WALANG mapagsidlan ang kasiyahan ko habang kaharap ko ang mga taong pinakamamahal ko. Sa kaunting oras na nakasama ko si CJ ay napalapit na agad ang loob ko sa bata. He's my son after all, gaya na nga ng sabi ni Xavier. Hindi ko lubos maisip na tinupad niya ang isa sa mga pangarap namin noon. And he named our son after me. Doon pa lang ay nasisigurado ko ng mahal ako ni Xavier. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin tuluyang nagsisink-in sa akin ang mga nangyari. It was surreal. Wala sa hinagap ko na mangyayari ang lahat ng ito. Naging walang silbi ang pagtitiis ko ng apat na taon na hindi kapiling si Xavier. Sa kabila ng kasiyahan ng nararamdaman ay hindi ko naman maiwasang isipin si Harvey. Alam kong siya ang nasa tabi ni Xavier noong mga panahong wala ako sa tabi nito. Isa si

