"Saan mo ba gustong gumawa ng project baby boy? Sa inyo o sa amin?" Nakangiting tanong ni Koby sa akin. Si Koby Aiken ay classmate ko. Tungkol sa project na tinutukoy niya ay gagawa kami ng research paper at ang focus ay ang pagkakahumaling ng isang tao sa mobile games. Maliban sa pagiging classmate at partner sa project, isa si Koby sa varsity ng basketball team ng school. Kaya ganoon na lang ang pagkainggit ng mga kaklase kong babae dahil sa akin ipinares si Koby. Pero wala naman akong pakialam kung gwapo o matangkad siya, ang importante sa akin ay magawa namin ng maayos ang project dahil isa iyon sa mga requirement namin para maipasa ang english subject sa school year na ito. "Sa bahay na lang Koby, naipagpaalam naman na kita kay tito Jayvee eh. Mas mabuti na raw sa bahay nila tayo g

