MATAPOS kausapin sina boss ay hindi muna ako bumalik sa hide out. Itineks ko na lamang si Damian na siya muna ang bahala kung hanapin man ako. Ito na rin kasi ang huling beses na gagawin ko 'to. Kahit sa huling pagkakataon ay makita ko man lang si Xavier. Pagkatapos maisagawa ang plano at mapagtagumpayan namin ay hindi na ako magpapakita pa o baka hindi na rin ako mabuhay pa. Wala na rin akong babalikan pagkatapos ng lahat ng ito. Makukuha ko na rin ang hustiya sa pagkamatay ni Ate Trina at Papa. Ako mismo ang papatay sa lider ng sindikato. Kung sakaling mabubuhay man ako ay aalis na ako sa pagiging security agent. Babalik ako sa probinsya namin at doon ko ipagpapatuloy ang buhay. Noong nasa agency ako at nakapag-ipon ay nakapagpundar ako ng maliit na lupa. Noong isang araw ay tinawa

