HALOS wala na kaming maabutan ni Ron pagdating sa bahay. Magulo. Basag ang mga salamin at mga kagamitan. Nakahilatang mga sundalo, guards at mga kalaban sa sahig ang bumungad sa amin. Nanlumo ako sa aking nakita. Malabong magsinungaling si Jaime nang sabihin niya kanina sa tawag ang nangyari. Nakuha nga ng sindikato ang buong mag-anak. Pagpasok sa bahay ay saktong lumabas si Jaime sa basement. Nakahawak sa braso niya, dumudugo. Hindi rin siya nakalakad ng maayos. May sugat din ang kanyang hita. Agad kaming lumapit ni Ron sa kanya at tinulungan siya. Pinaupo namin siya sa isang sofa. Umalis naman si Ron para kumuha ng medicinal kit. Mabilis din siyang nakabalik at inumpisahang gamutin ang sugat ni Jaime. "What did exactly happen?" Agad na tanong ko. Hirap ang mukhang tiningnan ako n

