HINDI MAIPINTA ang aking mukha habang ginagawa ang unang draft ng research paper namin ni Koby. Paano naman kasi ay nasa tabi ko si Xavier tapos sa isang bahagi naman ay si Koby. Hindi naman niya ako iniistorbo pero ang huli naman ang pinupunterya niya. Kanina pa siya dito sa kwarto kahit hindi pa dumadating si Koby. At nang dumating ang huli ay panay na ang dikit niya sa akin. Naiinis ako sa ginagawa niya. Ano bang problema niya? "Anong oras ka ba aalis ha?" Narinig kong tanong niya kay Koby. Naikuyom ko ang kamay dahil ilang beses na niyang tinanong ito sa kaibigan niya. "After we finished the introduction and the half of the content." Mapapansin na rin sa boses ni Koby ang pagkainis. Ayaw nga sana niyang pumunta rito dahil kay Xavier. Isinumbong niya sa akin na bawal na raw siyang

