PARA AKONG MAIIYAK nang makita ko ang damit na ibinigay ko kay Xavier sa basurahan sa kusina. Tumulong kasi ako sa paglilinis sa buong bahay kinabukasan kaya nakita ko ito roon. Inilapag ko ito sa higaan nang makaakyat sa kwarto. Nakatitig ako rito. Hindi ko namalayan na lumalandas na pala ang luha sa pisngi ko. Ang kasiyahan na naramdaman ko kagabi ay bigla na lang bumulusok paibaba. Buong akala ko ay nasiyahan siya sa regalong ibinigay ko. Sinabi pa niya na "nice" daw ito. Nakita ko pa ang ngiti sa mukha niya habang tinititigan ito. Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lang pala. Oo nga pala. Lasing siya kagabi. Ganoon pala siya kung nalalasing. Sa ganoong estado ng pag-iiisip lang siya nagpapakita sa akin ng kabaitan. Marahil nang hindi na siya lasing ay itinapon niya ito. Ah

