Chapter 33

2756 Words

SA MATAGAL na panahon ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na nagmumula sa kanyang katawan. Ang pakiramdam na hindi ako mapapahamak sa higpit ng kanyang yakap. Dito na tumakas ang luha sa aking mga mata. Hindi ko aakalain na sa pagkakataong ito ay makakaharap ko na siya. "Oh God, y-you're real. You're real. Buhay ka. Buhay ka..." Umiiyak na wika niya habang mas hinihigpitan pa ang pagyakap sa akin. Hindi ako makagalaw. Wala na rin sa tamang wisyo ang aking isip kung ano ang dapat na gagawin. Ang puso ko ay hindi na rin alam kung ano ang dapat na maramdaman. "Hindi ako naniniwalang patay ka na. Alam ko na nandiyan ka lang sa paligid. Naghihintay na hanapin kita. Diyos ko, sana hindi ito paniginip. My love of my life is really in front of me. My Caine is here. You're here, baby."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD