Chapter 79 2 years after "Elayza!" Napalingon ako sa likuran ko para tingnan kung sino ang tumawag sa akin. "Kumusta ang demo teaching mo? Oy! Balita ko maganda daw 'yong feedback sa 'yo ng cooperating teacher mo, congrats insan!" masayang bati Janela sa akin nang makalapit siya. Mas niyakap ko pa ang dalawang libro na hawak ko bago ngumiti at tiningnan si Janela. "Salamat. Ikaw din naman, nadaanan kita kanina ang ganda mo magturo. Pwede ka na maging teacher." "Naku! Ayoko. Magiging losyang lang ako sa mga bata," wika niya saka tumawa. "Ginawa ko lang 'yon kasi requirements natin pero kung hindi. Talagang hindi mo ako mapipilit magdemo." Nagsimula kaming maglakad palabas ng gate ng eskwelahan kung saan kami naka-assign para sa aming practice teaching. "Hay salamat, natapos din

