MAKALIPAS ang isang oras ay nakausap ko si Jameson. Nakasuot na siya ng maayos na damit and mind you, mas lalong lumabas ang kagwapuhan niya. Mas gusto ko ang ganitong ayos niya kaysa nakabalandra ang katawan na gustong-gusto naman ni Eirin. Wala akong nagawa kung 'di ang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin. Simula sa pagsabog noon sa bodega, sa pagkakaligtas ko, sa pag-alis ko at sa nalaman ko sa pagkatao ko. Nagulat siya sa mga nalaman. Naikwento ko rin sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin noong umalis ako sa pamilya ng mga Montenegro hanggang sa naging security agent. Pinatagpi-tagpi ko rin ang lahat na mas lalong ikinagulat niya. It takes me a lot of time to explain everything to him. "Wow! You never fail to amaze me. Maraming nangyari sa buhay mo na sa mga telesery

