HINDI KO makuhang maging masaya sa katotohanang umalis na si Harvey katulad ng naramdaman ko noon nang unang umalis ito. Pakiramdam ko kasi, ako ang sinisisi ni Xavier sa pag-alis ng matalik niyang kaibigan. Nagagalit siya sa akin at walang araw na hindi niya nababangit ang pangalan ni Harvey. Masakit na ikinukumpara pa niya ako rito. Na wala akong panama rito. At ang mas malala, sinabi niyang sana ito na lang ang naging kapatid niya at hindi ako ako. Umiyak ako nang sabihin niya iyon. Sobrang sakit na hindi pa rin niya ako matanggap bilang kapatid niya. O kahit hindi na lang iyon, kahit bilang isang kaibigan man lang. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Simula't sapol ay hindi niya ako matatanggap. Dahil sa pag-alis ni Harvey ay para na ring hiniwalayan siya ng kanyang girlfrien

