PAGBALIK ko sa opisina ay agad kong hiningi sa receptionist ang listahan ng lahat ng mga guest at tama nga ako sa aking hinala. Nandito nga sila. Nakacheck-in silang tatlo sa isang family size room. Nang makita ko si Harvey kanina ay para akong binuhusan ng malamig na tubig lalo na nang tinawag siyang mommy ni CJ. Tila naitulos ako sa aking kinalalagyan. Hindi inakalang iyon din pala ang simpleng iniisip ko lamang nang makita ko ang bata. Bumuo na nga talaga sila ng isang pamilya at si CJ ang isa pang miyembro nito. Kamukhang-kamukha ni Xavier ang bata kaya sigurado akong hindi nila ito inampon. Marahil nakabuntis si Xavier o nag-undergo ng surrogacy. But the point there is, they are a family now. Maraming taon ang lumipas at kailanmam ay hindi ko sinubukang alamin ang buhay nila kah

