JAMESON volunteer to drive. Pinagbigyan ko na rin siya dahil masyadong mapilit. "Anong oras magsisimula ang mass?" Tanong niya. Tumingin ako sa wristwatch ko. "Thirty minutes from now. Sakto lang para makarating tayo sa simbahan." Sagot ko sa kanya. Nagulat ako kanina nang siya pala ang humablot sa kamay ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Tinanong niya kung saan daw ako pupunta ng ganito kaaga. Nang sagutin ko ang tanong niya ay sinabihan niya ako na huwag munang aalis dahil magbibihis siya, sasamahan niya raw akong magsimba. "Did you already had your breakfast?" Tanong niya. "Hindi pa. Pagkatapos na lang ng misa." "That's good to hear then. Finally, makakasabay na rin kitang kumain. My treat." He said and chuckled. Napatawa na lang din ako. Mukhang hindi na rin ako ma

