Chapter 78 ARC "Mom, why are you doing this to me? Bakit pinipilit niyo na ipakasal sa akin si Natalie kahit hindi ko naman siya mahal!" sigaw ko kay Mommy habang naguusap kami sa sala. Alas otso ng gabi nang magkamalay ako. Una kong hinanap si Elayza pero hindi ko natuloy pa ang naiisip kong hanapin si Elayza sa paligid dahil napatigil ako. Naroon ako sa isang pamilyar na silid. Yeah, sa silid kung saan ako nag-i-stay ng ilang araw na. Lumabas ako sa kwarto at hinanap ko kaagad si Mommy. Nakasunod naman ang dalawang gwardiya sa akin na noon ay nakatayo sa labas ng aking pintuan. "Pagmamahal? Bakit iniisip mo ang bagay na 'yan ngayon? Hindi na uso 'yan Arc. Akala ko ba alam mo 'yon. Pera na ang umiikot sa bawat tao kaya naman dapat maging wais ka kung sino ang pipiliin mo." "Yeah,

