ELAYZA "Year 2015 nang ikasal muli si Sir Arnold kay Ma'am Beverly. Iyon din ang taon kung kelan naging na-approbahan ang annulment nina Ma'am Hilda at Sir Arnold," panimula ni Manang Gigi habang nakaupo kami sa lamesa. Nakabihis na ako ng pangbahay. Simula kasi kanina na nasa itaas ako't ginagamot si Sir Arc ay nakapang-alis ako since kararating ko lang din galing day off. Umaga palang ang dami ko ng ginawa sa bahay ng mga Silvestre pero ayos lang. Worth it naman 'yong pagod ko sa binibigay nilang sahod sa akin. Bago ako magtanong ay napatingin ako sa pintuan kung saan pumasok mula sa labas si Ate Lara. Nginitian ko lamang siya na noon ay dala ang isang basket na pinaglagyan ng maruruming damit ng aming mga amo. Siguro ay tapos na siya maglaba. Alas 10 na rin kasi ng umaga. "Mu

