Epilogue GRADUATION DAY.... ELAYZA "Congratulations..." nakangiting bati ng principal sa akin saka kinamayan ako. "Thank you Ma'am," nag-uumapaw sa galak na sabi ko. Suot ang itim na toga ay naglakad ako sa unahan ng stage para mag-bow. Habang ginagawa ko 'yon ay balong ng luha ang mga mata ko. Lalo na nang tingnan ko si Mama sa inuupuan niya. Kitang-kita ko kung paano siya nagpunas ng luha gamit ang panyo na hawak niya. Parang hinaplos ang puso ko sa ginawa nang makita ko iyon. Kinawayan ko siya at kinawayan niya naman ako pabalik. Halata sa mukha ni mama na sobrang proud na proud siya sa akin. Bago pa ako maiyak sa stage ay naglakad na ako papunta paalis doon. Para akong naglalakad sa ulap ng mga oras na iyon. Ganoon pala ang pakiramdam ng sa kabila ng mga nangyari ay nagawa k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


