NAGING mahirap para sa amin ni Santi ang gumalaw dahil sa paglalagay ng CCTV sa silid kung saan naroroon ang mga Montenegro. Hindi na namin sila nakakausap at tanging pagtitig na lang ang nagagawa naming lahat. Nang sumapit ang alas siete ng umaga ay muling ipinaalala sa amin ang pagdadala kay Tito Xander sa main house. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Pamangkin pala ni Director Dela Capria ang babaeng baliw na baliw kay Tito Xander noon. Kaya pala ganoon ka sidhi na makuha sila ng kapatid nito. Naalala ko kung ano ang nangyari nang ikwento sa akin ni Papa Jayvee ang lahat ng iyon dati. That incident happened before I came to their house. Nagulat ako na pinagdaanan pala iyon ng kanilang pamilya. Pero namangha at nabilib ako sa katapangan at katatag

