NAGING matahimikin ako sa sumunod na mga araw pagkatapos nang gabing iyon. Minsan ay nahuhuli ko ang sariling natutulala. Hindi na maialis sa isip ko nang marinig ko ang pangalan ni Harvey. I feel threatened everytime I heard his name. Na para bang lahat ng takot at pangamba ay maari mong maramdaman dahil lang sa pangalang niya. Dapat ay hindi ko ito maramdaman. Hindi ko dapat pagdududahan ang pagmamahal sa akin ni Xavier. Pero tao lang din ako, may kinatatakutan. Takot na baka isang araw ay magising na lang ako na wala na sa buhay ko ang taong pinakamamahal ko. "Is there something wrong? Ilang araw ko ng napapansin na tahimik ka. May kasalanan ba ako sayo?" Nag-aalalang tanong ni Xavier nang tumabi siya sa kamang kinauupuan ko. Umiling ako at bahagyang ngumiti bilang sagot. "Iba an

