Chapter 22

3216 Words

"HE'S THE REASON why papa was almost killed. Dapat siya na lang ang nakaratay sa kamang 'yan o namatay na lang din siya kasama ng Ate at Papa niya!" Panunumbat sa akin ni Xavier nang bisitahin ko si Tito Jayvee sa ospital. Kalilibinglang ni Papa at Ate Trina noong nakaraang linggo. Namatay sila dahil sa nangyaring barilan dalawang linggo na ang nakakaraan. Ito ang araw kung saan sinundo nila ako pauwi sa bahay mula sa ospital. Naospital ako matapos makitang nakahandusay sa gitna ng daan. Nakita ako ng katrabaho ni Ate Trina at dinala sa hospital. Takot na takot ako sa nangyari. Isang malagim na pangyayari ang aking nasaksihan dahil lang sa pagkakaligaw ko. Akala ko iyon na ang pinakamalagim na makikita ko sa buong buhay ko. Hindi pala, dahil mayroon pang mas malala. Mas kagimbal-gimbal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD