ELAYZA Nang makuha ko ang medicine kit ay ay bumalik din agad ako sa kwarto ni Sir Arc. "Oh, Sir? Mabubusog po ba kayo kapag tinitigan niyo lang ang almusal niyo?" sarkastikong tanong ko kay Sir Arc. Nakaupo lang kasi siya sa gilid ng kama niya habang nakatutok ang tingin sa pagkain. Umangat ang tingin niya para tingnan ako. "Bakit ba hindi mo ako sinusunod. I said I don't want to eat my breakfast here. Hindi nalumpo, ok?" supladong sabi niya. "Ok. Pwede naman po kayong bumaba. Para wala ng masyadong bangayan sa ating dalawa. But first... hayaan niyo akong gamutin muna at lagyan ng bandages ang mga sugat niyo." Lumapit na ako kay Sir Arc at saka umupo sa sahig paharap sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa kaya naman sinimulan ko ng buksan ang kit at kunin ang betadine at bulak.

