HALOS hindi na ako bitawan ni Papa nang makita niya ako. Pareho kaming umiiyak habang magkayakap. Kararating lang nila ni Tito Xander galing Maynila. Si Xavier ang sumundo sa kanila sa airport. Wala akong narinig sa kanila kung 'di ang pangungulila nila sa akin. Hindi sila makapaniwala na buhay pa ako, nasa harap nila. Nahahawakan at nakakausap. "Ano ba ang nangyari sayo anak? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Buong akala namin ay patay ka na." Naiiyak na tanong ni Papa. Pinahupa ko muna ang emosyon ng bawat isa bago ko isinalsay ang nangyari sa akin. "Sana ay mapatawad ninyo ako sa lahat ng ginawa ko." Wika ko matapos ikwento sa kanila ang lahat. Ngumiti si Papa at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya ito. "Naiintindihan ko ang lahat anak, kami ng daddy mo. Hindi mo ginusto ang nangy

