bc

Ang Kwento nang Dalagita na matigas ang ulo.

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
twisted
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Blurb: Maldita at sobrang tigas ng ulo ni Addy madalas niyang sinusuway ang mga utos at magagandang payo ng kaniyang mga magulang. Sa pag-aakala niyang walang mali sa kaniyang ginagawa nakipagrelasyon siya sa bilyonaryong binata na nakilala niya sa isang dating site. Wala siyang alam tungkol sa personal na buhay ng binata basta ang alam niya mahal na mahal siya nito.

Ano kayang kapalaran ang naghihintay kay Addy sa kamay ng bilyonaryong binata? Hihiga kaya siya sa dollars oh, luluha siya ng dugo sa piling nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Araw-araw ma-agang gumigising si Aling, Aida para magluto ng almusal. Pagkatapos niyang magluto inihahanda niya ang baon ng kaniyang dalawang Anak, at pinakamamahal niyang asawa. "Agom, ako na ang magsasalin ng kapeng bigas sa thermos. Gisingin mo na si Addy para sabay-sabay na tayong mag-almusal." Masiglang wika ni Mang, Andoy. "Oh, sige mahal, maglagay ka na rin ng plato sa mesa." Iniabot niya ang thermos kay Mang, Andoy at malalaki ang hakbang na lumabas siya ng kusina. Hinawi ni aling, Aida ang kurtina na nakatabing sa pintuan ng kwarto ni Addy at naglakad siya palapit sa papag na hinihigaan ng dalagita niyang anak. "Anak, gumising ka na dahil tanghali na! Marami pa tayong gagawin." Tinapik niya sa pisngi si Addy. Nagising siya dahil sa malakas na boses ng kaniyang Ina. "Mama, naman eh, umagang-umaga napaka-ingay mo. Saka napaka-aga pa ho, para gumising." Ina-antok niyang wika habang siya ay naghihikab. "Diyos ko! Addy ala-syete na ng umaga! Kanina pa tumigil sa pagtilaok ang mga manok. Sikat na sikat na si Haring araw! Pero ikaw tulog mantika parin, at saka pwede ba Anak, huwag na huwag mo akong sasagutin ng pabalang. Dahil baka pagdating ng araw na magka-anak ka ay maging suwail din ang Anak mo!" Na-iiritang sermon ni Aling, Aida sa kaniyang Anak. Imbis na pakinggan niya ang sinasabi ng Mama niya binalewala niya ito. Tumagilid siya ng higa at nagtalukbong siya ng kumot. "Diyos ko! Talagang bata ka napakatigas talaga ng ulo mo! Wala ka talagang paki-alam kahit na mapatiran ako ng ugat sa leeg dahil sa kasisigaw." Mangiyak-ngiyak na wika ni Aling, Aida. Nakasimangot na hinarap niya ang kaniyang Ina, na nagpupuyos sa galit. "Di ba sabi ko naman sayo Mama, huwag mo po akong gigisingin ng ma-aga tuwing araw ng sabado dahil kusa po akong gigising." Lalong nadagdagan ang pagka-iritang nararamdaman ni Aling, Aida pero imbis na sermunan niya si Addy mas pinili niyang huminahon. Umupo siya sa gilid ng katre at tinitigan niya si Addy ng buong pagmamahal. "Alam mo Anak, kaya kita ginigising ng ma-aga araw-araw para kahit papa-ano makapag-bonding naman tayong buong mag-anak. Dahil alam mo naman ma-aga kaming uma-alis nang Papa, mo para maghanap buhay." "Ang drama mo naman Mama eh, halos araw-araw na tayong nag-bo-bonding sa hapag kainan. Kaharap ang piniritong tuyo at sinangag na bahaw. Hindi ka po ba nagsasawa? Dahil ako po Mama, sawang-sawa na gusto ko naman pong makatikim ng masarap na almusal." Naka-simangot na wika niya. "Pasensya ka na Anak, iyon lang ang kaya naming bilihin ng Papa mo. Kasi nagtitipid kami para kahit papa-ano may ma-itabi kaming pera para sa pag-aaral mo." "A-anuhin ko naman ang edukasyon Mama, kung kumakalam ang tiyan ko?" Pilosopong tanong niya sa kaniyang Ina. "Anak ang edukasyon ang isa sa mga importanting bagay dito sa mundo. Dahil kahit mahirap ka kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral pwede kang makakuha ng magandang trabaho. At ang iyong pinag-aralan Addy ay hinding-hindi makukuha ng ibang tao dahil naka-ukit na iyon sa isipan mo. Ang edukasyon ang kayamanan na lagi mong dala-dala kahit saan ka man pumunta. Kaya ipangako mo sa akin Addy na pagbubitihin mo ang iyong pag-aaral para makapagtapos ka ng kolehiyo." "Opo, Mama." Matamlay niyang sagot. Ramdam ni Aling, Aida na hindi siya pinakikinggan ni Addy. "Sundin mo ang mga payo ko Anak upang hindi ka maligaw ng landas. Lagi mong tatandaan na bukod sa edukasyon kailangan mo rin maging mabait, maging magalang at maging mapagpakumbaba sa iyong kapwa para maging matagumpay ka sa hinaharap." "Alam ko po Mama, araw-araw ko na iyang naririnig eh." Na-iinis na wika niya. Napabuntong-hininga na lang si Aling, Aida sa kamalditahan ni Addy. "Oh, sige Anak, bumangon ka na at ayusin mo na itong hinigaan mo." "Sige, po Mama." Saad niya habang siya ay tumatayo sa katre. "Ma-u-una na akong pumunta sa kusina Anak, sumunod ka na lang. Ipagtitimpla ko pa kasi ng kape ang Papa, mo." "Okay, po Mama." Sagot niya habang siya ay nagtutupi ng kumot. Nang masigurado niyang nasa kusina na ang kaniyang Ina, nagmamadali na kinuha niya ang mumurahin niyang touch screen cellphone sa ilalim ng unan. Nakangiting binuhay niya ang data at humiga siya sa papag. Sinimulan niyang basahin ang mga mensahi na galing sa kaniyang mga kaibigan. "Oh, bakit Agom, natagalan kang bumalik dito sa kusina?" Tanong ni Mang, Andoy kay Aling, Aida habang nagtitimpla ito ng kapeng bigas. "Nagtataka ka pa eh, alam mo naman kung bakit lagi akong tinatanghali dahil diyan sa Anak, mo na sobrang tigas ng ulo. Hindi ko alam kung kanino nagmana si Addy ng ugali dahil tayo namang dalawa ay mabait at may respito sa kapwa natin tao." "Alam mo Agom, mabait naman si Addy eh, iyon nga lang minsan may topak. Siguro normal lang iyon sa mga kabataan ngayon." "Ayan ka na naman Andoy! Nagiging abogado ka pagdating sa Anak, mo! Kaya lumalaki ang ulo ng anak natin dahil lagi mo siyang ipinagtatanggol kahit mali na ang kaniyang ginagawa." Iritableng wika ni Aling Aida habang naglalagay ito ng fried rice sa pinggan. Nang makita ni Mang, Andoy na nakasimangot si Aling, Aida hindi na ito nagsalita. Mas pinili niyang manahimik dahil ayaw niyang tuloyan na magalit ang pinakamamahal niyang asawa. "Andoy, na saan si Andrew? Bakit hindi pa siya kumakai---" "Andito na po ako Mama, inutusan po ako ni Papa, na bumili ng bente pesos na pandesal sa panaderya." Nakangiting wika ni Andrew habang inilalapag nito sa mesa ang supot na may lamang pandesal. "Naku! Bumili pa kayo ng pandesal eh, may kanin, tuyo at kamatis naman. Kung ibinili mo na lang ng sardinas iyong bente pesos edi sana may panglahok na tayo sa ginisang kangkong mamayang tanghali." Nang hihinayang na wika ni Aling Aida." "Hayaan mo Agom, ibibili kita ng sardinas bago ako umahon sa bundok." Wika ni Mang, Andoy habang isina-sawsaw nito ang pandesal sa mainit na kapeng bigas. "Oh, sige kumain na kayong mag-ama. Pupuntahan ko lang ulit si Addy sa kwarto niya titingnan ko kung ano na ang ginagawa ng batang iyon." Malalaki ang hakbang na naglakad si Aling, Aida papunta sa kwarto ni Addy. Nadatnan niya si Addy na tumatawa habang nakatingin sa cellphone. "Sus Maryosep! Addy kanina ka pa namin hinihintay sa kusina pero wala kang paki-alam. Dahil andito ka sa kwarto mo parang tanga na tumatawa mag-isa." Gulat na gulat siya ng biglang sumigaw ang Mama, niya hindi niya na-malayan ang biglang pagpasok nito sa maliit niyang silid na yari sa kahoy. Dahil busy siyang makipag-chat sa boyfriend niyang seaman. "Sorry, po Mama, dahil hindi ko po agad na sunod ang utos mo. Ka-chat ko po kasi ang classmate ko pinag-u-usapan po namin ang tungkol sa gaganaping re-treat sa school next week." Hindi malaman ni Aling, Aida kung paniwalaan ba niya ang sinasabi ng kaniyang Anak. May tiwala naman siya kay Addy pero hindi niya ma-iwasang pagdudahan ang mga sinasabi nito dahil maraming beses na itong nagsinungaling. "Siguraduhin mo Anak, na tungkol sa re-treat ang pinag-uusapan ninyong magkaklase. Dahil kung tungkol sa kabulastugan ang pinag-u-usapan ninyo ay huwag ka ng pumunta sa school next week. Dahil baka mag-laskwatcha ka lang kasama ang mga kaklase mo." "Grabi ka Mama! Napaka-advance mo pong mag-isip." Naka-pout na wika niya. "Huwag mong masamain ang mga sinabi ko Anak, ini-isip ko lang ang kaligtasan mo. Kasi ang dami kung napapanuod sa balita na mga kabataang napahamak dahil sa paglalayas nila ng hindi nagpapa-alam sa magulang." "Alam ko Mama, na concern na concern ka sa akin but don't worry about me. Kasi kayang-kaya kong alagaan ang sarili ko. Ang mabuti pa Mama, pumunta na tayo sa kusina para makakain na tayo ng break fast." Ipinulupot niya ang braso sa bewang ng mabait niyang Ina, at naglakad sila papunta sa maliit nilang kusina pero malinis. Tuwing naglalambing siya sa kaniyang Ina napapawi agad ang sama ng loob nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook