mga schedule niya sa buong araw. They are en-route to his taping location.
He was not listening to Hailey as he was recalling the photo in where Isaac and Avery was kissing... 'What's with the kiss?'
He kissed a lot of girls because of his career but he can't shake the feeling that has been bugging him after he saw the photo. Iba ang dating no'n sa kaniya. Their shared kiss was not professionally driven.
Naputol ang pag-mu-muni niya nang lumingon sa kaniya ang manager niya.
"You only have one appointment today, Liam." Adjust ni Hailey sa suot nitong eyeglasses sa mata. Like Isaac, Hailey had this air of authority around her making her not to take lightly. And just like Isaac, she is an effective manager as well. "Tomorrow at 8AM is your invitation for breakfast with Louis Vuitton's PH Ambassador ---"
"Boyet." Tawag niya sa driver niya. "Puntahan natin si Avery." Hindi talaga siya mapakali. Tumingin siya sa labas ng bintana.
HINIHINGAL na huminto si Avery nang makita sa tagpuan nila si Liam. "L-Liam."
Liam, un-leans from the tree and turns to her. "How was yesterday's photo-shoot?"
Natigilan si Avery at nag-iwas ng tingin. "I-It was great."
'You're hurting me, Avery.' "Really? How are you feeling after?"
"Excited sa susunod na shoot kung anong theme?" Pilit na ngumiti ni Avery.
"I saw the photos."
Nawala ang ngiti ni Avery at naalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Isaac. Inabot niya ang kamay nito. "Isaac --- "
"It was just a kiss right, Avery?"
"Huh?" Napatingin siya sa seryosong mukha ni Liam.
"Right? Nothing more." Tanong uli ni Liam.
Avery bit her lower lip as she saw raw pain on his blue-eyes. "Y-Yes. Of course." Nag-iwas ito ng tingin.
'No, you're lying, Avery.' Liam feels the pain growing deeper within him. He grew up with her and knew her every gestures. Avery tends to bite her lips and looks away when lying. "I believe you, Avery." He lied as well. Maybe by lying, he'll convince himself he is... okay.
Napalingon uli si Avery sa kababata. His face full of pain. "Liam..."
Pilit itong ngumiti. "I believe you."
LUMABAS sa opisina si Isaac matapos ang Skype conference niya. "Chesca, I'll be going to Atty. Buencamino." Binigay niya sa secretary ang USB na naglalaman ng recorded conference niya.
"Do you want me to go with you, Sir?"
"Nah. We'll be discussing private matters, I guess." Saad niya habang binu-butones niya ang coat. "Kung may maghanap, sabihin mong may meeting ako." Kinuha niya ang susi ng kotse sa bulsa ng pantalon niya.
AVERY pouts as she walks home that afternoon. Niyuko niya ang hawak na cellphone. 'Tanong ko kaya kay Isaac kung totoo ba 'yon sinabi niya o joke? Baka nadala lang siya sa atmosphere sa set. Oo, tama... Nadala --- Pero bakit naman niya nasabi 'yon? Naloloka na ako!'
Tiningnan niya ang screen ng phone niya kung saan may k-in-ompose na siyang message. Kaninang umaga pa ito pero di niya mapadala-dala.
'Isaac. Good afternoon. About yesterday, wag kang magbiro uli ng ganun 'ah. Mamamatay ako sa nerbiyos sa'yo 'tol.'
Pumikit siya at pinindot ang 'SEND' na button sabay huminga ng malalim. "Oo. Joke lang 'yon. Huwag ka assuming, Avery." But her heart thinks otherwise.
NAGLALAKAD sa hallway si Isaac papuntang opisina ni Atty. Leo Buencamino nang biglang tumunog ang phone niya. He pulled it out from his coat pocket. 'Avery?' Binasa niya ang message.
Avery: "Isaac. Good afternoon. About yesterday, wag kang magbiro uli ng ganun 'ah. Mamamatay ako sa nerbiyos sa'yo 'tol."
Napangiti si Isaac. He types: 'I'm not joking. I'm serious.' Pumasok siya sa opisina ng abogado. He was about to press send when he saw Liam sitting across the table with Atty. Leo.
Liam looked at him like a predator on his prey. "What are you doing here?"
"I was about to ask you the same thing." Sinilid nalang niya pabalik sa bulsa ng coat niya ang phone.
Ini-adjust ng abogado ang salamin sa mata. "Good afternoon, Mr. Miller. Have a seat."
Umupo si Isaac katabi si Liam. Both presence are overwhelming the room.
Tumikhim si Atty. Leo. 'Elijah... what you left me to do is unbelievable.'
"I don't have all the time in the world, Attorney." Inis na sambit ni Liam. 'I hate being the same room with him.'
"You called both of us here?" Tanong ni Isaac sa abogado. "Why? I thought this was family matter given that---"
"This is a 'family' matter, Isaac. I called you here to discuss Elijah's last will." May kinuha itong folder sa drawer nito. "Since you're both 25 years old." . Binuklat nito iyon at nilahad sa harapan nilang dalawa.
'Family?' Natigilan si Isaac at napalingon kay Liam. Bigla siyang kinutuban.
Liam bends over to read the old document. "What's this?"
"It's Elijah's last will and testament."
Nagbabasa si Liam nang tinanong uli nito ang abogado. "Last will and testament? Why would I be ---" Nawala ang kuryosidad sa mukha nito at napalitan nang pagkagulat.
Isaac slowly studied Liam's profile. Blue eyes... dark blonde hair. He then recalled the time he was strolling the company's lobby, looking up to his late father's portrait.
"Why is my mom's name here?" Tanong ni Liam sa abogado at tinuro pa ang dokumento.
"Lizbeth Alejo-Torres." Sabay na usal ni Isaac at ni Atty. Leo.
Salubong ang kilay ni Liam na napalingon sa kaniya. "You knew her?" Tanong nito sa kaniya.
THE PRINCIPAL'S OFFICE [AFTER AVERY'S BULLYING INCIDENT]
"I'm sorry about my son's behavior, Mr. Lim." Hinging paumanhin ni Elijah sa nangyari gulo kung saan halos nabugbog ni Isaac ang isang batang lalaki.
"Why are you saying sorry, Dad?" Inis na tiningala ni Isaac ang ama. "I just did that to save a girl. They were bullying her!"
"Isaac, I'm talking." Babala ni Eli sa anak. "Look at yourself. Puro ka na nga pasa."
"What? Ngayon kasalanan ko pa?" Nagmamaktol na umupo si Isaac sa upuan.
Ngumiti ang matandang principal. "We already did an initial investigation on both sides, Mr. Miller. It seems there really was a bullying incident. Your son somehow saved a girl from being bullied."
Isaac rolled his eyes upward.
"Heroic." Tumango si Elijah. "Still that is no excuse..." Nilingon niya ang anak. "...to beat someone."
"Whatever." Tumingin si Isaac sa mga naka-display na trophies.
"How was Lizbeth's son?" Rinig ni Isaac na tanong ng ama niya sa principal.
"He's doing great. In fact, that boy loves to be on the spotlight just like his mom."
Elijah smiles. "I see." Then turns to Isaac. "Come on, we're going home. We need to catch up the flight to Jakarta. Your mom and your sister are already on a plane by now."
Nagpatiunang lumabas si Isaac na sinundan naman ng ama niya. Inis pa rin siya bakit napatawan siya ng suspension 'eh siya na nga tumulong. He threw a sharp glance on a chubby girl with pigtails who is looking at him from standing near a locker.
Papasakay na sana sila sa kotse nang maalala ni Isaac ang pamilyar na pigtails na 'yun. The girl he saved three days ago was wearing the same style. He looked back and saw the girl running towards Liam, the school's ultimate crush.
"So that's Liam." Saad ni Elijah.
Napatingala siya sa ama na nakatingin rin kay Liam. Ang mata nito'y para bang luluha anumang oras dahil sa pangungulila
PRESENT
"Lizbeth Alejo-Torres was once a famous opera singer." Nagsalita ang abogado. "Biglang nawala ito sa industriya at may sabi-sabing nabuntis daw ito." Dugtong ng matanda.
"Will someone explain to me why is mom in Elijah's last will?" Pinaglilipat ni Liam ang tingin sa kaniya at kay Atty. Leo.
Parang sasabog ang utak ni Isaac sa naalala.
"Elijah Miller had a child with another woman." Tumingin ang abogado kay Isaac. "Born three months prior to your birth, Isaac."
Isaac massages his forehead with one hand. The other holding a copy of the last will, touching the part where Elijah stipulated his signature.
Lumingon naman ang abogado kay Liam. "It was a boy and he named him 'Isaiah' after Elijah's great great great grandfather who started the Miller strong lineage in the business world."
"And the woman?" Tanong ni Liam.
"It was Lizbeth." Direstong sagot ng abogado.
Napalingon sa labas ng bintana si Isaac.
Gulat naman na niyuko ni Liam ang last will ni Elijah. One name was written beside Isaac's name. 'Isaiah Clark Miller'.
"You were, 'biologically' Elijah's first born, Liam." Atty. Leo finally broke all doubts both guys have in mind.
"So, that makes me what?" Isaac sharply looks at the old man.
"'Legally', his first born, Isaac."
"Fuck." Isaac clenches his fist.
"Lizbeth and Elijah was in love to each other until an arranged marriage happened between Miller and Smith for the sake of merging two big names in the business. That's where your mother, Charlotte, came to picture--"
"Don't make it sound like my mother's the bad one here, Attorney." Isaac dangerously eyed the lawyer. Mamamatay muna siya bago makarinig ng pangit na salita tungkol sa mabait niyang ina.
"I didn't mean it that way, Isaac." Depensa nito. "Elijah was unware of Liam's existence until your mother, discovered Lizbeth and Liam. Yet Liam's mother decided to hide Liam from Elijah to avoid him being dragged into the family's mess. Malaki ring eskandalo pag nalamang may naunang anak si Elijah sa iba."
Liam finally found his voice. "S-So why call both us here?"
Tumikhim ang abogado. "Ginawa ni Elijah ang last will and testament niya noong siya ay malusog pa."
Tahimik na nakikinig ang dalawa.
"Nung siya'y nakaratay na sa ospital, tinanong ko siya kung may gusto ba siyang baguhin." Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Sinabi niyang wala. Therefore, the last will and testament's conditions remains the same. On the second page," Winakli ng ni Atty. Leo ang lumang dokumento sa mesa. "It is said that to whom, among his three children: Isaac, Isaiah and Elaine, can produce him, his first grandchild of any gender will have half% of his fortunes and the remaining will be equally divided to the remaining offspring---"
"BULLSHIT!" Putol ni Isaac. "Dad and I talked about this when he was bedridden. He told me he'll give me the 60% as long as I managed Liam --- "
"But it wasn't written legally, Isaac." Putol ng abogado sa kaniya. "I'm sorry." Tinanggal ng abogado ang suot nitong eyeglasses. "You, both, being his sons and the only remaining descendants of Elijah, are qualified for this condition. Shares will be 25% and 75% given that late Elaine's share will be added to whom ---"
"And what? Being toyed by a dead man?" Nagtitimping pigil ni Isaac sa sarili. "He f****d another woman, what difference does it makes---"
Napatayo si Liam. "Hold your mouth, Isaac."
"What?" Tumayo rin si Isaac.
Both guys of the same height and built facing each other. Tumayo na rin si Atty. Leo para pigilan ang dalawa. "Boys, calm down."
"Now you're making it look like it's my mother's fault." Liam gritted his teeth.
"Bakit? Hindi ba?" Hamon ni Isaac. "She knew he was arranged to be married to my mom yet she still---"
"Choose your next words carefully, Isaac." Pagbabanta ni Liam.
"Anak ka nga talaga ni Elijah." Isaac scoffs. "You both are bastards---"
Agad pumagitna si Atty. Leo nang nakitang susugod na sana si Liam. "Enough! Mr. Miller," Humarap ang matanda kay Isaac. "I know this all too sudden but--"
"I'd appreciate it if you would clarify to whom you're referring to, Attorney." Isaac is near killing someone with his anger. "Since you're talking to two Millers now." Galit na tiningnan niya si Liam at binangga ito nang lumabas siya sa opisina ng abogado.
Leaving Liam and Atty. Leo speechless in the wake of his departure.
NASAK kama na niya si Avery kinagabihan. She's currently reading a book but her attention is on her quiet phone at the night table. She pouts. 'Joke nga talaga 'yun. 'Di nagreply 'eh.'
NAPATALON sa gulat si Yaya Mona sa pagliligpit ng mga pinggan nang makarinig na parang may nabasag sa sala. Nilingon niya si Jinkie na nasa tabi niya. "A-Ano 'yon?" At dali-daling lumabas sa kusina.
Naabutan nilang hinihingal sa gitna ng sala si Isaac. Two vase shattered on the floor.
Galit na nilingon ni Isaac ang malaking portrait ni Elijah sa sala ng mansion. "YOU CUNNING DEAD BASTARD!"
Naglakas loob si Yaya Mona na lumapit sa alaga na minsan lang makitang ganito ka-galit. "Isaac, hijo. A-Anong nangyari..."
"STOP PLAYING WITH US!" Pasigaw nitong bulyaw sa imahe ng ama. Halos namumutok na ang mga ugat nito sa leeg sa pangangalaiti.
Niyakap ni Yaya Mona si Isaac. "Isaac, a-ano bang nangyayari sa'yo!" Hinawakan ng matanda ang mukha nito at pilit itong pinaharap sa kaniya. "Isaac!" Nabigla si Mona nang makitang may mga luha at puno ng hinanakit ang mata nito. "Diyos ko..." Niyakap niya ang alaga. "Ano bang nangyari?!"
Aside from feeling betrayed by his own father, Isaac felt more pain knowing very well that he and his brother will be pitting against each other for the same girl.
[NEXT CHAPTER PREVIEW:]
Nakatayo sa harapan ng mesa ni Isaac si Avery at nakatingin rito. 'There's something wrong with him.' "O-Okay ka lang, Isaac?"
"Yeah." Tumingala ito mula sa ginagawang report nito sa laptop at pahapyaw na ngumiti sa kaniya. Yumuko uli ito at pinagpatuloy ang ginawa.
Natigilan si Isaac nang maramdaman ang init ng mga palad ni Avery sa magkabilang-pisngi niya. Tiningala niya ang ito.
Sumimangot si Avery. "You're not okay."
Nagbuga ng hangin si Isaac at dinama ng palad rin niya ang palad ni Avery tsaka pumikit. "I am now."
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐