"KUYA! KUYA!" Tawag ko sa kanya habang kinakatok ng paulit-ulit ang kanyang kwarto. "Kuya! Kuya!" Sa ilang sandali ay bumukas ang kwarto at niluwa niyon si Xavier. Galit na galit ang mukha na agad akong kinuwelyuhan. "'Di ba, ang sabi ko sayo, h'wag mo kaming iistorbuhin?!" Matalim ang kanyang titig. Ang boses niya'y nagpipigil sa galit. "K-kasi..." Tila nakalimutan ko ang sasabihin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Gahibla na lang ang layo ng kanyang labi sa akin. Halos magkadikit na rin ang aming katawan. Ang mas malala pa ay nakabriefs lang siya. "ANO?! Anong sasabihin mo?!" Nanggagalaiti niyang tanong. Halos masakal na ako dahil sa humihigpit pa ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. "S-Sila tito... P-Paparating na sila." Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa sin

