PINUNASAN ni Jinkie ang kamay sa apron nang marinig na tumunog ang telepono sa sala. Lumabas siya sa kusina at sinagot ang tawag. "Milller Residence, good morning --- Sir Vladmir." Natigilan siya nang makilala ang nasa kabilang linya. "Opo? Si Sir Isaac, po?" Nilingon ni Jinkie ang mayordoma na tumingin sa kaniya mula sa pagma-mando ng ibang maids. "Wala po rito si Sir, eh. Opo. Sige po. Tawag nalang po kayo ulit." At tsaka binaba ang telepono.
"Sino 'yon?" Tanong ni Mona sa nakakabatang kasambahay.
"Si Sir Vlad po uli. Tinatanong kung andito ba raw si Sir Isaac."
Napabuntong-hininga si Mona at nilingon ang bagong sabit na portrait ng yumaong ina ni Isaac na si Charlotte na kandong ang bunsong Miller na si Elaine.
Mahigpit na utos ni Isaac ng gabing nagwala ito na palitan ang litrato ni Elijah na nakasabit.
Tatlong araw na rin ang lumipas matapos ang insidenteng iyon. Umalis lang ito ng basta-basta't at 'di na umuwi mula no'n.
"Ano po ba ang nangyari?" Usisa ni Jinkie.
Umiling si Mona. "Iwan muna nating mapag-isa si Isaac ngayon."
THREE DAYS AGO
NIYAKAP ni Yaya Mona si Isaac. "Isaac, a-ano bang nangyayari sa'yo!" Hinawakan ng matanda ang mukha nito at pilit itong pinaharap sa kaniya. "Isaac!" Nabigla si Mona nang makitang may mga luha at puno ng hinanakit ang mata nito. "Diyos ko..." Niyakap niya ang alaga. "Ano bang nangyari?!"
"He forced me to leave my career... h-he even enrolled me in a school far from home..." Nangangalaiti ito sa galit habang umiiyak at mahigpit na nakahawak sa balikat ni Mona. "He did that to keep an eye on his bastard!"
"Hijo..."
"He didn't even give M-Mom and Elaine a proper security on t-their way to I-Indonesia that lead to to their d-deaths, 'ya..." Hagulhol nito habang parang ilog ang mga luha na naglalakabay sa mga pisngi nito. "B-Because he insisted to come to me to the school not because of my sanction but because to see his bastard! His son!" Sigaw nito para ilabas lahat ng namumuong poot sa puso.
Natigilan si Mona. "A-Anong anak? Dalawa lang kayo ni Elaine -- "
Napaluhod si Isaac habang umiiyak. "He had a child before me..."
Napasinghap si Mona at lumuhod sa katabi ng alaga. "Isaac..." Yumakap siya rito. "B-Baka nagkakamali ka lang... kilala ko si Eli--"
"And I thought I knew my father a-as well, Yaya Mona..." His eyes full of sadness slices the old woman's heart as he turns to him "I-I worked hard for the company... t-tapos malalaman ko nalang... n-na hindi ko ito pagma-may-ari!? Iyon pala'y may kahati ako?"
Napakasakit makita ni Mona ang ganitong hitsura ni Isaac. Matapos mamatay ang ina at kapatid, mag-rebelde at mamatay ang ama, 'di niya kailanman nakitaan ito na napaghinaan ng loob.
Kinuyom ni Isaac ang mga palad at palihim na humihikbi. Yumuko ito habang patuloy na pumapatak ang malalaking butil ng luha nito.
Mahigpit na niyakap ni Mona ang binatilyo.
Ang makita ito sa kanitong estado'y ibig sabihin... napakasakit at napabigat talaga ng dinaramdam nito ngayon.
"AVA!" Rinig ni Avery na tawag sa kaniya ng ina niya mula sa kusina. "May ginagawa ka ba?"
Napahinto sa pag-che-check si Avery sa mga test papers ng mga bata at lumabas sa kwarto. "Medyo. May ipapasuyo kayo?"
Araw ng Sabado kaya walang siyang pasok.
Sumagot naman ang ina niya. "Pakihatid 'tong adobong manok na niluto ko do'n sa Tita Liz mo."
Bumaba siya sa hagdan. "Ang bango~ Mag-iwan ka ng sa atin, 'ma ah. Kakain ako pag-uwi." Bitbit ang Tupperware, lumabas siya sa bahay at binagtas ang daanan papunta sa kapitbahay nilang si Lizbeth Torres. Ang ina ni Liam.
NAKAYUKO si Lizbeth habang naglalakad sa harapan si Liam.
Puno ng hinanakit ang mga asul na mga mata nito na niyuko ni Liam ang ina. "What excuse will you give me now, 'ma?"
Dahil nakapirma siya ng kontrata para sa isang commercial shooting sa China, ginamit niya itong paraan ikalma ang sarili. Minabuti niyang hindi muna harapin ang ina kasi baka may masasakit siyang salitang mabitawan. "All these time, you made me believed my father left us to some woman?!"
"He did leave us!" Umiiyak na tumingala ang ina niya sa kaniya.
"But not to 'some woman'. But to Charlotte Smith!" Nahilamos niya ang mukha sa mga palad. "Kaya pala no'ng sinabi ko sa'yo na hahanapin ko ang tatay ko, ganoon ka nalang ka tutol!"
Humihikbing inabot ng ina niya ang kamay nito. "You don't understand---"
"What part should I need to understand. 'ma?!" Parang kulog sa lakas ang boses niyang umukupa sa tahimik na bahay. "Karapatan ko bilang anak ang malaman sino ang magulang ko! You choose to hide that from me for 25 years!"
"Mahirap a-ang sitwasyon ko n-noon, Liam." Nanginginig ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya. "Mahirap k-kasi itinakda na siyang ikasal ni Charlotte. P-Pareho silang kilalang t-tao, Liam. Ayokong banggain sila p-para sa kanila... Ayokong kunin ka sa a-akin ni Eli. Ayokong masali k-ka sa a-anumang eskandalo. A-Anak..."
Tumingin sa kisame si Liam. "Mas pinili mong ipagkait sa'kin na malaman ko kung sino ang ama ko kasi ayaw mo ma-eskandalo at masira ang pangalan ni Elijah?! Even when I was old enough to learn and understand, you still kept it. Paglilinlang 'yon, 'ma! Alam mo ko gaano... gaano..." Pagbibigay niya ng diin sa salita. "... ko gustong makilala ang ama ko."
"Liam... p-please." Umiiling na hagulhol ni Lizbeth. "Masaya naman t-tayo na wala sila. Let's j-just --- "
Marahas na binawi ni Liam ang kamay. "So, if Elijah's lawyer never contacted me. I'll forever not know who my father is, right?"
"We're better off without them --- "
"No, 'ma. I'm going to take what's duly mine. Dahil 'KARAPATAN' ko 'yon."
"Liam... oh please.. please..." Sumamo nito sa kaniya. Napaluhod pa si Lizbeth nang 'di nagpapigil ang anak sa kabila nang higpit niyang hawak sa kamay nito.
Nakasalubong naman ni Avery ang kaibigan na papalabas ng bahay. "Oy, Li --- " Pero dire-diretso na itong sumakay sa kotse nito nang 'di siya pinapansin. "Huh? Ano nangyari---" Malapit na niyang mabitawan ang dalang adobo nang biglang yumakap sa kaniya ang umiiyak na Tita Liz niya. "Tita! Bakit ka umiiyak?"
ZOEY flipped her salon-pampered hair upon reaching Chesca's counter. "Si Isaac?"
Umiling si Chesca na tumayo mula sa pagkakaupo. "'Di pa rin po siya pumapasok."
Nagsalubong ang kilay nito. "It's been three days! He's not talking to any of our clients!"
"Pasensiya na po talaga." Hinging paumanhin niya. "'Di po rin siya matawagan." Honestly, Chesca knew where her boss is. She hid the fact that she received a text from his boss three nights ago informing his whereabouts because he strictly told her not to tell a soul to anyone.
"How about his penthouse?" Tanong ni Zoey na halatang naiinip na rin.
"Wala pong sumasagot sa tawag."
Zoey exhaled an impatient sigh and dialed Isaac's number.
'Hi! The person you're trying to reach is currently unavailable. Please leave a voice message after the beep.'
Ini-off ni Zoey ang cellphone. "Tch... He can't be reached on his personal number as well. Where the damn is he?"
NAKAUPO si Avery sa sofa ng bahay nila habang kausap naman ng ina niya ang tita niya sa may kusina.
She pouts as she peeks at her phone. 'Di pa rin siya nagrereply.' Magta-tatlong araw na kasi 'di nagpaparamdam si Isaac sa kaniya. Not that she cares ---- she cares! She cares that he reply or not. She wants to know whether his words are true or not.
Halos mabitawan niya ang phone nang bigla itong nag-vibrate hudyat na may message siyang natanggap. Binasa niya ang text.
'You're subscription to GOUNLI50 is already expired. To register..'
"Paasa." Nainis siya. Sarap ibato ng phone niya sa pader. Napalingon nalang siya sa pinto nang maingay na dumating si Andro at ang tatlong kaibigan nito.
"Oh!" Lumapit si Andro sa kaniya. "See? See?! Ang ganda ng Ate Avery ko, 'di ba.
Naguguluhan si Avery sa nangyayari. Pinaglilipat niya ang tingin sa mga ito.
Agad na-estatwa ang tatlong kaibigan nito na halatang na-star-struck kay Avery.
Humalakhak si Andro. "Paano ba 'yan? Totoo sinabi ko. Ano... Labas niyo na isang daan niyo! Akala niyo ah!" At masayang kinolekta ng bunso niya ang pera sa kamay ng mga kaibigan nito.
"Ano na naman kabalastugan 'yang pinagagawa mo ha, Andro?" Tanong ni Avery rito na masayang nagbibilang ng pera.
"Ayaw kasi nilang maniwala na ate ko ang nasa magazine kaya nakipag-pustahan ako ---"
"Anong magazine?" Tanong ni Avery.
Napalingon sila bigla sa second floor kung saan tumitili ang Ate Andrea nila. "Aaahhhh~!" Bumaba ito sa hagdan sabay taas ng magazine. "s**t! Ikaw 'to ano, Avery?!" Naka-sando ito at nakasuot ng maikling shorts na kitang-kita ang mapuputing biyas nito.
"Pakengteyp~ Ate mo rin?!" Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ni Andro.
"Sh*t! Sh*t! Ako nga!" Gulat na gulat na lumapit si Avery sa ate niya at hinablot ang hawak na magazine nito.
"P*ta, bro! Ang gaganda pala ng mga ate mo!" Sabay-sabay ulit na sigaw ng mga kaibigan ni Andro.
"Sh*t! Nasa magazine ako!" Nanlalaki talaga ang mata ni Avery na nakayuko sa hawak niyang fashion magazine. "Sh*t --- "
"Hoy!" Natahimik silang lahat ng sumigaw ang si Aurora nang lumabas sa kusina na nakapameywang. Para silang asong nag-uunahang nag-iwas ng tingin. "Isang pagmumura pa mula sa mga bibig niyo't didikit 'tong tsinelas ko sa pagmumukha niyo!"
Hindi na napagilan ni Lizbeth na mapangiti sa kaguluhan sa sala.
NAPA-ANGAT ng tingin si Zoey nang pumasok sa conference room ang bagong dating na si Avery. May meeting sila kasama ito kinahapunan patungkol sa evaluation ng pre-shoot nito. 'Hmmm...' She leans back on her leather chair and studied her profile. 'Just pretty with no substance.'
Hinila ni Vladimir ng upuan ni Avery para makaupo ito.
Zoey tapped her pen on the table. "Shall we start?"
Tumayo ang isang staff at nagsimulang mag-report.
Pasimpleng nilingon ni Avery ang mga dumalo. 'Andito si Chesca pero ba't wala si Isaac?' Tapos napadako ang tingin niya sa babaeng nakaupo sa kabisera ng mesa. Her black, pixie cut hair really fits her professional image. May pagka-chinita ito kaya may impression kaagad na anak mayaman ito. She's wearing a green dress adorned with pearl necklace. Simple pero napaka-sopistikada. Nanlumo siya sa suot niyang blue jeans at puting shirt lang.
Mabilis siyang tumingin sa presentation nang lumingon ito sa kaniya.
"Ms. Avery?" Tawag sa kaniya ni Zoey. "I'm Zoey, Corporate Relations Officer. I handle the external affairs of the company."
"He-Hello po." Kimi siyang ngumiti.
"I work closely with the VP of the Marketing Department who is Vladimir and see to it that everything that exits this company is of top quality."
Tumango siya. "I see. I'm Avery Lo---"
"How's your first experience?" Putol nito sa kaniya sabay inikot ang upuan nito paharap sa kaniya sabay inarko pataas ang isang kilay.
"Uhh... it was great." Ngumiti siya. "Napaka-bait ng director sa set tsaka ---"
"I'm not talking about your relationship with the people on set. I was talking about you." Muli nitong putol sa sasabihin niya.
Namula siya nang lumingon sa kaniya ang mga tao sa loob ng conference room. "A-Ano... medyo nahihirapan ako kasi first time kong ---"
"We need an adaptable model, Ms. Avery." Zoey clasps her hands underneath her chin. "We're not looking for someone to train."
Marahang tumango si Avery.
"Now, kaya mo ba agad sumabak sa intense na photo-shoot? What you just experience is nothing compared to a real one. It will take hours, even days—smiling, posing and wearing the same thing again and again."
"K-Kaya po."
"I don't need an half-ass answer, Ms. Avery." Sulsol pa ni Zoey. "Kaya mo ba?"
Sasagot sana si Avery nang may nagsalita sa likod niya. "Kaya niya."
Napatingala ang lahat sa dumating at umikot naman si Avery para makita ang lalakeng nakatayo sa likod niya. "L-Liam."
Liam smiles and sits beside her. "Hi."
Gustong maiyak sa tuwa ni Avery nang dumating ito. "Liam..."
Liam winks at her. "I got this." Lumingon ito paharap kay Zoey. "As we've agreed, Avery will be working with me on the new promotions. Her pictures say she can handle it." Lumingon ito sa kaniya. "Right?"
Tumango si Avery.
"Plus I knew her. So, I guess there won't be any problem in regards to work ethics."
'Salamat, Liam....' Nakaramdam siya ng kaginhawaan. Dinulas niya ang swivel chair papalapit rito. 'Pero okay lang ba siya? ' Pasimple niyang tiningnan ang kaibigan.
Naalala lang niya ang mukha nito kanina na umalis ng bahay nito.
AFTER almost an hour of deliberation, nag-excuse si Avery para pumunta sa banyo. Papasok na sana siya sa isang cubicle nang makitang naghuhugas ng kamay sa sink si Chesca.
Chesca smiles at her from the mirror. Sumagot naman ng ngiti si Avery. May naalala siya. "U-Uh... Chesca. Chesca, right?" Tawag niya rito. Naalala niyang kasama ito ni Isaac doon sa impromptu photoshoot nila.
Lumingon ito sa kaniya. "Opo."
"Umm... Di mo 'ata kasama amo mo ngayon?" Naramdaman niya ang pagdaan ng katahimikan sa pagitan nila.
"Tatlong araw na po kasing di pumapasok si Sir Isaac." Imporma nito.
Agad bumangon ang kaba sa dibdib niya. "M-May sakit ba siya?
Nagdadalawang-isip na sumagot si Chesca. "A-Ano po... wala naman po..."
"Gano'n ba? Oh, sige. Pakisabi na -- "
Napabuntong-hininga ito. "Wag po kayong maingay 'ah. Ako lang kasi ang may alam kung nasaan siya ngayon. Nasa penthouse lang niya si Sir Isaac."
"May nangyari ba?" Biglang naalala niya ang nangyari kanina sa bahay nila Liam. 'Di na ba ako updated sa nangyayari sa paligid ko? Liam and now Isaac?'
Umiling si Chesca. "'Di ko po alam eh. 'Yon lang ang bilin niya sa akin na huwag ipagsabi sa iba kung may naghahanap."
"I-I see."
May kinuhang sticky note si Chesca sa bag at nagsulat doon. "Heto po." Lahad nito sa kulay neon orange na papel sa kaniya.
"Ano 'to?" Kinuha niya ito at binasa. Isang address.
"Address po 'yan sa penthouse ni Sir."
"Huh? Ba't mo sinasabi 'to sa'kin. Mapagalitan ka pa---"
"Baka po kasi makatulong kayo sa kung anumang pinagdadaanan ni Sir ngayon, Ms. Avery. Iba po kasi ang aura ni Sir Isaac pag andiyan kayo."
Avery blushes. "'D-Di naman siguro---" Nabigla siya ng humawak si Chesca sa kamay niya.
"Ms. Ava, sabihan mo ko 'ah kung kamusta siya. Iba kasi pakiramdam ko eh."
Marahang tumango si Avery. "I will." She smiled reassuringly. "I will, Chesca."
MULA nung nakabalik si Avery mula sa banyo, ramdam ni Liam na parang 'di ito mapakali. She kept on looking on her wristwatch, then at the window and back again to her wristwatch.
A sticky note fell from Avery's side of the table. He bends down to pick it up and happens to see the scribbled address. 'This is Isaac's---'
Agad iyong kinuha ni Avery mula sa kamay niya. "A-Ah... a-akin 'to." Nag-iwas ito ng tingin sabay sinilid iyon sa bulsa nito.
Liam looks at her fingers fidgeting underneath the table. 'Your mannerisms are showing me clues, Ava. It means you're getting impatient.'
Tumayo si Zoey. "This is a wrap up..." Nagsasalita pa ito nang nakita ni Liam na kinuha ni Avery ang bag sa ilalim ng mesa at aakma sanang tumayo.
"Where are you going?" Tanong niya rito.
Na-estatwa si Avery sa pagtayo. Nagsitayuan na ang ibang dumalo at isa-isang lumabas sa opisina. "I... umm... may urgent lang akong---"
Liam dryly chuckles. "Nah, I'm just asking." Malungkot siyang ngumiti.
Inikot ni Avery ang upuan paharap sa kaibigan. "Are you okay, Liam?"
'I'm not.' "I am." Ngumiti si Liam.
"Sure?"
Tumango si Liam. "Sure. A 100%."
Ngumiti si Avery at pinisil ang pisngi niya. "Okidoki then. Text kita maya 'ah. May pupuntahan lang ako." Mabilis na hinablot nito ang bag at tumakbo palabas.
Naiwang nakaupo si Liam mag-isa sa conference room. Tumingala siya. 'Back then, Avery. You can tell how I really feel by the sound of my voice.'
Nilingon niya ang tahimik na hallway. 'Can't you feel I'm hurting right now? '
Tumingala uli siya para ikubli ang mga luhang bumagsak kasabay ang papalubog na araw.
HINIHINGAL na huminto si Avery sa harap ng isang bakery. "Ah! Ito ba 'yon?" Pilit niyang inaninag ang mga cookies na naka-display sa loob. "Strawberry cookies... strawberry --- Ah! Ayun!" At pumasok siya sa panaderia.
"SO you're cooped up here all along?"
Isaac, sitting on the windowsill of the large window, looked at the woman who entered his penthouse. "How'd you get in here?"
Zoey drops her bag on the black leather sofa. Inikot nito paningin sa maespasyong lugar ni Isaac. "I told the guard I am your fiancee, gave him my ID and got a key..." Tinaas nito ang card.
Tumayo siya mula sa kinauupuan. He plans on his mind to talk to the security of the building later.
Zoey teasingly smiles upon seeing him half-naked, wearing nothing but a white pajama pants. "What's up with the sudden disappearance?"
Isaac sharply exhales. "I'm not really in the mood for a talk right now, Zoey."
Lumapit ang babae at kinabit ang dalawang braso sa leeg ni Isaac. "Oh, who says I'm here for talking?" She traveled her long-red manicured fingers on his firm chest.
Hahalik na sana si Zoey nang iniwas ni Isaac ang mukha nito. "Zoey... No." Marahan niya itong tinulak at naglakad papalayo.
Sa inis, nameywang si Zoey at tinaas ang isang kilay. "Ano bang nangyari sa'yo?"
Pumikit si Isaac. The last thing he wants right now is a nagging woman. "Not now, Zoey."
"Am I not f**k-able enough, Isaac?"
Nilingon ni Isaac ang babae. "What?"
She scoffs. "Hah! Don't tell me you forgot we used to have s*x anywhere if we had time."
Nagtitimping nagbuga ng hangin si Isaac. "It was years ago, Zoey. We're both young and naïve--"
"Young and in love, Isaac." Dugtong nito. "I am your first girlfriend and you are my first love, remember?"
"You 'were' my first girlfriend. I 'was' your first love. It's all in the past ---"
"It won't be." Lumapit si Zoey at hinawakan ang mukha ni Isaac. "We'll be engaged soon."
Walang emosyon na tiningnan ni Isaac si Zoey. "Enough, Zoey. You had the chance to choose me back then pero nanaig ang kagustuhan mong umalis ng bansa." Sabay binaba ang kamay nito.
"What choice do I have?!" Singhal nito na halatang di nagustuhan ang reaksiyon niya sa planong nitong akitin siya. "Sa tingin mo, mararating ba natin ang posisyon natin ngayon if di ko ginawa 'yon? We're both fools in love---"
"And now we are wise enough to make a decision." He closes his eyes to suppress his temper. "Time and again, you are not my fiancee and there's no engagement."
Taas-noong hinarap ni Zoey ang dating nobyo. "Well... both our fathers made an agreement. There will be consequences if---"
"ENOUGH!" Sigaw ni Isaac na nagpanigas sa kalamnan ni Zoey. "I'M DONE WITH PEOPLE PLAYING MY LIFE!"
Halos di makahinga si Zoey sa takot na naramdaman. She never once heard him raised his voice to anyone, especially to a woman. "M-Mahal natin ang isa't-isa, Isaac."
Isaac recalls his late father's situation. Loving someone but marrying another for the lust of power. "I'm not repeating the same mistake, Zoey."
"Was loving me a mistake?" Sakit na tanong ni Zoey.
"It was a lesson." Tumalikod si Isaac. "You can see yourself out."
"Matutuloy ang engagement natin, Ice. Whether you like it or not----"
"Zoey." Kalakip noo'y babala.
Kinagat ni Zoey ang mga labi nito't mangiyak-ngiyak na lumabas sa penthouse niya.
Huminga ng malilim si Isaac nang marinig ang pagsara ng pinto.
"DELIVER ka ng cookies?" Tanong ng guard kay Avery.
Noo'y nasa isang magarang apartment building si Avery na may dalang isang supot. Hinihingal na ngumiti siya. Tinakbo kasi niya ang distansiya ng panaderia at ng lugar na ito dahil sa mabigat ng trapiko sa lansangan."O-Opo."
"Sino ka? May ID ka?"
Agad na kinuha ni Avery ang pitaka at pinakita ang ID niya sa college. "I-Ito lang meron ako. Nasa isang bag ko 'yong card holder ko kaya --- "
Naguguluhang pinaglilipat ng guard ang tingin nito mula sa ID at kay Avery. "Oy, 'wag mo akong lokohin! Ang taba-taba nitong nasa ID---"
"Ako nga 'yan!" Napapadyak si Avery sa inis tapos humigop ng hangin para palakihin ang pisngi.
"Oy hala.. ikaw nga." Tango ng guard at binigay pabalik sa kaniya ang ID. "Kaano-ano mo si Sir Miller at ano sadya mo?"
"Uhhh... secretary niya ako. Tapos... nag-text kasi siya sa'kin na.. g-gusto niya ng cookies." Tinaas niya ang isang kamay na para bang nangangako. "Promise, kuya. Paborito niya ito. Kahit tawagan mo pa siya."
"Oo na, oo na. Sulat ka rito sa logbook at iwan mo yang ID mo. Kukuha lang ako ng visitors' pass."
Masaya namang nagsulat si Avery. Pagkatapos ay nilibot ang paningin sa lobby ng marangyang lugar.
'OMG! Parang boarding house lang 'to na x10 sa sosyal.' May CCTV, malaking TV sa lobby at fountain pa sa gitna. 'Mayayaman nga 'oo.' Ibabalik na sana niya ang tingin sa guard nang may nahagilp siyang pamilyar na babae na lumbas sa elevator at nagpupunas ng panyo sa pisngi nito.'Ms. Zoey?' Dire-diretsong sumakay ito sa kotseng na nag-aabang sa labas. 'Umiiyak ba siya?'
NAHINTO sa pagtitipa sa laptop niya si Isaac nang may nag- doorbell. He exasperated a sigh. "What now?" Tumayo siya at lumapit sa pintuan sabay silip sa peephole.
Nagulat siya nang makilala ang nasa likod ng pinto at mabilis na pinagbuksan ito. "Avery?"
Nabitin ang papapindot na sanang si Ava sa doorbell. "H-Hey!"
"Anong ginagawa mo rito?"
"Uhhh..." Di agad nakasagot si Avery na nakatingin sa hubad na itaas ni Isaac. "A-Ano..." 's**t!! Why can't I come in terms with his abs!' Tinaas niya ang puting paper bag para matakpan ang paningin niya sa abs nito. "Napadaan kasi ako sa isang bakery, tapos nakita ko 'tong strawberry cookies w/ raisins. Bumili ako. Tapos habang papauwi ako, napadaan ako rito sa building mo. Tapos naalala kita. D-Di pa paborito mo 'to? Di ito gawang Batangas pero okay na rin." Direstong salita niya.
Isaac manages a small smile. "...tapos?"
"Tapos... ano..." Alanganing ngumiti si Avery. "Hati tayo? Hehe.."
Pinitik ni Isaac ang noo ni Avery. "You're lying."
Sumimangot si Avery. "D-Di 'ah!"
Tumalikod si Isaac. "Pasok."
Pumasok si Avery at sinara ang pinto. Paglingon niya sa kabuuuan ng penthouse nito'y malapit nang mapalula si Avery sa laki ng lugar. Minimalistic ang dating nito. Puro puti ang pintura ng dingding pero itim naman halos ang mga kagamitan.
Nilapag niya ang dalang supot sa itim na glass table nito sa sala. "A-Ang ganda rito..." Despite having an aircon, there is still a medium-size fan blade rotating in the ceiling. "Magkano renta mo rito?"
Umupo si Isaac sa harap ng laptop nito. "I bought this place. Travelling half an hour to the mansion is not time-wise."
"B-Binili mo?" Gulat niyang tanong. "As in 'to lahat?" Tumango si Isaac na sinuot ang eyeglasses sabay yuko uli sa ginagagawang report. "Wow... ang yaman mo talaga 'no?" Lumapit si Avery sa mga litrato sa shelf. "Mama mo? Oh! Ang cute ng batang babae na'to!" Nilingon niya si Isaac, "Kapatid mo?"
"That's my mom, Charlotte. My sister, Elaine."
"Di ko sila nakita sa mansion 'ah. Nasa ibang bansa ba?" Tumingin uli siya sa mga litrato. "Oh! Captain ka ng soccer team niyo sa---"
"They're dead, Ava."
Agad siya napalingon kay Isaac. "Ha?! -- " Sinapak ni Avery ang noo nang maalala ang sinabi ni Yaya Mona tungkol aksidenteng kinasasangkutan ng ina at kapatid nito. 's**t. Oo nga pala.' "S-Sorry."
Tahimik na tumango si Isaac at nag-type uli.
Doon lang napansin ni Avery ang malungkot na aura nito. Para bang pilit lang nitong tinatakpan sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Lumapit siya rito at huminto sa harapan ng mesa. 'There's something wrong with him.' "O-Okay ka lang, Isaac?"
"Yeah." Tumingala ito at pahapyaw na ngumiti sa kaniya. Yumuko rin naman uli ang lalake at pinagpatuloy ang ginawa.
Natigilan si Isaac nang maramdaman ang init ng mga palad ni Avery sa magkabilang-pisngi niya.
Avery reaches both her hands to feel Isaac's cheeks. She felt his short, three-days worth stubble, playfully piercing her palms. Sumimangot siya. "You're not okay."
A sigh of relief exits Isaac's mouth as he presses her hands more towards him. "I am now." He closes his eyes.
Ngumiti si Avery. "Dahil ba sa cookies na dala ko?"
"And you..." Sabay halik ni Isaac sa palad ni Avery.
Parang napasong hinila ni Avery ang kamay at namula na parang kamatis ang mukha. "A-Ayan ka na naman... binibiro mo na naman ako!"
"Biro? Kelan----" Naalala ni Isaac ang text nito na di niya na-reply-an. "Oh, you mean the ---"
Tumalikod si Avery para iwasan ang paksa at kinuha ang supot sa mesa. "P-Punta muna ako sa kusina mo. I-Ihahanda ko 'to.
Tusong ngumiti si Isaac at agad nawala nang mapadako ang tingin niya sa pwetan ng hapit na hapit sa blue jeans na suot nito. Nag-iwas siya ng tingin. 'Okay.. I'm horny.'
MAGKATABI si Avery at si Isaac na kumakain ng cookies sa kusina nito.
Avery dipped her cookie on a milk while Isaac is pairing his with a tea.
She turns to him and tt didn't escape from Isaac's vision of how Avery licks the milk and cookie crumbs on her pink lips. "Pagod ba katawan mo?"
Sumimsim si Isaac sa tasa niya para matakpan ang pamumula ng mukha. "Yeah. Hindi na kasi nakakapag-workout kaya medyo nangangalay."
"Sakto. Tutal wala ka rin sa mood, may technique ako para ma-relax ka. I used to do this to ate or mama. Lalo na pag aburido sila."
"And that is?"
"You need to soak in the tub with lukewarm water, with bubbles. While you're in the tub, I'll massage your head until you fall asleep."
"Sa tub? It's not advisable to soak too long ---"
"Patapusin mo 'ko." Naniningkit ang mata ni Ava.
"Okay." Parang batang tango ni Isaac.
"After the massage, I'll leave you for 15 mins. enough for me to make you a cup of ginger tea." Lumingon si Avery sa mga nakahilerang bote sa kusina. "May luya (ginger) ka kaya swerte ka! Matitikman mo na rin ang signature tea ko." Avery winks.
"Avery, you can make a better excuse than that. Maraming paraan para makita katawan ko." Nagbibirong tukso niya sa babae.
Napikon ito. "Uuwi na'ko." Sabay tumayo.
"Just joking!" Pigil ni Isaac rito habang tumatawa.
"NASA tub ka na?" Tanong ni Avery sa labas ng banyo.
"Oo." Sagot ni Isaac mula sa loob.
Binuksan ni Avery ang pinto at pumasok.
Isaac was already soaked beneath the cloud of blue bubbles in the tub. His head resting on the tub's rim. "I'm good."
Tumango si Avery na pumuwesto sa likod ng ulo nito. She stretches her fingers before burying them on Isaac's black hair. She started to softly presses his temples. "How's that?"
"It would be better if you're here in the tub with me." Saad ng nakapikit na si Isaac.
"Gusto mo headline sa dyaryo: Isaac Miller namatay dahil nalunod sa bathtub?"
Tumawa uli si Isaac. "Di na po mauulit, Ma'am."
"Nakita mo ba cover ng MetroMag this month?" Patuloy pa rin niyang minamasahe ito.
"Uh-huh. I got the first copy from the publisher."
Ngumiti si Avery. "Maganda ba?"
"It is. You look great. Pero, mas maging maganda 'yon kung tayong dalawa andoon sa cover."
Naalala ni Avery ang halik nila sa photoshoot. "A-Adik ka ba? Mahirap ipalabas 'yon. CEO ka kaya 'di dapat madungisan imahe mo."
"I won't... mind..." Saad nito.
"Ikaw hindi, paano ang iba? Yung mga kasosyo mo sa negosyo?"
"Why do other people's opinion matters to you Avery?"
Natigilan si Avery bago sumagot. "M-Maybe because I live a-all my life wanted to be accepted by them? To fit in?"
"You are you, Avery. The only opinion that should matter to you is your opinion. Turn deaf to others. They're just noise in the background."
Avery bit her lower lip and smiles. "T-Tama ka... S-Salamat, Isaac." Di na ito sumagot. Mahina na itong humihilik hudyat na nakatulog ito. Ngumiti siya. "See? Effective nga massage ko." She looked at his tired face. "Wag kang mag-alala. Fresh as a baby ka tapos nito." Tumayo si Avery at lumabas para ihanda ang tea.
HABANG nagbuhos ng mainit na tubig si Avery sa tasa, nilingon niya ang wristwatch. "Hala... lagpas na pala ng 30 mins." Binaba niya ang kettle at pumasok sa banyo.
Tulog pa rin ito ng pumasok siya. "Isaac?" Lumuhod siya sa tabi ng tub. "Gising na. Handa na tea mo." Marahang yuyugyugin sana niya ito ng ng marinig na mahimbing pa rin itong humihilik.
Napangiti siya at tuluyang umupo sa rug sa tabi ng tub. 'Parang nahihirapan talaga itong makatulog sa mga nagdaang araw. Ano kaya problema niya?' Yumupyop sa rim ng tub at tiningnan ang payapang mukha nito.
"Ang swerte talaga ng magiging girlfriend mo, Isaac." She arranged his bangs sideways away from his closed eyes. "Napakabait mo kasi."
She then remembers the day Isaac hugged her under the rain after the press-con incident, when Isaac approached her after she fell from the traffic light post, and the way he comfort her on his departure.
"Di mo kasi ako kinakahiya. K-Kahit n-nung mataba pa ako." Gumaragal ang boses niya. "Alam mo... no'ng nagkita uli tayo matapos anng mahigit isang taon, kitang-kita sa mga mata mo na isa ka sa mga taong pinaka-masaya sa pagbabawas ko ng timbang.
She touches the tip of his nose. "Pero alam mo... anong mas nakakapasaya sa'kin? Nung papaalis ka... sa-sabi mo kasi.. o-okay lang sa'yo kahit... mataba pa rin ako pag-uwi mo..." Tumulo ang luha niya. "...kasi di nag-ma-matter sa'yo kung... ano pa hitsura k-ko. Kaya, salamat Isaac 'ah... Pinaramdam mo sa'kin na karapdapat akong mahalin at tanggapin." She studies his profile. The scar on his eyebrow, the soft lines on the side of his eyes and the peaceful fall and rise of his chest.
Pinahid niya ang mga luha at huminga ng malalim. "K-Kung sino maging girlfriend mo, tiyak... magseselos ako. Boyfriend niya ang pinakamabait na tao sa mundo."
Tumingala siya sa kisame. "M-Magseselos ako... kasi nasa kaniya na b-buong atensiyon mo." Niyuko niya ito. "Gusto kasi kita. G-Gusto ko sa akin lang mga ngiti mo. M-Madamot ba akong pakinggan? M-Masama bang... gustuhin kong mas higit pa sa pagkakaibigan ang hingin ko sa'yo?" She wipes the bubbles on Isaac's cheek.Nasabi na rin niya sa wakas ang damdaming bumabagabag sa isipan at puso niya. "K-Kaso mas nauunahan ako ng takot. Sino ba ako para mahalin mo? Ang daming babaeng mas karapatdapat sa'yo. At ramdam kong hindi ako 'yon."
Naputol ang pag-iyak niyang tumunog ang takure hudyat na kumukulo na ang tubig na sinalang niya.
Napatawa nalang siya sa sarili niya. 'Para akong baliw nito.' Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at tumayo.
Then a hand stopped her from going out.
Mabilis nilingon ni Avery si Isaac.
Isaac, one eye open, holds her hand tightly. "Where are you going? You don't want my answer?"
"I-Ikaw..." Parang kabayong tumatakbo ang t***k ng kaniyang puso. "N-Nagtulog-tulugan ka lang pala?!" Uminit ang pisngi niya --- ang buong katawan niya!
"I was really sleeping until I heard you talk." Umupo ito sa bathtub. Half of his wet body showing above the sheet of bubbles, Isaac is still gripping her hand.
"A-Ano na-narinig mo-mo??" Nag-iwas ng tingin si Avery. 'EH KASI NAMAN BAKIT KA NAG-MMK SESSION, AVERY LORA!' Gusto niyang sapakin ang sarili at magdasal na lamunin siya ng lupa ora mismo!
"Nothing much."
Alanganing tumawa si Avery at huminga ng maluwag. "Ay salamat---"
"Just the part where you confessed you like me too." Isaac boyishly smiles.
"N-NAGKAKAMALI K-KA!" Winagayway niya ang isang kamay para takpan ang pulang-pulang mukha. Di siya makatitig ng diresto kay Isaac. "D-DI YUN SINABI KO-KO!"
"Mata ko lang ang may sira, Avery. I heard it well."
Avery puffed her red cheeks as her sign of surrender. "E-Ewan ko sa'yooooo... Ang pangit moooooo..."
Isaac kisses her the back of her palms. "I like you too."
[SPIN-OFF: ROSE x CHESCA]
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐