KUNG SINASABI nila na kyut ako, sa tingin ko wala naman akong panama sa kakyutan ni Harvey. Walang-wala kung ikukumpara ang kutis ko sa kanya. Maputi siya na animo'y kulay ng isang babae. Hindi maputla at natural lang ang pagkaputi. Nagmumukha na rin siyang isang koreano. Maganda ang hugis ng kanyang mga mata, may katamtamang tangos ng ilong at may mapupula at hugis pusong labi. At kahit bakla siya ay hindi maikakaila na maraming nagkakagusto sa kanya lalo na ng mga bisexuals at kahit straight na lalaki. Matalik silang magkaibigan ni Xavier na lagpas isang dekada na rin. Halos magkasabay silang lumaki at bago pa man ako dumating sa buhay ni Xavier ay magkaibigan na silang dalawa. He's a complete opposite of me. Lahat ng magagandang katangian ay nasa kanya na kaya sa tuwing nakikita ko si

