"Hoy bubwit!" Awtomatikong napaikot ang mata ko nang marinig ko ang boses niya. Napahinto ako mula sa paglalakad at taas-kilay siyang hinarap. "O bakit?" Mataray kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin at kinunyutan ako sa noo. Napaatras ako ng kaunti dahil sa lakas ng pwersa niya. Nainis naman akong tiningnan siya. Tinaasan lang niya ako ng kilay at binigyan ng nakakainsultong ngisi. "Here." Inabot niya ang kamay at may inilagay na kapirasong papel. "Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko nang bitawan niya ang kamay ko. "Basahin mo." Sinunod ko ang sinabi niya at naningkit ang mga mata ko. Pero agad na napabuntong-hininga at walang emosyong inangat ang tingin sa kanya. Ang mokong nakangisi pa rin na ngayon ay nakacrossarms na. "Gawin mo ng maayos, kung 'di malilintikan ka sa ak

