NAULIT ng ilang beses ang ganoong paglalasing ni Xavier at alam kong si Harvey ang dahilan niyon. Simula kasi ng umalis ito ay panay na ang paglalasing niya. Habang ganoon ang ginagawa niya ay patuloy ko naman siyang pinagtatakpan sa mga magulang niya. Marami na akong nagawang kasinungalingan sa mga ito. Minsan nga sa kwarto ko na lang siya pinapatulog para hindi siya madaling mahuli nila tito. Isa pa sa tuwing nalalasing siya ay hindi na niya ako binibitawan pa. Para siyang linta kong makakapit sa akin. Hindi ko alam ang dahilan niyon pero sa tingin ko pinagkakamalan niya akong si Harvey. Hinayaan ko na lang din para wala ng gulo pa kahit sobrang naiilang ako sa ginagawa niya. Tulad ngayon, nandito ulit siya sa kwarto ko at mahimbing na natutulog sa kama ko. "What time is it?" Halos m

